"Superman ko... Mag girlfriend ka na kasi para may mag alaga na sayo." Sabi ni Chloe.
"Binibini ko gusto mo tayo na lang ang mag-away ahh...." Sagot nya kay Chloe.
Napatingin ng masama si Chloe sa binata, kinurot niya ang tagiliran ng binata at humalakhak ng malakas si Clyde. Napaka-gwapo at kisig ng kanyang superman, pero hindi niya pwedeng ibigin ito dahil sa estado ng kanilang mga buhay.
"Hahah sige... Ok na ba yan lagyan q na ng bandage." Saad ni Chloe.
Habang nilalagay ni Chloe ang bandage napapatitig sya sa mga mata ni Clyde. Ang ganda ng mga mata nito kulay abo, kumikinang at nakangiti. Nagkatitigan silang dalawa at natigil sya sa paglalagay ng bandage. Nang bigla na lang siyang yakapin ni Clyde.
"Salamat Binibini ko sa pag-alala. Maasahan mo ako sa lahat ng oras. Hayaan mo lang ako na lagi nasa tabi mo" Malambing na sabi nito habang yakap sya.
"Oo naman Clyde... Maraming salamat din sa lahat... Sa pagiging mabuting bestfriend at tagapagtanggol ko." Napangiti nya ding sabi at nakayakap kay Clyde. Ang sarap naman sa pakiramdam mayakap sa bisig ni Clyde.
"Binibini kahit tumanda na tayo dito lang ako sa tabi mo, at pinangako ko din yun sa Daddy mo. Kung saan ka sasaya lagi lang ako narito para suportahan ka. Pero pag ikapapahamak mo,! ako muna ang unang sasalag para hindi ka masaktan." Paglalambing pa rin ni Clyde.
"Hmmm... Huwag ka mag salita ng tapos Clyde, hindi natin hawak ang kapalaran at tadhanan natin. Marami pang pwedeng mangyari sa hinaharap." Natawa naman na sabi ni Chloe.
"Kahit anong mangyari binibini lagi lang ako nandito para sayo...Kahit pa awayin at layuan mo ako." Seryosong sabi ni Clyde at h******n ang noo ng dalaga at muli itong niyakap ng mahigpit.
Hindi naman makapagsalita si Chloe napakabait ni Clyde bodyguard, kuya at bestfriend niya. Pero hanggang doon lang ang nararamdaman ng dalaga para kay Clyde. Hindi pa siya handang makipagrelasyon dahil ang gusto niya lang makuha ang atensiyon at oras ng kanyang ama, na palaging nakatuon lang buhay sa pagtatatrabaho. Masaya na siya sa relasyon nila bilang magkaibigan at magkababata. Basta lagi lang din siya nandyan para sa binata. Ngumiti na lamang si Chloe at ipinagpatuloy ang paggamot sa mga sugat ni Clyde.
"Pupunta kami ni sa bar nila Jenny mamaya after class. Bar hoping lang, bawas stress sa mga test." Paalam ni Chloe sa binata.
"Okey na ako sa malayo na tanawin ka binibini ko. Basta yung mga lagi kong paalala sayo ah. Huwag mong kalimutan." Pag-utos ni Clyde sa kanyang binibini na matigas ang ulo.
"Opo superman ko, magtitira po ako ng pauwe...hahah!" Natatawang sagot ni Chloe.
"Aasahan ko yan ahhh... ayaw kong may ibang lalaki na katabi ka sa bar huh. Baka mapicturan ka ng mga tauhan ng Daddy mo." Paalalang muli ni Clyde
" Sige po ... " Nakangising sagot ni Chloe habang tinititigan ang mga mata ni Clyde.
"Bakit na naman ganyan ka tumitig ahhh...." Pagtataka ni Clyde.
"Ngayon ko lang napansin parehas kayo ng mga mata ni Daddy, kulay abo..." Saad ni Chloe.
"Ahhh... foreigner kasi ang tatay ko diba. Naging karelasyon ni Nanay.
"Ahh baka nga... napakaganda ng mata mo.." Papuri ni Chloe.
"Salamat Binibini ko." Napangiti na lamang siya sa papuri ng dalaga at kinurot niya ang ilong nito.
Nagkulitan at lambingan lang sila bago lumabas ng clinic.
Paglabas nila ay nakaabang na sa pinto sina Scarlet at mga alagad nito.
"Baby Clyde!!! Okey ka lang ba mahal ko???" Pag-aalalang tanong ng dalaga sa kanya at hinawakan pa nito ang mukha ni Clyde.
"Okey lang ako Scarlet... malayo sa bituka." Nakangiting sabi ni Clyde at natatawa sa reaksyon ni Chloe.
"Mukhang okey ka na nga... alis na ako. " Inis na sabi ni Chloe at tumalikod na sa kanila.
"Binibini ko... sandali lang, sabay na tayong pumunta sa bar." Paghabol na ani ni Clyde.
"Ayaw ko, mauuna na ako." Pagsusungit na sabi ni Chloe at mabilis na naglakad palayo sa binata.
