AANGKININ KO ANG LANGIT

AANGKININ KO ANG LANGIT

last updateLast Updated : 2024-12-04
By:  EL Nopre Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
9.3
4 ratings. 4 reviews
129Chapters
7.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Bawat babae ay nangangarap ng masaya at perpektong love story. Hindi naiiba roon si Jamilla, isang ordinaryong dalaga na nagmahal ng lalaking langit ang tinatapakan. Pag-ibig ang nagbigay kulay at buhay sa kanyang mundo, ngunit iyon din pala ang wawasak sa pilit niyang binubuong magandang kuwento. Pinili ni Jamilla ang lumayo upang hanapin ang muling pagbangon. Pero ipinapangako niyang sa kanyang pagbabalik, aangkinin niya maging ang langit. Abangan!

View More

Chapter 1

Chapter 1

NAKANGITING sinalubong ni Jamilla pagbaba ng bus ang abalang lansangan ng Ayala. Makulimlim ang kalangitan, ngunit hindi niyon mabubura sa kanyang labi ang sobrang kaligayahan.

Sumakay siya ng jeep at bumaba sa Rufino Avenue. Tinahak niya ang kahabaan ng Central Street Food Market kung saan nakahilera roon ang ilang kainan. Tila musika sa kanya ang ingay ng paligid. Sinasabayan niyon ang puso niyang bumibilis ang pintig sa pananabik.

Hindi pumasok sa trabaho si Jamilla dahil inilaan talaga niya ang araw na iyon para sa isang espesyal na okasyon. Unang monthsarry nila ng kanyang nobyo. At nangako ito na magdiriwang silang dalawa.

Humantong ang dalaga sa tapat ng Blue Western, isa iyong tagong restaurant na madalas nilang puntahan ni Jerry kapag sila'y magkikita.

Lumapad ang ngiti niya nang matanaw ang nobyo. At lalo itong tumikas sa simpleng suot na high-collared red polo at ragged denim pants. Nakatabing sa mga mata nito ang aviator black sunglasses at mayroon ding sombrero na nagtatago sa medyo kulutan nitong buhok na gusto niyang laging titigan kapag sila ay magkasama sa loob ng kotse nito.

Nauunawaan ni Jamilla ang kanilang sitwasyon. Jerry is not an ordinary man. He's a son from a very well-known clan and the only heir of the family.

Magkakaroon ng malaking isyu kung malalaman ng publiko na may relasyon ang binata sa isang ordinaryong saleslady.

Pero nangako naman si Jerry na maghihintay lang sila ng tamang panahon. Ilalantad din nila ang kaniling lihim na pagmamahalan. She's very patient when it comes to waiting. Mahalaga sa kanya muna ang ngayon; saka na lang niya iisipin ang bukas at hinaharap.

"Late na ba ako?"

Hinalikan muna ni Jerry ang nobya at ipinaghila ng upuan. "No.worries. Napaaga lang ako. Excited."

Idinaan ni Jamilla sa ngiti ang naramdamang kilig sa tinuran na iyon ng nobyo. He is not just charming but an every inch of a gentleman. Manhid lang na babae ang hindi hahanga at iibig dito.

"Anong gusto mong kainin?"

"Ikaw na ang bahala."

"Pasensiya ka na kung hindi kita madala sa mamahaling restaurant."

"Ano ka ba? Okay lang 'yon. Ang importante, magkasama tayo."

Napangiti si Jerry. "Anyway, you looked great today."

She's just wearing an off-shoulder white blouse and plaided skirt na nabili lang niya sa sidewalk. Nakadikit pa nga yata roon ang amoy ng pagiging mumurahin.

Pinaresan niya ang kasuotan ng pulang flat shoes. Hindi siya mahilig sa mga burluloy kaya kuwintas at relo lamang ang palamuti sa kanyang katawan. She always likes the simplicity. It matches her personality. "Salamat. Ikaw rin. Ang guwapo mo ngayon."

"You're blushing," natatawa nitong tudyo.

Napasapo naman siya sa mga pisngi. "T-talaga?"

"I bet you're still in love with me," patuloy na pagbibiro ng binata. "Just like when we first met."

