Annie's POV:
May dalawang araw na ang lumipas buhat ng dukutin ako ni Kuya Edmon mula sa gaganaping kasal ko sana.
Sa isang abandonadong gusali niya ako dinala. Isang Lugar na kahit sipatin ko ay hindi ko alam kung saan.
Masakit na ang katawan ko dahil sa higpit ng pagkakatali sa akin.
Malaki na ang tiyan ko kaya naman dumadagdag pa ang pagsipa ng baby ko sa tyan. Nakakaramdam na rin ako ng gutom.
Mahal kong anak sana Naman ay magpakatatag ka.
At dinarasal kong sana ay ligtas kaming makatakas sa lugar na iyon.
Narinig kong may mga yabag ng mga paa ang paakyat papunta sa kinaroroonan ko.
Mga boses ng mga
Annie pov:At hindi nga ako nagkamali. Si Dave nga ang dumating. Pagbungad pa lang ng mga sasakyan nila ay nasawata na sila ng mga tauhan ng mga sindikato.Nakita kong gulat na gulat si Dave. Hindi niya inasahang napakaraming tauhan ang mararatnan niya. Puno ng mga armas ang mga ito.Nakataas ang kamay niyang bumaba ng kotse niya. At agad siyang tinutukan ng baril ng mga kalalakihang tauhan ng sindikato."Nasaan ang asawa ko? Anong ginawa niyo sa kanya?" tanong ni Dave sa mga armadong lalaki.Ngumisi lang ang mga ito sa kanya. At 'yung isa ay agad siyang sinikmuraan."Ano! Mag-aangas ka pa! Wag kang mag-alala hindi pa kami na uulol para lapain 'yung asawa mong malaki ang tyan!""Hayup ka!" sambit pa ni Dave.
Annie's POV:Marami nang dugo ang umaagas mula sa sinapupunan ko. Ramdam ko iyon kaya naman mas binilisan ko pa ang pagmamaneho ko ng kotseng sinakyan ko. Ngunit kahit na medyo malayo na ako ay ramdam kong may sumusunod pa rin sa akin. Kailangan ko lang makarating sa kahit saang ospital upang masiguro ko ang paglabas ng baby ko ng maayos.Alam kong lalabas na siya sa di tamang panahon. My God! Seven months pa lang ang baby ko, paano siya mabubuhay na kulang pa siya ng dalawang buwan."Baby! Anak huwag kang panghinaan ng loob, kahit na ganito ang sitwasyon natin kailangan mong mabuhay! Mabubuhay ka anak!" lumuluha kong sambit habang hawak ko ang may kalakihan ko nang tiyan.Hindi ako papayag na sa ganitong paraan mawawala ang baby ko. Kailangan kong makapunta sa ospital kahit na saang ospital pa iyan kailangan kong marating para mailigtas ko pa ang baby namin ni Dave.Samantalang nasa kal
Mabilis na pinaharurot ni Churles ang sasakyan upang mabilis kaming makatakas sa lugar na iyon.Bagamat kapwa kami puno ng kaba dahil alam naming marami sila, nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sa nakaligtas kami.Malungkot lang ako para kay Boy. Si Boy na isa sa mga tauhan ko. Ang siyang nagbuwis ng buhay para sa aming lahat."Huwag kang mag-alala Boy sisiguruhin kong makakabawi ako sa pamilya mo!"Mariin kong sabi sa sarili ko habang mabilis pa ring pinapatakbo ni Churles ang sasakyan."Bilisan mo pa Churles dahil tiyak na hinahabol tayo ng mga iyon!" sabi ko habang nakalingon ako sa likod namin.Nakikita kong anumang oras ay maabutan kami ng mga tauhan ng sindikatong iyon."Boss... Baka may cellphone dyan si Boy sa suot niyang
Dave's POV:Malakas ang pagsabog ng sasakyang kanina'y kinalululanan ko. Mabilis kasi itong tumaob matapos magpagulong-gulong mula sa gilid ng kalasada pabagsak sa damuhan. Mula roon ay bumilang lang ang limang minutong lumipas at pagkatapos ay sumabog ang kotse."Boss Buhay pa kaya si Dave?!" sigaw ng isa sa mga tauhan na humahabol sa akin kanina.Binatukan ito nang tinawag na Boss. "Siraulo mo pala eh! May mabubuhay ba sa pagsabog ng kotse!" Sabay tadyak pa uli sa tauhan niyang sa tingin niya ay aanga-anga. "Tayo na nga! Ako na bahalang magpaliwanag Kay Boss!" galit nitong sabi sa mga tauhan niya.Ang hindi nila alam ay nakatanaw ako buhat sa malayo. Sa isa sa malalaking puno ng balete na naroon. Nagawa kong makapagtago. At maikubli pansamantala ang aking sarili.Habang nag-iisip. Duguan ako dahil tinaman ng bubog ng salamin ng kotse ang isa sa mga hita
