Bumilis lalo ang tibok ng puso ni Hexy at napaatras ngunit may lalake sa kaniyang likuran."That's what will happen to you if you don't stay away from my son. I will not do that, but him," sambit ng kaharap niya at napalunok siya dahil sa lalim ng boses nito."Hindi mo alam kung ano'ng kaya niyang gawin sa'yo kapag hindi mo naibigay ang gusto niya. So you better stay away from him," dagdag pa nito.Nakaramdam ng kakaiba si Hexy at hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman na parang marami siyang gustong itanong."H-Hindi ko naman po siya nilalapitan, S-Sir," halos mawalan ng boses na sabi ni Hexy habang nanginginig ang mga kamay.Tumango-tango naman ang matandang lalake saka tumingin sa malayo."I should've talked to you sooner. I wanted a good life for him, pero hindi 'yon nasusunod dahil nandiyan ka. I'm still thinking how to get rid of you," wika nito.Naluluha naman si Hexy habang nakatingin sa kaniya. May pagkakahawig ito kay Brix ngunit mas malakas ang awra nito."Wala naman po
Napaawang ang bibig ni Hexy at hindi makapaniwalang nakatingin sa manager nila."S-Sir, bakit?" Hindi niya napigilang mamawis at manginig ang kaniyang mga palad dahil sa gulat. "I'm sorry, Hexy," tanging sambit ng manager nila.Napakunot-noo si Hexy at pinigilan ang pagtulo ng kaniyang luha."M-Mawalang-galang na, Sir. Dahil po ba sa mga Royale? May sinabi po ba sila sa inyo?" Tanong niya at napakuyom ang kaniyang mga palad."It's because you're involved in a scandal that can ruin the image of the restaurant. Pinag-usapan namin 'tong mabuti. The people involved are high-ranking people. We can't afford to lose the restaurant because alam naming kaya nila itong pulbusin," malumanay na sagot ng kaharap ni Hexy.Mas lalo naman siyang nanginig dahil sa galit at sakit na nararamdaman niya."Kaya ako po ang isasakripisyo ninyo?"Bumuntong-hininga naman ang manager nila."I'm sorry, Hexy. This is your last paycheck," wika nito saka iniusog sa harap ni Hexy ang kulay brown na envelope."Good
Nanginginig ang mga kamay at umiiyak habang nakaupo si Hexy sa loob ng police station. Hindi niya mapigilan ang kaniyang paghikbi habang pinupunasan ang kaniyang mga luha gamit ang kaniyang mga palad."Hexy?"Nagtaas siya ng tingin at mas lalo siyang napaiyak nang makita si Maverick at patakbo itong lumapit sa kaniya.Tumayo si Hexy at agad na niyakap si Maverick nang makalapit sa kaniya."Let me see you," wika nito saka kumalas sa kanilang pagyayakapan at tinignan nang mabuti si Hexy mula sa kaniyang ulo hanggang paa.Napakunot-noo siya nang makita niyang namumula ang mga braso nito."How did you get away?" Tanong ni Maverick saka tumingin sa kaniya."M-May mga nagrorondang pulis. Tapos...tapos nakita nilang—" Napatigil si Hexy at mas lalong nanginig nang maalala niyang muntik nang punitin ng lalake ang kaniyang damit ngunit nailigtas siya ng mga pulis.Niyakap ulit siya ni Maverick at napakagat sa kaniyang labi habang nagpipigil ng galit."Are you okay now? Where is he?" "N-Nakaku
Naramdaman ni Hexy na tinanggal ni Maverick ang pagkakahawak nito sa kaniyang balikat at itinungkod ang mga iyon sa gilid ni Hexy.Nakailang lunok siya at dahan-dahang nagmulat ng kaniyang mga mata.Nakatitig si Maverick sa kaniya at tila kumikislap ang mga mata.Mas lalong nanlambot si Hexy nang maramdaman niyang bumibilis at lumalalim ang paghinga ni Maverick.Biglaang umalis sa harap niya si Maverick at tumayo.Nanlaki ang kaniyang mga mata nang ma-realize niyang nakahiga pa rin siya at parang naghihintay siyang halikan ni Maverick.Inahad ni Maverick ang kaniyang palad sa harap ni Hexy. Napatingin naman si Hexy doon saka nanginginig ang kamay na inabot iyon.Pinatayo siya agad ni Maverick at kinabahan na naman siya nang magdikit ang kanilang mga katawan."If you waited for me, you should have kissed me when there was still time," mahinang sambit nito.Inilayo naman agad ni Hexy ang kaniyang sarili at binitawan ang kamay ni Maverick saka napaiwas ng tingin.Natawa naman si Maverick
