Compartir

Chapter 1

last update Fecha de publicación: 2026-09-01 19:13:47

Alliah Rishka's POV

Yeah...back then everything was normal, Not until one day.. Everything changes.

Sisimulan ko sa kong pa'no 'to nag-umpisa.

Hindi kami mayaman, pero hindi din kami mahirap. Bankrupt na ang business namin ngayon kaya kailangan ko talagang maghanap ng trabaho. Ang nag-iisang negosyo na pinag-kukunan namin ng mga pangangailan ay tuluyan ng nawala sa pamilya namin. Lubog na din kami sa utang dahil sa mga bayarin.

Napa balikwas ako nang tumunog ng malakas ang alarm ko. Panira talaga nang tulog ko kahit kailan! Bakit kasi ang lakas ng tunog! Nakapikit pa rin ang mga mata ko habang naiinis sa tunog ng alarm. Kinapa ko 'to sa side table at hindi na nagdalawang-isip na ihagis 'to. Hayyy...naka-hinga naman ako nang maluwag dahil tumahimik na nga. Isinubsob ko ulit sa unan ang ulo ko. Ang sarap talaga matulog!! Gugustuhin ko na dito na lang palagi sa bahay para matulog-wait….

Agad akong napa-upo sa kama nang may ma-alala. Lunes ba ngayon?? Ughhh!!! Bakit ngayon ko lang na-alala?!!

"Ughhh!!! Gusto ko pa na matulog ulit!"

Kahit gustuhin ko man ay wala na akong nagawa kundi ang bumangon na. Napatingin ako sa alarm clock ko na basag na. Bigla akong natauhan at napatakbo sa banyo. Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil sa inis.

"Bakit walang gumising sakin?! Huhuhuhu late na naman ako!!"

Agad ko nalang na kinuha ang toothbrush at nag sepelyo na.

Pagkatapos ay tinungo ko ang shower at agad ng naligo. Hindi ko na kailangang magtagal dahil baka mas lalo pa akong ma late nito. Putting some lotion on my body and then tossing a plain white t-shirt and black jeans with my best-up sneakers.

Pagkatapos ay agad akong kumaripas ng takbo papunta sa kusina. Muntik pa akong mapatalon dahil sa gulat ng makita si mom na nag ka-kape.

"Mom!" Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat.

"Nagulat ba kita?" Lumagok pa siya sa kape niya. "Coffee?" Pang-aaya niya sa'kin.

Napahawak naman ako sa ulo ko. "Mom, muntik na akong atakihin sa gulat, tapos pa-painom mo pa 'ko nang kape??" Hindi makapaniwala kong tanong sa kanya.

Inilapag niya naman ang mug niya sa mesa. "Bakit ka ba kasi nag mamadali, ha??"

Agad ko naman na na-alala na may trabaho pa pala ako ngayon. Napatingin ako sa relo ko at napabuntong hininga. Lagot, late na ako. "Bakit hindi niyo kasi ako ginising ng maaga?? I'm late now."

"Hindi ka ba nagising ng alarm clock mo?" Tinawanan niya pa ako. "Papasok ka naba-"

"You know I hate those stuff mom!" I rolled my eyes on her. "I need to go na, mom-"

"Bakit hindi ka nakasuot ng uniporme mo?"

"Mom, hindi ako papasok sa school-"

"Alliah Rishka!" Saway niya sa'kin.

Nilapitan ko naman siya at hinawakan sa kamay para pakalmahin. "Mom, alam mo naman na mas kailangan natin ng pera ngayon-"

"Gumagawa naman kami nang paraan ng dad-”

"Mom, alam ko," ngumiti ako sa kanya. "Alam kong gumagawa kayo nang paraan para bumalik sa dati ang buhay natin. Pero ayokong makita na nahihirapan kayo." Matanda na din sila para makaya pa ang mag trabaho.

"And I'm not a kid anymore, mom.

Kaya ko nang mag trabaho para sa

inyo, hayaan niyo at ibabalik ko din

ang buhay natin katulad ng dati."

Kumbinsi ko sa kanya. "Aalis na ako,

bye, mom." And I kiss her cheeks.

Pagkalabas ko nang gate ay napa buntong hininga na lang ako. Huminto ako sa paglalakad at humarap sa bahay namin. Malayong-malayo na ang buhay namin ngayon kesa dati. Nung maliit pa ako, kailanman ay hindi sumagi sa isip ko na magiging ganito ang buhay namin. Simula pagka-bata ay namulat na ako sa karangyaan. Hindi ko iniisip na may hangganan din pala ang lahat. Hindi ko naisip na tumatanda din pala si mom and dad habang lumalaki ako. Palagi kong iniisip na malakas sila, hindi ko naisip na tumatanda na din pala sila.

Nag patuloy na lang ako sa paglalakad. Lakad-takbo ang ginawa ko para makarating agad sa tina-trabahuhan ko. Kailangan kong mag tipid, kaya tinitipid ko din ang sarili ko pagdating sa pera. Kailangan ko pa naman na maka-ipon, upang may makunan kami sa oras ng pangangailan.

Kung may pera lang ako na pambili nang kotse ay hindi ko na kailangan pa na tumakbo araw-araw para makarating sa tina-trabahohan ko. Yeahh… tinatakbo ko lang, hindi naman gano'n kalayo at isa pa ay nasanay na din naman ako na ganito na lang palagi araw-araw. Pero ayoko nang isipin ang bagay na 'yon, ang mahalaga ay nakakarating pa rin ako sa trabaho ko -late nga lang.

Pero minsan hindi natin ma-iiwasan na tamarin sa pag kilos. 'Yong pakiramdam na hindi na nga sapat 'yong tulog ko tapos tatakbo pa 'ko patungo sa trabaho ko. Wala naman akong magawa dahil sa kailangan ko naman talaga na mag trabaho. Hindi na ako fresh nito kapag dumating na 'ko do'n. Duh!

Napatingin ako sa mga babae na siguro ay ka-edaran ko din. They were laughing and enjoying their foods.

Maraming nagsasabi at nagtatanong minsan sa akin na, why I am not doing those normal things. Ano ba ang tawag nila sa ginagawa ko? Wala akong panahon para mag saya, katulad ng mga babaeng nagsasaya-clubbing, like that. Ang mga ka-edaran ko kasi na babae ay mahilig sa mga gimikan-having fun with anyone and everyone, 'yong mag saya lang ng mag saya, window shopping, traveling, and having a boyfriend. Hindi naman ako mahilig sa gano'n. Pakiramdam ko kasi mauubos lang ang pera ko dahil sa gimikan at pag sasaya. Mabuti pa na iponin ko na lang 'to, at ng sa maka-tulong naman ako kay mom and dad.

Ang totoo pa niyan ay wala talaga akong oras para sa mga bagay na 'yan. Marami akong trabaho na kailangang tapusin, isama mo pa ang pag-aaral ko. Hindi ko kaya na makita na problemado ang parents ko. Marami na silang iniisip at ayoko nang dumagdag pa. Marami pa silang iniisip about sa business at iba pang gastos. Tumatanda na din sila kaya gusto kong ako naman ang tumulong sa kanila. Pero minsan naisip ko din na himinto muna sa pag-aaral. I mean, hindi ko alam, pero 'yong pagod hindi ko nakakaya. Hindi ako sanay sa mga ganitong bagay, hindi ako sanay na mahati ang oras ko sa pag ta-trabaho at sa pag-aaral. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang kapalaran ko. Ang gusto ko lang naman nu'n ay makapag-aral ng maayos at makapag-tapos ng pag-aaral.

Pero mukhang kailangan ko muna na isakripisyo ang pangarap ko para maisalba ang buhay namin.

