Sa ilalim ng tahimik na gabi, sa isang tagong lugar, kung saang merong isang—
BOOM! Isang sabog ang umeksena sa isang gusali.
"Emergency. Emergency. Please leave the vicinity immediately!" tunog ng alarm ng paulit-ulit.
Maraming taong nakasuot ng kanilang mga puting lab gowns ang nagsisitakbuhan at nagpapanik sa loob ng nasusunog na establishemento para lang makalabas at maligtas ang mga sarili sa pangyayari... ngunit wala ni isa ang nakalabas.
Bang! Bang! Tik! Tik! Takatakatak! Swish! Fwoosh! Aaahhh!
Mga tunog ng kanilang mga sigaw at tuloy-tuloy na laban para sa kanilang buhay ang tanging naririnig sa bawat sulok ng nasusunog na gusali. Ang mga scientists na ito ay ginagawa lahat ng paraan para lang makatakas sa kamatayan sa kamay ng mga tinatawag nilang tailed beasts.
Ang mga tailed beasts ang rason kaya nangyayari ang isang hopeless na sitwasyon para sa mga tao na makalabas ng buhay. Sila ang dahilan kaya nangyari ang pagsabog. Ginawa nila ang lahat, para rin makatakas sila sa marahas nilang pamamaraan kung paano sila eksperimentuhin.
"Aaaaahhh!" sigaw ng isang babae bago siya saksakin ng mga matutulis at malalaking karayom at bawian ng buhay. The tailed beast with hair as sharp as needles came in walking in front of the lady she just killed.
Bang! She heard from behind her and quickly, she jumped to dodge it at mabilis na nakarating sa likod ng isang scientist na may hawak na baril. Humarap ang scientist to protect himself but he was intimidated by the feathers the girl showing off to him, just like how a male peacock shows his tail to attract a female peacock. Little did that scientist knew that those same feathers are as sharp as her needle hair kaya kasing bilis bago pa niya mapikit ang kanyang mga mata ay naramdaman na niya ang sakit sa iba’t ibang parte ng katawang tinusok niya at bawian din siya ng buhay.
Slash! Bang! Nang marinig yun ng babaeng tailed beast, she quickly ran in her own two feet para hanapin ang labasan at makatakas. Upon running, she ran into another of her fellow tailed beast, with ears as long as a bunny and a red crystal gem in between his forehead, controlling the attacker right in front of him lifting him up in the air. Nakatitig lang ang lalaking tailed beast sa scientist na nasa ere, with no expression at all in his eyes kahit mukhang nahihirapan na ang scientist. The scientist looked back at him and at the same time, the crystal gem glowed bright red causing the neck of the scientist to suddenly crack, that ended his life.
The male tailed beast with big ears and the female tailed beast looked at each other, not stating a word but both knew in their stares, may mga tao sa kanilang likod na handa silang patayin. Pero bago pa sila maka atake, the male tailed beast was able to control them to drop their weapons and the female tailed beast showed her third tail, a long fish tail full of sharp scales. When the male tailed beast lifted them a few inches above the ground, the female tailed beast showed the beautiful sharp scales to the 3 scientists before using those same sharp scales to end their life.
Together, both tailed beasts looked their way around the burning building and because of the long ears of the male tailed beast, they were able to find their way out...
...pero bago pa tuluyang makatakas ang babaeng tailed beast, someone throw a grenade on the exit na nakita naman ng babaeng tailed beast, and good thing she was quick in her senses para maiwasan iyon. She made a back flip para hindi masabugan and when she landed on her feet, turned around to use the feathers of her back to protect her from debris.
Bang! A shot from a gun made the female tailed beast use her fish tail to repel the bullet and glared at the man holding the gun. The man ran out of bullets so he tried to refill his gun pero agad umatake ang babaeng tailed beast with her needle hair at sinubukang iwasan iyon ng lalaki pero sa dami, may ilan na dumapo sa mga balikat at binti niya. Dahil doon, napaluhod ang lalaki sa sakit. The female tailed beast slowly walked toward the man while showing all her 3 tails; her needle hair, her sharp feathers and her long scaly fish tail. Pagkalapit niya, sa natitirang lakas ng tao, sinubukan niya pa ring barilin ang kaharap niyang tailed beast but she didn't let him slip a chance and killed him brutally right in front of her.