Chloe's POV
Naiinis talaga siya pag may ibang babae na nagpapacute kay Clde. Nasisira ang araw niya. Pero gusto na din niya magkaroon ng girlfriend ang bestfriend niya para hindi lang sa kanya nakatuon ang atensiyon ng binata. Bagay naman dito si Sarlet kasi mayaman din ang pamilya nito. Hinanap na niya sila Jenny para makaalis na sila.
"Jenny tara na ba?" Tanong ni Chloe sa kaklase.
"oo sige hinihintay ko lang boyfriend ko gusto niya kasi maki-join.. okey lang ba ?" Tanong sa kanya ng kaklase.
"Oo naman boyfriend mo naman siya." Sagot niya kay Jenny.
"Salamat... Nandyan na pala..." Ani ni Jenny.
"Hi baby... pasensiya pinaghintay ko kayo."Paghingi ng paumanhin ni Leandro.
"Okey lang baby, tara na ba???" Tanong ni Jenny sa kanila.
"May gusto kasi maki-join sa atin, kung okey sa inyo mga ka-varsity ko." Tanong ni Leandro.
"Okey lang ba Chloe...???" Tanong ni Jenny kay Chloe at sa mga kasama pa nila.
"Oo naman noh, mas marami mas masaya." Nakangiting sabi ni Chloe.
Nagdatingan pa ang ibang mga ka-team nito at kasama ang kanyang secret bodyguard na si Clyde na napakalapad ng ngiti sa kanya.
Isa-isang nagpakilala ang mga ito at sobrang kinili ang kanyang mga kaklase kay Clyde. At kinaiinisan na naman niya ngayon, bakit ba kasi napakalakas ng appeal nito. Tinalikuran a lamang niya ang mga ito at nauna nang lumabas sa gate ng kanilang university.
Pupunta sila ngayon sa bagong bukas na bar ng pamilya ni Scarlet. At siguradong kikiligin na naman ito pag nakita si Clyde. Sobrang crush talaga ni Scarlet ang secret bodyguard/bestfriend niya. Mula pa noong first year college nila,saksi siya kung paano ito mabaliw sa binata. Bukod kasi sa pagiging varsity ni Clyde matalino ang binata at nasa deans lister. Papasok na sila sa loob ng hawakan ni Clyde ang braso ni Chloe.
"Chloe... ano??? parang hini tayo magkakilala...???" Inis na sabi ni Clyde sa dalaga.
"Oo... alam mo naman ang papel mo diba, babantayan lang ako." Pagtataray ni Chloe.
"Ahhh ganon okey sige yan ang gusto mo eh..." Inis na sagot ng binata at nauna nang maglakad sa mga kasama nito.
"
Agad na binuksa ni Clyde ang pintuan ng kanyang sasakyan at inalalayan na makasakay si Chloe. Mabilis niya rin itong pinaharurot palayo sa lugar na yun. "Ayos ka lang ba prinsesa ko...??? Nilalamig ka ba, hinaan ko ang aircon?" Pag- aalalang tanong ng binata sa kanyang nobya."Okey lang ako superman ko... Pasensiya ka na sa nangyari, napahiya pa tuloy kita sa bisita roon." Malungkot na sagot ni Chloe at yumuko.Inihinto muna ni Clyde sa isang tabi ang kanyang sasakyan para makausap ng masinsinan ang kanyang fiance."Ano ka ba prinsesa ko... Walang nakakahiya sayo, kailanman hindi kita ikakahiya. Alam natin pareho na ang nakaraan mo ay hindi mo ginusto. Biktima ka ng mga mapang- abusong tao." Kalmadong sabi ni Clyde sa kanyang fiance na si Chloe." Pero sa mata nila, hindi na yun magbabago. Mga panghuhusga,maruming tingin sa akin at lalo nilang gagamitin yun para sirain tayong dalawa. Magkaiba na talaga ang mundong ginagalawsan natin Clyde." Malungkot na sagot ni Chloe."Pinili kita k
"Hi Scarlet... Huwag naman dito please, madaming tao... Nakakahiya sa mga nakakarinig." Magalang na sagot ni Chloe at nakiusap sa dalawang babae."Bakit anong nakakahiya Chloe??? Meron ka pa ba non.... nahiya ka ba nung nakikipag- bembangan ka sa girlfriend at mga asawa namin huh..???" Galit na sabi ni Scarlet at sadya pang nilakasan ang kanyang boses para marinig pa ng ibang mga bisita."Oo hahha... Ngayon ka pa mahihiya eh kung kani- kanino mo binenta yang perlas mong malangsa... Ewww kadiri!" Panghuhusgang saad ng kasamang babae ni Scarlet at tinaasan pa ng kilay si Chloe."Kahit anong gawin mo hindi na mawawala ang imahe mong bayarang babae! Isa kang malansa at mabahong sirena sa malawak na dagat." Pangungutya pa rin na sa sabi ni Scarlet. Hindi na lamang pa nagsalita pa si Chloe dahil ayaw niyang masira ang masayang event ng bestfriend ni Clyde. Namumuo man ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata ay hindi siya umiyak sa harap ng mga babaeng nasa kanyang harapan. N
