Share

Guns and Roses
Guns and Roses
Author: ElleyziiBubble

PROLOGUE

Sa isang hindi kalakihang salamin, tinitigan ni Rose ang sariling repleksyon. Mapapansin ang labis na pamamayat nito dahil bukod sa sunod-sunod na nightshift niya sa karinderyang pinapasukan niya ay kinailangan niya na ring mag-review para sa nalalapit nilang midterm exam. 

First semester pa lang niya as freshman pero mukhang bibigay na ang katawan niya dahil sa sunod-sunod na problemang kinakaharap. Dumagdag pa ang gastusin sa pag-aaral ng kapatid na magtatapos na rin ng highschool.

"Saan ka pupunta?" bungad na tanong ng kanyang tiyahin nang nasa harapan na siya ng pintuan, nakapameywang itong lumapit sa kanya at pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa.

Napayuko siya, "Papasok po sa eskwela," mahinang sagot niya.

"Hindi ka papasok ngayon, at kailanman. Magbihis ka na. May pupuntahan tayo," wika nito at akmang tatalikod nang magsalita siya.

"May importante pa po akong kailangan gawin, Tiya. Pasensya na po, hindi po ako makakasama." Umambang maglalakad na si Rose nang biglang may humila ng buhok niya.

Napadaing siya sa sakit at kalauna'y bumagsak sa sahig. Mangiyak-ngiyak siyang napatingala sa kanyang tiyahin na nanlilisik na ang mata sa galit dahil sa naging kilos niya.

"Ang ayaw na ayaw ko sa lahat ay 'yong tinatalikuran ako."

Yumuko ito para mapantayan siya at muling hinila ang buhok niya, "Kapag sinabi kong hindi ka papasok, hindi ka papasok. Kung tutuusin, dumadagdag ka lang sa gastusin. At 'yang kapatid mo, magtatapos man 'yan o hindi, trabahador lang din bagsak niyan. Kung susuway ka sa akin, siguruhin mong matigas ang mukha mo." Tinulak na siya nito dahilan para mapahiga na siya sa sahig.

Hindi niya napigilan ang luhang nagkanya-kanya na ng bagsakan sa pisngi niya. 

Konting tiis pa, makakawala rin sila sa impyernong to.

Siyam na taon siya noong una silang tumuntong sa pamamahay na ito. Sa unang tingin ay napakaaliwalas ng bahay. Napapaligiran ng mga muwebles at palamuti. Hindi pa noon nalululong ang tiyahin sa sugal at buhay pa ang kanyang ina na katuwang nito sa pagtatrabaho. 

OFW ang inay niya pero hindi inaasahang sa pagbabalik nito sa Kuwait ay saka naman ito ginahasa at napaslang ng isa sa mga katrabaho nito.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin noong mga panahong iyon, buong akala niya ay hindi magbabago ang pagtatrato sa kanila ng kanyang tiyahin pero nagkakamali siya. 

Demonyo ito, hayop pa sa hayop. Walang araw na hindi sila sinasaktan nito. Kulang na lang ay patayin na sila sa bawat paghampas ng sinturon nito sa kanilang katawan. Wala na itong pakialam kahit halos buto-buto na sila.

May pumaradang kotse sa harap ng bahay nila, nilingon niya ang tiyahin. "Si Riel po, tiya—"

"Sumakay ka na, andami pang dada, e!"

Tinulak na siya nito papasok sa likurang bahagi ng sasakyan. Doon na siya mas lalong kinabahan. Hindi maganda ang pakiramdam niya rito. 

"Saan po ba tayo pupunta?" mangiyak-ngiyak niyang tanong.

Ngunit imbes na sagutin siya ay naghalikan lamang ang dalawang tao sa harapan niya at sunod-sunod na halinghingan ang narinig niya bago nila paandarin ang sasakyan.

Dinala siya ng tiyahin sa isang club, hindi maganda ang pakiramdam niya doon kaya napaatras siya nang nasa entrance na sila.

"Umuwi na po tayo, kailangan ko pa pong-"

Mahigpit siyang hinawakan nito sa braso, "At saan ka pupunta? Walang aalis, hindi ka aalis, Rose. Huwag kang mag-aalala, masasanay ka rin dito. Mag-eenjoy ka." Gumuhit ang nakakalokong ngisi sa labi nito.

Nagpumiglas siya, "Parang awa niyo na po..." pagsusumamo niya.

"Hawakan mo nga 'to, baka tumakbo pa 'yan. Mapahiya pa ako," utos ng ginang sa kanyang kalaguyo.

Pumasok sila sa isang maliit na opisina kung saan doon ay may naghihintay na isang lalaki at natuwa ito nang makita siya. Hindi naging maganda ang pakiramdam niya nang makita ito. Naaamoy niyang may hindi magandang mangyayari.

"Siya na ba?" tanong ng lalaki pagkalapit sa kanila. 

"Opo, boss!" sagot ng lalaking kalaguyo ng kanyang tiyahin.

Hinaplos nito ang kanyang buhok at maya-maya ay may sinenyas ito sa kanyang tauhan. Ilang sandali ay bumalik na ito na may dalang case at syringe.

"Huwag kang matakot, hindi ito masakit."

Naalarma siya at agad na lumayo. "Ano 'yan? Ilayo niyo sa akin 'yan!" natatakot niyang sabi.

Mabilis siyang nahuli ng tiyahin at hinila ang buhok niya, napadaing siya sa sakit dahil sa lakas ng pagkakahigit nito sa kanya, parang matatanggal ang anit niya sa sobrang lakas. Maging ang kalaguyo ng tiyahin ay tumulong sa paghawak sa kanya.

Sa muling pagkurap niya ay nakabaon na sa kanyang leeg ang karayom.

"Magpakabait ka ha?" mga salitang narinig niya bago siya makaramdam ng kakaiba sa katawan.

Sa kabila ng hilo na nararamdaman ay pinilit niyang makawala sa pagkakahawak ng mga lalaki sa kanya, hinayaan lang siya ng mga ito na makawala at nagtatawanan pa na parang pinaglalaruan siya.

Bumukas ang pintuan ng silid na iyon at pumasok ang isang lalaking salubong ang mga kilay, nakasuot ito ng puting polo. 

"Tulungan mo ako..."

Bumagsak siya sa mga matipuno nitong braso. Naramdaman niya ang seguridad sa sandaling iyon. Mas lalong humigpit ang hawak niya rito na tila wala siyang balak bumitaw sa bisig ng lalaki.

She feels safe, his scent brings her comfort, na magiging okay na ang lahat. No one will ever bother her anymore. Sa mundong puno ng karimlan, nakatagpo siya ng katiting na liwanag ng pag-asa na makawala sa lugar na iyon. Her own knight in shining armour came to rescue her. 

Binalingan ng bagong dating na binata ang matabang lalaki na nagulat pa nang makita siya. Agad na yumuko sa kanya ang mga nagbalak ng masama kay Rose.

"What's the meaning of this? Are you out of your minds?" galit nitong sigaw habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa mga taong naroon.

"Boss kasi--" 

"Don't you ever dare to lay your hands on her again. Or else you will gonna have to deal with me." madiin ang bawat pagkakasabi nito bago siya nito iniangat para buhatin.

Hindi na nagawang kilalanin ni Rose ang lalaking nakayakap sa kanya ngayon dahil sa tindi ng sakit ng ulo na nararamdaman niya, at tuluyang hinayaan niya ang sarili na lamunin ng kadiliman.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status