Ang spoiled bratt na kababata ni Clyde ay laging sakit ng ulo ng kanyang Daddy, inatasan siya ng ama ng dalaga na maging personal bodyguard kapalit ng pagpapa-aral o maging scholar ng kumpanya nito. Childhood bestfriends na ang dalawa tinuturing na na kapatid ni Clyde si Chloe. Laging nasa malayo at nakamasid lamang sa malayo ang binata para bantayan si Chloe. Mula ng mamatay ang ina ng dalaga ay lalong lumala ang pagiging party goer, kahit sang club nag-iinom para lang makuha atteention ng daddy nito. Nauunawaan naman ni Clyde ang sitwasyon ni Chloe gusto lamang nito mabigyan ng halaga at oras. Tanging siya lang ang kasama ng dalaga sa lahat ng oras. Pero paano kung isang araw ay malaman nila ang isng sikreto na nagkapalit sila ng tadhana dahil sa isang pagkkamali. Si Clyde ang totoong anak ni Don Robles,dahil sa desperadang kinilalang ina ni Clyde. Pinagpalit silang dalawa ni Chloe para maging maganda ang buhay ng kanyang anak na babae,dahil iniwan ito ng kanyang kinakasama. Sa sobrang galit ng Don ay pinalayas silang mag-ina ni Chloe. Nanirahan sila Chloe sa probinsiya at hindi na muling nagpakita pa kila Clyde at Don Robles dahil sa sobrang kahihiyan. Makalipas ang isnag taon kinuha si Chloe para maging isang modelo. Ang dating spoiled bratt, pasaway at kinaiinisan ng lahat ay natutong magpakumbaba, mapagpasensiya at natutong makuntento sa simpleng buhay. Sa muling pagttagpo ng kanilang landas ay isang bilyonaryo at CEO na si Clyde dahil ipinamana na sa kanya ang negosyo ng mga robles. Inimbitahan siya na maging modelo ng alak, kaya sexy ang theme ng magiging trabaho ni Chloe. At sa hindi niya inaasahan ay darating si Clyde para panoorin ang kanyang shoot. Sobra siyang nanliit sa kanyang sarili dahil halos ibilad na niya ang kanyang katawan.
View MoreNakatitig si Clyde kay Chloe. Nakatayo siya sa di kalayuan ng bar na kinaroroonan nito. Birthday ng kaklase nito at doon ginanap. 4th yr. college na sila. Pero hindi pa rin ito nagbago,napakamot na lang sya ng ulo. Parang gusto na nyang magsisi sa pagtanggap na maging scholar ng kumpanya ng Daddy nito.
Naalala pa niya ng kinausap sya ni Mr. Robles.
"Clyde Hijo,maari ba akong humiling sayo?" tanong ni Mr. Robles
"Sige po,kahit ano po Mr. Robles." sagot ni Clyde
"Makikiusap sana ako sayo kung maaari na bantayan mo ang aking anak na si Chloe,parang bodyguard. Alam mo naman na busy ako sa negosyo ko. Mula nang namayapa ang aking asawa, wala na kasi gumagabay sa kanya. Nagpapasalamat nga ako kay Cynthia kasi nandyan sya para kay Chloe." Ani ni Mr. Robles.
"Opo sige po Mr. Robles. Pinapangako ko po na babantayan ko sya,para sa inyo." Pangako ni Clyde.
Pinagmamasdan ni Clyde ang kanyang Binibini,sumasayaw at mukhang nalasing na. Sa apat na taon na nya bilang scholar,ganito na lagi ang set up nila.Sa malayo lang sya, ayaw nIya kasi ng isyu. Napakapasaway talaga, paano nalang kung wala ako.
Natapos na ang party,lumabas na lahat...
Nag-uusap na ang mga kasama nito kung sino ang maghahatid sa mga lasing na kaklase.
"Chloe, Huy kaya mo pa ba?!? Bakit ang dami mong ininom?." Tanong ni Audrey.
"Wag ka mag-alala may superhero ako Audrey." Pagmamayabang ni Chloe habang nakapikit na nagsasalita.
"Ewan ko sayo,alangan naman na iwan ka namin dito. Papabooked na kami ng grab.Ipapahatid ka namin sa bahay nyo." Naisip na paraan ni Audrey.
"Hindi na,kaya ko pa naman eh." Sagot ni Chloe
"Ako na lng maghahatid sa kanya Audrey, Kunin ko lng ang kotse ko." Pagpiprisinta ni Morris.