Tik! Her attention was quickly caught dahil sa ingay at umatake agad ng mga patalim kung saan nanggaling ang ingay pero pagkalingon niya, walang tao roon.
"Sandali!" sigaw ng isang babae showing her hand at unti-unting sumilip while hiding behind a wall. The female tailed beast stood on her ground with her eyes on her.
"I am not here to hurt you. I am not like the rest," sabi ng babae and slowly showed herself right in front of the tailed beast, raising both her hands in the air as a sign of surrender.
The female tailed beast didn't utter a word but using her eyes, she looked at the lab coat of the woman in front of her na napansin naman ng babae. Agad naman siyang napatingin kung saan siya nakatingin at may kinuhang bagay sa bulsa ng kanyang lab coat.
The female tailed beast was ready to attack nang makita ang baril na hawak-hawak ng babae pero agad niyang binitawan ang baril at sinipa pa ito palikod.
"Binigay lang sa akin iyon ng mga kasamahan ko para sa kaligtasan ko. I don't even know how to use it," sabi ng babae that made the female tailed beast loosen up, but still with glare in her eyes not letting her guard down.
"Habang wala pa sila, kailangan mo nang umalis," banta ng babae sa tailed beast. "All of you tailed beast don't deserve to be treated that way kaya hinahayaan ko kayong makatakas. Bilis!"
The female tailed beast didn't utter another word pero, nabigla ang babae nang umatake ang tailed beast kaya siya napapikit ng mga mata.
Pero wala siyang naramdamang sakit at narinig na lang ang pagbagsak ng ilang katawan sa kanyang likod. Napalingon siya dahil doon at nagulat sa dalawang katawang puno ng mga needles, sharp feathers and fish scales around their body.
Napatingin lang siya pabalik sa female tailed beast na sinusubukang tanggalin ang mga debris na nakaharang sa exit. The female scientist looked at the tailed beast with pity and compassion. She sees how despite they are indeed beasts, they are also part human that's why they can blend in with the people around them and hide their tails.
Bang!
8 tailed beasts were able to escape from a yet still burning and destroyed building. The tailed beast didn't care kung may mga nakalabas bang mga taong nag-eksperimento sa kanila basta ang importante, kumpleto silang walo and they have their freedom. They promised to each other that never again, humans must not know who they really are...
...except for one scientist.
"Please, I beg you..." she said shakily while looking at the tailed beast right in front of her. "Kahit itong... huling hiling ko lang..."
Ngumiti ang babae sa kanya kahit puno ng dugo ang bunganga niya and her white lab coat stained with her own blood. May tumulong luha muna sa kanyang mga mata, and looked at her with pleading in her eyes...
"Please... keep my son... safe."
Chapter 1"...keep my son... safe. His name... his name is..."Napamulagat ako ng mga mata ng di oras.Kriiing! Naunahan ko pa ang alarm clock ko. Kahit malakas na ang tunog nito, napatulala muna ako sa aking kisame bago ko nga nilingon ito at pinatay. Unti-unti akong bumangon sa aking kawayan na kama at pagkaupo, napatulala na naman ako, puno ng alala ang mga mata.Hindi niya nabanggit ang pangalan niya. Paano ko siya mahahanap?Napalingon ako sa maliit na mesa na katabi lang ng kama ko kung saan nakapatong ang alarm clock ko, at ang isa pang bagay na maaaring maging daan para mahanap ko nga ang taong tinutukoy niya.Napatingin muli ako sa orasan at bahagyang nagulat na ilang minuto na ang lumipas kaya agad akong bumangon para pumunta sa banyo at maligo. Pagkatapos, nagbihis ako ng kaswal na damit na panglabas at lumabas sa aking maliit na bahay kubo na gawa sa mga pinagtagpi-tagpi na kahoy at yero at kinandado ang pinto nito.
