Share

KABANATA 39

NAKAUPO SIYA SA isa sa mga bench sa garden ng ospital. Dala–dala niya ang mga paper planes na naipon niyang bigay ni Rave sa kanya. Inilagay niya ang mga ‘yon sa isang transparent jar. Naingat niya ang mukha sa kulay kahel na kalangitan na unti–unti nang kumakalat sa buong paligid.

Walong paper planes.

Walong paper planes ang ibinigay ni Rave sa kanya. Inabot niya sa tabi ang jar at binuksan ‘yon. Isa sa mga napansin niya dati pa ay ang mga numerong isinulat ni Rave sa may pakpak ng mga paper planes. Hindi niya alam kung bakit, pero baka gusto lang nitong maalala niya ang unang paper plane na ibinigay nito sa kanya.

Kinuha niya ang paper plane na may number one sa pakpak nito.

Noong una ay nilaro–laro lang niya ‘yon nang may mapansin siyang kakaiba sa katawan ng paper plane. Tila ba may bumakat na litra sa katawan nito. Kumunot ang noo niya. Ano kaya ‘yon? Mabilis na itinabi niya muli ang jar at sinira ang porma n

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status