So, as soon as I hit the age that allowed for work I set out for a job. Pero hindi 'yon naging sapat para sa'min at lalo nang hindi naging madali 'yon para sa'kin. We were near losing our home at minsan pa ay dumadating sa punto na tinitipid na lang namin ang pagkain para lang makabayad sa monthly bill namin. Minsan magugulat nalang ako na wala nang tubig na lumalabas sa gripo at shower. Kaya kailangan ko pang pumunta sa workplace ko para doon na lang maligo. Sa kabila ng lahat ng 'to hindi 'ko naramdaman na mapagod, dahil para din 'to sa'min. Pero hindi ko pag kakaila na minsan ay napapasabi na lang ako na 'nakakapagod nga'. Tao lang naman ako at napapagod din, nilalakasan ko lang ang loob ko para sa pamilya ko.

Kailangan ko talaga na magsumikap, ako na lang ang inaasahan ng mga magulang ko. As long as nandyan ang parents ko at mga kaibigan ay kuntento na 'ko.

Hayyyy...

Nang makarating ay pumasok na 'ko sa loob ng coffee shop at agad na kuma-ripas ng takbo sa back room. Isinuot ko ang brown na apron para sa araw na 'to. Nag madali ako na makapag-ayos bago ma-abotan ng boss ko. Kumuha ako nang panali sa buhok ko at agad itong sinuklay at itinali.

Nang makitang ayos na din naman ay nagsimula na akong kumilos.

Nang humarap ako ay bigla akong nagulat ng makita ang boss namin na magka-kruss ang mga braso na nakatingin sa'kin.

"Erm..." Hindi ko alam kong pa'no mag papaliwanag sa kanya.

"Alliah!" Makikita na galit na naman ito. "Ilang ulit ko bang sasabihin na ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang mga late!!"

Napapikit ako dahil sa sigaw niya. "S-Sorry na boss, ibawas mo na lang sa sweldo-"

"Hah! Sa tingin mo pa-palampasin pa kita ngayon?!" Mas lalo pa akong napapikit at napayuko. "Ito na lang ang huling araw mo sa trabaho!"

Agad na napa-angat ang tingin ko sa kanya. "B-Boss..ano-"

"Ey.. boss," biglang pakita ni Abby. "May naghahanap sayo sa labas."

Napatingin ako sa boss namin at galit pa rin ito sa'kin. Dinuro niya pa ako. "Pumunta ka mamaya sa opisina ko para kunin ang-"

"Boss.. Boss..tama na 'yan at baka umalis na ang nag hahanap sa'yo." Pigil ni Abby sa kanya. Lumapit ito sakin ng makaalis na si Boss. "Okay ka lang?"

Mahina naman ako na tumango sa kanya. "Okay lang." ngumiti ako nang pilit sa kanya.

"Pero aalis ka talaga?" May pangangamba na tanong niya.

"Ano pa ba ang magagawa ko?"

"Eh kong kausapin ko-"

Kinuha ko ang kamay niya. "Salamat," nakangiti kong sabi sa kanya. "Salamat sa lahat ng mga tulong mo sa'kin. Salamat sa pagtanggap sa akin dito kahit na wala naman akong alam sa mga ganito. Salamat at palagi kang nandyan para sa'kin." Napahugot ako nang hininga. "'Wag ka nang mag-alala sa akin, okay?"

"Pero-"

"Sige na, bumalik ka na sa trabaho mo at baka mawalan ka din ng trabaho ngayon." Ngiti na sabi ko sa kanya.

Ngumiti na lang siya sakin at tumango bago umalis. Naiwan naman ako habang nakatayo pa rin at tulala. Hindi ko magawang igalaw ang katawan ko.

Hindi ko ma-ikilos ang mga paa ko.

Gosh! Alam nilang mahalaga sa'kin ang trabaho na 'to. Si Abby ang nag pasok sa akin dito kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanya nang dahil do'n. Ang laki din ng kita ko dito kesa sa paraket-raket ko na trabaho. Kaya parang nanghihina ako dahil sa mga nangyari. Stable na ang trabaho ko dito sa coffee shop, I didn't expect na mawawalan ako nang trabaho dito.

Napahawak nalang ako sa dibdib ko at napakalakas ng kabog nito. Damn! Pinunasan ko nalang ang pisngi ko dahil umiiyak na pala ako. Huminga ako ng malalim bago kinuha ang listahan ko. Ngumiti ako nang pilit sa mga customer. Siguro ay makakabayad pa naman ako nang monthly bill sa huling sweldo ko. Tumango ako at ngumiti sa mga customer, huling araw ko na 'to.

