Share

CHAPTER 2-RETURN

Author: Leigh Obrien
last update Last Updated: 2024-07-24 22:12:28

Sa paglipas ng pitong taon, nasa Germany si Lauren kasama ang babaeng anak na si Catherine. Pumunta sila ngayon sa airport at sumakay ng eroplano papuntang Pilipinas.

Sa kalagitnaan ng kanilang biyahe sa ere, hindi maiwasan ni Lauren na maalala ang mapait na nakaraan habang nakatanaw sa malawak na karagatan sa ibaba.

Naaalala niya kung papaano niya nilabanan ang malalakas na hampas ng alon sa mga oras na iyon ngunit hindi siya sumuko hanggang sa mayroong tumulong sa kanyang mangingisda na dinala siya sa dalampasigan.

Nakaligtas man siya matapos na ipatapon ng dating asawa at step-sister sa karagatan pero hindi niya na magawang bumalik sa kanilang bayan dahil wala na siyang mababalikan. Nalaman niya ring ipinalabas nilang isang aksidente lamang ang pagkamatay ng ama habang ipinakalat din nila na sumama siya sa ibang lalaki.

Napagdesisyunan naman ni Lauren na palitan ang kanyang pagmumukha at ang kanyang pangalan bilang Estrella Watson.

At ngayon, nagbabalik siya sa San Lorenzo para maghiganti at pagbayarin ang mga may sala sa pagpatay sa kanyang ama na si Miguel De Silva. At para hanapin ang isa niyang nawawalang anak na nawala noon sa hospital. Kambal ang kanyang isinilang, isang lalaki at babae ngunit biglang nawala ang isa.

Nang maka-landing na ang eroplano, sinundo si Estrella ng isang black SUV. Sinalubong siya ng isang babaeng may maikling buhok at payat na pangangatawan.

"Maligayang pagdating po, Madame Estrella!" Bati ni Wendy ang kanyang magiging bagong assistant.

"Thank you, Wendy." Nakangiting tugon ni Estrella at pumasok sa loob kasama si Catherine na kanina pa nakatutok sa kanyang gadget.

"Madame, narito po pala ang inyong wedding dress." Iniabot ni Wendy ang isang malaking box. "Sana po magustuhan ninyo."

Binuksan ito ni Estrella at nakita ang isang puting wedding dress na may magandang disenyo. "I love it. By the way, kamusta ang groom ko?"

"As of now po, maayos na ang lagay ni Mr. Nicholas Chua."

Napatango si Estrella na hindi makapag-hintay sa pagsapit ng Sabado na kung saan ay ikakakasal siya kay Nicholas Chua, ang half-brother ng kanyang dating asawa na si Nathaniel Chua.

Si Nicholas ay ang panganay na apo ng pamilya Chua na na-aksidente sa isang car crash, pitong buwan na ang nakakalipas. Himala itong nakaligtas ngunit sa kasamaang palad, na-comatose siya at mukhang malabo ng magising.

Ang pamilya Chua ay isa rin sa mga sikat at kilalang pamilya sa bayan ng San Lorenzo dahil sa kanilang malalaking negosyo. Isa si Nicholas sa nagmamay-ari ng malaki nilang yaman at kahit ganoon ang kondisyon niya, marami pa ring babae ang nagnanais na pakasalan siya.

Ngunit namumukod tangi si Estrella na pinili ng kanilang Lola Conchita para maging asawa ni Nicholas.

***

Makalipas ang tatlong araw, sumapit na ang Sabado at nasa loob ng dressing room si Estrella na naghahanda. Tinulungan siya ni Wendy at ibang stylist para suotin ang kanyang wedding gown at ayusin ang kanyang make-up.

"Ang ganda niyo po ma'am." Namamanghang sabi ni Wendy.

Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae na suot ang isang pulang dress na may kumikinang na disenyo. Siya ay si Janice na hindi natutuwa sa kanyang plano na pakasalan ang kapatid ni Nathan.

"Sa tingin mo talaga papayag ako na maikasal ka sa brother-in-law ko?? You're not worthy being a part of our family. May anak ka na nga sa ibang lalaki." Bulyaw ni Janice.

