"Dave alam mo ba ang kaugnayan ng pamilya mo sa mga Villegas?" tanong ni Papa kay Dave.
"Well, ang lam ko lang po noong bata pa ako naabutan ko pa ang ilang miyembro ng pamilya nila na tapat na naninilbihan sa aming pamilya. Hanggang ngayon ay may mangilan-ngilan pa ring Villegas ang apelido sa mga nasasakupan ko sa Batanggas at sa Cavite.
Noon pa man ay mayaman na po kasi ang aming angkan. At hindi na ako magtataka kung kaingitan sila ng ilang pamilya rin. Ang tungkol naman sa kaapihang dinanas niya mula sa pamilya ng mga Santivaniez, maaaring maraming Santivaniez sa mundo hindi lang ang angkan ko."
Nakarating ako sa mansion nila Annie. Kung saan pinili niya munang mag-stay bago dumating ang aming kasal. Isa pa napagkasunduan naming doon na manuluyan upang makasama ni Annie ang mga magulang niya at marami pang mga taong mangalaga sa kanya habang nagbubuntis siya.Mabilis kong hininto ang sasakyan sa tapat mismo ng mansiyon. Agad akong bumaba at hinahanap si Annie. Napansin kong wala ni isang tao sa buong mansion. Na siyang ipinagtaka ko. Mukhang maling pumayag akong manirahan kami ni Annie sa lugar na ito samantalang hindi pa nahuhuli si Edmon."Annie! Annie!" malakas kong sambit.Nagbabakasakali akong naririto pa siya at hindi pa lang nakaka-alis. Pero wala akong narinig kahit na kaunting boses manlang ni Annie.Habang nagpapalinga-linga ako ay nakarinig ako nang kaunting kaluskus banda sa kusina. Mabilis
Kinaumagahan ay nakatanggap akong muli ng text mula kay Edmon, mula sa cellphone na nakita ko sa kotseng gagamitin sana ni Annie.Pinakuha ko na sa NBI ang kotse upang mapaimbistigahan sa kanila.Matapos kong magmukmuk ng isang gabi ay agad din akong naka move on sa kabiguan ko. Naisip kong hindi ito ang tamang panahon upang sisihin ko ang iba sa sarili kong kapabayaan.Pinatawag ko si Alvin at ang mga tauhan niya upang bigyan pa ang mga ito ng isa pang pagkakataon. At yung mga nasaktan ko ay pinagpahinga ko muna ng isang buwan sa kanilang trabahao.Hinarap ko na rin ang pamilya ni Annie na noon ay pinag-stay ko na muna dito sa hotel. Hindi ko na kakayanin na may isa nanamang makuha si Edmon. At isa pa kailangan ko ang tulong nila upang mailigtas ko ang pinakamamahal kong si Annie."Dhino, Shiemen kailangan ko ang tulong ninyo upang maligtas ko si Annie." mahinahon kong sabi.
Annie's POV:May dalawang araw na ang lumipas buhat ng dukutin ako ni Kuya Edmon mula sa gaganaping kasal ko sana.Sa isang abandonadong gusali niya ako dinala. Isang Lugar na kahit sipatin ko ay hindi ko alam kung saan.Masakit na ang katawan ko dahil sa higpit ng pagkakatali sa akin.Malaki na ang tiyan ko kaya naman dumadagdag pa ang pagsipa ng baby ko sa tyan. Nakakaramdam na rin ako ng gutom.Mahal kong anak sana Naman ay magpakatatag ka.At dinarasal kong sana ay ligtas kaming makatakas sa lugar na iyon.Narinig kong may mga yabag ng mga paa ang paakyat papunta sa kinaroroonan ko.Mga boses ng mga
Annie pov:At hindi nga ako nagkamali. Si Dave nga ang dumating. Pagbungad pa lang ng mga sasakyan nila ay nasawata na sila ng mga tauhan ng mga sindikato.Nakita kong gulat na gulat si Dave. Hindi niya inasahang napakaraming tauhan ang mararatnan niya. Puno ng mga armas ang mga ito.Nakataas ang kamay niyang bumaba ng kotse niya. At agad siyang tinutukan ng baril ng mga kalalakihang tauhan ng sindikato."Nasaan ang asawa ko? Anong ginawa niyo sa kanya?" tanong ni Dave sa mga armadong lalaki.Ngumisi lang ang mga ito sa kanya. At 'yung isa ay agad siyang sinikmuraan."Ano! Mag-aangas ka pa! Wag kang mag-alala hindi pa kami na uulol para lapain 'yung asawa mong malaki ang tyan!""Hayup ka!" sambit pa ni Dave.
