Mistakes and Beyond

Mistakes and Beyond

last updateLast Updated : 2026-03-13
By:  MsskygirlUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
4views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Sa mundo ng mga elite, isang pagkakamali lang ang kailangan para gumuho ang lahat. Celestia Kie Marquez learned this the hard way. Isang gabi ng maling akala at bugso ng damdamin ang naging dahilan ng kanyang pag-alis. She fled without a trace, leaving behind the wreckage of her reputation and the only man she ever truly loved, the ruthless billionaire, Kielixus Riverra. Three years later, Celestia is forced to return. Her family’s business is on the brink of bankruptcy, and there is only one person powerful enough to save it. But the man she meets in the boardroom isn't the Kielixus she used to know. He is colder, sharper, and deeply bitter. For Kielixus, Celestia’s return is the perfect opportunity for payback. He offers her a deal she can't refuse: a business merger that requires her to be at his beck and call. Habang pilit nilang nilalabanan ang tensyon sa pagitan nila, unti-unting lumalabas ang mga sikretong pilit itinago ni Celestia.. ang isang pagkakamali na may buhay at mga matang kamukhang-kamukha ni Kielixus. As they navigate the cutthroat world of corporate wars and high-society scandals, they must realize that their past wasn't just a series of errors.

View More

Chapter 1

CHAPTER ONE

CELESTIA’S POV

Sabi nila, mistakes are meant to be lessons. Pero sa mundo ng mga bilyonaryo, ang isang pagkakamali ay hatol ng kamatayan. Para itong mantsa sa isang mamahaling white silk dress, kahit anong kuskos, kahit anong laba, laging may naiiwan na bakas. Isang paalala na minsan kang naging marupok. Minsan kang naging tanga.

Three years ago, ako ang Diamond ng pamilya Marquez. I had the grace, the name, and the future everyone envied. Pero sa loob lang ng isang gabi, lahat ’yon natunaw na parang kandila sa ilalim ng matinding init.

“Lex, please... explain this to me.”

Ramdam ko ang bawat patak ng ulan sa labas habang nakatayo ako sa gitna ng kanyang penthouse. Ang hangin ay amoy mamahaling Macallan at ang kanyang signature citrus-and-wood perfume. Pero mas nangingibabaw ang amoy ng pagtataksil.

Hawak ko ang isang dokumento, ang lihim na kasunduan ng pamilya niya para tuluyang ilubog ang kumpanya ng tatay ko. Ang masakit? ay ang makitang pirma nya ang naka sulat doon.

“Explain what, Celestia?” Walang emosyon ang kanyang boses, parang gasgas na papel na humahapdi sa tenga ko. Hindi man lang siya mukhang guilty.

“Ginamit mo ako,” gumaralgal ang boses ko habang pilit na pinipigilan ang luha. “Pinaniwala mo ako na tayo ang exception. Na kahit magkaaway ang pamilya natin, tayo ang kakampi ng isa’t isa. Pero ito? It’s a blueprint for our destruction!”

“It’s just business, Cel,” malamig niyang sagot habang dahan-dahang lumalapit sa akin.

“Business?! Isang buwan, Kiel! Isang buwan mo akong pinaniwala na mahal mo ako habang dahan-dahan mo palang nilalagari ang pundasyon ng buhay ko!

Gusto ko siyang sampalin. Gusto kong sumigaw hanggang sa mawalan ako ng boses. Pero bago ko pa magawa iyon, mabilis niya akong naikulong sa pagitan ng kanyang mga braso laban sa malamig na salamin ng bintana. Ang init ng katawan niya ay direktang kontra sa nagyeyelong ulan na humahampas sa labas.

“You’re right,” bulong niya, ang mga mata niya ay madilim at puno ng pinaghalong galit at pagnanasa. “This... us... is a mistake. Isang malaking pagkakamali.”

“Then let’s make it the best mistake of our lives,” sagot niya. At bago ko pa siya maitulak, sinakop na niya ang aking mga labi.

Isang halik na lasang luha at traydor. I hated him. God, I hated him. Pero sa gabing iyon, sa gitna ng galit at sakit, doon ko ibinigay ang lahat. Doon ko hinayaang gumuho ang huling pader ko. Akala ko, rebellion ang gabing iyon.

Hindi ko alam na iyon na pala ang huling sandata niya para tuluyan akong wasakin.

-Three years later-

Sinalubong ako ng maalinsangang hangin ng Maynila pagkalabas ko ng NAIA. Malayo sa lamig ng London, kung saan ako nagtago sa loob ng tatlong taon.

Inayos ko ang suot kong oversized sunglasses at hinigpitan ang hawak sa Rimowa suitcase ko.

Kumakabog ang dibdib ko, isang paalala ng takot na matagal ko nang kasama. Hindi na ako ang dating Celestia. Wala na ang malalambot na parte ng pagkatao ko. My eyes were sharper, my posture stiffer.

“Ma’am Celestia? Ako po si Ben, ang driver na pinadala ng Marquez Corp.”