Sa katunayan, pinagtutulakan din siya ni Janice na pumirma ng prenuptial agreement para wala siyang makuhang kayamanan mula sa asawa.

"Bibigyan kita ng limang milyon at umalis ka na dito habang may oras pa. Kung itutuloy mo ito, pagsisihan mo!" Banta pa ni Janice, naglabas ito ng cheke at itinapon sa gawi nila.

Nawala ang ngiti sa labi ni Estrella na naningkit ang matang tumingin sa kanya. "Excuse me? Sino ka ba para pangunahan ang desisyon ni Lola Conchita? I've heard kabit ka lang naman ni Nathan kaya bakit ka umaastang parang legal kang asawa?"

Nalukot ang mukha ni Janice na hindi iyon inasahan. "You b*tch!" Akma niyang susugurin si Estrella pero hinarangan siya ni Wendy.

"Magsisimula na po ang seremonya." Mahinahong sabi ni Wendy. Napaatras si Janice na padabog na umalis sa dressing room.

Inalalayan ngayon ni Wendy si Estrella papalabas ng kwarto at hinawakan ang laylayan ng kanyang gown.

Sa paglalakad ni Estrella sa pasilyo, matatanaw niya ang altar pero wala siyang makikitang pagmumukha ni Nicholas dahil nananatili pa rin itong nakahimlay at hindi ito maaring makita ng publiko. Nagmukha mang tanga si Estrella na nagpakasal ng mag-isa pero ito ang tanging paraan para makapasok siya sa teritoryo ng kalaban.

"Kailangan nating maghanap ng paraan para mapatalsik ang babaeng 'yan." Bulong ni Janice kay Nathan na siya ring sumang-ayon. Pareho nilang pinagmamasdan si Estrella sa altar pero wala silang ideya sa tunay nitong katauhan.

"Don't worry. I have my ways honey." Tugon naman ni Nathan na nababahala sa pagpasok ni Estrella sa kanilang pamilya.

***

Mabilis na natapos ang kasalan at kinagabihan nakauwi na sila sa higanteng mansyon ng mga Chua. Pinag-utusan naman ni Lola Conchita ang mga katulong na samahan si Estrella papunta sa kanyang magiging kwarto.

Namangha si Estrella na makita ang malawak nilang kwarto na sakto ata ang sampung tao. Mayroon namang malaking kama sa gitna na para sa kanilang mag-asawa. Sa tapat nito ay mayroong malaking bintana at terrace na matatanaw ang magandang tanawin sa labas at maari ring lumanghap ng preskong hangin.

"Nandoon sa kabilang kwarto si Sir Nicholas." Turo ni Yaya Merrill sa kabilang pinto na konektado pa sa isang kwarto.

Pumasok si Estrella doon at natagpuan ang lalaking parang natutulog sa kama at mayroong nakakabit sa katawan nito na sumusuporta sa kanyang buhay. Ang kwarto ay dinisenyo na isang clinic na kompleto sa mga kagamitan.

Lumapit siya sa kama at pinagmasdan ang mukha ng asawa na animo'y parang isang prinsipe. Nakilala na ni Estrella si Nicholas noon bilang brother-in-law pero hindi siya nito pinapansin, tinatrato rin siya nito na parang ibang tao. Hindi niya alam kung bakit pero ramdam niyang hindi siya nito gusto.

Naupo si Estrella sa gilid at sinunod ang utos sa kanya ni Lola Conchita na kausapin ito. Paniniwala kasi nilang mga inchik na makakatulong di umano sa taong walang malay kapag kinakausap sila para mapabilis ang kanilang paggaling.

Walang maisip si Estrella na sasabihin pero magpapakilala nalang siya rito. "Umm...Ako nga pala si Estrella Watson. Ang iyong bagong asawa. S-sana magising ka na."

Iyon lamang ang nasabi niya at saglit na natahimik habang tinititigan ang mapayapang mukha ni Nicholas. Naisipan niya itong lapitan pa ng kaunting para pakinggan kung tumitibok pa ba ang puso nito.