Nang matapos ayusan si Chloe sa salon ay agad na silang umalis ni Clyde, para pumunta sa opening ng restaurant ng kanyang matalik na kaibigan na si Jeffron. Bestfriend niya ito mula pa noong college sila at naikwento na niya minsan si Chloe rito kaya alam niya matutuwa rin ito kapag nalaman nito na engaged na siya sa kanyang first love."You look tense...?" Pagtatakang tanong ni Clyde sa dalaga."Kinakabahan kasi ako... baka may makakilala sa akin doon na dati kong naging kliyente." Hindi mapakali na sagot ni Chloe at tumingin sa mga mata ng kanyang nobyo."Akong bahala sayo... hindi kita pababayaan prinsesa ko." Pangakong saad ni Chloe."Maraming salamat superman ko..." Ngumiti na sagot muli Chloe."Hindi ako papayag na may mananakit sa prinsesa ko at magiging asawa ko. Lagi mong tatandaan yan." Seryosong sabi ng binata at hinalikan ang labi ni Chloe. Ang paghalik ni Clyde na ay smack lang sana ay naging torrid dahil hindi na niya mapigilan ang kanyang sarili sa pagkasabik s
Matapos makaligo at makapaghanda ng magkasintahan ay agad na silang umalis para hindi sila ma- late sa okasyon na kanilang pupuntahan. Dumaan na muna sila sa isang sikat na boutique para makapili ng susuotin na damit ni Chloe, pagkatapos ay sasalon naman."Good afternoon sir Clyde... " Magiliw na pagbati ng manager ng salon kay Clyde."Hi... gusto ko sana ayusan niyo ang girlfriend ko, Heto pala ang kanyang damit na susuotin." Naka- ngiting sabi ng binata."Okey po sir Clyde! Kami na po ang bahala kay ma'am... Maganda na po siya kaya hindi kami mahihirapan na ayusan pa siya." Mahabang sagot ng manager kay Clyde."Siya na bahala sayo prinsesa ko... Doon na muna ako waiting area, magkakape muna ako." Nakangiting sabi ni Clyde sa kanyang nobya at tumango naman sa manager ng salon."Sige... mabilis lang naman siguro ito." Ani ni Chloe."Oo naman... " Sagot ni Clyde."Tayo na po ma'am... Doon na muna po tayo sa wash area." Pag- aya ng manager kay Chloe."Okey po..." Magalang na sagot ng d
Pumasok na sa opisina si Clyde para asikasuhun ang mga naiwanan niyang trabaho dahil sa pag- aasikaso kay Chloe. Pinatira niya na muna sa kanyang condo ang dalaga habang wala pa itong malilipatan at wala pang mahanap na trabaho. Pinag- pahinga na muna niya ito para kapag nakalipat at may trabaho na itong mapasukan ay handa na ito. Abala ang binata sa pag- pirma ng mga papeles at dokumento nang pumasok ang kanyang ama. Napalingon na lamang siya rito nang isara nito ang pintuan ng kanyang opisina."Daddy... napa- rito ka po???" Pag- tatakang tanong ni Clyde sa kanyang ama."Parang sobrang nagulat ka naman yata anak, kumpanya ko pa rin ito kaya kahit anong oras ako na pumunta dito ay pupunta ako." Supladong sagot ng ama ni Clyde."Hindi naman po sa ganon daddy..." Alistong sagot ng binata sa kanyang ama."May nabalitaan kasi ako na hindi ka pumasok kahapon... At nagkita na kayong muli ni Chloe...???" Seryosong tanong ng matanda sa kanyang unico hijo."Sumama lang po ang pakiramdam ko kah
Nagising si Chloe sa sinag ng araw na dumampi sa kanyang pisngi at nang idilat niya ang kanyang mga mata ay bumungad sa kanya ang gwapo at maamong mukha ni Clyde. Mahimbing pa itong natutulog at humihilik ng tila musika sa kanyang pandinig. Napangiti na lamang siya at malayang pinagmasdan ang binata. Lalo itong gumwapo at sobrang kisig ng katawan nito. Pero ngayon niya lang ulit nakita ang ningning sa mga mata nito dahil gising na pala ang kanyang superman. At nakatitig na rin ito sa kanyang mga mata at natunaw na naman siya sa gwapon ngiti ng binata."Good morning binibini ko... Why are starring at me while im still sleeping...???" Nakangiting sabi ni Clyde at hinagkana ng noo ni Chloe."Good morning superman ko. Hindi ko mapigilan na mapatitiug sayo kasi hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na kapiling at kasama na kita ngayon." Naiiyak na sagot niya sa binata. Yumakap siya ng mahigpit kay Clyde ."Kailangan mo na masanay ulit na lagi na tayong magkasama. At hindi na ako papayag