แชร์

KABANATA 2

ผู้เขียน: Jewiljen
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2022-07-27 15:58:34

Buong pagmamahal na sinusundan niya ng tingin ang bawat kilos ng lalaki. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Gusto niyang umiyak at tumawa sa magkahalong lungkot at tuwa. Hindi iilang beses niyang pinapangarap na dumating ang araw na masisilayan niya muli ang mukha ng lalaking itinitibok pa rin ng puso niya. Hindi iyon nabago kailanman ng pitong taong pagkakawalay nito sa kanya.

Maya-maya ay pumunta ang lalaki sa gitna at nagsalita gamit ang mic.

"Thank you all for coming. Ito ang pinakamagandang salubong ninyo sa akin sa pagbabalik ko dito sa Pilipinas. Please enjoy the night. I'll do my best para mapuntahan kayo isa-isa," pagkasabi no'n ay umalis na nga ito agad sa maliit na stage sa gitna.

Nagsimula nang mag-serve ng mga pagkain ang mga waiters at nakita nga niya nang puntahan ni Sky ang bawat mesa para mangumusta.

Tumayo siya para pumunta ng restroom bago pa siya makita ng lalaki.

Kabisado pa rin naman niya ang bawat sulok ng bahay ni Sky. Sa katunayan, wala pa ring ipinagbago iyon. Nagkulong siya sa isang cubicle at ilang beses na huminga nang malalim. Nang sa tingin niya ay okay na siya ay saka siya lumabas.

Hinimas-himas niya uli ang wedding ring na suot. Ready na siyang harapin ang lalaki. Kinabisado na niya ang paghingi ng sorry dito na pitong taon na niyang inulit-ulit sa utak. Handa na siyang ipaliwanag ang lahat.

May isang bagay din siyang gustong aminin sa lalaki. Isang bagay na hanggang ngayon ay dala-dala pa rin niya sa dibdib. Hindi man niya kayang aminin pa iyon ngayon pero alam niyang kailangan niyang sabihin iyon dahil karapatan nitong malaman ang sekreto na tanging siya at si Audrey lang ang nakakaalam.

Bigla ay parang gusto niyang maiyak nang maisip iyon. Mahigit anim na taon na niyang dinadala mag-isa ang sakit ng alaalang hindi man lang niya nasabi kahit sa pamilya niya.

Kung sana'y hindi umalis si Sky no'ng mga panahong iyon ay baka...

Agad na pinahid niya ang nagbabantang luha sa sulok ng mga mata. Nag-retouch siya ng makeup saka lumabas na ng restroom.

Napatingin siya sa munting stage sa harap dahil nakatayo uli si Sky doon kasama ang mga magulang nito at kapatid na si Ara.

"Tonight is special for me because nakasama ko na uli ang pamilya ko. The main reason also why bumalik ako ng bansa ay para ipaalam sa inyong lahat ang nalalapit kong kasal," masayang anunsiyo ng lalaki.

Kasal?

Parang bombang sumabog sa tenga niya ang unexpected na announcement ng asawa.

Paano ito magpapakasal kung kasal pa rin sila?

Para siyang mabibingi sa masigabong palakpakan ng mga panauhin habang parang estatwang nakatayo lang.

"I'd like to call my very beautiful and very supportive fiancee, Audrey Simmons!"

Si Audrey? Ang pinsan niyang wala na rin siyang balita nang ilang taon? Ang babaeng una talagang minahal ni Sky?

Hindi makapaniwalang natuon ang pansin niya sa napakagandang babae na umakyat ng stage at may karga-kargang bata!

Bigla ay nagdilim ang paligid niya. Narinig pa niya ang pagsigaw ng isang babae malapit sa kanya bago siya nawalan ng malay.

Napakurap-kurap pa siya nang parang may naamoy siyang mint na malapit sa ilong niya.

"I think she's conscious now."

Pamilyar ang boses ng lalaking nagsalita. Pinilit niyang ibuka nang tuluyan ang mga mata. May nakikita siyang mga taong nakatayo sa harap niya habang nakahiga siya sa isang sofa.

Nasaan ba siya?

Agad na napabalikwas siya ng bangon nang maalala ang nangyari kanina. Hinimatay yata siya.

"How are you feeling?" worried na boses ng ina ang narinig niya.

Tinabihan agad siya nito sa sofa nang tuluyan na siyang makaupo.

"I'm okay, Mom."

Napatingin siya sa paligid. Nasa sala siya sa loob ng bahay ni Sky. Nakita niya ang nag-aalalang mukha ng mga magulang ni Sky na nakatayo rin sa harap niya. Ang daddy niya naman ay hinawakan siya sa isang kamay at umupo na rin sa tabi niya.

"Bakit hindi mo sinabing pupunta ka rin pala rito?" ang mommy niya uli.

Imbes na sumagot ay inilibot niya ang tingin at hinahanap si Sky pero wala ito roon. Hindi ba't ito iyong unang nagsalita kanina?

"Here. You need to drink this."