"Ayy,mabuti pa nga Morris. Napakabait mo talaga." saad ni Sydney.
Nang makita ni Clyde na umalis si Morris para kunin ang kotse nito. Lumapit na sya kila Chloe.
"Binibini...Chloe... " Pagtawag nya kay Chloe.
"Hmmm... Superman ko.. Sabi ko nga at darating ka." paglalambing nito.
"Sino ka po Mr. Pogi,kaklase nya po kami nung highschool?!?" kilig na tanong ni Sydney.
."Magandang gabi,ako si Clyde. Ang superman ni Chloe." Nakangiting pagpapakilala ni Clyde.
"Hayy Sana all may Superman." kilig na kilig saad ni Audrey.
"Iuuwe ko na po ang aking Binibini. Malalim na po kasi ang gabi. Ako na po ang bahala sa kanya." Paalam ni Clyde.
"Binibini, sakay na sa likod ko. Uwe na tayo." Pag aya nya kay Chloe
"Oo sige Baby..." wala sa sariling sagot nito.
Isinakay ni Clyde si Chloe sa kanyang likuran. Binuhat nya ito at naglakad na palayo sa bar.
"Mauuna na po kami,maraming salamat." Paalam ni clyde
"Sige mag-iingat kayo Pogi" Paalam ng mga kaibigan ni Chloe.
Idadaan nya muna ito sa convenient store,para pakainin at sesermunan.
Ganon lagi ang set up nila pag nalalasing ito ng sobra. Hindi nya kasi pwedeng iuwe na ganito ang itsura ni Chloe. Mapapagalitan ito ng kanyang Daddy.
At ayaw nya mangyari yun,dahil mag-aaway na naman ang mag-ama.
Nagrerebelde kasi ito ,dahil wala na daw oras ang Daddy nya sa kanya. Kailan kaya magmamatured ang babaeng to, pasaway talaga.
"Binibini, ang bigat mo na lalo ngayon. Diba sabi ko sayo,wag ka maglalasing ng sobra. " Malambing nyang sabi.
"Sorry na superman ko.Badtrip kasi ako kaninang umaga. Nag away kami ni Daddy" sagot nito.
"Daan muna tyo sa 711 ahh. Kain tayo ng maiinit na noddles pra mahimasmasan ka. At kakain ako ng icecream,para lumamig ang ulo ko." Kunwaring galit na sabi ni Clyde.
"Libre mo ba Superman ko?!?. Yehey!" Masayang sigaw ni Chloe.
"Napakayaman mo,pero ako pa ang nanlilibre sayo." sagot ni Clyde.
"Ibaba mo na mga ako,nakakahiya nasayo." pagtatampo ni Chloe.
"Ang arte ng Binibini ko ah. Hindi kana lasing Madame,hahah" Napatawang sabi ni Clyde.
"hmp ewan ko sayo,nakakatampo ka." pagtampo nito.
Bumaba na si Chloe at nauna nang naglakad kay Clyde.
Hinabol naman sya ni Clyde at inakbayan .
"Wag ka na magtampo Binibini ko." Paglalambing nito.
"Hmmp sermon na nga kay Daddy pati ba naman sayo." Nakangusong sabi ni Chloe.
"Hahah... Dapat lang sa mga spoiled bratt na tulad mo. Bago naman kita sermunan ililibre muna kita ng icecream eh." sagot nya
"Sige na nga, pagkatapos natin kumain saka mo ako sermunan ah. Para may panglubag loob." nakabewang na sabi nito.
Naglakad na sila papunta sa convenient store. Habang nagtatawanan at kwentuhan. Biglang pumatak ang ulan, at lumakas...
"Takbo na tayo Clyde,malakas na ang ulan oh!" Pag aya ni Chloe.
"Bakit ka tatakbo,may payong akong dala. Maligo ka na lang kaya,para mawala amats mo binibini." Nakatawang sabi nito.
"Boyscout ka talaga Superman ko!" Nakangiting sagot nya.
"Syempre ayaw kitang magkasakit. At alam ko din tamad ka magdala ng payong. " Malakas na tawa nito.
"Kabisado mo na talaga ako,salamat. Ang swerte ng magiging girlfriend mo Clyde.Bakit hindi ka pa maglovelife ah. Hindi ka ba nabobored na ako na lang lagi mo binabantayan at kasama?!?" Seryosong nyang tanong.
