NAPANGIWI si Jamilla nang marahas siyang isandal ni Jerry sa tagiliran ng kotse matapos niyang makababa roon.
"Ano ba? Nasasaktan ako!" "Talagang masasaktan kita sa oras na pumunta ka uli sa kompanya." Napatitig siya sa nag-aapoy na mga mata ng nobyo. Hindi na iyon ang dating Jerry na nakilala niyang maginoo at mahinahon. "Hindi mo kasi sinasagot ang mga tawag at text ko kaya nag-alala ako." "Manhid ka ba o tanga? You should clearly know na kaya hindi ako sumasagot dahil pinutol ko na ang anumang relasyon natin!" Nag-init ang magkabilang tainga ni Jamilla sa narinig. "Ganoon lang kasimple 'yon? May nangyari sa atin. At isa pa, nangako ka na hanggang sa pagtanda ay magkasama tayong dalawa." Natatawang binitiwan nito ang dalaga. "You're insane! Naniwala ka? I mean, everything I said is a joke. And everything happened to us is just for fun." "Anong ibig mong sabihin?" "Those sweet lines, those promises, I have said it to countless women." Tila rebultong nanigas sa kinatatayuan si Jamilla na sinabayan pa nang pagtulo ng kanyang mga luha. "You heard it right. Marami na kayong pinangakuan ko, but I just can't believe na may isang maniniwala. You're such a fool!" Pinadapuan ng sampal ni Jamilla ang nakangising kaharap. "Paano mong nagawa sa akin 'yon? Minahal kita nang totoo! Bakit mo ako niloko? Bakit?" Gigil nitong pinigilan ang mga nakakuyom na kamao ng dalaga na bumabayo sa dibdib nito. "Because you're flirting with me. Ikaw ang nagbigay ng motibo. At dahil lalaki lang ako kaya pinatulan kita." "Hindi 'yan totoo! Hindi 'yan totoo!" Muntikan nang mawalan ng balanse si Jamilla nang patulak siyang bitiwan ni Jerry. "Stop making a scene. Wala nang tayo. Maliwanag na 'yan kaya huwag na huwag mo na akong guguluhin. I'm getting married. At ayokong sisirain mo ang pangalan ng pamilya ko." Lumuhod sa harap ni Jerry ang dalaga at yumakap sa mga binti nito. "Nakikiusap ako. Huwag mo itong gagawin sa akin. Buntis ako." Marahas nitong itinayo si Jamilla. "Never ever say that trash!" "Totoong buntis ako! At ikaw ang ama!" Muli itong natawa. "Alam mo bang marami nang babae ang nagsabi niyan sa akin? Pero sa huli, iba pala ang ama." "Ikaw lang ang umangkin ng katawan ko!" "How would I know? Kung naibigay mo nga iyon sa akin, posible rin na gawin mo ulit iyon sa iba." "Hindi ako ganoong klaseng babae!" "And what kind of woman are you na ipinagkatiwala ang sarili sa lalaking mahigit isang buwan palang na nakikilala?" Napipilan ang dalaga. "See? Hindi ka makasagot dahil ang totoo, wala kang ipinagkaiba sa mga babaing naikama ko na naghahanap lang ng panandaliang ligaya. Tama ba ako?" "Malinis akong babae nang makuha mo!" "And I paid it well." Itinaas nito ang daliri ni Jamilla na may suot ng singsing. "This costs a fifty thousand pesos." "Sa tingin mo gan'on lang ang halaga ng dangal ko?" sigaw niya habang kuyom ang mga kamao. "Then, how much is it?" ngisi nitong tanong na nasa tono ang pang-uuyam. "Kulang pa ang kayamanan ng buo mong pamilya!" Umugong ang nakakalokong tawa ni Jerry. "Kaya gusto mong akuin ko ang dinadala mo dahil sa yaman ng aking pamilya? Wow! Ang taas ng pangarap mo!" "Wala akong pakialam sa kayamanan mo! Ang gusto ko lang ay panagutan mo ang ipinagbubuntis ko dahil anak mo ito!" "You can't deceive me. I will never ever accept that child. Hindi ko anak iyan." "Sinungaling! Manloloko!" Galit na pinagbabayo ulit ni Jamilla sa dibdib ang binata. At sa ikalawang