Ginawa namin ang trabaho namin hanggang mag-gabi. Mabuti na lang at walang masyadong aksidente at disgrasyang nangyari ngayon. May ilang customer lang na magrereklamo pero propesyunal namin itong nireresolba."Time check, alas otso na," sabi ni Geoffrey mula sa counter kaya napatingin naman ako sa orasan ng café habang nilalagay ko ang ilang baso at plato sa isang palanggana para dalhin kay Ate Willow. Iilan na lang ang customer sa ganitong oras pero halos lahat sila ay estudyante na parang gustong magpuyat.Mayamaya,"8:30," sabi bigla ni Geoffrey kaya nagkatinginan kaming tatlo nila Iris at Lizar at ginawa ang dapat gagawin. Sa ganung oras, bawat customer na nandito pa rin sa shop ay pinakiusapan namin na hanggang alas nuebe (9) lang ang café para tapusin nila ang kailangan nilang tapusin. Matitigas ang ulo ng iba at mabuti na lang at tinuruan kami ni Ma’am na huwag patulan ang mga ito pero pag sobrang tigas talaga ng ulo, si Ma'am Safira t
Chapter 2"Andito ako para pag-usapan ang tungkol sa hinahanap mong tao," sabi ni Ma'am.Tuluyan akong nagulat sa lugar ko nang marinig ko iyon."Nung 13 ka, pumasok ka sa isang paaralan as a grade 7 and 8 student tapos bigla na lang lumipat ka sa isang high school para pumasok as grade 9 and 10. Akala ko ibang track ang gusto mo sa huli mong highschool kaya ayaw mong ipagpatuloy ang grade 11 mo roon pero nang kunin mo ang isang track na meron naman sa highschool na iyon, hindi sana ako magtataka at malalaman ang tungkol sa concern mo."Napayuko ako. "Personal po kasi siya Ma'am," sabi ko."Alam ko. Ayaw ko sanang makialam pero hindi ganun kadali na palipat-lipat ka ng paaralan para lang maghanap ng isang taong hindi mo naman alam kung anong pangalan niya at tanging ID lang ng nanay niya ang meron kang clue para mahanap siya."Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Ma'am."Isang tulong man noong inalukan ko kayong walo na magtrabaho rito sa
Kriiing!Pagkagising ko sa umaga, agad akong bumangon para pumunta sa banyo para maghanda papunta sa eskwelahan. Lumipas ang isang linggo at ngayon ang unang araw ko para pumasok sa International Sanders Academy.Pagkarating ko muli sa gate, napatayo muna ako sa harap at parang pinagmasdan ang malaking gusali dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. May ilang pumapasok sa loob na halatang mga estudyante—Peep! Peep! Busina ng isang kotse kaya nagulat ako at napalingon sa likod at nakita ang isang itim na kotse. Gumawa siya ng hand gesture na parang pinapatabi ako sa daan."Ah sorry," paumanhin ko naman kaya tumabi ako.Akala ko aalis lang ito at lalampasan ako pero binaba niya pa ang bintana kung saan ako nakatapat at tinignan ako ng itim niyang shades."Hindi ko alam kung sadyang bulag ka lang ba talaga Miss pero hiwalay ang daanan ng mga tao sa daanan ng mga kotse. Pero kung gusto mo lang talagang magpasagasa at humarang
