Share

Chapter 3

last update publish date: 2026-09-04 10:22:16

Alliah Rishka's POV

Napamulat ako nang mata at ramdam ko na namamaga ito. Bumangon na lang ako at dumeretso papasok sa loob ng banyo. Nang matapos ay lumabas na ako nang kwarto. Agad ko naman na nakita si mom and dad na parehong nakaupo sa mesa.

"Good morning." Bati ni mom sa'kin ng makita ako. "Umupo ka na at mag-almusal."

"Morning." I replied at umupo na.

"Okay ka lang ba, Alliah?? Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo??" Tanong sa'kin ni mom ng makita ang plato ko.

Napabuntong hininga na lang ako at agad na sumubo. Hindi ko maintindihan pero parang ayokong kumain.

"Nga pala, anak, susunduin-"

Agad ko na nailapag ang kutsara at tinidor na hawak ko. "Mom.." pigil ko sa kanya.

"Kumain ka na." Sabi ni dad sa'kin habang inaawat niya si mom na mag salita.

"Tapos na ako." Sabi ko at agad na tumayo.

"Hindi mo pa nga nakakalahati ang pagkain mo." Napahinto ako at napatingin sa kanya. "Okay. Kung tapos ka nang kumain, kunin mo ang paper bag na 'yon at suotin mo ang damit."

Turo niya sa mga paper bag.

"Daisy." Tawag sa kanya ni dad.

"I already told you, Mom." Madiin akong tumitig sa kanya. "Hindi ako mag papakasal-"

Nagulat naman ako nang bigla siyang tumayo para sampalin ako. Maging si dad ay nagulat din kaya napatayo din ito para pigilan si mom. Napahawak naman ako sa pisngi ko. Hindi ako makapaniwala na sinampal niya ako.

"Gusto mo bang makulong kami, ha, Alliah?!! Gusto mo bang mawalan ng mga magulang?!!" Sigaw niya pa sakin.

Napatingin ako sa kanya nang may hindi makapaniwalang tingin. "Bakit ako, ha, mom?! Bakit ako?!! Bakit kailangan na ako pa ang kapalit sa ginawa niyo?! Sana'y naisip niyo 'yan bago kayo lumagda sa kontrata!!"

"Bumalik ka dito, Alliah!" Patuloy niyang sigaw, pero hindi ako nakinig at patuloy lang sa pag martsa pabalik sa loob ng kwarto ko.

Kailangan kong tapusin 'to.

Ano pa ba ang magagawa ko??

I don't have any choice! Kailangan kong makipagkita kay Gutierrez para kausapin siya tungkol sa kontrata. I'm worried about my parents. I don't want to see them in jail. Galit ako, oo, galit na galit dahil sa desisyong ginawa nila, pero sila lang ang pamilya ko.

Damn it!!

Bakit ba kailangang kaming mga anak ang magbayad ng mga kasalanan ng mga magulang namin? Kung para talaga sa'min ang ginagawa nila, bakit kailangan pang pangunahan nila ang pansarili naming desisyon?

I took a light shower at agad ng lumabas. Bakit naman ako mag-aayos para sa lalaking 'yon? Duh!! Mabuti nga na ma-turn-off siya at ng sa gano'n ay siya na mismo ang umurong sa kasal. Nag suot ako nang t-shirt at pantalon. Sinuot ko din ang sneakers ko. Hindi na ako nag-abalang humarap sa salamin at agad na lumabas sa kwarto.

Napahinto pa silang dalawa nang makita ako. Napatigil si mom sa paghikbi, habang si dad naman ay nagtatakang napatingin sa'kin.

"Where are you going??" Tanong niya.

"Give me the address." Malamig kong tugon.

Napatayo naman si mom dahil sa gulat. "Pupunta-"

"Pupuntahan ko siya para maayos na ang lahat. Hindi ako pupunta do'n para planuhin ang kasal." Agad na putol ko kay mom.

"Allia-"

"Dad! Sa'n ko siya pwedeng makita?!" Galit na sigaw ko kay dad.

"Alliah, anak, sumunod ka na lang, please?"