Nagpumiglas siya ngunit malakas ito at hinatak siya papunta sa gilid.Agad siya nitong binitawan at nanlaki ang mga mata ni Hexy nang makitang si Joaquin iyon at lumilingon-lingon pa ito sa mga lalake sa harap.Magsasalita na sana si Hexy ngunit binalikan nito ang cellphone ni Hexy na nahulog kanina at kinuha iyon saka ibinalik sa kaniya."May kasalanan ka ba sa kanila at nagtatago ka?" Mahinang tanong nito sa kaniya.Umiling-iling naman si Hexy."Mahabang istorya. Dapat makaalis muna sila rito bago ako umuwi.""Are they dangerous? Gusto mo tumawag ako ng pulis?" Tanong ni Joaquin saka tumingin ulit sa mga lalake."H-Hindi. Huwag. Hintayin na lang natin silang umalis. Mukhang hindi naman ako ang pakay nila rito," nanginginig na sambit ni Hexy.Tumango-tango naman si Joaquin at tumingin sa gawi ng mga lalake.Ilang sandali pa lamang ay narinig nilang umandar ang sasakyan nila saka umalis doon."They're gone," wika ni Joaquin at lumabas sa pinagtaguan nila.Nakahinga naman nang maluwag
Natahimik si Hexy at inalala ang lahat ng mga naging reaksyon dati ni Shantal tungkol kay Brix."May pinaplano ba sila tungkol sa'kin?" Kunot-noong tanong ni Hexy."I don't know. I just don't get it. Bakit siya makikipag-usap kay Brix? Eh, 'di ba 'yong fiancee niya ang dahilan kung bakit nadisgrasya si Shantal. And now, mukha silang okay," komento naman ni Vanessa.Mas lalong napaisip si Hexy at bumilis ang tibok ng puso niya."Kakausapin ko siya mamaya. Hindi puwedeng wala siyang dahilan," wika ni Hexy saka umiwas ng tingin."That's why she's been getting weird these past few days," saad ni Vanessa kaya nabalik ulit ang paningin ni Hexy sa kaniya."Ano'ng ibig mong sabihin?" Napailing nang bahagya si Vanessa nang tanungin iyon ni Hexy."It's just weird that when Brix kidnapped you, she's there right away. Kasama niya si Maverick na nagpunta, paano niya alam ang lugar na 'yon?" Sambit ni Vanessa at napakunot-noo.Bigla namang napaisip si Hexy."Oo nga. Hindi ko pa siya natanong kung
"I saw her with Sir Brix, kaya ang akala ko ay kaibigan mo rin siya," wika ni Joaquin.Hindi pa rin nakaimik si Hexy at tila nagpaulit-ulit sa kaniyang tainga ang sinabi nito sa kaniya."H-Hindi," parang hindi makapaniwalang sambit ni Hexy.Napakunot-noo naman si Joaquin sa reaksyon niya.Napahawak si Hexy sa kaniyang ulo saka ilang beses na napailing at pilit na kinukumbinsi ang sarili."K-Kailan mo sila nakita?" Tanong ni Hexy habang nanginginig ang kaniyang mga kamay. Ibinaling niya ulit ang paningin kay Joaquin."I don't remember. Weeks ago. Wala pang isang buwan siguro," sagot ni Joaquin."B-Baka lasing na sila noon, at napunta si Shantal sa harap ni Brix. Alam ko kung anu-ano ang ginagawa niya kapag lasing," wika ni Hexy at hindi pa rin makapaniwala."No. I mean, mapapansin mo naman kapag lasing ang isang tao. They looked like they were talking seriously," sagot ni Joaquin."A-Ako. Ako, nakita mo ba akong kasama nila?" Turo ni Hexy sa kaniyang sarili.Napaisip naman si Joaquin s
"M-Maverick," hindi makapaniwalang sambit ni Shantal. Hindi naman sila nakaimik agad nang makita nilang sumama ang tingin ni Maverick sa kanila. "I said, what the hell did you do to Hexy that night?" Pag-uulit ni Maverick. Umiling-iling naman si Shantal habang nanginginig sa kaba. "What?!" Sigaw ni Maverick. "G-Guys, sabihin niyo na," wika ni Vanessa. Napatingin naman si Maverick sa kaniya. "N-No. No," saad naman ni Shantal saka paulit-ulit na umiling. "Tell him!" Sigaw ni Vanessa. Paulit-ulit pa ring umiling si Shantal habang nakatingin kay Vanessa. Nagngalit ang mga ngipin ni Maverick at mabilis na lumapit kay Shantal saka hinawakan ang magkabilang balikat nito. "Tell me!" Sigaw ni Maverick at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa balikat ni Shantal. Hinawakan naman siya ni Vanessa upang pigilan siya sa kaniyang ginagawa. Galit na galit na tumingin si Maverick sa mga mata ni Shantal habang naiiyak naman ito. "Shantal, sabihin mo na!" Wika ni Vanessa. "A-Ayoko! B-Brix will h