Share

KABANATA 3

"Why are you here, Braille?" Malamig na malamig din ang boses nito habang nakatingin sa kanya na parang walang emosyon.

"O-of course, asawa mo ako kaya't andito ako. Bakit ka ikakasal kay Audrey? Kasal tayo. Kaninong anak iyong karga niya kanina? Sa inyo ba iyon? Hindi ka ba natatakot na baka kasuhan ko kayo dahil may anak kayo kahit kasal tayo?" Nagsisimula nang gumaralgal ang boses niya sa sunud-sunod na tanong na iyon.

Hindi ito umimik habang patuloy lang na nakatingin sa kanya.

"Ilang beses kitang sinubukang tawagan. Sinulatan din kita, Sky. Kung binasa mo lang ang kahit isa man sa sulat ko, maliliwanagan ka sana. I'm sorry kahit alam kong pitong taon na ang lumipas. Gusto kong ipaliwanag ang lahat para maayos natin ang relasyon natin bilang mag-asawa," umiiyak na siya habang sinasabi iyon.

"You were never my wife."

"I know, Sky. Andami kong pagkukulang bilang asawa mo noon. I was too young and really stupid and-"

"Our marriage is fake."

Natigilan siya sa narinig. Gusto pang iproseso ng utak niya kung tama ba ang narinig niya.

"W-what?" Mahinang-mahina ang boses niya nang itanong iyon.

"Alam kong bata ka pa nang panahong iyon plus the fact that it was just an arranged marriage. Ayaw kong ikulong ka sa isang bagay na pagsisisihan mo buong buhay mo so kinausap ko ang parents mo. The deal was to wait for a year bago tayo magpapakasal nang totohanan. Kung magiging okay ang pagsasama natin then ikakasal tayo sa simbahan. Remember, nilayasan mo pa nga ako no'ng gabi bago ang "kasal" natin? So I was thinking na tama nga lang ang naisip ko. That was also the main reason kung bakit very private ang kasal na iyon at iilan lang ang nakakaalam. That marriage was just to honor the agreement between our parents. Hindi rin alam ng mga magulang ko ang tungkol doon. Saka ko lang sinabi no'ng umalis na ako ng bansa."

Patuloy lang sa pag-agos ang mga luha niya habang nakikinig sa lalaki.

"Pumayag agad ang mga parents mo sa pakiusap ko dahil nakikita naman nilang nagrerebelde ka nang mga panahong iyon. I promised them that I will not consummate our marriage hangga't hindi tayo ikinasal nang totoo. But then... you know the reason bakit hindi ko natupad ang promise na iyon. Anyway, gusto ko na sanang sabihin sa'yo ang tungkol sa pekeng kasal natin when I was in Europe but your parents told me na they will be the ones to tell you, which obviously they didn't do. I didn't plan to spill it out to you on my engagement night."

Sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng lalaki ay para namang may malalaking mga kamay ang pumipiga sa puso niya.

Bakit wala siyang nakikitang kahit isang ekspresyon sa mukha at boses ni Sky? Gano'n ba kalaki ang galit nito sa kanya at nakaya nitong kalimutan ang lahat sa kanilang dalawa?

May panahong inakala niya ay natutunan na rin siyang mahalin ng lalaki. Akala lang pala talaga niya iyon dahil si Audrey pa rin ang mahal nito.

Namanhid bigla ang pakiramdam niya. Awtomatikong tumigil din ang pagdaloy ng mga luha sa mga mata niya.

"Anak ninyo ba iyong bata?"

Nagulat din siya sa malamig na tonong lumabas sa bibig.

Matagal bago sumagot si Sky.

"No. Audrey can't bear a child. Ivan is my adopted son. I can't tell you the details but before ako pumunta ng Europe ay may lumapit na isang babae na bitbit ang baby and the rest is history."

Inako nito ang isang batang hindi talaga nito kadugo?

Kung alam mo lang, Sky...