Napatingin ako sa kanya. "Bakit niyo ba ako pinipilit, mom?!"

"I'm sorry... I'm sorry.. we don't have any choice."

"Mom, if you really feel sorry for what you'd done, sana man lang ay inisip niyo muna kong gusto ko ba talaga 'to. Ayoko pang magpakasal, mom! Marami pa akong pangarap! Ayoko na makasal sa tao na ang akala sa akin ay isang damit na kayang bilhin sa kahit na anong presyo! At lalong-lalo na..ayokong mag pakasal sa isang lalaking hindi ko naman mahal! Sana naisip niyo din 'yon, Mom." Tumigil ako sa pag hakbang at humarap ulit sa kanila. "And if you really have no choice, that's not the enough reason para ako ang maging best choice niyo."

"A-Alliah..may susundo naman sa'yo-"

"Kaya kong pumunta do'n ng mag-isa! Sabihin niyo sa'kin kong sa'n ko siya makikita!" Gusto ko lang naman na sagutin nila ang tanong ko. Hindi sila nag salita kaya napa tango-tango nalang ako sa kanilang dalawa.

"Kung ayaw niyong sabihin, pwes, pupuntahan ko ang lungga niya!”

Patuloy lang sila sa pagtawag sa akin pero hindi na ako nagpapigil pa sa kanila. Agad kong kinuha ang mga paper bags na siguro ay pinadala sa kanila nang lalaking 'yon. Hindi ko mapigilan na 'wag magalit. Anong akala niya sa pamilya ko?!

"Sa Gutierrez Company, Manong." Sabi ko sa driver. "Pakibilisan lang po."

Sinunod naman niya ang sinabi ko at ilang minuto pa ay nakarating na din ako sa harapan ng kompanya. Napatingala ako sa mataas na building. Hindi na ako nag-alinlangan pa na pumasok na. Mahigpit ang hawak ko sa mga paper bag na dala. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na sumugod dahil sa galit.

"Miss, nasa'n si Mr. Gutierrez?" Tanong ko sa front desk.

"Do you have an appointment??”

"Wala-"

"If you don't have-"

"Tawagan niyo siya at kailangan ko siyang maka-usap!" Sigaw ko sa babae, nagulat naman 'to dahil sa pag sigaw ko. Napatingin naman ang ilang mga tao sa'min. Hindi ito kumilos at natatakot na nakatingin sakin. "Sabihin mo na lang kong sa'n ko siya pwedeng makita!"

Napalingon ako sa likuran ko nang makita na may tinuro siya. Isang lalaki na naka suot ng suit ang papalapit sa'kin. Hinubad nito ang suot niyang shades kaya nag tama ang paningin naming dalawa. Napatigil naman ako sa paghinga. Parang nanghina ang mga tuhod ko. Ang mga matang 'yon.

"Good morning, Mr. President." Halos nakayuko ang mga tao sa kanya habang binabati ito, tanging ako lang ang nakatayo nang matuwid habang nakipag titigan sa kanya.

"Anong problema dito?" Ngayon ko lang nadinig ang boses niya, pero parang mas lalong pinapahina nito ang mga tuhod ko.

"Hinahanap ka niya." Turo sakin ng babae.

Tumango naman ito. "Go back to your work." Anunsiyo niya sa lahat. Napatingin naman ako sa mga empleyado na isa-isang umalis at bumalik sa kanya-kanyang trabaho. "And you, follow me." Sabi niya sakin at agad na tumalikod.

Parang nagising naman ako dahil sa sinabi niya. Bitbit ko pa rin ang mga paper bag habang nakasunod sa kanya. Sumakay kami sa elevator pero tahimik lang kami sa loob, hanggang sa makalabas na kami. Halos lahat ng mga empleyado ay nakayuko habang binabati siya. Nakatingin lang ako sa likuran niya habang nag lalakad. Pero hindi dapat ako pweding panghinaan ngayon. Kailangan kong bawiin ang kontrata. Hindi ako makakapayag na gan'to ang gawin niya sa'kin at sa pamilya ko. Hindi kami isang bagay na mabibili niya. Walang halaga ang makakatumbas samin.