Annie's POV:Marami nang dugo ang umaagas mula sa sinapupunan ko. Ramdam ko iyon kaya naman mas binilisan ko pa ang pagmamaneho ko ng kotseng sinakyan ko. Ngunit kahit na medyo malayo na ako ay ramdam kong may sumusunod pa rin sa akin. Kailangan ko lang makarating sa kahit saang ospital upang masiguro ko ang paglabas ng baby ko ng maayos.Alam kong lalabas na siya sa di tamang panahon. My God! Seven months pa lang ang baby ko, paano siya mabubuhay na kulang pa siya ng dalawang buwan."Baby! Anak huwag kang panghinaan ng loob, kahit na ganito ang sitwasyon natin kailangan mong mabuhay! Mabubuhay ka anak!" lumuluha kong sambit habang hawak ko ang may kalakihan ko nang tiyan.Hindi ako papayag na sa ganitong paraan mawawala ang baby ko. Kailangan kong makapunta sa ospital kahit na saang ospital pa iyan kailangan kong marating para mailigtas ko pa ang baby namin ni Dave.Samantalang nasa kal
Mabilis na pinaharurot ni Churles ang sasakyan upang mabilis kaming makatakas sa lugar na iyon.Bagamat kapwa kami puno ng kaba dahil alam naming marami sila, nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sa nakaligtas kami.Malungkot lang ako para kay Boy. Si Boy na isa sa mga tauhan ko. Ang siyang nagbuwis ng buhay para sa aming lahat."Huwag kang mag-alala Boy sisiguruhin kong makakabawi ako sa pamilya mo!"Mariin kong sabi sa sarili ko habang mabilis pa ring pinapatakbo ni Churles ang sasakyan."Bilisan mo pa Churles dahil tiyak na hinahabol tayo ng mga iyon!" sabi ko habang nakalingon ako sa likod namin.Nakikita kong anumang oras ay maabutan kami ng mga tauhan ng sindikatong iyon."Boss... Baka may cellphone dyan si Boy sa suot niyang
Dave's POV:Malakas ang pagsabog ng sasakyang kanina'y kinalululanan ko. Mabilis kasi itong tumaob matapos magpagulong-gulong mula sa gilid ng kalasada pabagsak sa damuhan. Mula roon ay bumilang lang ang limang minutong lumipas at pagkatapos ay sumabog ang kotse."Boss Buhay pa kaya si Dave?!" sigaw ng isa sa mga tauhan na humahabol sa akin kanina.Binatukan ito nang tinawag na Boss. "Siraulo mo pala eh! May mabubuhay ba sa pagsabog ng kotse!" Sabay tadyak pa uli sa tauhan niyang sa tingin niya ay aanga-anga. "Tayo na nga! Ako na bahalang magpaliwanag Kay Boss!" galit nitong sabi sa mga tauhan niya.Ang hindi nila alam ay nakatanaw ako buhat sa malayo. Sa isa sa malalaking puno ng balete na naroon. Nagawa kong makapagtago. At maikubli pansamantala ang aking sarili.Habang nag-iisip. Duguan ako dahil tinaman ng bubog ng salamin ng kotse ang isa sa mga hita
Annie's pov: Six months later: Pagkalipas nang anim na buwang pamamalagi ko sa ospital ng Launion ay nakahanda na rin akong lumabas. Pinangalagaan nila kaming mabuti sa tulong na rin ng kaibigan at kakilalang duktor ni Dr. Raymon na kaibigan ni Dave. Hanggang ngayon ay wala pa ring Dave ang nagpapakita sa akin. Wala pa rin akong anumang Balita tungkol sa kanya. Lahat ng tanungin ko ay hindi nila alam ang sagot sa akin. Si Carol na pamangkin niya ay bigla na lamang lumipad patungong America para ipagpatuloy ang naputol nitong pag-aaral ng pagdu-doctor. Nais raw nitong magpakadalubhasa sa sakit sa puso. Hindi ko pa alam kung sinong susundo sa akin sa pagkakataong ito. Hawak ko ang baby ko sa kaliwa kong kamay habang pumipirma ng discharged paper ng hospital. "Hawakan ko muna si Baby ma'am," sa