Kinabukasan na pala ang flight nina Carol at Shimmen kaya naman nang makauwi kami sa hotel ay maaga kaming nag pahinga.
Doon parin ako tumuloy sa kwarto ni Dave bilang okay naman na ang lahat sa amin.
Pero hindi naman kami tabing natulog. Para sa akin ay hindi pa namin dapat gawin iyon dahil sa hindi pa kami kasal at nagpapasalamat akong nirerespeto niya ang aking mga desisyon.
Pasado alas-sais ng umaga ng magising ako. Lumibot ang paningin ko sa buong silid at sinilip ko si Dave na nakahiga sa kutson sa kabilang side ng kama.
Mabuti na raw na sa kutson siya matulog kaysa naman daw lumipat pa ako ng kwarto.
Handa raw siyang maghintay at magtiis para sa akin. Madramang sabi niya kagabi.
Ako naman ay nangingiti habang pinapakinggan ang mga sinasabi niya.
Marahan akong bumangon upang hindi ko siya magising. Dahil alam kong pagod din ito sa b
Malakas na tutugtugan at tambol mula sa mga banda ang nagpapaingay sa buong stadium. Naroon kaming lahat upang pakinggan ang pasasalamat ng presidente ng bansa at video message ng mga isa sa mga pinuno ng bansang nasasakop ng Europa. Ayaw man noon ni Dave na tanggapin ang parangal na iyon dahil sa hindi raw niya iyon ginawa para sa ikararangal niya lamang kundi para na rin sa kapakanan ng marami. Ngunit naisip niyang mas makakabuting magpunta na kami at malaman ng mga tao ang tunay na bayani ay hindi siya kundi ang mga taong nagbuwis ng buhay sa labang iyon. Inimbitahan namin ang pamilya ni Shiela, ang ama nito at mga kapatid na siyang pag-aalayan namin ng pasasalamat. Maging ang asawa at apo ni mang Badong ay pinadalo sa pagdiriwang na iyon. Ilang minuto pa ang lumipas ay naroon na ang lahat ng tao. At ang mga magbibigay ng parangal sa kanya. Bagamat maingay ang buong paligid ay natutuwa ang lahat para kay Dave. Bilang isang mayamang pilantropo at tunay na matulungin ay n
Ilang sandali pa ang lumipas at narinig na namin ang iyak ng isang sanggol. At alam kong iyon na ang anak kong kasisilang pa lang. Ilang sandali lang din ay lumabas na sa loob ng delivery room ang doktor na nagpaanak kay Annie."Okay naman na sila, pwede niyo nang makita mamaya sa recovery room," mahinahong sabi ng doctor sa akin. At lahat nga kami ay nakahinga nang maluwag. ********Six months later:Annie's pov:Ang lahat ay masaya sa bagong dating naming sanggol na pinangalanan naming Davenlyn at ang nick name nito at Aven. Si baby Aven na ngayon ay palaging kasama ng kanyang Papa. Sobrang bumawi si Dave sa kanyang ikalawang anak dahil sa pangyayari noon na hindi niya manlang nahawakan ang kanyang anak noong itoy sanggol pa lamang. Kasalukuyan kaming narito sa batanggas nagbabakasyon. May tatlong buwan na kami sa bahay bak
Dave's pov:Pagkatapos ng libing ay muli kong inasikaso ang kasong kinakaharap ni Don Fabian. Dinalaw ko ito sa piitan kung saan siya ikinulong ng buong NBI."Kamusta Don Fabian?" tanong ko sa kanya. Nakaupo ito at nakayuko. Nakaposas ang kanyang mga kamay at tumingalang tumitig sa akin."Ikaw? Masaya ka na ba? Masaya ka na bang namatay ang mga taong mahal mo?" sabi nito na nanlilisik ang mga mata."Hindi mo ba alam na anak ko si Churles! Pero nagawa niya akong trydorin para sa iyo!" sigaw ni Don Fabian. Isang rebelasyon ang kanyang isiniwalat nang mga oras na iyon para sa akin."Anak mo pala siya!" mariin kong sagot."Oo! Anak ko siya! Para sa kanya ang lahat!" Napatayo itong hinawakan ang kwelyo ng suot kong polo."Anak! na hindi mo pinahalagahan! Dahil nabaliw ka sa kayamanan!" Pabagsak kong binitiwan ang mga kamay niya at saka ko tinulak. Inawat naman siya ng mga pulis at mahigpit na hinawakan."Alam mo, Ikaw pa rin h