"Bakit ko naman kailangan mag lovelife,masaya naman ako sa pagbabantay sayo. Kuntento na ako dun, atleast sayo lang sumasakit ulo ko. Saka ko na iisipin yan pag nagmatured ka na. Yung alam ko na may magtyaga na alagaan at mahalin ka. Para panatag na akong lumayo sayo" Mahaba nitong litanya.
"Grabe ka naman sakin CLYDE TORRES! Ganon ba ako kapasaway sayo. Mag girlfriend ka na para lubayan mo na ako.Para makapagboyfriend na din ako." Pasigaw nyang sabi.
"Joke lang yun,pikunin ka talaga. Masyado kang problemado sa lovelife ko. Hayaan mo hahanap na ako Binibini." Natatawang saad nito.
Niyakap sya ni Clyde,at pinayungan. Hinila na sya nito para maglakad. Napakagwapo talaga nito lalo na pag nakangiti,lumalabas kasi ang dalawang dimples nito. Matangkad,gwapo, gentleman at matalino. Boyfriend material talaga. Pero hindi sya naatract dahil kapatid na babae lang ang turing nito sa kanya. Alam nya din na utos ng kanyang Daddy na bantayan sya nito.
Pero nagpapasalamat pa rin sya.
Nakarating na sila sa convenient store. Umorder na si Clyde nang pagkain nila. Pinagmasdan nya lang bawat galaw nito. Napakaswerte ng magiging girlfriend nito. Parang lalo siyang nalalasing sa mga ngiti nito. Napayuko na lang sya nang papalapit na ito sa mesa nila.
"Bakit nakatitig ka sa akin,oo gwapo talaga ako. Hahah kain kana Binibini." Mayabang na sabi nito at kumindat pa.
"Oo na gwapo ka naman tlaga, mayabang lang. Akin na yung pagkain ko." Paismid nyang sabi,na kinikilig deep inside hanggang kailaliman ng kanyang puso.
Agad na binuksa ni Clyde ang pintuan ng kanyang sasakyan at inalalayan na makasakay si Chloe. Mabilis niya rin itong pinaharurot palayo sa lugar na yun. "Ayos ka lang ba prinsesa ko...??? Nilalamig ka ba, hinaan ko ang aircon?" Pag- aalalang tanong ng binata sa kanyang nobya."Okey lang ako superman ko... Pasensiya ka na sa nangyari, napahiya pa tuloy kita sa bisita roon." Malungkot na sagot ni Chloe at yumuko.Inihinto muna ni Clyde sa isang tabi ang kanyang sasakyan para makausap ng masinsinan ang kanyang fiance."Ano ka ba prinsesa ko... Walang nakakahiya sayo, kailanman hindi kita ikakahiya. Alam natin pareho na ang nakaraan mo ay hindi mo ginusto. Biktima ka ng mga mapang- abusong tao." Kalmadong sabi ni Clyde sa kanyang fiance na si Chloe." Pero sa mata nila, hindi na yun magbabago. Mga panghuhusga,maruming tingin sa akin at lalo nilang gagamitin yun para sirain tayong dalawa. Magkaiba na talaga ang mundong ginagalawsan natin Clyde." Malungkot na sagot ni Chloe."Pinili kita k
"Hi Scarlet... Huwag naman dito please, madaming tao... Nakakahiya sa mga nakakarinig." Magalang na sagot ni Chloe at nakiusap sa dalawang babae."Bakit anong nakakahiya Chloe??? Meron ka pa ba non.... nahiya ka ba nung nakikipag- bembangan ka sa girlfriend at mga asawa namin huh..???" Galit na sabi ni Scarlet at sadya pang nilakasan ang kanyang boses para marinig pa ng ibang mga bisita."Oo hahha... Ngayon ka pa mahihiya eh kung kani- kanino mo binenta yang perlas mong malangsa... Ewww kadiri!" Panghuhusgang saad ng kasamang babae ni Scarlet at tinaasan pa ng kilay si Chloe."Kahit anong gawin mo hindi na mawawala ang imahe mong bayarang babae! Isa kang malansa at mabahong sirena sa malawak na dagat." Pangungutya pa rin na sa sabi ni Scarlet. Hindi na lamang pa nagsalita pa si Chloe dahil ayaw niyang masira ang masayang event ng bestfriend ni Clyde. Namumuo man ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata ay hindi siya umiyak sa harap ng mga babaeng nasa kanyang harapan. N
