Share

KABANATA 4

A FEW YEARS AGO...

Kanina pa siya titig na titig sa binatilyong nakaupo sa sofa nila katabi ng Mama nito. Kilala niya ang ina ng lalaki dahil kaibigang matalik iyon ng mommy niya at lagi niyang nakikitang bumibisita sa bahay nila kasama ang anak nitong si Ara na isang taong gulang.

Napakunot-noo siya dahil ngayon lang niya nakita ang anak nitong lalaki na tahimik na nakaupo lang sa tabi.

"Malaki na pala talaga itong si Sky. Binatilyo na nga at napakagwapo. Dati-rati ay siya iyong bitbit mo kapag napapadpad ka rito. Nasaan nga pala si baby Ara?" nakangiting tanong ng Mommy niya sa Tita Janese niya na kaibigang matalik ng ina.

"Kanino pa ba naman magmamana kundi sa Mama niya," nakatawang sagot ng babae habang inaakbayan na ang anak nito.

Nakita niyang napatingin na rin sa Mommy niya ang binatilyo at kiming ngumiti.

"Kararating nga lang ng mga parents ni Samuel from Europe kaya't hiniram muna saglit si Ara. Mabuti na nga lang at sumama na pag-uwi itong anak kong si Sky. Minsan nagtatampo na nga ako dahil parang mas gusto pa niyang manirahan doon sa lolo't lola niya," kunyari nagtatampong dugtong pa nito.

"Of course not, Ma. I came back because I missed all of you," masuyong tanggi ng binatilyo.

Napalabi siya nang wala sa loob.

Marunong naman palang magsalita ang lalaki.

"It's good kasi I've heard na mananatili ka na uli rito. Mabuti naman iyon nang magkikita kayong lagi nitong anak kong si Braille. The last time you were here I think that was five years ago at seven years old lang yata no'n si Braille. Do you still remember her?"

Saka lang bumaling sa kanya ang lalaki. Hindi niya alam kung bakit biglang nag-init ang mga pisngi niya nang tingnan ng magagandang mga mata nito.

"Yes po. Hi, Braille!" Kiming ngumiti pa rin ito sa kanya.

Nagulat siya sa hindi inaasahang pagbati nito.

"Why do you know me when I haven't seen you before? My parents kept mentioning your name but I don't remember seeing your handsome face." Tuloy-tuloy ang bibig niya at huli na nang mapansin ang indirektang papuri niya sa kagwapuhan nito.

Awtomatikong natutop niya ang bibig habang namimilog ang mga matang nakatitig sa binata. Mas lalong uminit ang mukha niya!

Narinig niya ang sabay na pagtawa ng mga ina nila. Hindi rin nakaligtas sa paningin at pandinig niya ang mahinang pagtawa ng lalaki dahil sa sinabi niya.

"Braille is still charming as ever!" Nakatawang sabi ng Tita Janese niya. Tawa lang din ang isinagot ng mommy niya.

"Halos araw-araw si Sky dito no'ng baby ka pa lang. He was around five or six years old that time. May picture pa nga kayo no'ng sinubukan niyang kargahin ka. Tingnan mo mamaya at nasa album natin iyon," masayang kwento ng ina niya.

"Oh!" Iyon lang ang nasabi niya nang tanggalin na ang mga kamay sa bibig.

"So you find Sky handsome?" Tila nanunudyong tanong ng ina nito.

Muli ay pinamulahan siya ng mukha habang alanganing napatingin kay Sky na tila hindi na pinansin ang tanong ng mommy nito dahil abala na sa librong hawak.

Mas lalo siyang napi-pressure nang naghihintay ng sagot niya pati ang mommy niya.

"Braille is still young. She might not understand it yet. Just let her enjoy being a child first, Mom." Biglang sumabat si Sky kahit nananatiling nakatingin sa librong hawak nito.

"What's wrong, son? I was just asking if she finds you handsome," depensa naman agad ng ina nito.

"Your son is so serious for his age. How old is he again?" Nakatawa pa ring tanong ng mommy niya.

"He is seventeen now. Is it alright if we gave him the freedom to explore first and have a girlfriend while they are still young for marriage? Ayaw naman kasi naming pigilan ang normal stages ng pagiging teenager." Biglang sumeryoso ang mukha ng Tita Janese niya nang tanungin ang ina niya.

"Ma!" Saka lang humiwalay ang mga mata ni Sky sa libro nang parang magpoprotesta ito.

