Share

CHAPTER 1

"What the heck?" A woman hysterically shouted at Rose nang tumapon rito ang pagkaing laman ng tray na hawak niya.

Natataranta siyang nilapag ang tray sa sahig. "Pasensya na po, hindi ko po sinasadya. S-sorry po-" paumanhin niya sabay takbo patungo sa table na may tissue.

Nasa kanila na ang atensyon ng lahat ng tao sa loob ng restaurant, may iilan na rin ang kumukuha ng videos. Akmang pupunasan niya ang damit nito pigilan siya ng babae at tinulak. 

"Don't touch me!" maarteng sigaw ng babae.

Napapikit siya at hinintay ang pagtama ng katawan niya sa matigas na bagay pero ang naramdaman niyang lumapit sa kanyang likuran.

"I'm sorry for the incident, Ma'am. Ako po ang manager dito, I'll take responsibility for this. We can talk about this sa office ko, naaabala po kasi ang ibang customers." The manager spoke in a calm and professional way.

Agad siyang lumayo mula sa pagkakahawak ng manager nilang si Dome, sumenyas naman agad ito sa kanya na huwag mag-panic at iligpit na ang mga nagkalat sa sahig. 

Yamot siyang tinapunan ng sama ng tingin ng babae bago siya nito nilagpasan.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Dome.

Tanging tango lang ang sinagot niya. Lumapit naman sa pwesto niya ang kaibigang si Sally at tinulungan siyang maglinis.

"Rose, ayos ka lang ba? Parang wala ka sa sarili mo lately," tanong ni Sally sa kanya pagkarating nila sa kitchen.

Bakas ang labis na pamumutla nito at halatang walang sapat na tulog. Kumuha naman si Sally ng tubig at ibinigay sa kanya. Hinarap niya ang kaibigan at tiningnan ito sa mata.

"Kinakailangan nang operahan si Riel. Sabi ng doctor, kulang-kulang 500k ang magagastos. Kapag hindi siya naoperahan, b-baka lumala ang kalagayan niya at... hindi ko na alam ang gagawin ko, Sally..."

Hindi niya na napigilan ang mga luha niya at tuluyan na itong nagbagsakan sa kanyang pisngi. Labis na naawa si Sally sa kanya, gustuhin naman nitong tumulong pero maski siya ay hindi rin sapat ang kinikita at nag-aaral pa ito sa kolehiyo. 

Niyakap siya nito ng mahigpit, tanging bagay na maibibigay nito sa kanya. "May awa rin ang diyos, Rose. Hihingi tayo ng tulong kay Sir Dome, marami siyang kilala na pwede nating mahingan ng tulong. Tiwala lang."  

Ibinuhos niya ang lahat ng sakit na nararamdaman sa bisig ng kaibigan, hindi niya naramdaman na nag-iisa siya sa labang iyon dahil kay Sally. Simula pa noon ay ito na ang naging sandigan niya. Ito din ang tumulong sa kanya na sampahan ng kaso ang tiyahin niya, at kasalukuyan na itong nakakulong ngayon.

Hawak ang tray na may lamang orders, huminga ng malalim si Rose, kailangan niyang magpokus sa trabaho. Hindi niya dapat hinahayaang maapektuhan siya ng problemang kinakaharap niya. Hindi siya makakapag-isip ng  magiging solusyon kung ganoon.

Tanaw niya ang isang lalaking nakaupo sa isang tabi na tila nag-aabang ng kanyang orders, tantiya niya ay nasa mid-40s na ito ngunit litaw pa rin ang angking karisma. Pagkalapit niya ay inilapag niya ang tray sa mesa nito.

Ramdam niya ang malagkit na titig nito at hindi siya naging komportable sa tagpong iyon. Ilang beses pa siyang napapalunok.

"Ito na po ang order niyo, S-sir..." Sinikap niyang hindi mautal sa pagsasalita.

"Thank you," sagot ng lalaki.

Hindi na siya nagtagal sa pwestong iyon at aalis na sana nang muling magsalita ang lalaki.

"I'm glad to finally meet you, Ms. Verdejo."

Agad siyang napatingin rito na puno ng pagtataka. Paano siya nito nakilala? Sa pagkakaalala niya ay hindi niya pa ito kailanman nakaka-encounter, ngayon pa lang.

"Magkakilala po ba tayo?" kunot-noong tanong niya.

The man chuckled. "Hindi mo man ako kilala, but your mom does. Matalik niya akong kaibigan, I lost contact with her noong umalis siya ng bansa and... I'm sorry for your lost."

Ngumiti lang siya ng pilit at kinuha na ang tray na nakapatong sa mesa.

"Kung may kailangan pa po kayo, tawagin niyo na lang po ako. May kailangan pa po akong gawin." sabi niya at umalis na.

Kahit sa mga oras na nagseserve siya sa ibang mga customers ay hindi niya maiwasang mapansin ang kakaibang tingin sa kanya ng lalaking nagpapakilalang kaibigan ng nanay niya. Mas lalo siyang kinakabahan sa klase ng tingin na ipinupukol sa kanya.

"Mukhang kursonada ka ata niyan ah!" pang-aasar ng isa niyang katrabaho na si Cedric.

Umiling siya. "Dating kaibigan lang siya ni Mama, aalis na din 'yan mamaya." wika niya.

"Isang oras niya na pinipilit ubusin ang isang plato ng spaghetti. Sa tingin mo, wala 'yang ibang intensyon?"

Hindi niya na binigyang pansin ang mga sinabi ni Cedric. Muli niyang tinignan ang lalaki at nagtama ang mga mata nila. Napalunok siya, biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Bakit pamilyar ang mga pares ng mata nito?

Gabi na nang matapos ang shift nila, kanya-kanya na sila ng pag-aayos ng mga gamit nila nang lapitan si Rose ng kanilang manager. May hawak itong sobre.

"Rose, pinapabigay ng kaibigan mo. He is in a hurry so I didn't bother to ask his name." bungad nito sa kanya.

Nagkatinginan sila ni Sally. Parehong naguguluhan dahil wala naman siyang ibang kaibigan bukod kay Sally. At ang mas nakapagbagabag sa kanya ay ang laman ng sobreng nakalahad sa kanya. 

Umalis naman agad ang manager nila pagkaabot sa kanya. Kaagad niya na itong binuksan at nagulantang nang makita ang perang nakapaloob roon. May nakita rin siyang maliit na note, tiningnan niya iyon at binasa.

"I am aware that your brother requires surgery for his cancer treatment, and I am willing to offer you a job. Come see me at my office in this address...'

"Kanino daw galing?" 

Hindi niya na nagawang sagutin ang tanong ng kaibigan dahil kahit siya ay iyan ang katanungan. Hindi na siya nagsayang pa ng oras at kinuha na ang mga gamit niya. Kailangan niyang pumunta sa hospital. Kung sino man ang taong nagpadala nito sa kanya, wala siyang ideya. At medyo natanggalan siya ng tinik sa damdamin, magkakaroon siya ng trabaho.

Pero anong klaseng trabaho naman iyon?

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status