Nang matapos ayusan si Chloe sa salon ay agad na silang umalis ni Clyde, para pumunta sa opening ng restaurant ng kanyang matalik na kaibigan na si Jeffron. Bestfriend niya ito mula pa noong college sila at naikwento na niya minsan si Chloe rito kaya alam niya matutuwa rin ito kapag nalaman nito na engaged na siya sa kanyang first love."You look tense...?" Pagtatakang tanong ni Clyde sa dalaga."Kinakabahan kasi ako... baka may makakilala sa akin doon na dati kong naging kliyente." Hindi mapakali na sagot ni Chloe at tumingin sa mga mata ng kanyang nobyo."Akong bahala sayo... hindi kita pababayaan prinsesa ko." Pangakong saad ni Chloe."Maraming salamat superman ko..." Ngumiti na sagot muli Chloe."Hindi ako papayag na may mananakit sa prinsesa ko at magiging asawa ko. Lagi mong tatandaan yan." Seryosong sabi ng binata at hinalikan ang labi ni Chloe. Ang paghalik ni Clyde na ay smack lang sana ay naging torrid dahil hindi na niya mapigilan ang kanyang sarili sa pagkasabik s
Matapos makaligo at makapaghanda ng magkasintahan ay agad na silang umalis para hindi sila ma- late sa okasyon na kanilang pupuntahan. Dumaan na muna sila sa isang sikat na boutique para makapili ng susuotin na damit ni Chloe, pagkatapos ay sasalon naman."Good afternoon sir Clyde... " Magiliw na pagbati ng manager ng salon kay Clyde."Hi... gusto ko sana ayusan niyo ang girlfriend ko, Heto pala ang kanyang damit na susuotin." Naka- ngiting sabi ng binata."Okey po sir Clyde! Kami na po ang bahala kay ma'am... Maganda na po siya kaya hindi kami mahihirapan na ayusan pa siya." Mahabang sagot ng manager kay Clyde."Siya na bahala sayo prinsesa ko... Doon na muna ako waiting area, magkakape muna ako." Nakangiting sabi ni Clyde sa kanyang nobya at tumango naman sa manager ng salon."Sige... mabilis lang naman siguro ito." Ani ni Chloe."Oo naman... " Sagot ni Clyde."Tayo na po ma'am... Doon na muna po tayo sa wash area." Pag- aya ng manager kay Chloe."Okey po..." Magalang na sagot ng d
Pumasok na sa opisina si Clyde para asikasuhun ang mga naiwanan niyang trabaho dahil sa pag- aasikaso kay Chloe. Pinatira niya na muna sa kanyang condo ang dalaga habang wala pa itong malilipatan at wala pang mahanap na trabaho. Pinag- pahinga na muna niya ito para kapag nakalipat at may trabaho na itong mapasukan ay handa na ito. Abala ang binata sa pag- pirma ng mga papeles at dokumento nang pumasok ang kanyang ama. Napalingon na lamang siya rito nang isara nito ang pintuan ng kanyang opisina."Daddy... napa- rito ka po???" Pag- tatakang tanong ni Clyde sa kanyang ama."Parang sobrang nagulat ka naman yata anak, kumpanya ko pa rin ito kaya kahit anong oras ako na pumunta dito ay pupunta ako." Supladong sagot ng ama ni Clyde."Hindi naman po sa ganon daddy..." Alistong sagot ng binata sa kanyang ama."May nabalitaan kasi ako na hindi ka pumasok kahapon... At nagkita na kayong muli ni Chloe...???" Seryosong tanong ng matanda sa kanyang unico hijo."Sumama lang po ang pakiramdam ko kah
Nagising si Chloe sa sinag ng araw na dumampi sa kanyang pisngi at nang idilat niya ang kanyang mga mata ay bumungad sa kanya ang gwapo at maamong mukha ni Clyde. Mahimbing pa itong natutulog at humihilik ng tila musika sa kanyang pandinig. Napangiti na lamang siya at malayang pinagmasdan ang binata. Lalo itong gumwapo at sobrang kisig ng katawan nito. Pero ngayon niya lang ulit nakita ang ningning sa mga mata nito dahil gising na pala ang kanyang superman. At nakatitig na rin ito sa kanyang mga mata at natunaw na naman siya sa gwapon ngiti ng binata."Good morning binibini ko... Why are starring at me while im still sleeping...???" Nakangiting sabi ni Clyde at hinagkana ng noo ni Chloe."Good morning superman ko. Hindi ko mapigilan na mapatitiug sayo kasi hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na kapiling at kasama na kita ngayon." Naiiyak na sagot niya sa binata. Yumakap siya ng mahigpit kay Clyde ."Kailangan mo na masanay ulit na lagi na tayong magkasama. At hindi na ako papayag
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments