공유

CHAPTER THIRTY-ONE

Kasalukuyan akong nasa comfort room habang nakatukod ang dalawang kong palad sa may ibabaw ng sink at matamang kong pinagmamasdan ang kabuuang repleksyon ng mukha ko sa harap ng salamin, naisip kong mapag-isa muna rito at isipin ang nangyari simula umpisa pa lang ng pagdating ko.

Labis talaga 'kong naguguluhan sa mga ikinikilos ni Stefan. He said that I belong to him, how dare he claim me without my notice and my permission??

Ni hindi ko siya nobyo! Ni hindi nga kami close, at parating insulto ang naririnig ko sa kanya simula nang makilala niya 'ko, and now, he declared that I'm his, in front of his guests?

Baliw pa ata siya sa baliw!

Inis kong binuksan ang gripo para maghugas ng kamay, dahil sa pagka-asar ko nilamukos ko ang mga daliri ko hanggang sa mamula ito.

"You are ruining your hands," saad ng babae mula sa tabi ko. Hindi ko napansing pumasok siya dahil siguro sa lalim ng iniisip ko.

"So, girlfriend ka pala ni Stefan? Walang duda kung bakit ka niya nagustuhan, you're perfect to
잠긴 챕터
앱에서 이 책을 계속 읽으세요.

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status