"What's the matter?" Tanong niya nang maupo sa desk chair niya. Niluwagan niya pa ang kwelyo niya habang nakatingin sa'kin. "You may sit." Turo niya sa upuan.

Napahugot ako nang hininga. "Hindi na kailangan." Sabi ko.

"Then, what-"

"Ayokong mag pakasal." Putol ko sa kanya.

Hindi ko naman alam kong anong nararamdaman niya sa sinabi ko, dahil nakatingin pa rin ito ng diretso sa'kin.

"Why?" 'yon lang ang lumabas sa bibig niya.

"Why?!" Hindi makapaniwala kong tanong sa kanya. "Sa tingin mo mabibili mo talaga ako??"

"Of course."

Nagulat naman ako sa biglaan niyang sagot, mas lalo akong nainis dahil do'n. "Bakit mo ba 'to ginagawa, ha?? Hindi mo ako kilala-"

"Alliah Rishka Dawson, 22, born; September 13, 1999, only child, course; business add, mother; Daisy Rose Dawson, father; Carl John Dawson-"

"Hep! Hep!" Pigil ko sa kanya habang hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Is that enough?"

Masama ko naman siya na tinignan. "Nag research ka talaga tungkol sa'kin, huh?!"

"I need to know all about you."

Inikutan ko naman siya nang mata. "Hindi pa rin ako magpapakasal sa'yo!" Malakas kong sigaw. "Hindi mo ako mabibili nang pera mo! Oh, 'yan, i*****k mo sa baga mo 'yang kayamanan mo!" Sabay hagis ko sa kanya nang mga paper bag na dala ko.

Inis kong isinara ang p***o dahilan para mapatingin sakin ang ilang mga empleyado. Hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin at naiinis pa rin sa lalaking 'yon. Hindi ko na alam kong anong gagawin ko. Napatigil ako sa pag lalakad ng maalala na hindi ko nabawi ang kontrata.

"Urgh!! Pumunta ako dito para don! Ano nang gagawin ko ngayon?!" Napatingala ako sa building at inis na naglalakad.

Bumalik na lang ako sa bahay dahil sa pakiramdam ko ay napagod ako. Gusto ko na lang na mahiga at matulog muna. Kailangan kong alisin ang mga nangyari ngayon sa isip ko.

"Alliah." Napatingin naman ako kay dad ng makita ito sa bungad ng pintuan.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanya.

Pinapasok niya muna ako at pina-upo sa sofa. Umupo din siya at humarap sa'kin. "Alliah, 'wag ka sanang magalit sa mommy mo. Sakin ka dapat magalit," malungkot na sabi ni dad sa akin. "Ako ang dapat mong sisihin sa mga nangyari. Ako ang ama mo pero pinahamak kita."

"Dad," tumayo ako at tumabi sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti sa kanya. "Hindi ko naman kayo sinisisi sa mga nangyari. Pero kailangan ko munang makapag-isip. Nagulat ako sa mga sinabi niyo."

He nodded. "I understand."

"Mag pahinga ka na, dad, papasok muna ako sa kwarto." Paalam ko sa kanya.

Agad kong ibinagsak ang katawan ko sa kama at nagpakawala nang hininga. Hindi ko inaasahan na a-abot sa ganito ang buhay ko. Malayong-malayo sa pangarap ko nung bata pa ako. Hindi ko din naisip na magpapakasal ako para lang sa pera. Pa'no kaya kong hindi naging ganito ang buhay namin ngayon?? Mangyayari pa rin ba 'to sa'kin??

Napabangon ko nang marinig na tumunog ang cellphone ko. Napatingin ako dito at nakitang unknown number ang nakalagay. Sino naman 'to??

"Hello? Sino 'to?" Sagot ko. Wala akong narinig na tugon sa kabilang linya. "Hello?? Sino ka ba, ha? Nagkamali ka ba nang tinawagan??"

"Hindi." Bigla akong kinabahan dahil sa boses niya. "Buhay ka pa pala, Alliah."

