Share

CHAPTER 6: PAGTIBOK NG PUSO NI CLYDE

Naglalakad na ulit pauwe sina Chloe sa kanilang mansiyon, nakasunod naman sa kanya si Clyde.

Pinagmamasdan lamang siya ng binata, habang papunta silang 7/11, nakaugalian na talaga nila ang pumunta sa convenience store pagkatapos mag inom. Doon muna siya nagppalipas ng ilang oras para mahimasmasan bago umuwe, para mawala ang tama ng alak.

"Anong gusto mo binibini???..." Nakangiting tanong ni Clyde kay Chloe.

" Hmmm, gusto ko ng siopao asado at isang cup noodles superman ko." Paglalambing na sagot ni Chloe.

"Okey sige maupo ka dun, hintayin mo na lanag ako dun ahh." Ani ni Clyde habang papunta na sa counter.

Pinagmamasdan ni Clyde ang kanyang kababata na amo din niya. Nakakaawa ang dalaga dahil sa naghahangad ng atensyon ng kanyang ama ay nagrerebelde ito. Nauunawaan niya ang dalaga, kaya tinanggap niya ang alok sa kanya ni Don Robles na bantayan at alagaan ito. Mabait naman si Chloe, pero namimili ito ng makakasama at magiging kaibigan. Binilihan na din ni Clyde ang dalaga ng cornetto icecream. Paborito yun ng dalaga.

"Hmm... Binibini, gising ito na po mga pagkain mo. " Malambing na bulong ni Clyde.

"ahmmm... nakatulog pala ako...." Namulat at sabi ni Chloe.

"Okey lang sige na kain na tayo. Para makauwe na tayo at makapagpahinga." Sagot ni Clyde.

Tahimik silang kumakain ng biglang umiyak si Chloe, dahil nalulungkot pa rin ang dalaga pag naalala ang mommy nito.

"Siguro kung buhay si mommy Clyde masaya siguro kaming pamilya at hindi ako ganito ka-miserable." Naiiyak na sabi ng dalaga.

"Hindi natin hawak ang buhay ntin binibini ko,maaring may ibang dapat gawin ang mommy mo kaya maaga siya namaalam sa mundong ibabaw." Paliwanag ni Clyde.

"Hmmm, sana nga sinama na lang niya ako para hindi ako nalulungkot ng ganito." Hikbing sabi ni Chloe at hindi napiglan ang pagtulo ng kanyang mga luha.

Nilapitan ni Clyde ang bestfriend at niyakap ito ng mahigpit, hinimas din nito ang mahabang buhok ng dalaga. Si Chloe ay umiyak lamang habang nakasandal sa matipunong dibdib ng binata.

"Tahan na... nandito lang ako para sa iyo, ibinilin ka rin sa akin ni tita. Aalagaan kita habang nabubuhay ako." Bulong ni Clyde.

Patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ni Chloe at yumakap lang siya ng mahigpit sa kanyang superman. Inaalo lamang siya ng binata hanggang sa maging kalmado siya. Nang maging okey na ang pakiramdam ni Chloe ay humiwalay siya sa pagkakayakap sa kanyang bestfriend. Nginitian naman siya ni Clyde at hinalikan ang kanyang mga kamay.

"Okey ka na ba??? Malulungkot ang mommy mo, pag makikita ka na ganyan ang kalagayan mo." Ani ni Clyde at hinagkanan ang noo ng dalaga.

"Salamat superman ko kasi lagi ka lang nandyan pag kailangan ko ng karamay sa kalungkutan ko." Nakangiting sabi ni Chloe at sumandal sa balikat ng kanyang bestfriend/bdyguard.

Ilang minuto sila na nasa ganon posisyon, inubos na nila ang kanilang pagkain at naglakad na pauwi sa mansiyon. Nakahawak si Chloe sa braso ni  Clyde, pinayungan naman siya ng binata para hindi mabasa sa ambon.  