"What? Ayaw mo bang subukang magka-girlfriend while you still can? Ah, yeah, I remember now! Your lola told me na may girlfriend kang naiwan sa Europe."

Nanatiling nakatitig ang mga mata niya sa lalaki.

May girlfriend na ito? Bakit parang bigla siyang nalungkot? Alam niyang bata pa siya. She's just twelve years old at kahit crush ay wala siya. Iyong mga kaklase niya ay may love team na sa school nila. Siya ay mas nag-eenjoy pa rin sa paglalaro.

Pero bakit parang gusto niyang magsuklay ng buhok ngayon at manalamin para masigurong maayos pa rin ang mukha niya? Hindi rin niya maalis-alis ang mga mata sa mukha ng binatilyo.

Ito na ba iyong tinatawag nilang crush?

"It was not a formal relationship, Mom, just mutual understanding," walang anumang sagot nito na ibinalik na ang atensiyon sa libro.

"Did you break up with her bago ka bumalik dito? Baka kasi umasa at-"

"Janese, don't pressure your son. I agree, dapat ngang maging normal ang teenage life nila kaya't hayaan natin silang maranasan ang mga iyan. But for my Braille, she's only allowed to have a boyfriend when she turns eighteen."

"Oh? So basically, hindi talaga niya mararanasan magka-boyfriend ng iba since napagkasunduan na natin na ikasal sila kapag tumungtong na siya ng eighteen?" Namimilog ang mga matang kumpirma ng Tita Janese niya.

Kasal? Bakit kasal ang pinag-uusapan ng mga ina nila? At sino ba ang ikakasal kapag tumungtong ng eighteen?

"Exactly! I think hindi niya naman kailangang maranasan ang magka-boyfriend pa ng iba. Your son is more than what a woman could ask for as a boyfriend and as a future husband once they reached that stage." Nagyakapan pa ang dalawa pagkasabi ng ina niya no'n na para bang excited nang dumating ang panahong iyon.

Napatingin sa kanya si Sky. Nakita yata nito ang kalituhan sa mukha niya kaya't napailing -iling na lang ito saka itinuon na uli ang pansin sa libro.

"Mom? Whose wedding are you talking about?" Hindi na niya napigilang itanong.

Agad na bumitiw sa yakapan ang dalawa saka bumaling sa kanya. Nagkatinginan pa ang mga ito bago siya inakbayan ng mommy niya.

"I know you're too young to understand this now, Braille. You know naman na magkaibigan na kami ng Tita Janese mo since we were young, di ba? Before we got married, we promised each other na ipapakasal ang unang anak na babae at lalaki namin. It's our form of making our connection stronger. We don't want to stay as friends only. We want to become a family and iyon lang ang naisip namin para maging magkapamilya na kami."

Napakurap-kurap lang siya sa dalawang babaeng nakatingin sa kanya.

"Anyway, maiintindihan mo rin pagdating ng tamang edad. Sinasabi na namin sa inyo nang ganito kaaga para hindi na kayo mabibigla. Gusto rin namin na maging close na kayo sa isa't-isa para hindi na kayo mahirapang pareho when that time comes, okay, my baby?" Pinisil pa ng mommy niya ang baba niya nang sabihin iyon.

"Ladies! I'm sure you'll be thrilled to see my new collection. Una ko talaga kayong pinuntahan para makapili pa kayong mabuti."

Mabilis na napalingon sila sa kakarating lang na matabang babae na punong-puno ng alahas ang katawan. May dala itong malaking bag na alam niyang mga alahas din ang laman. Parehong mahihilig sa mga alahas ang mga ina nila kaya't agad na tumayo ang mga ito para salubungin ang bagong dating na babae.

"We just can't wait anymore. Let's go to the veranda so we can check them one by one," excited na sabi ng mommy niya.

Iniwan na nga sila ng tatlo. Nang sila na lang dalawa ni Sky ang nasa sala ay napatingin uli siya rito.

"Do you want to marry me?" Inosenteng tanong niya.

Hindi niya kasi ito nakaringgan ng pagtutol man lang nang pag-usapan ang tungkol sa kanila at sa kasal kuno kapag eighteen na siya.

Huminga ito nang malalim habang isinara ang librong binabasa. Sinalubong nito ang mga mata niya na siyang nagpabilis uli ng tibok ng puso niya. Hindi niya naiintindihan ang nararamdaman sa batang edad niyang iyon. Matagal muna siya nitong tinitigan sa mukha bago siya sinagot.

"Why not?"

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mhariel Co
Dito pa lang sky mahal Muna si braille
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status