Agad akong napabitaw sa cellphone ko dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?? Nanginginig ang kamay ko na pinulot ito. Napatingin ako sa screen ng phone ko na may basag na. Nakatingin lang ako sa screen habang nanginginig ang kamay na nakatingin sa repleksiyon ng mukha ko sa phone.

Agad akong napabalikwas ng bangon ng makarinig ng pagkakasunod na katok. Napahawak ako sa mukha ko na punong-puno nang pawis. Panaginip. Pero bakit pakiramdam ko totoo 'yon?? 'Yong boses, nakakatakot.

"Alliah Rishka?? Anong nangyayari sayo??”

"Open the door, Alliah Rishka."

Patuloy nilang sigaw sa labas. Narinig ko pa na sinabi ni mom na kunin ni dad ang susi ng room ko. Napa-atras naman ako nang makita na katabi ko ang phone ko. Napalunok naman ako at nanginginig na dinampot ito. Napatingin ako sa screen nito at nang makitang basag ito ay agad ko itong nahagis sa takot.

"AHHH!!!!" Sigaw ko habang nakatakip ang mga kamay sa magkabila kong tenga.

Hindi...

Panaginip lang 'yon!!

"Alliah Rishka, anak?? Anong nangyari sayo??" Nag-aalala nilang tanong sa'kin ng makapasok na.

Hindi ko sila sinagot kaya patuloy lang sila sa pagtanong sakin. Nakatulala lang ako habang nakatingin sa phone ko na nasa sahig na.

▲★▲★▲★

Binuksan ko ang isang paper bag na nag lalaman ng pulang dress.

Napatingin din ako sa isa pa at nakitang shoebox naman ito, kung sa'n may lamang pulang heels din, may mga diamond pang nakapalibot dito.

Damn! Ga'no ba talaga siya kayaman?! Kaya siguro nahikayat si Mom and Dad, pwe. Napa-iling na lang ako dahil sa naisip. At bakit puro red lahat? I hate red!! Ughhh!! Una kong sinuot ay ang matching bra and panty ko na kulay black. Alangan naman red! Duh!! Black is my favorite color, lol! Pagkatapos ay sinuot ko na ang red dress. Running my hands down the back and fingering the beautifully designed lace I confirm that this is the most beautiful dress that I've had the pleasure of wearing. Hindi ako nag su-suot ng dress, pero hindi ko din inaasahan na magiging komportable ako habang suot ito.

Isa pa, ay ngayon lang bumagay sa'kin ang red. Lalong-lalo na 'tong dress. Kaya hate ko ang red kasi hindi talaga buma-bagay sa'kin. Parang kapag nakatingin ako sa reflection ko sa salamin ay parang nakaligo ako sa dugo ko. Yak!! Slipping on the expensive dress, I zip it up myself before twirling. Damn!! Bakit ang ganda ng damit na 'to?! Hindi ko mapigilang mag imagine na para akong prinsesa dahil sa damit na 'to.

Pero kalma lang dapat, Alliah Rishka, isipin mo ang plano para mamaya.

Agad ko namang kinuha ang red heels at isinuot 'to sa paa ko. Nagulat pa 'ko dahil talagang fit 'to sa paa ko. Ekkk...baka nasabi ni Mom ang size nang paa ko kaya gano'n. Napatingin naman ako sa last na paper bag. Binuksan ko 'to at lumunok pa ako bago binuksan ang laman nito. Jewelry box. Alam kong mamahalin 'to dahil box pa lang mamahalin na. Nahugot ko pa lalo ang hininga ko dahil sa mga alahas. Ow shit!! Ginagawa niya ba 'to para masilaw ako sa kayaman niya?! Pwes! Hindi ako makakapayag do'n!! Kahit bilhin niya pa ang mall o kahit bilhin niya pa lahat ng kagamitan at mga ari-arian sa mundo ay hindi pa rin ako makaka-payag na mag pakasal sa kanya!