pagkakataon nang pagtulak ni Jerry, tuluyan na siyang bumagsak. "Leave me alone. Huwag mo na akong guguluhin." Nakangiwi si Jamilla at nakasapo sa tiyan nang makaramdam ng kirot doon. "At sa oras na gumawa ka uli ng eksena lalo na sa mismong teritoryo ko, magsisisi ka. I warned you. So, don't you dare try your luck again. Siguradong mamalasin ang buhay mo." "Hindi ako natatakot!" Gigil na hinawakan sa baba ni Jerry ang dalaga. "Matakot ka! Hindi mo alam ang kaya kong gawin!" "Hayop ka! Mas nagsisisi ako na nakilala kita! Tandaan mo na hindi pa ito ang huli nating pagkikita!" "Try me!" Nag-aapoy sa galit ang mga mata ni Jamilla nang sundan ng tingin ang pagtalikod ng binata at pagsakay nito sa kotse. "Hayop ka, Jerry! Magsisisi ka!" Napahagulhol ang dalaga nang humarurot na palayo ang sasakyan. Pakiramdam niya nang mga oras na iyon ay mas masarap ang mamatay kaysa patuloy na huminga."NAKIKITA mo ba ang taong 'yon?"Sinundan naman ng tingin ni Amberlyn ang itinuro ng ina at saka tumango nang matanaw sa unahan ang isang lalaking nakatalikod habang nakatanaw sa malawak na karagatan."Ibigay mo ito sa kanya..."Nabaling ang mga mata ng bata sa singsing na iniangat ng ina sa harapan nito. "Are you going to marry him?"Buong paglalambing na ginulo ni Jamilla ang buhok ng anak. "You're really smart.""Ibig pong sabihin magiging daddy number two ko na siya?""He's going to be the best daddy in the whole world." Napansin ni Jamilla ang lumarawang lungkot sa mukha ng anak. "Why?""Daddy number one is still my best daddy from Pluto to Earth."Napipilan si Jamilla."Mommy?""Hmm?""Mommy has Daddy number two. Tito Gener has Tita Money. Me, I have Angel and Yaya Erin. But Daddy Jerry has no one."Muling natigilan si Jamilla. Hindi niya inilihim sa anak ang mga nangyari lalo na sa pamilya ng ama nito."Mommy, I want to live with Daddy.""Baby..." Iniharap niya ang anak sa kany
"MOMMY, I'm so happy today. Can we do this again?"Nakangiting sinulyapan ni Jamilla ang anak matapos maupo sa harapan ng manibela. "Sure, anak. Gagawin natin lahat nang makapagpapasaya sa 'yo.""Yeheyyy!" Natutuwa nitong itinaas ang yakap-yakap na manika. "Did you hear that, Angel? She's the best mommy in the world!"Pinaandar na ni Jamilla ang kotse. Nagsisimula na siyang bumawi sa ilang taon na nawala sa kanila ng anak. Pero mas makukumpleto ang kaligayahan niya kung masasabi na niya rito ang buong katotohanan sa relasyon nilang dalawa. At isasakatuparan na niya ang pagtatapat sa araw na iyon."Mommy, where are we going now?""Gutom ka na ba?""Opo.""Then, let's eat first.""You're also hungry, Angel?" Hinawakan nito sa ulo ang manika at pinatango. "We really are sisters."Inunat ni Jamilla ang braso at masuyong hinaplos ang pisngi ng anak. "I love you, baby.""I love you more, Mommy."Mula sa Enchanted Kingdom ay dumiretso ang dalaga sa Paseo de Santa Rosa. Noong isang araw pa si
"PUMUNTA ka sa mga tita at tito mo sa Amerika. Alam ko na hindi ka nila pababayaan doon.""No," salungat ni Jerry sa suhestiyon ng ina. "I want to stay here para lagi ko kayong madadalaw.""Forget about us."Napatingin si Jerry sa ama. "Dad, what are you saying?""Kalimutan mo nang may mga magulang kang tulad namin. Go on with your own life. Huwag mo lang uling tatahakin ang daan na nagdala sa amin sa buhay na ito."Pinatatag ni Jerry ang kanyang sarili kahit nakakaramdam siya ng awa sa ama't ina.Hindi man lamang pumasok sa isip niya minsan na makikita ang mga magulang niya sa ganoong sitwasyon.Nahatulan ng habangbuhay na pagkabilanggo sina Miguel at Amelita sa kasong murder, arson at kidnapping. No bail and parole. Sa loob ng selda na nila gugugulin ang ilang taon na natitira na lang sa kanilang buhay."Hindi ako naging mabuting anak. I'm sorry.""No." Ginagap ng ginang ang kamay ni Jerry, "Wala kang dapat na sisihin kundi kami ng papa mo. Pero tadaan mo lang lagi na hindi mababago
