Share

Nursing

Chapter 8

Hindi pa rin ako mapakaniwala. Parang nawala ako sa mundo ko.

"Dahil sa ikaw ang napili ko..." sabi niya bigla kaya lang ako bumalik sa katotohanan. "...o," sabay abot ng dalawang papel sa akin.

Binaba ko ang kahon sabay kinuha ito. "Ano ito?"

"Malamang papel. Baka tissue tingin mo," sagot niya.

Napakunot ako ng noo sa irita. Umagang-umaga, may lakas na loob na talaga siyang mang-asar?

"At anong gagawin ko rito, aber?"

"O ballpen," sabay abot nito sa akin. "Sign on the blank space provided over your printed name in each of the paper. Patunay yan na Personal Assistant na kita from this day on."

"Wow, pa-sign-sign ka pang nalalaman. Sosyal mo rin noh?" sagot ko.

"Ang dami mong satsat. Mag-sign ka na lang," sagot niya.

Hayst, ang sungit. "O eto na," sabay naglagda nga ako sa dalawang papel na binigay niya.

Pagkatapos, saka ko binalik ang dalawang iyon sa kanya.

"Keep the other one," utos niya

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status