Share

CHAPTER 65

Sinilip ni Rose ang nakaawang na pinto nang umalis si Nessa sa silid na iyon. Binalikan niya ng tingin ang nakalapag na phone sa mesa na mukhang nakalimutan nito. Inipon niya ang buong lakas niya at pinilit na tumayo sa upuan. Muli niyang sinulyapan ang pinto at nang matantiyang wala pang papasok ay agad niyang kinuha ang phone at tinago sa bulsa ng kanyang duster.

Pagkabalik niya sa kanyang inuupuan ay pasimple siyang nagdial ng number ni Sally.

"Sumagot ka..." mahinang bulong niya nang makailang ring na iyon.

Halos maubos ang pasensya niya sa pagdutdot sa cellphone dahil hindi ito sumasagot. Umabot siguro siya ng ilang minuto dahil doon pero hindi siya sumuko.

"What are you doing?"

Halos mapatalon siya sa gulat nang biglang may baritonong boses ang umalingawngaw sa buong silid. Nang lingunin niya ito ay sumalubong sa kanya ang nakakunot noong si Xavion. Madilim ang awra nito. Agad niyang isiniksik ang phone sa ilalim ng legs niya.

Tinalikuran niya ito at pinakitang galit siya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status