Share

HER INVALID LOVER
HER INVALID LOVER
Author: PENRELIEVER

CHAPTER 1

CHAPTER 1

NAGHAHANAP ako ng bagong trabaho by using the phone, kasi nga nasa probinsya ako habang ang in-applayan kong trabaho ay nasa Manila. Plano ko kasing maghanap ng trabaho para narin sa pangangailangan ng pamilya ko pang-araw-araw tas may kapatid pa akong estudyante pa.

Noong gabi ako nag-apply, mataas kasi ang sweldo kada buwan kaya 'yon ang inapplyan ko. Kaninang bandang alas singko sa umaga ko nabasa ang messages na galing mismo sa maging boss ko, kani-kanina lang ako natanggap.

'Yong trabaho ko daw is magbantay at saka at the same time translator, english to tagalog daw. Buti nalang at marunong akong mag-e-english kun'di patay ako. Anyways, ang mahala ay mataas ang sahod.

Naguguluhan man ako no'ng una pero tinanggap ko nalang, malaki kasi ang pasahod kada buwan e tapos kailangan pa ako ng pera pampaggamot kay Papa.

Kung ano man ang magiging trabaho ko, alam kung hindi ito illegal. Pero mukhang bodyguard ata ako nito, magbantay man daw.

Ano kaya ang babantayan ko? Bahay? Lupa? Bata?

Ipilig ko naman ang ulo ko at saka pumasok na sa bahay, nakita ko naman si Mama na parang wala sa sarili kaya nilapitan ko siya at niyakap.

"Don't worry, Ma. Mapapaggamot rin natin si Papa, luluwas ako ng Manila bukas ng umaga para magtrabaho."Sabi ko sa kaniya at naramdaman ko naman na yumakap siya pabalik sa'kin at saka nagsimula na itong umiyak.

"Salamat, Anak. Pero paano mo maeenjoy ang pagkateenager mo kung palaging kami ang inatupag mo."Mahinang sabi niya sa'kin na mahina kung ikinatawa.

"Sus si Mama ang drama, isa pa I love what I'm doing. Na-eenjoy ko naman ang pagkateenager ko e, mas mahalaga kasi ang pamilya ko kaya mas uunahin ko ang pera kaysa sa pag-eenjoy na 'yan. Paano naman ako maka-enjoy kung ang pamilya ko naman ay hindi rin nag-eenjoy sa buhay nila?"Sabi ko sa kaniya na mas lalong ikinahagulgol niya.

Totoo naman ang sinasabi ko dahil gusto ko talagang matulungan ang pamilya ko lalong-lalo na kay Papa na may sakit at kailangan ng perang pampagamot. Besides, nag-e-enjoy rin naman ako kahit papano sa mga trabaho ko.

"Salamat, Anak. Salamat. Salamat dahil hindi mo kami pinabayaan ng tatay mo."

"Duh, si Mama naman. Ofcourse hindi ko kayo pababayaan, mas importante sa'kin ang pamilya ko. Anyways stop crying na wala tayo sa teleserye."Natatawang sabi ko sa ikinatawa naman niya.

Bumitaw na ito sa yakap at saka hinawakan ang mukha ko at seryoso niya akong tiningnan sa mata.

"Promise me na hindi illegal 'yang inapplayan mong trabaho or 'yong trabahong may kinalaman sa Bar."Seryosong sabi nito na ikinairap ko.

"Hindi ko gagamitin ang katawan ko para gumawa ng pera lalo na't pwede namang paghirapan ito. Isa pa, legal ang trabahong pagtatrabahoan ko kaya 'wag na kayong mag-alala."Nakangiting sabi ko na ikinahinga nito ng maluwag.

"Ayos. Dapat hindi mo talaga gamitin ang katawan mo. Hoh! Nakahininga ako ng maluwag ng malaman kong hindi pala illegal 'yang pinagtatrabahoan mo."Sabi niya na ikinatawa ko naman.

"Duh, hindi 'yan mangyayari, mahal ko pa ang buhay ko at ang katawan ko kaya isang napakalaking NO 'yan sa'kin."Sabi ko na ikinangite naman niya.

"Ang swerte ko talaga dahil may anak akong ubod ng ganda, ubod ng bait at sipag."Nakangiting sabi niya sabay pisil ng pisnge ko.

Nalukot naman ang mukha ko. "'Yun lang? Asan ang matalino? ubod ng matalino?"

