Share

CHAPTER 2

Pinihit niya ang seradura ng pinto ng kwarto ng kapatid niya, sinalubong agad siya ni Aling Nely, ito ang nagbabantay sa kapatid niya. Nagpresinta na ito dahil gusto nitong tumulong sa kanila. Malapit  na talaga sila sa ginang at anak na ang turing nito sa kanila.

"Kamusta po si Riel?" tanong niya pagkalapag ng isang supot na mansanas.

Lumapit siya sa kama ng kapatid, natutulog pa ito. Hinaplos niya ang ulo nitong may suot na bonnet. Hindi niya napigilan ang mapabuntong-hininga.

"Ganon pa din, iha." malungkot na sagot nito.

Marahas niyang pinahid ang isang butil ng luha na pumatak sa kanyang pisngi bago nilingon si Aling Nely.

"Kumain na po ba kayo? May dala po akong pagkain dyan. Kung may iba pa po kayong gusto, magsabi lang po kayo."

"Ay naku, hindi na kailangan. Isa pa, kailangan pa nating mag-ipon para sa operasyon ni Riel. Nanghiram na ako sa pinsan ko ng kaunti, pandagdag man lang sa gastusin. Alam kong kulang iyon kaya lalapit pa ako sa iba kong kamag-anak."

Nginitian niya ang ang ginang at hinawakan ito sa kamay. Hindi niya maipaliwanag ang tuwa na nararamdaman. "Maraming salamat, Nay. Hindi ko alam kung paano ko kayo masusuklian sa lahat ng tulong na naibigay niyo sa aming magkapatid." naluluhang sabi niya.

"Walang anuman. Basta kaya ko pang tumulong, gagawin ko."

"Pero hindi niyo na po kailangang gawin 'yon. Masyado ko na po kayong naabala. Saka magkakaroon na po ako ng permanenting trabaho. Mapapaopera na natin si Riel. Sisikapin kong makakuha ng halagang kailangan ni Riel." pagbabalita niya na ikinakunot ng noo ng ginang.

"Anong trabaho, iha?" tanong nito.

Natigilan siya nang banggitin nito ang bagay na iyon. Oo nga pala, bukas niya pa malalaman ang tungkol sa bagay na iyon.

"Basta po, ako na po bahala ha? Hindi niyo na po kailangan pang manghiram sa kung sinu-sino. Hayaan niyo na pong ako ang gumawa ng paraan." sabi niya.

Bakas pa rin sa mukha ni Aling Nely ang pagtataka. "Hindi naman illegal 'yan iha? Hindi biro ang kalahating milyon. Hindi mo 'yon makukuha sa kung anumang trabaho nang ganon kadali."

"Magtiwala po kayo. Kayo ko na po ito." ngumiti siya para pagaanin ang loob ng ginang pero mukhang hindi pa rin sapat.

Paano nga kung illegal ang trabahong papasukan niya? Hindi niya maatim na pagalingin ang kapatid niya mula sa perang hindi nanggaling sa mabuting pamamaraan. Pero sana hindi nga, hindi niya na kayang makita ang kapatid na nahihirapan.

Nakasuot ng navy blue na button-down shirt na pinaresan ng puting jeans, hinanda na niya ang sarili para pumunta sa lugar na nakasulat sa maliit na papel. Hindi na siya naglagay ng anumang make-up,  pinanatili ang natural beauty. Wala din naman siyang dahilan para maglagay pa.

Pumara na siya ng taxi. Kung anuman ang kahihinatnan ng pakikipagkita niya sa taong hindi niya man lang nakikita ang mukha, wala na siyang pakialam. Alam niyang may magiging magandang resulta ang tagpong ito.

"Para kay Riel..." mahinang sambit niya.

Ilang minuto ang nakalipas nang tumigil ang taxi sa harap ng isang matayog at malawak na building. Dumungaw siya mula sa bintana at hindi napigilan ang paghanga sa eleganteng lugar na iyon. Hindi niya aakalaing sa ganitong lugar siya dadalhin. Baka magiging empleyado siya sa kompanyang ito.

"Pinapapunta po ako dito ni Mr. Nero," bungad niya sa babaeng nasa reception desk, kumunot pa ang noo nito.

"May I see your ID, Ma'am?" tanong nito sa kanya.

Hinanap niya naman agad ang ID niya sa bag niya at iniabot ito sa babae. Bahagyang tiningnan siya ng babae na para bang sinusuri siya. Kalaunan ay pinapasok na siya sa elevator na nasa kaliwa. Sinabihan siya nitong naghihintay na ang pakay niya sa opisina nito sa 71st floor.

Ramdam niya ang pamumuo ng pawis sa kanyang noo sa sobrang kaba. Halos marinig na niya ang kabog ng kanyang dibdib. Bumalik lang siya sa kanyang katinuan nang marinig niya ang pagtunog elevator, hudyat na narating na niya ang 71st floor. Ilang minuto na din pala siyang nakatulala.

Rose unleashed a heavy sigh nang matanaw ang nag-iisang pintuan sa dulo. Ito na ang pintuan ng opisina ng CEO. Nagdadalawang-isip pa siya kung kakatok pa siya o aalis na lang. Paano nga kung hindi simpleng trabaho ang ipapagawa sa kanya? Natatakot siyang magsisi sa magiging hakbang niyang ito.

Ipinilig niya ang ulo para iwaksi ang naiisip. Nandito na siya, hindi na siya aatras pa. Kagabi niya pa pinag-isipan ang gagawin niyang ito at desidido na siya. She turned the door knob open pero pumihit ito ng kanya. Bumukas ang pintuan at bumungad sa kanya ang isang lalaking naka-formal suit. Madilim ang awra nito na mas lalong nakapagpakaba sa kanya.

"Sir, your guest has arrived." wika ng lalaki.

Rose slowly entered the room, heads down on the floor. 

"Sit." May narinig siyang nagsalita.

Natigilan siya nang makita ang lalaking nagpakilalang kaibigan ng mama niya. Prenteng nakaupo ito sa couch at ngumiti nang makita siya. Siya ang lalaking nagbigay sa kanya ng sobre?

"Maupo ka, Ms. Verdejo." nakangiting sabi nito.

"Kayo po ba si Mr. Nero? Gusto ko po sanang iklaro kung ano ang magiging trabaho ko at ang dahilan kung bakit niyo ako gusting tulungan," agad niyang tanong dito.

Binigyan siya ng makahulugang ngisi ng lalaki. "Maupo ka muna, we'll talk about that thing later. You want tea or coffee?" Akmang tatawagin nito ang lalaking nakasalubong niya kanina pero tumanggi na siya.

"Ayoko na pong sayangin ang oras niyo. Gusto ko pong malaman agad kung ano ang magiging trabaho ko para makapagsimula na ako. I'm sorry po kung masyado akong nagmamadali. Kinakailangan na po kasing maoperahan ang kapatid ko sa lalong madaling panahon at-"

"I understand, Ms. Verdejo. On behalf of Mr. Nero, ako na ang magdidiscuss ng magiging kontrata mo." wika nito.

"Hindi kayo si Mr. Nero?" naguguluhang tanong niya.

"I'm Atty. Nikolas Xanders, Mr. Xavion Nero's best friend. My friend barely comes out of the light and his profile is highly confidential. And hiring you is beyond qualifications. Bearing the child of the number 1 most richest bachelor in the country, you should be grateful."

"T-teka, wala po akong naiintindihan sa mga sinasabi niyo, ano ba ang ibig niyong sabihin?"

Ngumiti ito sa kanya. "30 million, bigyan mo siya ng anak."

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status