MABILIS ang naging usad ng pagdinig sa patong-patong na mga kasong isinampa sa pamilya Villar.Malakas ang nakalap na mga ebidensiya ni Gener. Idinawit nito ang mga dating opisyal at katrabaho na sangkot sa tampering ng Angeles Murder case.Mas lumakas pa ang pagdidiin ng kampo ni Jamilla sa pamilya Villar dahil sa CCTV footage na nakuha sa mismong Red Intel Manila na sinuportahan ng testimonya ni Aurora Pulatis.Isa sa mabigat na kaso na kinaharap nina Miguel at Amelita ay kidnapping. Tumayo bilang testigo sina Dra. Delda Ancheta at Zeraida Capisano.Natanggalan ng lisensiya ang direktor ng Miracle Hope na tumulong sa pag-kidnap kay Amberlyn at pinatawan ito ng pitong taon na pagkakabilanggo.Dumagdag ang kasong child abuse na nagdiin kay Corrie nang akusahan ito ni Erin ng labis na pagmamaltrato sa hindi naman pala nito anak. Sampung taon na sentensiya ang iginawad dito ng hurado at sampung taon naman sa naudlot na plano nitong pagtakas sa batas kasama ang kalaguyo nitong pulis.Mad
"KUKUHA lang ako ng mainit na tubig. Huwag kang lalabas ng silid, ha?"Hinawakan ni Amberlyn sa ulo ang nilalarong manika at pinatango iyon. "Opo," tugon niya sa maliit na tinig."Promise?"Muli niyang pinagalaw ang ulo ni Angel. "Promise, Tita Tere. I will be a good girl.""Okay. Babalik agad ako."Sinundan ng pagbangon ni Amberlyn sa higaan ang paglapat ng isinarang pinto ni Tere."Angel, ikaw ang nangako sa kanya kaya huwag na huwag kang lalabas ng silid.""Let's play and happy!" pag-iingay ng manika nang pindutin ni Amberlyn ang tiyan nito."Okay. Let's play and be happy when I come back. Sandali lang ako." Inihiga ni Amberlyn sa kama ang manika. "Miss ko na kasi si Yaya Erin kaya sisilipin ko lang siya.""Let's play and be happy!""I'll be back."Pinakiramdaman muna ni Amberlyn ang likod ng pinto bago marahang pinihit ang seradura at sumilip sa maliit na nilikhang siwang niyon. Natutulog sa hilera ng mga upuan ang dalawang bantay habang ang isang gising ay nakalikod at abala nama
"KAYA mo na ba uli silang harapin?""Kakayanin ko," tugon ni Jamilla sa naging tanong ni Jordan. "I've been waiting for this day.""Kung sigurado ka na at handa ka na, then go ahead. I'll be right here."Nag-iwan muna nang huling sulyap si Jamilla sa mga taong naroon sa loob ng interrogation room bago siya humakbang patungo sa pinto ng extension room.Sandali munang nakipagtitigan ang dalaga sa seradura at saka unti-unti 'yong pinihit.Marahan na tinapik ni Jordan sa balikat ang isang lalaki na nakaupo sa harapan ng control panel kung saan nakakonekta iyon sa loob ng silid na napapagitnaan lang ng malapad na kuwadradong one-way glass wall. "Please, start."Tumalima naman agad ang operator na pansamantalang tinanggal ang audio at video sa interrogation room.Wala mang naririnig na tinig o ingay sa labas, malinaw na malinaw naman na nakikita ni Jordan sa loob ng silid ang iisang reaksyon sa mukha ng pamilya Villar nang pumasok na roon si Jamilla."Masaya ka na ba?" asik na salubong ni C