Mahinang natawa si Mama. "Anak, wala ka no'n, remember?"Pang-aasar niya sa'kin na ikinanguso ko naman.

"Ma naman e!"Pagmamaktol ko sa kaniya.

"Sige, ubod ka rin ng matalino at mabait."Nakangiteng sabi niya na ikina-irap ko naman.

"Bakit parang napipilitan ka?"Nakangusong sabi ko na ikinatawa naman niya.

"Hindi a...Pero mamimiss kita anak, bukas ka na luluwas ng Manila."Malungkot na sabi niya na ikinatawa ko naman.

"Asus! Kung makapagsalita ka parang pupunta ako sa Mars para bibisitahin ang mga aliens."Natatawang sabi ko.

"Kahit na, mawawalan kami ng magandang anak dito sa bahay na'to."Sabi niya na ikinatawa ko.

"Nandiyan naman si Bunso, Ma."Nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Alam ko, at si Bunso naman ang gwapo dito sa tahanan."Sabi niya na ikinatawa ko.

"Ikaw? At si Papa?"

"Pinakamaganda at Pinakagwapo sa tahanan."Taas noong sabi niya na ikinahalakhak ko naman.

"Katol pa, Ma...Katol pa..."Pang-aasar ko sa kaniya na ikinanguso naman niya.

"Grabe ka naman, ang ganda ko kaya kaya ka nga nagmana sa'kin e."Sabi niya na ikinatawa ko.

"Kunwari naniniwala ako."Pang-aasar ko sa kaniya na mas lalong ikinalukot ng kaniyang mukha.

"Maganda talaga ako."Sabi niya

"Okay."

"Tss."

"Ma, asan pala si Bunso?"Tanong ko sa kaniya.

"Nandoon sa kwarto niya, natutulog. Ikaw rin matulog ka na, maaga ka pang gigising bukas dahil luluwas ka pa ng Manila."Paalala niya sa'kin na ikinatango ko naman.

I bid my goodbye at saka pumasok na sa Kwarto, tapos ko na rin inempake ang mga damit ko at saka mga importanteng gamit ko.

Nang matapos na ako ay humiga na ako sa Banig at saka natulog na.

NAPABUNTONG-HININGA naman ako ng tumama mismo sa mukha ko ang mga preskong hangin. Nasa probinsya kasi kami kaya fresh ang mga air dito.

Napatigil naman ako sa pagmumuni-muni ng may kumalabit sa'kin, tiningnan ko naman siya.

"Ate, totoo bang luluwas ka ng manila ngayon?"Tanong niya sa'kin na ikinabuntong-hininga ko naman.

Ngumite naman ako at saka mahinang ginulo ang kaniyang buhok. "Oo, luluwas ako ngayon na mismo. Alam mo naman na mahirap lang tayo, syempre kailangang mahhanap ng trabaho ni Ate."

Ngumuso naman siya. "Gusto kitang tulungan, Ate."

Mahina naman akong natawa sa sinabi niya. "Sige, gusto mo akong tulungan?"

Tumango naman ito na ikinangite ko."Be a good boy habang wala pa si Ate."

Malungkot naman siyang tumango kaya niyakap ko siya. "Mahal kita, bunso kaya pakabait ka dito. Don't worry, bibisita pa naman ako dito e."

Yumakap naman siya pabalik." Kahit na, iba parin ang pakiramdam pag nandito ka palagi, Ate. Nasa tabi kita palagi, sino nalang ang magtanggol sa'kin laban sa mga mambubully sa school?"

Mahina akong natawa. "Kailangan mong maging matatag, Bunso. ‘Wag ka ring magpapaapi sa kanila, kaya mo na ang sarili mo, ‘diba you're a....?"

Ngumite ito. "A big boy. Malaki na ako at saka malakas, po-protektahan ko ang sarili ko at ang pamilya ko habang wala ka pa, Ate."

Mahina naman akong natawa. "Alam kong poprotektahan mo ang pamilya na'tin, Bunso. Pero, mamimiss talaga kita, Bunso."

"Mamimiss rin kita, Ate."

Napatawa naman ako. "Ang drama na'tin e, mamaya pa naman ako aalis."

Ngumuso naman siya. "Mabilis lang ang oras, Ate."

Mahina akong natawa sa sinabi niya."Oo."

Sana naman mabait ang amo ko. 

•End of Chapter 1•

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status