Hindi niya makakalimutan ang una nilang pagkikita. She was in a hurry while carrying boxes of shoes. Saleslady siya sa malaking shoe mart na pagmamay-ari ng pamilya ni Jerry. Nagkabanggaan silang dalawa. And that's when and how they started. "Walang nagbago sa nararamdaman ko. Mahal na mahal pa rin kita."

Ngumiti ito. “Order na tayo? It's my treat kaya kainin mo lahat nang gusto mo, okay?"

"Thanks."

Isang waitress ang lumapit sa mesa ng dalawa at hiningi ang kanilang order.

"Anong specialty niyo rito?"

"Nilagang bulalo, grilled pusit at smoked mackerel po."

"Gusto mo ba lahat nang mga 'yon?" baling nito sa nobya na tango at ngiti lang ang naging tugon.

"Sir," untag ng waitress. "Hindi po ba ikaw si Jerry Go Villar?"

Napasulyap muna ang binata sa nakatayong babae bago mabilis na ibinalik sa mata ang hinubad na sunglasses.

"Ikaw nga po. Nakikita kasi kita sa mga magazine. Ang guwapo mo pala sa personal."

"Uhm, thanks."

Nadako ang atensyon ng waitress sa halos nakayukong si Jamilla na pinasadahan pa nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Sir, girlfriend mo po?"

"No, no!" maagap na sagot ni Jerry.

"Sorry, sir. Obvious naman po na hindi ang tulad niya ang tipo mo."

Mabilis ang naging pag-iwas ng tingin ang binata nang magsalubong ang mga mata nila ni Jamilla.

"Mas gusto niyo po 'yong mga mapuputi, seksi at kabilang sa elite family. Obvious naman na hindi siya galing sa mayamang pamilya."

Umasa si Jamilla na bago siya lalong lumubog sa kahihiyan, maipagtanggol man lamang sana siya ng nobyo kahit sa simpleng pamamaraan.

"Right, right. You really knew me well."

"Opo, sir. Pero bakit po kayo magkasama? Ano po bang relasyon niyo?"

"Are you a reporter or a paparazzi?"

"Naku, hindi po. Naiintriga lang ako kasi hindi ko po inaasahan na makikita ko sa ganitong lugar ang katulad mong mayaman at sikat."

"Wala kaming relasyon. Anak siya ng naging yaya ko noong bata pa ako," pagsisinungaling nito. "We just bumped outside at inalok ko muna siyang kumain. For an old time sake and a friendly gesture."

Bumagsak ang mga balikat ni Jamilla. She was not just humiliated but deeply hurt. Pinipilit naman niyang intindihin, pero masakit pala na sa mismong harap niya ay ipagkaila ng nobyo ang kanilang ugnayan.

"Ang bait mo naman po. Pero bakit pinaghintay ka niya?" himig-patutsada nito sa dalaga na sinabayan pa ng pagtaas ng kilay. "Nakita ko kasi na halos ten minutes ka nang narito."

"Ha? U-uhm..."

Sumingit na si Jamilla. "May kausap kasi ako kanina sa labas na hindi ko maiwan." Binalingan niya ang binata. "Sir, pasensiya na po kung pinaghintay ko kayo."

"You don't owe anyone an explanation and apology." Tumayo ito, "Let's go."

"Sir, hindi na ba kayo kakain dito?" pagtatakang tanong ng waitress.

Hinarap ni Jerry ang babae. "I already lost my appetite. Next time, please just mind your own work, not the other's life. Okay?"

"Sir-"

Tuluy-tuloy nang tumalikod at lumabas ang dalawa ng kainan. Narinig pa ni Jamilla ang sinabi ng waitress paukol sa kanya na isa siyang low-class na may masamang impluwensiya kay Jerry.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
N.E
I recommend this story it's really sounds interesting ...️...️...️
2024-10-12 23:16:44
0
user avatar
Dhei A. Tomines
ang ganda ng kwento,, aabangan mo talaga ang bawat kabanata,, kudos writer EL
2024-10-12 18:32:56
0
user avatar
Mairisian
support 🫶
2024-10-10 17:24:52
0
user avatar
Tala Luna
Give 4 stars for this chapter
2024-10-09 15:16:03
0
129 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status