Napatingin siya sa pinanggalingan ng boses at nakita nga niya si Sky na may dalang isang tasa at inabot sa kanya.

"S-sky?" sambit niya na hindi inaalis ang tingin sa mukha ng lalaki.

He was just staring at her coldly.

"Okay ka na ba, iha?" tanong ng ina ni Sky.

"I'm fine na po, Ma," tipid na ngumiti pa siya rito.

"I think you should stop calling them Ma and Pa, Braelle." Biglang dumating si Audrey at humawak agad sa braso ni Sky.

Napakunot-noong napatingin siya sa pinsan niya.

"Ikakasal na kami ni Sky and it would be improper for you to address them that way," mahinhin naman ang pagkakasabi ni Audrey no'n pero iba ang dating ng mga salita nito.

"In case you forgot, I'm still married to Sky." Parang nawalan na siya ng pasensiya. Itinaas pa niya ang kamay na may suot na wedding ring para ipakita iyon sa babae.

Nagkatinginan ang lahat ng ando'n sa sala. Hinawakan naman nang mahigpit ng mga magulang niya ang kamay niya na parang binibigyan siya ng lakas.

Matagal na napatingin ang nagtatanong na mukha ni Sky sa mga magulang niya.

"You should tell her everything, Sky." Bumaling lang si Audrey sa sa lalaki imbes na sagutin siya.

"We didn't have the guts to tell her. She was hurting and still hurting right at this moment. Hindi namin kaya na sa amin manggagaling." Ang ina niya ang nagsalita na parang maiiyak.

Lalo siyang naguluhan.

"I think kailangan na muna natin silang iwan para makapag-usap sila nang maayos," sabi ng ama ni Sky.

May hindi ba siya alam? Nalilito siya lalo't nakikita niya ang malulungkot na mga tingin ng mga magulang nila ni Sky.

"Sa labas na muna kami, anak," paalam ng ama at saka siya niyakap nang mahigpit.

Nakita pa niyang nagpapahid ng mga mata ang ina niya at parang naaawang tiningnan siya bago ito lumabas. Naiwan na nga silang dalawa ni Sky sa sala. Naririnig pa niya ang ingay sa labas ng bahay ng lalaki.

Napatingala siya rito nang nakatayo lang ito sa harap niya habang nakapamulsa ang dalawang kamay sa suot na pantalon.

Huminga pa muna ito nang malalim bago nagsalita.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (4)
goodnovel comment avatar
William Kabigting
Mas maganda mahal ako kesa mahal ko
goodnovel comment avatar
Elyoung Aya
kawawa ka Naman Sana Ikaw Naman Ang aalis at Hindi na magpapakita tapos pagbalik mu may fiance kana mag sisi ka Rin sa huli sky Ang diamond pinagpalit mu sa stone thank you Miss A naiiyak ako nito Ang Ganda nang story huwag mong pahabain Ang flashback miss A ......️...
goodnovel comment avatar
Vivian Sevilla
Nagmahal ng lalaki Hindi nmn sya Mahal nasayang pa 7 yrs nya kahihintay sa inaakala nyang asawa nya..
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   Pasasalamat muli

    Again, thank you po sa lahat ng sumubaybay sa dalawang love stories ng book na ito.Iba kong books na mababasa ninyo rito sa Goodnovel:-The Rebound Bride-Gagayumahin si Ultimate Crush (The Palpak Version)-Love Potion Gone Wrong (Bewitching my Ultimate Crush)- English version ng Gagayumahin-Between Lust and Love (Tagalog and English version)Ang Gagayumahin ay nasa isang account ko na Jewiljen pa rin. Pwede ninyong ma-search gamit ang Jewiljen or ang title mismo.Completed na po ang lahat ng iyan!Taos puso po akong nagpapasalamat sa suporta ninyo. I'm forever grateful sa inyo.Salamat sa lahat!❤️❤️❤️💋

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   FINAL SPECIAL CHAPTER (Arch-Angel)

    Buong araw siyang nasa labas. Kinausap niya ang mga may-ari ng dalawang lote na natitipuhan niyang bilhin para pagtayuan ng museum ng mga paintings niya.Dire-diretso siyang pumasok sa loob ng bahay. Ilang buwan siyang nanatili sa Maynila. Ngayon lang siyang nakabalik muli ng Tarlac. Kaya sobrang pagod niya dahil pagkatapos niyang makausap ang pangalawang may-ari ay bumiyahe na rin siya papuntang Tarlac. Wala sa plano iyon. Basta gusto lang niyang umuwi ng Tarlac.Agad na bumungad sa kanya ang isa sa mga stay-out na katiwala niya."Ma'am may mga sulat po kayong dumating no'ng mga nakaraang buwan pa."Tumango lang siya habang pabagsak na umupo sa malambot na sofa. Nasabi na rin kasi nito iyon no'ng isang linggo. Sanay na siyang nakakatanggap ng mga business letters kaya ipinagbalewala niya na lang iyon.Tinanggal niya ang sapatos sa paa para maiangat niya ang mga binti sa sofa. Prenteng-prente na ang pagkakasandal niya nang bumalik sa harap niya ang katiwala.Nagtaka pa siya nang may b