"Clyde hanggang pagtanda kaya ganito pa rin tayo. Paano kung magkaroon na tayo ng kanya-kanyang karelasyon ahh...???" Seryosong tanong ni Chloe sa kanyang bestfriend/bodyguard.

"Hindi ko din alam... basta hanggat  wala ka pang boyfriend o asawa nandito lang ako para protektahan ka at alagaan ka." Nakangiting sabi ni Clyde sa kanyang binibini at ginulo ang buhok nito.

"Ayyy wehhh... ayaw mo ba na magkaroon tayo ng label ah, bakit hindi natin subukan na maging magkarelasyon ahh."  Excited na sabi ni Chloe at sumandal sa balikat ng binata.

"Ayaw ko sa ngayon binibini ko... Pag parehas na tayong handa at kaya ko ng higitan ang yaman ng pamilya mo." Pabirong sabi ni Clyde at natawa na lamang sa reaksyon ng mukha ni Chloe.

"Hmmm ganon, ganito lang tayo hanggang sa pagtanda... Pero sige bahala ka pag may manligaw na sa akin iisnabin na kita..." Birong sabi ni Chloe at tumawa ng malakas.

"Masaya ako para sayo kung ano man ang maging tadhana mo sa buhay. Lagi lang ako nakasuporta sayo binibini ko." Seryosong sabi ni Clyde at kinurot ang tungki ng kanyang ilong.

"Hayyy ewan ko sayo, bahala ka na nga..." Sabi ni Chloe.

Nasa school na sina Clyde at Chloe... Nag-chat si Chloe na pupunta siya sa library para magresearch. Natanaw na ni Clyde ang kanyang bestfriend, umupo siya sa likuran nito, seryoso itong nagbabasa ng libro. Nakahood na jacket ang dalaga, kinalabit niya ito sabay siyang tatalikod at tatawa. Nagtawanan din ang mga kasama niya sa kanilang lamesa sila stacey at mga kaklase niya. Alam ni Clyde na pikunin ang kanyang bestfriend kaya kahit anong oras ay mananapak ito dahil kinalabit at hinila niya ang hood ng jacket nito.

Alam ni Chloe na si Clyde ang nangbubwesit sa kanya at nagtitrip . Kaya ang ginawa niya ay humarap siya sa upuan ng binata at inikot din ang kanyang jacket, nilagay sa kanyang mukha ang hood. Kaya nang pagkalabit at hilang muli ng binata sa hood niya ay nagulat si Clyde nang nakaharap na siya. Agad hinuli ni Chloe ang mukha ni Clyde, inilapit sa kanyang mukha at hinalikan niya ito sa labi.   

Sobrang nagulat si Clyde sa ginawa ni Chloe, bumilis ang tibok ng kanyang puso at namula ang kanyang pisngi. Samantalang si Chloe ay ngumisi lang sa kanya.

"Alam mo naman na ayaw ko sa lahat ay yung ginugulo ako Clyde. Gusto mo na ba na magkaroon tayo ng label hah...?!!?" Pang-aasar na sabi ni Chloe at nginisihan ang binata.

"Bakit mo siya hinalikan Chloe ahh.... ako ang girlfriend ni Clyde..." Sigaw na sabi ni Stacey at aktong umiyak.

"Binibini ano ang ginagawa mo..." Wala sa sariling tanong ni Clyde.

"Gusto kita maging boyfriend..." Nakangiting asar ni Chloe.

Nagtilian at sigawan naman ang ibang mga  estudyante sa sa loob ng library, Kaya sinaway sila ng librarian. Nagtawanan naman ang mga kaklase ni Choe, ang mga barkada naman ni Clyde ay nagbulungan.

"Sorry na, hindi ko na uulitin na asarin ka." Paghingi ng paumanhin ni Clyde.

"Okey lang superman ko, masarap naman ang lips mo..." Pang-aasar na sagot ni Chloe at nagtawanan ng malakas ang kaklase nya.                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                           

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status