Six months later: Annie's Pov: Anim na buwan na pala ang lumilipas at anim na buwan na rin ang tiyan ko. Wala akong ginawa kundi ang isipin ang asawa ko na hindi nagpapakita sa akin. Ngunit may mga makakating dila ang nagsasabing pumaparito ang lalaking iyon sa aking silid sa twing natutulog na ako. Iyon din ang sabi ni mama. Kapag daw natutulog na ako at saka dumarating ang asawa ko, binabantayan daw ako at pinagmamasdan habang natutulog. Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginagawa. Si Daniel na anak namin ay nasa Santivaniez Hotel na at kasalukuyang binabantayan nina kuya Salmon at Joan. Nalamang ko sa kanila ang mga nabuong relasyon at magandang pagtitinginan nina kuya Salmon at Joan, na akin namang ikinatuwa. Si Tatay Arman naman at ang mga kapatid nito ay nakiusap na kung maaring makabalik sila sa Bagyo at asikasuhin multi ang strawberry farm doon na naiwan namin. Bagamat doon nangyari ang malungkot na pagkawala ni
Nang makalabas ako ay agad akong sinalubong ng mga tauhan ko. At nakita ko ngang nasa malayo na ang mga pulis at ang lahat ng mga kasama ko kanina sa loob ng mansion. Nakita ko rin na kinukuha na rin ng rescuers si Don Fabian na noo'y wala pa ring malay. Mas gusto ko sanang siya na lang ang naiwan doon at hindi si Churles. Ngunit naunawaan kong tama siya, mawawalan ng saysay ang lahat kung hindi niya pagdudusahan ang kanyang mga kasalanan sa batas. "Sir Dave, may tama ka," sabi ni Alvin at simon na sumalubong sa akin. Napasampay naman ang braso ko kay Alvin. "Simon, siguruhin mong mga pulis at NBI ang makakakuha kay Don Fabian." Tumango naman ito at agad na sumunod sa inutos ko. Pinuntahan niya si Don Fabian na kasalukuyang nakagapos na. Nang naroon na sila sa campo na medyo malayo na sa mansiyon ngunit tanaw pa rin namin ito. Hanggang sa naubos ang oras at tuluyang sumabog ang buong mansion. Hindi gumana ang planong naisip ko. Nakita naming tinupok ng ma
Nang makapaglabas na ng ilang baul ang tauhan ni Don Fabian ay pinagtulungan naming mga kalalakihan ang pagbuhat sa malaking aparato kung saan naroon ang bomba. Maliban kay Churles na kinuha ang mga lubid na kanina ay nakatali sa mga bihag at siya niyang itinali kay Don Fabian na wala pa ring malay."Isa...dalawa...tatlo...." bilang namin habang sabay-sabay na binubuhat ang aparato. Hanggang sa naipasok namin ang aparato sa loob ng silid at saka namin iyon muling isinara. May tatlong oras na nalalabi upang makatakas kami bago sumabog ang bomba.Samantalang naririnig na namin ang mga paghuhukay na ginagawa nila sa labas para mailigtas lamang kami sa nalalapit na pagsabog.Nakita nila ni Dhino at Shiemen ang kaunting lamat sa pader na nalikha ng mga tao sa labas. Habang pilit nilang hinuhukaya at tinitibag ang pader sa labas. Sinikap nilang mabasag ang mga salamin sa bintana ngunit napakatibay ng mga salamin dahil sa sobrang kapal at gawa sa mamahaling materyales.