Sa tingin niya ay hindi na dapat malaman ni Sky ang sekretong matagal na niyang itinatagong mag-isa. Alam din pala iyon ni Audrey. Pakiramdam niya naman ay hindi iyon sinabi ng pinsan niya kahit kanino.

Siguro ay babaunin na lang niya hanggang kamatayan ang sakit na dulot ng lihim na iyon. Wala na yata talaga siyang mapagsabihan no'n lalo pa't nalaman na rin niya ang lahat ng mga dapat niyang malaman.

Tumayo siya at taas-noong tumitig sa lalaki na akala niya ay naging asawa talaga niya. Pitong taon din pala niyang dinadala ang apelyido nito kahit wala naman siyang karapatan.

Tinitigan niya ang kamay saka inalis ang wedding ring. Lumapit siya kay Sky at kinuha ang kamay nito.

"I guess this ring doesn't belong to me." Inilagay niya sa palad nito ang singsing saka walang imik na umalis na sa harap nito.

Nang lumabas siya ng pinto ng bahay ay nakita niya ang mga magulang na nag-aabang sa kanya. Agad na yumakap ang ina niya sa kanya at biglang dumagsa na naman ang mga luha sa mga mata niya nang walang hinto.

"We're sorry, anak. Patawad at itinago namin sa'yo ito sa mahabang panahon. Hindi namin maaatim na makitang masaktan ka pang lalo," hinging patawad ng ina.

"Wala kayong kasalanan, Mommy. Magiging okay din ako. Magiging okay din ako." Paulit-ulit na sambit niya na parang ang sarili rin niya ang kinukumbinsi ng mga salitang iyon.

Lumapit din sa kanila ang ama niya at niyakap silang pareho.

Nasa gano'n silang eksena nang lumabas si Audrey.

"Pwede ko po bang makausap muna si Braille, Tito and Tita?" Paalam nito sa mga magulang niya.

Awtomatikong umalis siya sa pagkakayakap ng mga magulang at pinahid muna ang mga luha sa mukha bago humarap kay Audrey.

"It's okay, Aud. Nabigla lang ako. I'm so sorry if nasira ko tuloy ang engagement night ninyo," sabi niya pero hungkag pa rin ang tono ng boses.

Ayaw niya lang talagang makausap nang sarilinan pa si Audrey.

Para saan pa, di ba? Para ipamukha sa kanya na nagmumukha lang siyang tanga nang gabing iyon?

Kusa nang lumayo muna ang mga magulang niya para sa kanila ni Audrey. Matagal na nakatitig lang si Audrey sa mukha niya at nang maiwan na lang silang dalawa roon ay saka ito ngumiti nang kimi sa kanya.

"You should let go of your feelings for him, Braille. He was never yours in the first place."

Kitang-kita niya ang awa sa mga mata ng pinsan. Kahit siya ay gusto ring kaawaan ang sarili. Hindi na siya umimik at magpapaalam na lang sana uli nang bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Sky.

Muling nagtama ang mga mata nila.

He was giving her a cold stare.

Agad na iniiwas niya ang tingin saka nagpaalam na nang tuluyan.

"W-we'll go now. I'm sorry again for ruining this special night. Congratulations pala sa inyong dalawa." Agad na tumalikod na siya pagkasabi no'n.

Pigil na pigil niya ang sariling umiyak uli.

Saka na kapag nakauwi na siya ng bahay...

Oo nga pala. Wala nga pala siyang karapatang manatili pa sa bahay ni Sky na tinutuluyan niya sa loob ng pitong taon.

Napabuntunghininga siya.

Wala siyang choice kundi umuwi sa bahay muna ng parents niya ngayong gabi.

Bukas na bukas din ay ipapakuha na niya ang mga gamit niya sa bahay ng lalaki na inakala niyang asawa niya sa nakalipas na mga taon.

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Dimple
ang sakit nman...
goodnovel comment avatar
Jazzy
Kakasimula ko pa lang basahin story mo ms.a! At ...... na agad hehe
goodnovel comment avatar
LuciHeartfi
Just found this story, mukhang need ko mag tabi ng tissue... Me anak ba sila???
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status