Napatingin naman ako sa dalawang customer na siguro ay mag kasintahan. They were sitting by the window.

Makikita mo talaga na in-love sila sa isa't-isa dahil sa kaka-ibang titig sa kanya nang lalaki. Makikita mo din sa mga mata nang babae na mahal na mahal n'ya din ang lalaki. Kahit tignan mo lang sila mahuhulaan mo talaga na pareho silang in love sa isa't-isa.

Napa buntong hininga na lang ako.

Sometimes, I also want something like that, pero priority ko muna ang mga gastusin. Ayokong mas lalo kaming mabaon sa utang! Jusme!! At siguro ay hindi ko din 'to pag tuto-unan ng atensyon, wala na nga akong sapat na oras para sa trabaho, pa'no pa kaya sa mga lalaki?

After taking their orders ay umalis na 'ko sa table nila. Sa kabilang table naman ako tumungo. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagkuha nang mga orders nila. This is my last day-sayang ang kita. Habang kumukuha ako nang order ng ilan sa mga customer ay biglang bumukas ang pintuan. A man in a overly expensive suit entered. His hair was styled to perfection. Makikita talaga sa tindig niya na sumisigaw sa yaman ang isang 'to. Minsan lang kasi ako nakaka pansin ng ganitong customer na pumasok dito at gwapo na mayaman pa. Napatingin naman ako sa mukha n'ya. His creamy brown eyes expressionless. His nose was proud. His light pink lips were pulled into a thin line and clinging to him was a woman with a black dress. They were perfect! Ang mahaba nitong buhok ay nakabagsak lang sa likuran n'ya. Nagsusumigaw din ang dibdib nya. Make-up covered her face at malalaking earrings naman ang suot n'ya na talagang bumagay sa itsura nya. Kung titignan mo 'to ay mapag-kakamalan mo talaga na para siyang isang artista. Nakasuot din 'to nang silver necklace that really suit on her.

Marami silang nahakot na atensyon sa maliit na coffee shop na 'to dahil sa pag-pasok nila. Ang iba ay nag bubulong-bulongan pa at ang iba naman ay nakatingin lang sa kanila nang may pag hanga-kagaya ko.

Pero mukha naman na wala lang 'to sa kanilang dalawa. Mukhang sanay na ang mga 'to sa spotlight. Mas lalong naging marami ang nahakot na atensyon ang babae dahil sa pag-flip nito nang buhok niya. Inilapit niya din ang dibdib niya sa braso nang lalaki and smiled adoringly sa ilan pang mga customer sa loob ng coffee shop.

"Waitress." pumitik pa 'to nang daliri niya. Nakatingin 'to sakin ng diretso.

Napakurap-kurap naman ako bago matauhan at lumapit sa table nila. Kinakabahan pa ako habang papalapit sa kanila. Lol! Isang tingin mo pa lang sa kanila ay malalaman mo nang mayaman talaga silang pareho dahil sa postura nila. Umorder ang babae nang sweet coffee but in a low fat sugar. Sinabi niya din na gawin ko 'tong dalawa para sa kanila. Tumango naman ako sa kanya at napabaling ang tingin sa lalaki na kasama niya, napa-iwas na lang ako nang tingin dahil mukhang wala 'tong balak na umorder. Busy 'to kaka-tipa sa cellphone niya. Kinuha ko na lang ang order nila at ng sa maihatid ko na sa table nila ang order nila. Tumaas naman ang kilay ko dahil kay Dash, our tea maker.

"Anong nangyari sa'yo? Bakit parang namumutla ka?" sabay timpla na niya ng tea.

"H-Huh? Talaga ba??" Nagugulat ko na tanong. Pahawak naman ako sa pisngi ko. "Nakakahiya lang kasi.”

"Bakit naman?" Tanong niya habang patuloy sa ginagawa niya.

"Ngayon ko lang kasi sila nakita dito kaya hindi ko alam kong bakit parang kabado ako sa harapan nila." Sagot ko naman habang hinihintay na matapos siya.