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   SPECIAL CHAPTER 3 (Arch-Angel)

    No'ng isang araw lang siya bumalik ng Pilipinas. Sa loob ng ilang taong nasa Amerika siya ay mabibilang lang sa daliri ang mga panahong umuuwi siya ng bansa. Sa tuwing bumabalik kasi siya ng Pilipinas ay hindi niya maiwasang maisip ang unang heartbreak niya. Alam niyang masyado pa siyang bata no'n pero tumatak talaga iyon sa puso niya.Nagka-boyfriends din naman siya sa ibang bansa pero lagi ay aabot lang ng ilang months. Siguro dahil hindi pa rin siya nakaka-adjust sa ibang culture ng ibang lahi. O kaya naman ay Pinoy talaga ang hinahanap ng puso niya.Ngayong bumalik na uli siya ng Pilipinas ay mananatili na siya for good. Kahilingan na rin iyon ng mga magulang niya. Ironic nga na ang mga ito ang may gustong sa Amerika siya mag-aral pero hindi naman tumitigil ang parents niya sa pakiusap na umuwi na siya. Kailangan pang magmakaawa ng mga ito para lang bumisita siya ng Pilipinas.Maganda na kasi ang trabaho niya roon. Hindi man niya nasunod ang gusto niya dati na may connection sa g

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   SPECIAL CHAPTER 2 (Arch-Angel)

    Kahit parang nagiging panakip-butas lang siya ni Archer ay hindi naman kailan man pinaparamdam ni Archer sa kanya iyon. Sa katunayan ay napaka-sweet nito bilang boyfriend. Kapag hindi sila magkasama ng lalaki ay sa telepono naman sila nakababad na dalawa.Ang saya-saya ng puso niya pero hindi pa niya iyon masabi kay Braille. Nagi-guilty kasi siya. Feeling niya ay sinulot niya si Archer dito kahit pa sabihin nitong may iba talaga itong gusto.Saka na siguro niya sasabihin kay Braille kapag sigurado na siyang naibaling na nga ni Archer ang feelings nito sa kanya. Mula nang maging sila ng lalaki ay never na nitong nababanggit si Braille sa kanya. Gusto niyang isipin na kahit sa ikli ng panahong nagkakilala sila ay tuluyan na ngang nahulog ang loob nito sa kanya.Nasa isang kainan sila noon. Mataman niyang pinagmamasdan muna si Archer bago niya naisipang sabihin dito ang matagal na niyang gustong sabihin."S-si Braille iyong emogirl mo, di ba?" Halos hirap pang lumabas sa bibig niya ang

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   SPECIAL CHAPTER 1 (Arch-Angel)

    Umalis muna siya sa tambayan ng mga Emopipz. Wala rin naman kasi si Braille. Saka medyo masama ang loob niya. Narinig niya kasi ang pinag-uusapan ng ibang members ng Emopipz. May bagong girlfriend na raw si Seth.Si Seth ay isa sa mga founders ng Emopipz. Matanda ito ng dalawang taon sa kanya. Ang totoo ay hindi naman talaga ito kagwapuhan. Kagaya ng typical na member ng Emopipz, mahaba ang bangs ni Seth kahit pa nga lalaki ito. Mahilig ito sa paggalaw-galaw ng ulo kapag gusto nitong hawiin ang bangs na tumatakip sa mga mata.Ang kapal din ng eyeliner nito at nagli-lipstick din ito ng itim.Over all, kung titingnan ay hindi talaga ito gwapo. Kahit siya ay natatanong ang sarili minsan kung ano ang nagustuhan niya kay Seth.Siguro dahil sa sobrang confidence nito sa sarili kaya marami ang nagkakagusto sa lalaki na puro Emopipz members lang din naman. Iyong ibang mga kababaihan na hindi masakyan ang trip ng kanilang grupo ay ginagawang katatawanan ang lalaki.Hindi na niya mabilang kung

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   Pasasalamat

    Salamat sa mga sumubaybay sa kwentong ito.Salamat mga emopipz!Naa-appreciate ko po ang lahat ng mga comments ninyo. May ilalagay po akong special chapters ng Team Arch-Angel after nito. Mga isa or dalawang chapters lang.Again, maraming salamat dahil hindi ninyo iniwan sina Braille at Sky!Nakakaiyak lang na natapos na ang kwento nila. Pwede ninyo pa rin pong ulitin ang pagbasa kung mami-miss ninyo sila.Salamat sa lahat, Emopipz!Gusto ko sanang mag-mention ng names dito kaso ayaw kong may makaligtaan dahil lahat kayo na readers ay malaki ang naiambag para matapos ko ang kwento na ito.If hindi pa ninyo nabasa ang isa kong story dito ang Title is: GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)❤️❤️❤️Thank you from JEWILJEN

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status