Idinikit niya ang kanyang taenga sa matigas nitong dibdib at maririnig niya ang mabilis na pagkalabog ng puso ng lalaki.

Biglang nanindig ang balahibo ni Estrella nang maramdaman na gumalaw ang kaliwa nitong kamay na humawak sa kanyang balikat.

Tumingala siya at nakitang nakabukas ang dalawa mga mata ni Nicholas kaya siya napasigaw sa gulat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 87-

    Kahit na hindi hinahawakan ni Ji Chengzhou ang mga babae, hindi ibig sabihin na hindi niya naiintindihan ang mga babae. Makikita niya kaagad kung ito ay hindi sinasadyang paglalantad o sinadyang pang-aakit."Alisin mo yan."Nag-pause sandali si Shilan Bai, at pagkatapos ay malumanay na sinabi: "Matagal ko itong inihaw, at nabasa ng langis ang aking mga kamay. Kapatid na Cheng, subukan mo naman."Habang nagsasalita, iniabot niya ang kanyang maputi na kamay sa harap ng kanyang mga mata. May ilang maliit na pulang tuldok nga sa likod ng kanyang kamay.Itinaas ni Ji Chengzhou ang kanyang mga mata, ang kanyang mga mata ay bumagsak sa mukha ni Bai Shilan na may hindi kilalang kahulugan, "Inaakit mo ba ako?"Hindi inaasahan ni Bai Shilan na magiging direkta si Ji Chengzhou. Bahagyang nagulat siya, at pagkatapos ay tumingin sa paligid na parang magnanakaw. Ang lahat ay nag-uusap at nagtatawanan, at walang nakatingin sa kanila.Tanggihan ito, ngunit samantalahin ang pagkakataon.Nag-atubili la

  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 86-

    Sa barbecue, may isa na nakita si Estrella na lumapit at nagmadaling nagsabi, "Anuman ang gusto kainin ni Mrs. Ji, ihahain ko para sa iyo." "Salamat." Ngumiti si Estrella, "Kaya ko naman gawin ito mag-isa." "Ang amoy ng usok dito ay medyo matapang. Sabihin mo na lang ang pangalan ng putahe. Ihahain ko iyon sa sandaling ito at ibibigay ko sa iyo." Nalaman ni Estrella na ang dahilan kung bakit siya sinusuyo ay dahil siya ay asawa ni Nicholas. Nakita niya ito noong nakaraan, at halos lahat ng mga masamang tao ay sumusunod sa yapak nina Nicholas at Li Jinyan. Gayunpaman, siya ay nag-ihaw ng mga skewers para pakunin si Nicholas. Hindi niya ito gagawin sa iba, at hindi ito masyadong hindi tapat. "Talagang hindi ko kailangan, salamat." "Huwag kang magpakitang ikaw-ay, si Mrs. Ji siya at hindi niya naman tayo hinuhusgahan." Sinabi ni Bai Shilan ng may pagkainis. Kumurap ng bahagya si Zhao Wen, na may halong hiya at kaba sa pagkakaroon ng isang tao na nagsabi ng kanyang saloobin, "Eh...

  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 85-

    Tiningnan ni Ji Chengzhou ang mabait na babae sa harap niya at sinabi, "Uminom ka." "Uminom?" Nagulat na tanong ni Estrella. Bahagyang itinaas ni Ji Chengzhou ang kanyang kilay, "Bakit, ayaw mo ba?" "Oo, siyempre ay pumapayag ako." Nagpakumbaba si Estrella, "Ako'y sobrang tuwang-tuwa." Agad na may dinalang dalawang baso ng champagne ang isa. Hawak ni Estrella ang baso ng alak at tinitigan ang seryoso at dignified na lalaki sa wheelchair. Naramdaman niya na talagang hindi maipredikta ang kanyang asal. Bakit nga ba siya pumayag? "Isang baso ng alak, isang baso ng alak..." Nagsimula na naman ang ingay. Yumuko si Estrella at iniabot ang kanyang kamay upang hakbangan ang braso ni Ji Chengzhou. Bigla niyang inilipat ang baso ng alak sa ibang kamay, pinaubaya na lamang niya itong walang laman, at tinitigan siya ni Estrella nang walang kamalayan kung bakit. Ang babae ay nakasuot ng mahabang palda na may V-neck ngayong gabi. Siya'y yumuko at medyo kita ang kanyang dibdib. Mula sa ang