"Hindi mo ba kilala kong sino sila??" Nakakunot ang noo na tanong niya sa'kin. "Ah, palagi ka nga palang late kaya ngayon mo lang sila naabutan na nandito."

"Palagi ba silang nandito??" Tanong ko sa kanya.

Tumango naman siya. Mag tatanong pa sana ako nang inilapag na niya sa harapan ko ang dalawang kape. "Dalhin mo nalang 'to sa kanila at baka mainip na ang mga 'yon."

Tumango nalang ako sa kanya at nag lakad na lang pabalik sa table nila. Inilapag ko na ang order nila at ngumiti sa kanila. Napabaling ang tingin ko sa lalaki at nakababad pa rin siya sa cellphone niya. Samantala ang babae naman ay patuloy lang sa pagkaka-usap sa kanya kahit mukha namang hindi nakikinig ang lalaki sa kanya.

Ngumiti naman sa'kin ang babae nang makita niya na inilapag ko na ang order nila. "Thanks." Mahina nitong sabi sa'kin.

Tumango naman ako sa kanya at ngumiti. "Enjoy your coffee, ma'am and sir." I speak softly.

Nagulat naman ako nang umangat ang tingin ng lalaki-sa'kin. Parang nanigas naman ang katawan ko dahil sa kakaiba niyang tingin. Para bang kaming dalawa lang ang nasa loob ng coffee shop. Nakatingin lang ang mga mata niya ng diretso saakin.

Nangangantog naman ang mga binti ko at hindi ko alam kong bakit. Gusto kong umalis na, o 'di kaya ay magtago dahil hindi ko talaga kina-kaya ang tingin niya. But for some reason, some odd reason nakatayo lang ako sa harapan nila at hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko pa-atras. I just stare at him as he stares at me. Ang lakas ng tibok ng puso ko. At nasisigurado kong kinakabahan 'to.

But why??

Why I am nervous im front of him?? Is it because of his stare??

"Cyrus Matteo." pukaw na atensyon na tawag ng babae sa kanya.

Kaya naman ay bigla akong natauhan. I blink at bigla na lang namula sa hiya. What I am doing?? Gosh! Pero hindi pa rin napuputol ang tingin ni Cyrus, ang lalaking nakatitig sa akin. Bakit ganito siya kong makatingin??

"Um..I....I have to go." mabilis akong tumalikod sa kanila.

Dumeretso ako sa back area at agad na hinubad ang apron. Gosh!! Anong nangyayari sakin?? Ramdam ko na umiinit ang pisngi ko dahil sa titig na 'yon.

Napahawak ako sa dibdib ko at ang lakas ng kabog nito. Anong nangyayari sakin?? Bakit nag kakaganito ako?? Anong meron sa titig niya?? Bakit ako kinabahan??

This is ridiculous…

To Be Continue.....

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • HGBS1 - Sold To The Billionare    Chapter 3

    Alliah Rishka's POVNapamulat ako nang mata at ramdam ko na namamaga ito. Bumangon na lang ako at dumeretso papasok sa loob ng banyo. Nang matapos ay lumabas na ako nang kwarto. Agad ko naman na nakita si mom and dad na parehong nakaupo sa mesa."Good morning." Bati ni mom sa'kin ng makita ako. "Umupo ka na at mag-almusal.""Morning." I replied at umupo na."Okay ka lang ba, Alliah?? Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo??" Tanong sa'kin ni mom ng makita ang plato ko.Napabuntong hininga na lang ako at agad na sumubo. Hindi ko maintindihan pero parang ayokong kumain."Nga pala, anak, susunduin-"Agad ko na nailapag ang kutsara at tinidor na hawak ko. "Mom.." pigil ko sa kanya."Kumain ka na." Sabi ni dad sa'kin habang inaawat niya si mom na mag salita."Tapos na ako." Sabi ko at agad na tumayo."Hindi mo pa nga nakakalahati ang pagkain mo." Napahinto ako at napatingin sa kanya. "Okay. Kung tapos ka nang kumain, kunin mo ang paper bag na 'yon at suotin mo ang damit."Turo niya sa mga