Isang dahilan kong bakit ako pumayag na makipagkita sa kanya ay para ituloy ang binabalak ko na kausapin siyang e-urong ang kasal at wala nang kontrata na magaganap. Well...I'm hoping na gagana ang iniisip ko. Nakatingin lang ako sa necklace, earrings at isang...singsing??? Damn! Bakit may sing-sing na?! Ughhh!!! This is shit!!!

"Are you done, Alliah Rishka?? Naghihintay na ang sasakyan mo sa labas!" Pag-tawag sakin ni Dad.

Naikuyom ko na lang ang palad ko dahil sa inis. Isinuot ko na lang 'to at agad ng inayos ang buhok ko. My hair is straight pero naka curl sa ilalim. Tinignan ko pa ang sarili ko sa salamin sa huling pagkakataon.

"This is your only chance, Alliah Rishka.

Kailangan mong pigilan 'to, nakasalalay ang future mo dito." pag-kausap ko sa reflection ko. "Hindi mo din kailangan na mahulog sa kanya dahil lang sa mayaman siya, tandaan mo 'yan."

I know na there's a possibility na hindi na mababawi ang kontrata dahil naka pirma na si Dad and Mom. Kaya, I think about the possible outcomes na pwedeng mangyari kapag nagkataon na...matali ako sa kanya.

"Pagsisisihan niya din ang desisyon niya sa huli. Ipakita mo sa kanya kung ano ang kaya mong gawin. Yaman lang ang meron siya, Alliah Rishka. Kaya niya na gawin ang lahat gamit lang ang pera, pero tandaan mo na.. hindi ka pa niya lubos na kilala." ngumiti ako dahil naniniwala akong makakaya ko 'to. "He will regret this day for the rest of his life."

Nanlaki ang mga mata ni Mommy ng makita ako. Napatakip pa 'to sa bibig niya dahil sa gulat.

What??

She smiled. Agad na lumapit sa'kin. "You look beautiful."

Pilit na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya. "Aalis na ako." Tugon ko sa kanila.

"Sorry for this, anak, sana ay maintindihan mo kami. Mahal ka namin tandaan mo 'yan."

Tumango na lang ako nang tipid sa kanila at agad ng lumabas. Pagkalabas ko ay agad kong nakita ang isang black Lamborghini. Hindi na dapat ako nag-taka pa dahil mayaman talaga siya. Pero grabe naman dahil sa Lamborghini pa talaga ang sumundo sa'kin. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng maunahan ako nang driver. I awkwardly whisper my thanks before slipping inside the Lamborghini.

Napatingin naman ako sa rearview-mirror at tinignan ang driver. Nagtaka naman ako dahil naka glasses pa pala 'to. Naka glasses sa loob ng sasakyan?? Okay lang siya?? At parang hindi siya driver dahil sa damit niya. Naka glasses siya na naka polo. Malabo namang polo ang ipapa-damit ng amo nila sa kanila. Eh, halos afford nga niyang bilhin lahat. Kahit nga ako ay nabili niya. I rolled my eyes dahil sa nai-isip ko. Siguro ay nararamdaman niya na nakatingin ako sa kanya kaya napa-angat ang tingin niya.

"Be thankful, Miss, dahil sa ikaw pa lang ang unang babae na nakapasok sa kotse ko." Anong pinagsasabi niya?? At ano?? Kotse niya 'to??

"Ano?? So, hindi ikaw ang driver na hinihin-"

"May ibang ginawa ang driver niya kaya ako ang tinawagan niya para sunduin ka." agad niya na sabi.

"Ah." Tumango-tango pa ako sa kanya. Kaya naman pala Lamborghini ang sumundo sa'kin.

"Btw, I am Litius, Matteo's friend."

Ngumiti ako sa kanya. "Allia-"

"No need, coz' I already know you." He smirked.

Tumahimik na lang ako at ilang minuto pa ay huminto na ang sasakyan. Siya din ang nag bukas ng p***o para makalabas ako. Mahina ulit akong nag pasalamat sa kanya.

"Welcome to his place." Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa. "Hindi ko na kailangang magtaka, Mrs. Fortenerro."

"Ano?!" Gulat na tanong ko.