  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 84-

    Hindi nagsalita o gumalaw si Ling Ruonan, patuloy lamang siyang umiiyak. Tanging si Li Jinyan lamang ang narito, siya siguro ang dahilan. Hindi naglakas-loob si Ling Ruonan na magalit sa kanya, kaya hindi rin siya nagsasalita. Tumayo si Estrella. Hinawakan siya ni Ling Ruonan, "Saan ka pupunta?" "Pag-uusapan ko si Li Jinyan." Mariin na sinabi ni Estrella. Medyo nagulat si Ling Ruonan. Hindi niya inaasahan na isang babae na ilang beses pa lamang niyang nakasama ay magtatanggol kay Li Jinyan para sa kanya. Sa susunod na sandali, naisip niya na mabait si Estrella sa kanya dahil siya ay anak ni Ling Jinghang. Iniibig lang ni Estrella si Wujiwu. Biglang ngumiti si Ling Ruonan. Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha, ngunit ang mga dulo ng kanyang mga labi ay pumihit ng may pang-uuyam, "Ulol na fan." Binuksan ni Estrella ang kanyang bibig upang ipaliwanag, ngunit napagtanto na wala siyang maisasagot. Tumahimik siya ng ilang segundo bago sabihin, "Hindi ko papayagan na apihin ka ng s

  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 83-POOL

    "Miranda, I know you're mad at me pero hindi ko naman ginusto na may mangyaring masama." Pagkaklaro ni Estrella. Ayaw na ayaw niyang sinisisi siya sa mga bagay na hindi niya naman kagagawan. "Oh, really, Estrella?? Pero bakit mo pinagsiksikan ang sarili mo sa loob ng entertainment industry, huh? Wala ka naman dapat doon pero bidabida ka rin, gusto mo rin ng spotlight!" Bulyaw ni Miranda. Naiinis siya kay Estrella simula noong pinili siya ng direktor na maging stunt double niya pero ang hindi niya matanggap ay mas nakakuha pa si Estrella ng mga papuri kaysa sa kanya. Natahimik saglit si Estrella at napabuntonghininga. "Miranda, you're right, I don't belong in the entertainment industry. I admit I got an interest pero pinilit lang din ako that time. It's your friend, Clementine and Director Lopez who keeps on insisting to put me on the scene." Paliwanag niya. Wala talagang balak si Estrella noon na sumali sa pag-arte, nandoroon lamang siya para maging designer ng kanilang mga susu

  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 82-SKEPTICAL

    Kinabukasan, nagising si Estrella na nagitla nang matagpuan na nasa sahig pala sila natulog buong gabi. "Bakit tayo natutulog dito sa sahig?" Napakamot sa ulo si Estrella na walang maalala. "Nahulog ka dito dahil sa sobrang likot mong matulog." Sabi ni Nicholas na nakahiga pa rin dahil inaantok pa. Walang maalala si Estrella na itinapis ang kumot sa kanyang dibdib dahil wala siyang suot na pang-itaas. Sinubukan niyang tumayo pero agad siyang natumba dahil naipit pala ang laylayan ng kumot sa mga paa ni Nicholas. Mabuting nasalo siya ng asawa sa mga malapad nitong dibdib. "Lagi ka nalang nahuhulog sa'kin, ah?" Takang tanong ni Nicholas. "Oo naman, matagal na akong nahulog sayo, hindi mo pa rin ba alam?" Panunukso ni Estrella. Umismid si Nicholas sa paglalandi niya ng kay aga. "Tigilan mo'ko. I'm not stupid, Estrella. I know what you're doing." Nababasa ni Nicholas ang mga ikinikilos nito simula pa dati na pinaglalaruan lang ang feelings niya. "Talaga? Pero baka nakakalim

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status