Mag-log inInisan mo pa Ninong mo Arian HAHAHA Ang kulit pa naman nitong si Arian.
Nasa sala si Luther nang lumabas ng kwarto ang dalawa, sina Kennedy at Arian na hindi man lang napansin ang presensya niya. Tumaas tuloy ang kilay nito ng dinaanan lang siya ng dalawa. Tumayo siya at sinundan ang dalawa sa kusina. He suddenly felt something off. He saw how Karina smiled to Arian ang Kennedy na para bang matagal na silang magkakilala. Hindi agad siya pumasok at sumandal sa pader. Mukhang hindi naman siya nakikita kaya nakinig na lang siya sa pinag-uusapan ng mga 'to. Nakita niya rin kung paano tumingin si Karina sa matalik na kaibigan at ngumiti rito na para bang siya ang asawa kung umasta. "Close na pala kayo bakit hindi na lang kaya sila ang nagpakasal?" May inis na wika ni Luther sa sarili. "Salamat Karina. Mukhang ang sarap ng niluto mo ah... Favorite 'to ni Ninong. And speaking of him, na gising na ba siya?" Kinakabahan si Luther ng banggitin ng inaanak ang tungkol sa paborito niyang sinigang na baboy. "Yes. I am already awake." Malamig niyang salita
KINABUKASAN nang magising si Luther ay puno nang pagtataka ang kanyang itsura nang makita ang silid kung saan siya natutulog. Tumayo siya mula sa kama at palinga-linga sa paligid ng makita niya ang isang litrato ng batang babae na agad naman niyang nakilala. Nagtataka siya kung paanong nasa bahay siya ng ibang tao. Maliit ang kwarto at malayong-malayo sa kwartong kinasanayan niyang higaan at tambayan, pero hindi nag-isip ng kung ano si Luther. Lumabas siya ng kwarto at sinalubong agad siya ng mabangong amoy ng sinigang. Biglang kumulo ang tiyan ni Luther at nakaramdam ng gutom. Napalunok pa ito dahil paborito niya ang sinigang na baboy. Walang tao sa sala kaya lumabas siya at hinanap ang mga tao, ngunit wala siyang nakita o anino man lang ng mga kapatid ni Karina. Bumalik siya sa loob at tinungo ang isang pintuan patungo sa kusina nang makita niya ang babaeng nakatalikod sa kanya. Luther stood there and watch her unconsciously. He didn't make a sound and just watch her stirr
Ilang minuto pa na naghihintay si Kennedy sa labas ng gate nang may parating na kotse. Mabilis naman na nakilala ni Kennedy kung kanino ang sasakyan. Nilapitan niya ang sasakyan at binuksan ang pintuan ng walang sabi-sabi. Bumungad naman sa kanya ang Boss slash kaibigan niyang lasing na lasing na talaga at hindi na alam kung ano ang nangyayari sa paligid. Bumaba na rin ng kotse sina Felip at Felix upang alalayan si Kennedy na ilabas ng kotse si Luther. Kita ang pagtataka sa itsura ng dalawa ng makita ang bahay kung nasaan sila huminto. Hindi nila inakala na maliit lang ang bahay na tinitirhan ni Luther, na isang milyonaryo. At kilala nila ang kaibigan na hindi ito sanay sa maliit na bahay. Tumikhim si Felix bago magsalita. Akay-akay na ngayon ni Kennedy si Luther. “So, this is the place where he lived?" Mahinang tanong ni Felix, nag-aalangan sa tanong dahil baka magalit si Kennedy. Kilala rin nila ang ugali ni Kennedy, mabait lang ito kapag nasa ayos ka. At ramdam na rin nila ang
Pagdating nina Karina, Arian at Kennedy sa bahay ay sumalubong agad ang mga kapatid ni Karina. Mahigpit nilang niyakap ang Ate nila na isang araw lang naman nitong hindi nakita. Masaya naman si Karina ng makita ang mga kapatid na maayos, at kahit isang araw niya lang na hindi nakita at nakasama ang mga ‘to ay sobra na niyang na-miss. Dahil hindi siya sanay na malayo sa kanila kahit saglit lang. Nang mapansin nilang may kasama ang Ate nila ay natigilan sila at sabay-sabay na tumingin sa mga bisita. Ngumiti naman si Arian sa mga ‘to at binati ng magandang gabi. Nasa bahay na kasi si Dos dahil tapos na ang klase niya. Nagtataka naman si Dos kung bakit magkasama si Arian at ang Ate niya kaya gulat niyang tiningnan ang Ate niya. At walang pag-dalawang-isip na tinanong ‘to sa harapan mismo ng bahay. “Ate, siya ba ang ama ng dinadala mo?" gulat na tanong ni Dos. Nanlaki naman ang mga mata ni Karina at mabilis na tinakpan ang bibig ng kapatid. "Hindi siya. Dahan-dahan ka nga sa boses m
SABAY na nilingon nilang tatlo si Luther na namumula ang mukha sa inis. Lumapit ito sa kanilang kinatatayuan at sinamaan ng tingin si Karina. Yumuko na lamang si Karina dahil hindi niya kayang tingnan ang galit na mga mata ng asawa. Binalingan naman niya ng tingin ang inaanak at masama naman ang tingin ni Arian sa Ninong niya upang inisin pa lalo. “Bakit parang galit ka ata, Ninong. May nasabi ba akong hindi maganda?” Nang-iinis na wika ni Arian, sabay ngisi nito sa Ninong niyang alam niyang naiinis na sa kanya. “No. Why would I? Not worth it at all,” sagot ni Luther at pinasadahan ng tingin si Karina mula ulo hanggang paa. Para namang nanliliit si Karina sa sarili dahil sa ginawa ng asawa sa kanya. “You hate her, that's why you didn’t see her worth. But Karina is a rare gem. Bahala ka baka magsisisi ka,” sabat naman ni Kennedy na kadarating lang. Luther rolled his eyes, when he saw his best friend—Kennedy. May dala itong bulaklak at cake. Nang huminto na ito sa harapan ni Karina
Napahilamos na lamang sa kanyang mukha si Luther at aggresibong sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri nito, sabayan pa ng malutong na mura nito. "Fuck. Akala niya ba na madali lang sa akin ito? This is really messed up," galit niyang salita habang nakapamaywang. Pumunta ito sa mini bar niyang nasa kabilang kwarto lang. Kumuha 'to ng maiinom at agad na binuksan saka nagsalin sa kanyang baso. Maya-maya pa ay may kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto. Iritado naman siyang tumayo upang pagbuksan ang kung sino na nasa labas ng kanyang kwarto. Wala naman siyang inaasahan na bisita dahil ayaw niya ng mang-iistorbo sa kanya pero pagbubuksan niya pa rin kung sino ang kumatok at baka Mama niya pa. Nang mabuksan na niya ang pintuan ay bumungad sa kanya ang galit na mukha ni Arian na kakagaling lang sa school. "What? Why are you here?" Iritadong wika niya at akma na sanang isarado ang pintuan. "Ninong, nagpakasal kayo ni Karina without my knowledge?" ani Arian na galit talaga an