Annie's pov: Six months later: Pagkalipas nang anim na buwang pamamalagi ko sa ospital ng Launion ay nakahanda na rin akong lumabas. Pinangalagaan nila kaming mabuti sa tulong na rin ng kaibigan at kakilalang duktor ni Dr. Raymon na kaibigan ni Dave. Hanggang ngayon ay wala pa ring Dave ang nagpapakita sa akin. Wala pa rin akong anumang Balita tungkol sa kanya. Lahat ng tanungin ko ay hindi nila alam ang sagot sa akin. Si Carol na pamangkin niya ay bigla na lamang lumipad patungong America para ipagpatuloy ang naputol nitong pag-aaral ng pagdu-doctor. Nais raw nitong magpakadalubhasa sa sakit sa puso. Hindi ko pa alam kung sinong susundo sa akin sa pagkakataong ito. Hawak ko ang baby ko sa kaliwa kong kamay habang pumipirma ng discharged paper ng hospital. "Hawakan ko muna si Baby ma'am," sa
Saisang lugar pa rin na sakop ng Launion kami humatong nina Shiela at Marvin. Huminto nga kami sa tapat ng isang mataas na condominium building kung saan naninirahan ang anak-anakan ni Dave na si Marvin. Hindi ko alam na sa bayan pala na ito siya pinatira ni Dave. Siguro ay para malayo na siya sa amin. Alam kong alam niyang naiinis ako sa ampon niya kaya naman gumawa siya ng paraan para malayo si marvin at nang sa ganoon ay hindi na ako magalit sa kanya at mainis. Lahat talaga ay ginagawa niya para sa akin. At sa isipaing iyon ay tila nakadama na naman ako ng lungkot.Hindi ko na namalayang nakasakay na pala kami sa elevator ng comdominium at umaandar na ito pataas nang building, sa fourth floor ang unit na hinintuan ng elevator at kami ay sabay-sabay na lumabas ng elevator at tuluyang pumasok sa unit.Maganda naman ang design ng condo unit niya. Halatang panglalaki at malinis naman ang loob 'non. Umupo muna kami sa sofa. Samantalang bigla
Matapos kong kumain nang kumain ay nag-shower na ako. Ang naudlot kong pag sa- shower kanina ay itinuloy ko na. At pagkalipas nga ng thirty minutes ay lumabas na ako ng banyo. Bihis na ako at sa balkonahe ko nakita si Shiela. Nakatanaw sa magandang tanawin sa labas. Buhat kasi roon ay tanaw niya lahat ang buong paligid. Nakakatanggal nga naman ng pagod. Ngunit sa pag kakataong ito ay nais kong malaman ang lahat. Sinamantala kong tulog si Baby Daniel at naroon naman si Marvin habang nanonood ng t.v. "Shiela, nakahanda na ako," seryoso kong sabi sa kanya. Nakita niya sa mga mata ko ang pagiging determinado. Sa pagkakataong iyon ay ayaw kong maging mahina ako. Kailangan kong maging malakas para sa amin ng anak ko. "Patay na ang Papa mo, actually hindi ko alam kung paano sasabihin sa iyo pero..." Nag-aatubili pa rin si Shiela. Marahil ay natatakot pa rin siyang mabigla ako ng so
TWO YEARS LATER:Annies Pov:Mga ala-ala ng nakalipas na dalawang taon.Ang property na sinasabi ni Shiela sa akin ay ang taniman ng strawberry sa baryo Sta. Ynez sa Baguio. May property pala roon na noon pa ipinangalan sa akin ni Dave. Pati pala ang apartment na noon ay tinirhan ko.Tinanong sa akin ni Marvin kung nais ko bang ipagbili iyon, tutal naman ay sa akin iyon ipingalan ni Dave.Ngunit tinutulan ko iyon, marami kasing ala-ala na naroon na nais ko pa ring balikan.Sumama sa akin si Shiela hanggang sa Baguio. Dahil nga sa hindi na siya pwedeng bumalik sa kanyang pamilya nang hindi na madamay pa ang mga ito sa magulong buhay ko.Wala naman daw problema sa pamilya niya kaya okay lang para sa