Share

CHAPTER FIFTY-SEVEN

Kinaumagahan ay nakatanggap akong muli ng text mula kay Edmon, mula sa cellphone na nakita ko sa kotseng gagamitin sana ni Annie.

Pinakuha ko na sa NBI ang kotse upang mapaimbistigahan sa kanila.

Matapos kong magmukmuk ng isang gabi ay agad din akong naka move on sa kabiguan ko. Naisip kong hindi ito ang tamang panahon upang sisihin ko ang iba sa sarili kong kapabayaan.

Pinatawag ko si Alvin at ang mga tauhan niya upang bigyan pa ang mga ito ng isa pang pagkakataon. At yung mga nasaktan ko ay pinagpahinga ko muna ng isang buwan sa kanilang trabahao.

Hinarap ko na rin ang pamilya ni Annie na noon ay pinag-stay ko na muna dito sa hotel. Hindi ko na kakayanin na may isa nanamang makuha si Edmon. At isa pa kailangan ko ang tulong nila upang mailigtas ko ang pinakamamahal kong si Annie.

"Dhino, Shiemen kailangan ko ang tulong ninyo upang maligtas ko si Annie." mahinahon kong sabi.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status