Chapter 3"Good morning class," bati bigla ng guro pagkapasok."Good morning Ma'am," bati ko naman pabalik at ang awkward kasi ako lang bumati. Bakit parang mali na ginawa ko iyon?"Oh I see we have a new student here."Ano? Ganun ba yun? Malalaman mo na lang na new student ka pag mag-isa kang bumati sa guro?"Kindly stand up and introduce yourself to everyone."Tumayo naman ako. "Uhm ako po si Xania at 17 years old na ako. Masaya akong makilala kayo," ngiti ko naman sa kanila pero halos ang iba ay hindi man lang ako pinansin. Okay nice talking."Thank you Xania. You may now take your seat," sabi ng guro at doon lang ako umupo. "So let's start our discussion."Agad ko namang binuksan notebook ko para handang magsulat pero nagulat ako nang iba ang nilalabas ng mga tao sa paligid ko. Grabe talaga technology ngayon. Akalain niyo yun gamit lang nila tablet, cellphone o laptop para lang mag take down notes. Nahiya naman ang notebook
Pagkatunog ng alarm na ginawa niya, agad nagising si Vince at bumangon mula sa kama niya para maligo at magbihis. Sinuot niya muna ang isang puti na polo at isang itim na necktie bago dinala ang isang itim na tux at lumabas ng kwarto. Nagpaalam siya kay Manang na gumawa na lang ng pagkain na para sa kanya at sa guards na nasa labas dahil hindi siya kakain mamaya pag-uwi.Nagpaharurot siya paalis papunta sa sinasabing barko kung saan ididiwang ang birthday ng pinsan niya. Nagparada siya sa pier bago bumaba ng kotse para sumakay sa sinasabing barko. Nasa entrance na siya nang harangan siya ng dalawang mukhang mga sea man.“Magandang hapon Sir,” bati ng isa. “Ano po ang punta niyo rito?”Tinaasan muna ng kilay ni Vince ang dalawa.“I’m here for the party,” sagot ni Vince.“Sir may invitation card po kayo?” tanong ng isa.Kumunot ang noo ni Vince. Meron naman eh, pero naiirita siya dahil baki
Chapter 4XANIAUnang araw ng pasukan, sabihin nating mukhang naging okay lang naman. Di bale nang may nakilala akong lalaking ubod ng sungit na panira ng araw dahil hindi naman siya pumasok pagkatapos ng recess. Ewan ko roon. Hindi ko nga alam kung bakit pa siya pumasok kung ganung uuwi rin lang siya. Kaya siguro naturingang badboy kasi bulakbol pala ang taong yun.Pagkatapos kong gawin ang mga pinagawa sa akin ni Ma'am Jacky, agad naman akong umalis ng paaralan pero kaysa dumiretso sa bahay, dumiretso ako sa café. Syempre kailangan ko pa ring mag-trabaho. Yun nga lang, part time ako tuwing weekdays tapos full time naman sa weekends.Pagkarating ko sa likod ng café, kumatok ako muli at bumukas muna ulit ang maliit na bintana bago nga ako pinapasok at nagulat ako sa sumalubong sa akin."Xania," ngiti niyang bati sa akin. "Buti nakapunta ka ngayon.""Axton. Asaan si Ma'am?" tanong ko."Nasa office niya syempre. Bakit?"
Nang 5 na ng umaga, agad akong bumangon para magluto. Pagkatapos saka ako naligo at nagbihis ng uniporme ko. Kinain ko agad ang almusal ko, inayos ang baon ko at lumabas agad ng bahay nung sa tingin ko wala na akong naiwan.Naisip ko rin pala, dapat ngayon kumukuha na ako ng impormasyon tungkol sa anak ni Ma'am Victoria. Alam ko nakikibagay pa lang ako sa bagong eskwelahan at jusko, ang dami kong kailangang matutunan para makibagay nga ako pero hindi ko maiwasang mag-alala para sa anak niya. Baka kung ano nang nangyari sa kanya at hindi ko man lang natupad ang pangako ko sa kanya. Baka multuhin ako ni Ma'am Victoria ng di oras.Pagkarating ko sa eskwelahan, dumiretso ako sa classroom ko at agad umupo sa upuan ko pero kahit hanggang doon, nag-iisip pa rin ako. Saan kaya rito sa ekwelahang ito ako makakakuha ng impormasyon? Sino kayang tatanungin ko? Eh kung mga kaklase ko kasi, baka hindi rin lang naman nila kilala o baka wala silang pakialam.Dumating din agad a