Share

CHAPTER 4: MATALIK NA KAIBIGAN

"Hayyy ano ba yan... Kainis naman!"

Pagrereklamo ni Jude.

"Talagang sumakto noh" Inis din na sabi ni Brent.

Pumunta na sila sa mga locker nila at nagbihis na ng kanilang basketball uniform.

Habang nagpapalit na sya ng kanyang uniform, narinig nyang may nag-uusap. At nabanggit ang pangalan ni Chloe.

"Alam mo may maganda pala tayong kabatchmate hindi ko lang alam kung saan department sya eh. Pero ang alam ko Chloe Robles ang ang pangalan nya eh.

Maganda at sexy pare,kaso parang pakawala. Laging lasing sa mga bar... Pero pwedeng pwede pangdisplay,hindi nga lang pang seryoso." Mahabang litanya ng isa sa mga ka-teamate nyang si Jonard.

"Kilala ko yun, classmate sya ng girlfriend ko. Anak mayaman kasi kaya ganon, spoiled brat daw." Sagot na naman ni George.

Lumabas na sya ng cubicle at hinarap ang dalawang ka-teammates.

"Sino na naman yang prospect nyo ahh." Seryoso na pasimpleng tanong nya sa kanila.

"Yung Chloe Robles pare. Ang ganda at napakasexy pa. Ang ganda ng mga mata." Papuri na sabi nito kay Chloe.

"Ahh maganda talaga yun,at sexy. Pero hindi na available. Kaya yung iba na lang ang pag interesan nyo hah" Pagbabanta nya,at lumabas na ng restroom.

Nasa court sila Clyde ng university para mag practice game. Sa isang linggo na kasi ang kanilang laban. Magkalaban sila ni Morris ngayon.

Kababata ito ni Chloe,kaya nakakaalam ito sa sekreto nila. Magbestfriend at slash bodyguard sya ni Chloe. May gusto ito kay Chloe pero kaibigan lang talaga ang turing nya rito. Hindi na talaga maganda ang pakikitungo nito sa kanya.

"Go! Go! Go!... Superman Clyde!!!" Malakas na sigaw ni Scarlett.

"Fight! Fight... Fafa Morris!" Ganting sigaw naman ni Janna na katabi ni Chloe.

Agad siyang napalingon sa dereksyon nila Chloe. Seryoso itong nanonood sa kanila. Walang reaksyon alam kasi nito na may pagtatalo na naman sa pagitan nila Morris.

"I love you bebe Clyde ko! mwuah... mwuah chup chup" kilig na kilig na sigaw ni Scarlett at nagflying kiss pa.

Natawa na lang sya sa sinabi nito at kinawayan na lamang si Scarlett. Pero nang tumingin sya sa dereksyon ni Chloe. Nakasimangot na ito at masama ang tingin sa kanya. Pero nginitian nya ito at nagflying kiss pa sya rito. Pero inirapan lang sya nito at tinaasan ng kilay. Nagseryoso na sya ulit sa sa practice game nila. At magkaharap na sila ngayon ni Morris, nagsusukatan ng tingin. Siya ang may hawak ng bola...

At handa itong agawin anumang oras. Habang nagdidribol at magsushoot ng bola pagbagsak nya sa sahig ay napapikit sya sa sakit. May sugat ang kilay nya. Nasiko sya ni Morris, dumugo ang labi nya. Malakas ang pagkakasiko, kaya agad pumito ang coach nila. Paglingon nya kay Morris, nginisihan sya nito at binulungan sya na " mayabang ka kasi". Napipikon sya pero kinalma nya ang kanyang sarili. Ayaw nya ng gulo, kaya umupo na lang sya sa di kalayuan at pinunasan ang dugo sa kanuang labi.

Hininto na ng kanyang Coach ang practice game at sinabihan siyang pumunta muna sa clinic pra patingnan ang kanyang labi na medyo namaga na.

At agad naman nya itong sinunod.

"Ok ka lang ba pare?!! "Tanong ni Jude.

" Ayos lang pare, medyo makirot lang. Punta lang ako sa clinic ah." Paalam nya sa nga kateam mates nya.

Nasa clinic na sya,hinihintay na lang nya ang school nurse nila. Humiga muna sya,para magpahinga saglit. Naramdaman nya na lang na may humawak sa kamay nya at pamilyar yun sa kanyang pakiramdam. Napadilat sya at napangiti ng matamis dahilan upang lumabas ang kanyang biloy. Napatitig sya sa magandang mukha ng kanyang binibini.

"Kamusta ayos ka lang ba superman ko." Nag-aalalang tanong nito sa kanya.

"Ayos lang ano ka ba Binibini ko. Malayo sa bituka to. Konting sugat lang sa labi, yun lang medyo nabawasan ang gwapo kong mukha." Pagmamayabang niyang sagot rito.

"Mayabang ka, buti nga sayo yan!" Inis na sabi nito at diniinan nya pagkadampi sa labi ni Clyde.

"Aray naman Chloe, oo konti lang naman ang sakit." Pag angal nya sa pagkakadamli sa labi nya.

At dumating na ang nurse. Dala ang mga gamot. Sinimulan na nitong linisin ang maliit na sugat sa labi nya. Pero pagtingin nya kay Chloe, ang sama ng tingin nito sa nurse at parang naghahamon ng away.

"Ah nurse.... Ako na lang po magpapahid ng gamot,kaya ko na po yun gawin. Salamat po." Pag- agaw nya ng mga gamot.

"Ok lang naman po sa akin sir. Trabaho ko po yun." Pag-iinarte na sabi ng nurse.

Sinamaan ng tingin ni Chloe ang nurse at lumapit na sa kanila. Hinblot nya ang mga gamot na pinapahid kay Clyde at tinarayan ang nurse.

" Nurse ako po yung girlfriend nya. Kaya ko po gawin yang ginagawa mo. Ako na po bahala sa kanya." Masungit na sabi nya sa nurse.

" Ah sige po mam, pasensya po ah." Paghingi ng pasensya ng nurse at agad na umalis.

Napatulala naman si Clyde kay Chloe. Tama ba yung narinig nya,girlfriend na nya ito. Nakatitig lang sya dito habang ginagamot ang sugat nya sa labi.

"Wag ka mag assume diyan Clyde. Sinabi ko lang yun, kasi naiinis ako sa nurse...

Ang arte eh...!" Nakaismid na sabi ni Chloe.

"Wala naman ako sinasabi binibini ko. Bakit deffensive ka ahh." Pang-aasar na sabi ko sa kanya.

"Feelingero ka ahhh...eto sayo!" Inis na sabi ni Chloe at Diniinan pa nya ang pag dampi nito sa sugat nya sa labi.

"Aray naman Chloe...ang sakit" Pag-ilag nya rito.

"Pero salamt ah,kasi hindi mo pa rin pinatulan si Morris. Napakahaba talaga ng pasensya mo. At alam ko naman dahil sa akin yun. Sorry ahh .. " Paghingi ng pasensya ni Chloe.

"Oh bakit ikaw ang nag-sosorry, wala ka naman ginagawa ah." Pagtatanong nya at tinawanan nya ito.

" Syempre para hindi ka masira kay Daddy na mapapaaway ka. Alam naman natin na alam ni Morris ang pagiging scholar mo kay Daddy." Sagot ni Chloe.

"Hayaan mo na yun. Number 1 rule hanggat kaya mo magpasensya. Magpasensya ka,kasi para hindi ka mapaaway at mas nakakapogi yun diba?..." Paglalambing na sabi nya Chloe.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status