  • HGBS1 - Sold To The Billionare    Chapter 2

    Alliah Rishka's POV"Hoy! Hoy! Hoy!" Nagmamadali na tawag sakin ni Abby. "Ano 'yon ha?! Nakita ko 'yon, ack! Wag ka nang mag sinungaling.""Nakita mo naman pala, eh. Bakit ka pa nag tatanong??" Agad kong inilapag ang gamit ko at hinubad na ang apron na suot ko."Bakit may ganon, ha??" Pang aasar niya pa. "Para sa'n 'yon? Bakit parang ang inten2se nang titigan niyong dalawa? May gusto-""Shut up, Abby! Kahit ako hindi ko din maintindihan ang sarili ko." kibit balikat na sabi ko. "Bumalik ka na sa trabaho mo." pag tataboy ko sa kanya.Ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng dibdib ko. Damn!! This is weird!"Hindi ko nga kilala kong sino 'yon-"Napatigil naman ako sa pag sa-salita nang mabilis siyang lumapit sa'kin at hinampas ako."Aray! Para sa'n naman 'yon?!" Naguguluhan kong tanong sa kanya."Gaga! Hindi mo ba talaga kilala kong sino siya?!" Gulat naman na tanong niya. Namimilog pa ang mga mata niya habang nakatingin sa'kin. Parang nagulat din dahil sa nasabi ko. Ano ba ang nakaka-gul

  • HGBS1 - Sold To The Billionare    Chapter 1

    Alliah Rishka's POV Yeah...back then everything was normal, Not until one day.. Everything changes. Sisimulan ko sa kong pa'no 'to nag-umpisa. Hindi kami mayaman, pero hindi din kami mahirap. Bankrupt na ang business namin ngayon kaya kailangan ko talagang maghanap ng trabaho. Ang nag-iisang negosyo na pinag-kukunan namin ng mga pangangailan ay tuluyan ng nawala sa pamilya namin. Lubog na din kami sa utang dahil sa mga bayarin. Napa balikwas ako nang tumunog ng malakas ang alarm ko. Panira talaga nang tulog ko kahit kailan! Bakit kasi ang lakas ng tunog! Nakapikit pa rin ang mga mata ko habang naiinis sa tunog ng alarm. Kinapa ko 'to sa side table at hindi na nagdalawang-isip na ihagis 'to. Hayyy...naka-hinga naman ako nang maluwag dahil tumahimik na nga. Isinubsob ko ulit sa unan ang ulo ko. Ang sarap talaga matulog!! Gugustuhin ko na dito na lang palagi sa bahay para matulog-wait…. Agad akong napa-upo sa kama nang may ma-alala. Lunes ba ngayon?? Ughhh!!! Bakit ngayon ko la

  • HGBS1 - Sold To The Billionare    Prologue

    Why me?Anong magiging reaksyon mo kapag nalaman mo na ibenenta ka nang sarili mong pamilya?"S-Sabihin niyong nagbibiro lang kayo.." nauutal kong sabi."Alli-""Bawiin niyo ang mga sinabi niyo!!" nagagalit na sigaw ko."We can't.." daddy said. Guilt is really evidence on their faces."W-Why?? Ano?? Gano'n nalang 'yon?? Ibebenta niyo talaga ako?! Eh, hindi ko nga kilala 'yong tao-""We already signed the contract. All you need to do is to be with him."Mas lalo pa akong nanlumo dahil sa mga narinig ko. Hindi pa rin ako makapaniwala. Damn!! They even think about me?? They even think about my feelings after knowing all of this shit?!"Bakit hindi niyo muna ako tinanong kong gusto ko bang mag pakasal?! Bakit kailangan niyo pa na pangunahan ang desisyon ko?! Pa'no na ang mga pangarap ko?! Pa'no na ang mga pangarap ko sa buhay kong naikasal na ako?! Naisip niyo ba 'yon, ha, Mom?! Dad?!" I shout. Alam ko na kapag naikasal na ako ay wala na 'tong balikan, dahil sa nakatali na ako sa isang t

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status