"You're Matteo's fiancee, right?"

"No." agad na putol ko.

"Still denying??" He chuckled at napatingin sa kamay ko kung nasaan ang sing-sing na sinuot ko kanina.

"Hindi nga! Kaya 'wag mo akong tawagin niyan!" Hinarap ko siya. "Isa pa, hindi ako mag papakasal sa kaibigan mo!”

Tumawa naman siya. "Maybe Matteo will having a hard time.”

To Be Continue.....

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • HGBS1 - Sold To The Billionare    Epilogue

    Cyrus Matteo’s POVThe day that I saw her. Nabuhayan ako ng loob. I thought she's already dead. Wala akong nakalap na balita sa kaniya even her family. But when I saw her at the coffee shop. I said to myself na hindi ko na papalagpasin ang pagkakataong Ito. Maybe God gave me another chance para makasama pa siya ng matagal."What's up, Gutierrez!" Litius sit beside me."Heartbroken na naman siguro, tol" Andrius said."Pero hindi naman mukhang heartbroken to eh" pagtapik ni Killian sa balikat ko."Pero hindi siya mag aaya sa ating makipag inoman kung hindi siya heartbroken don sa Alliah na matagal na siyang iniwan-"Binatukan naman siya ni Clark. "Ang daldal mo talaga, Whitaker!"Masama din ang tingin ng iba sa kaniya kaya nag peace sign nalang siya. Napailing nalang ako. Hindi din naman nila ako maiintindihan dahil hindi pa nila nararanasan. They're flirting with girls but they note that they'll never fall in love with them. For them girls were dangerous."Stop it. We are here because

  • HGBS1 - Sold To The Billionare    Chapter 28

    Alliah Rishka's POV Bakit pakiramdam ko pinagtaksilan ako ng lahat?? Lahat ng pinagkatiwalaan ko...pinahamak ako. Pinagkatiwalaan ko sila pero niloko nila ako. Simula pagkabata magkakasama na kami. Pero bakit umabot sa ganito??Hinawakan niya ako sa braso nagpupumiglas ako pero mahigpit ang kapit niya dito. Agad niya akong itinulak pababa. Damn! My baby!!Masama akong tumingin sa kaniya. "Bakit kailangan mo pang gawin to!??""Kung hindi ka din naman pala mapapasakin ulit. Siguro ay kailangan mo ng magpaalam.." nakangising sabi niya."A-alex...wag..wag mong hayaan na kainin ka ng galit mo-""Then come with me. Sumama ka sa akin. Ewan mo ang lahat"Namumuo na ang mga luha sa gilid ng mata ko. Sa tingin niya ganon lang kadali yon??"She's not coming with you”Isang baritonong boses ang narinig ko. At sa pagkakataong Ito parang nabuhayan ako ng loob. Nabigyan ako ng pag asa."Wohh. Long time no see, brother"Wait..??What??Magkapatid sila?? Wala namang naikwento si Matteo tungkol sa kan

  • HGBS1 - Sold To The Billionare    Chapter 27

    Alliah Rishka's POVNaalimpungatan ako ng maramdamang may humahaplos sa mukha ko. Tinignan ko ang buong paligid at nasa loob ako ng sasakyan. Napatingin ako sa rearview mirror at nakita kong si X ang nagmamaneho.Nagtaka naman ako. Diba bukas pa ang labas ko??"X-"Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng mapatingin ako sa katabi ko. Nakangisi Ito at talagang matatakot ka sa uri ng ngisi na nakakurba sa mukha niya. Naramdaman kong nanginig ang mga kamay ko. Nanlalamig na Ito. Napalayo ako sa kaniya dahil sa takot.Parang pakiramdam ko pamilyar sa akin ang eksenang Ito. Hindi ko lang matandaan kung ano. again..." Nakangising sabi niya.Pero hindi mahihimigan sa boses niya na masaya siya sa nalaman niya. Imbis ay parang nagbabanta ito. Hindi ko maintindihan.Napahawak naman ako sa tiyan ko kung nasaan ang batang dinadala ko. Bakit parang kinabahan ako bigla dahil sa sinabi niya?? At bakit niya sinabing 'again'??? Hindi ko maintindihan. Sa pagkakatanda ko ngayon palang may nangyari sa amin n

