Mag-log inMalamig ang simoy ng hangin nang makarating si Jane sa Mansyon ng mga Samaniego. Pumasok siya sa villa ng matandang ginang, na nababalutan ng nakatutusok na hangin. Sa pagpasok niya ay nakita niya si Bettina at Bernadette na parehong nasa loob. Malamig na sumulyap si Bettina kay Jane, naalala pa rin ang malaking kawalan ng galang ni Jane sa kanya noong araw na iyon.Patuloy nilang sinasabi na gusto nilang sila ay “mamatay”.“Jane! Magpaliwanag ka ngayon! Napakababaw mo naman at selosa, sinadya mong sirain ang reputasyon ni Terrence at ng iba pa! Ngayon ay nakita ng matandang Mrs. Samanigeo ang expose na iyon, at nagkasakit siya dahil sa matinding galit!” sarkastikong sabi ni Bernadette. Ibinato nila ang lahat ng sisi kay Jane. Hindi mapigilan ni jane ang bahagyang pagkunot ng noo. Tumingin siya kay Bernadette, na saik na akusahan siya, “sa halip na sisihin ang nagpasimula ng nakakahiyang gawain na yan, babaling ka sa akin na biktima? Tita naman, may utak ka ba talaga?” Hindi na
“Okay na ba ang lahat kindergarten?” “Inaalam ko na ngayon at dapat ay maayos na bago matapos ang taon.” ngumiti si Jane habang iniisip ang maliwanag na future. Ang buhay ay bumabalik na sa tamang landas. Gusto niya ang lahat ng meron siya ngayon.Hindi na siya ang taong nangangailangan ng konting kabaitan at kaligtasan galing sa iba para mabuhay. Kung umaasa ka sa iba, at may mangyaring hindi inaasahan, magiging tulad ito ng pagpunit sa iyong mga litid at buto. Sa mundong ito. Ikaw lang ang makakagaling sa iyong sarili. Medyo nag-aalala pa rin si Penny. “Walang magiging problema sa pamilya Samaniego diba?”Lalo na kay Terrence, kahit hindi maganda ang relasyon nito kay Jane, kung malalaman nitong may anak siya, sino ang nakakaalam kung anong uri ng kaguluhan ang mabubuo. Ang mga malalaking pamilya ay laging nagbibigay ng malaking kahalagahan sa pagkakaroon ng mga anak. Naiintindihan ni Jane ang mga pag-aalala ni Penny, “wag kang mag-alala, pinirmahan namin ni Terrence ang div
Nagulat si Jane na naagaw nga ng kabilang panig ang papuri. Ngunit batid din niya ang paigiging komplikado ng mga relasyon ng tao sa likod ng lahat. Simpleng gusto lang ni Terrence na panatilihin ang karangalang ito para kay Olivia. Mas maayos na ang bata ngayon. Hindi na siya nag-abala pang kunin ang tinatawag na papuri. Ang mga doktor ay nagliligtas ng buhay ng hindi para sa medlyang ito. Ayaw niyang maagaw ang atensyon sa kung paano nila pinupuri si Olivia. Ang lamig ng December sa Pilipinas ay tumatagos hanggang sa buto. Mabilis na kinuha ni Jane ang mga sapatos at medyas ng bata at maingat na tinulungang isuot pabalik ang mga ito. Isinuot pa niya ang mahabang damit ng bata sa loob ng medyas, ang kanyang mga kilos ay napakasanay at maayos. Matapos makaramdam ng labis na tuwa, ang batang nanay ay nakatitig sa mukha ni Jane at hindi mapigilang magtanong, “Ma’am, may asawa ka na siguro, ano? May mga anak ka na ba? Parang mas marunong ka pa kasing mag-alaga ng bata kesa sa aki
Talagang hindi na natutuwa si Olivia sa serye ng mga aksyon ni Jane. isang banayad na bakas ng pambabatikos ang gumuhit sa kanyang mga mata. Paano namanniya makikitang sindaya ni Jane na magpasikat sa harap ng iba? Maliwanag na sinusubukan lang ni Jane na makisakay sa kanyang kasikatan at makakuha ng papuri sa pagtulong sa kanya na magligtas ng bata.Ayaw ni Olivia na mag-abala sa mga mababawa na scheme ni Jane. Yumuko lang siya para suriin ang pangkalahatang kundisyon ng bata. Kumunot ang noo at sinabi, “ang pamamaga ng daanan ng hanging ng bata ay dulot ng isang allergic reaction. Maglalalpat ako ng simpleng first aid at saka mabilis na dadalhin sa ospital.” Hindi nagsalita si Jane dito. Ang taong nasa tabi nila ay agad na naglabas ng cellphone at tumawag ng ambulance. Ang bata ay meron nga talagang allergy. Ngunit, ang paunang tugon ni Olivia…Tumingin si Olivia sa mga tao sa paligid at nagtanong, “meron ba sa inyong may epinephrine injection?”Walang lumapit para tumulong.P
Ang nakakalokong ekspresyon ni Lance ay nawala sa isang iglap. Tumingin sa magandang mukha ni Jane, napuno siya ng pagkagulat. Hindi siya makapaniwalang ito ang mga salitang sasabihin ni Jane. Hallucination ba iyon? Hindi pinansin ni Jane si Lance at tumalikod na para maglakad palayo. Kahit ganon, dahil sa pagdating ni Terrence, ang mga tao ay paunti-unting nagtipon dito. Maraming tao ang napabulalas sa pagkagulat. “Si CEO Terrence Samaniego? Anong ginagawa niya dito? Posible kayang si Ms. Olivia kaya ang faceless na Mrs. Samaniego?”“Isang matalinong babae at isang gwapong lalaki, para silang match made in heaven!”“Isang malaking karangalan para sa isang VIP na katulad ni CEO Samaniego na personal na pumunta at sunduin ang asawa niya. Ang kanilang pagmamahalan ay talagang nakakainggit.”Ang tunog ay napakalakas, patuloy na tumatagos sa tenga niya. Ayaw makinig ni Jane ngunit wala siyang magagawa, at hindi mapigilang kusang maalala iyon. Sa kanilang pitong taong kasal, minsan ba ay
Nakakaapekto talaga iyon sa gana sa pagkain.Pinalo ni Julian ang noo niya, “ihahatid kita doon mamaya.”Hindi nag-aral si Jane ng kursong may kinalaman sa medisina sa university.Kumuha siya ng artificial intelligence.Tungkol naman sa kasanayan niya sa medisina, natutunan niya iyon sa loob ng sampung taon na iniwan siya sa isang maliit na baryo.Pagkatapos umalis sa ospital, nakatanggap siya ng invitation galing sa kanyang nakatatandang kasamahan na si Penny.Si Penny ngayon ang may-ari ng isang digital healthcare pharmateutical company na tinatawag na Heshi. Pitong taon na ang nakararaan, ang kumpanya ay naging sikat sa isang iglap dahil sa digital healthcare software nitong “Digital Intelligence Philippines” na nagpadali sa isang hindi kilalang kumpanya na maging isang listed company. Ang “Digital Intelligence sa Traditional na gamot na Pinoy” na ito ay ginawa ni Jane. Ang software ay malawakang ginagamit sa klinikal na paggamot at naglalaman ng mga awtorisadong reseta galing sa