Tumango ako. “Salamat, Ben. Tuloy ba ang meeting ng 2:00 PM?”

“Opo, Ma’am. Diretso na po ba tayo sa Riverra Tower?”

Parang tumigil ang daloy ng dugo ko sa pagbanggit ng pangalang iyon. Riverra Tower. Ang lungga ng leon.

“Yes. Hindi tayo pwedeng mahuli,” maikli kong sagot.

Sumakay ako sa likod ng sasakyan at tumingin sa labas ng bintana. Marami nang nagbago sa Maynila, pero ang bigat ng pangalan ko ay nananatili pa rin.

My father was sick. Our company was bleeding out. Ang Marquez empire na dating tinitingala ay isa na ngayong lumulubog na barko. At ang tanging taong may hawak ng salbabida ay ang lalaking iniwan ko nang walang kahit isang salita.

Binuksan ko ang envelope sa tabi ko. Sa ilalim ng mga financial reports, may isang litrato na laging nagbibigay sa akin ng lakas at takot. It was a picture of a two year old boy with messy dark hair and eyes that were a piercing, familiar shade of gray.

Kaleb. My greatest mistake. My greatest blessing. At ang pinakamalaking sikreto ko.

“Kielixus will never find out,” bulong ko sa hangin. Ilang taon ko na itong sinasabi, pero ngayon, parang isa na itong malaking kasinungalingan.

Tumigil ang sasakyan sa harap ng isang dambuhalang building na gawa sa salamin at bakal, ang Riverra Headquarters. Pakiramdam ko ay naglalakad ako patungo sa sarili kong bitayan.

Pag akyat ko sa 60th floor, sinalubong ako ng secretary na parang model sa rampa.

“Mr. Riverra is expecting you, Ms. Marquez. You may go in.”

Huminga ako nang malalim, niyakap ang designer bag ko na parang kalasag, at itinulak ang mabigat na pinto.

Sa dulo ng napakalawak na opisina, sa likod ng obsidian desk, nakaupo ang lalaking dahilan ng lahat. He didn't look up immediately.

He was signing papers, fluid and dominant. Tatlong taon ang lumipas at lalo siyang naging kagalang galang, lalong lumapad ang balikat, lalong tumalim ang panga, at lalong naging nakakatakot ang kanyang aura.

“You’re three minutes late, Celestia.”

Ang boses niya ay nagdulot ng kilabot sa buong katawan ko. Mas malalim. Mas malamig. At mas walang pakiramdam.

Tumingala siya. Noong nagtama ang mga mata naming dalawa, for a split second, nakita ko ang dating Kielixus, ang lalaking minsan akong tiningnan nang may pagmamahal. Pero nawala rin iyon agad, pinalitan ng isang pader na yari sa yelo.

“Maupo ka,” utos niya. “Tingnan natin kung ang proposal mo ba ay worth for the three years na sinayang mo sa pagtakas.”

Naglakad ako palapit sa kanya. Bawat hakbang ay parang pagtapak sa bubog. Umupo ako sa harap niya, pilit na pinapakalma ang nanginginig kong mga kamay.

“Hindi ako napunta rito para pag-usapan ang nakaraan, Kielixus. I’m here for business.”

Sumandal siya sa kanyang upuan, isang mapang-asar na ngisi ang gumuhit sa kanyang mga labi. “Business? Akala mo ba ganun-ganun lang iyon? Pagkatapos ng ginawa mo, babalik ka rito at hihiling ng 'business'?”

Bigla siyang lumapit, ang mukha niya ay ilang pulgada na lang mula sa akin. Naamoy ko muli siya, ang citrus at wood. Nakakahilo.

“May utang ka sa akin na higit pa sa paliwanag, Celestia. You owe me a pound of flesh. And I intend to collect.”

Napalunok ako. Kung malalaman niya ang tungkol kay Kaleb, hindi lang laman ang kukunin niya. He would want my soul.

“Ano ang gusto mo, Kielixus?”

Tinitigan niya ako, ang kanyang mga mata ay madilim na parang may halong galit at obsession.

“Everything,” bulong niya. “I want everything you’ve spent the last three years protecting.”

Hinila niya ang isang itim na folder at inilapag sa harap ko. "I will save your company. But there is a price."

Binuksan ko ang folder. Nanlaki ang mga mata ko sa nakasulat.

"Be my Executive Assistant, Celestia. Be at my beck and call, twenty-four seven. Doon ka titira sa penthouse ko, sa lugar kung saan mo ako iniwan." Hinawakan niya ang baba ko at pilit na iniharap sa kanya.

"Pirmahan mo iyan, o panoorin mong maging abo ang lahat ng pinaghirapan ng tatay mo."

The game had begun. Habang nakatingin sa mga mata ng lalaking lihim ko pa ring minamahal, nalaman ko na ang pagkakamaling iyon noon ay simula pa lang. Ang totoong laban, ang magdadala sa amin beyond our pride and pain, ay nagsisimula pa lang pala.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status