  • HGBS1 - Sold To The Billionare    Chapter 26

    Cyrus Matteo’s POV"Where is she??" I asked manang."Si Alliah ba?""Yep""Nandito lang yon kanina eh. Hinahanap ka. Hindi mo na siya nakita?""Actually nagkausap na kami. But she went downstairs akala ko nandito""Hindi ko siya napansin, hijo. Abala ako sa pagluluto ng handa mo. Happy birthday Cyrus!!"Masayang bati ni manang napangiti nalang ako.Pawis na ako. Alam mo bang si Alliah pa ang nag paalala sa akin na birthday mo ngayon??"I raised a brow. Uhuh? But how?? Wala siyang alam sa akin lalo pa ngayon na may amnesia siya. But where is she now? I need to talk to her. He knows na birthday ko ngayon pero inaway niya ako. Hindi man lang ako binati.Siguro masama ang loob niya because of what she saw. Maybe nakita niyang hinalikan ako ni Georgianna Elise. Ugh! Sinubukan kong mag explain but she push me away.Naglakad nalang ako palabas. Baka makasalubong ko pa siya. Asan na kaya yon?? Tinutuo niya talaga ang sinabi niya?? Damn! But I know na hindi naman siya makakalabas dito dahil hi

  • HGBS1 - Sold To The Billionare    Chapter 25

    Alliah Rishka's POV Hindi ako dumaan sa main gate. Sa likurang bahagi ako dumaan para walang makaalam na umalis ako. Hah! Akala niya hindi ko tutuhanin ang sinabi ko?? Bahala siya sa buhay niya!! Magsama sila nong impaktang babaeng yon! Kung may relasyon man sila wala akong pakialam don!! Tutal kontrata lang naman to eh.Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Aaminin ko na kahit kontrata lang ang lahat ay parang unti-unti na akong nahuhulog. Damn!! Diba sinabi kong hindi ako magkakagusto don?? Bakit ngayon parang kinain ko lahat ng mga sinabi ko??Pinagpagan ko ang sarili ko ng makalabas sa lumang pinto. Marami kasing alikabok at siguro ay hindi na nalilinisan dahil hindi naman nadadaanan.Napatingin ako sa buong paligid. Nasa labas na nga ako. Pero parang pamilyar sa akin ang lugar na Ito.Teka…Bigla akong nahilo kaya napaupo ako sa bench na malapit sa akin. Nasa lumang parke ako. Mas lalong kumirot Ito at nagulat nalang ako ng may alaalang biglang pumasok sa isipan ko."Laro tayo, T"

  • HGBS1 - Sold To The Billionare    Chapter 24

    Alliah Rishka's POV "Manang nasaan po si Matteo?"Tanong ko ng makababa. Sa tagal kong pamamalagi sa bahay na Ito. Alam ko na din sa wakas kong paano lumabas at pumasok. Minsan Kasi sumasama ako kila Manang, Suzie or Melanie na magbinyag ng mga halaman. Wala din naman akong ginagawa kaya bakit ako magkukulong sa kwarto at hihintayin siyang kainin na naman ako??"Kanina nakita ko siya hija. Pero hindi ko alam kung saan pumunta" sagot niya.Patuloy Lang na namumunas ng mga plato. Napatango nalang ako. Siguro ay hahanapin ko nalang??"Okay manang. Tatanongin ko nalang sila Suzie at Melanie baka nakita nila""Mabuti pa nga hija. Hindi ko kasi natanong si Cyrus kanina. At teka nga nahahalata ko na ang Saya mo ata ngayon. Anong meron?"Ngumiti na lang ako sa kanya ng malapad dahil sa pag uusisa niya.Hindi siya siguro matandaan dahil matanda na siya. Pero baka dahil busy siya kaya nalimutan niya."Hindi niyo po ba natatandaan na kaarawan ngayon ni Matteo??"Nanlaki naman ang mga mata niya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status