Share

CHAPTER 87

Sa video na ginawa ni Joaquin ay makikitang nakaupo siya sa sofa mula sa loob ng kaniyang kuwarto.

Umubo pa muna siya saka ngumiti sa camera at nakita na naman ni Hexy ang kaniyang dimple.

"Hi, Hexy!" Nanginginig pa ang boses na pagbati ni Joaquin.

Ilang beses siyang napalunok at kitang-kita sa camera ang panginginig ng kaniyang mga kamay na magkahawak habang nakapatong ang mga iyon sa kaniyang tuhod.

"Do you remember the first time we met? Bumagay sa'yo ang garden sa restaurant, kaya agad akong lumapit sa'yo para i-assist ka. You were even surprised when I said I was Maverick's cousin. Alam kong wala pang kayo noon, pero mahilig ka kasing mag-assume," natatawang sambit ni Joaquin saka siya umiling-iling.

"I don't regret saving you from Brix's people before, and even from your friends. Madali ka kasing magtiwala, masyado kang mabait," dagdag pa nito.

Huminga ito nang malalim. Napalunok naman si Hexy nang biglang sumeryoso si Joaquin.

"That's what I hate about you, masyado kang mabait,
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status