HIDDEN BONDS OF VENGEANCE

HIDDEN BONDS OF VENGEANCE

last updateHuling Na-update : 2024-09-30
By:  Leigh ObrienOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
9.3
16 Mga Ratings. 16 Rebyu
87Mga Kabanata
7.7Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Matapos na ipatapon ng sariling asawa at step-sister sa karagatan, bumalik si Lauren De Silva sa bayan ng San Lorenzo gamit ang isang bagong mukha at pangalan bilang Estrella Watson. Gagamitin niya si Nicholas Chua ang half-brother ng kanyang dating asawa na si Nathaniel Chua para makapaghiganti ngunit wala siyang kaalam-alam na si Nicholas pala ang lalaking nakabuntis sa kanya noong gabing sinet-up siya ng kanyang stepsister para hiwalayan siya ni Nathan.

view more

Kabanata 1

CHAPTER 1-BETRAYED

NAGKULONG sa loob ng banyo si Lauren, at kanina pa nakatitig sa hawak na pregnancy test. Nakita niyang mayroong lumabas na dalawang linya, which means positibo ang resulta at dapat siyang maging masaya na natupad na ang kahilingan niyang magkaroon ng anak.

Ngunit nabalot siya ng pangamba dahil hindi siya sigurado kung si Nathan ba ang tunay na ama ng dinadala niya.

Naaalala niya pa ang gabing iyon na nagising siyang hubo't hubad katabi ang isang lalaki na hindi niya maaninag ang buong mukha dahil madilim ang kwarto.

"Nathan??" Tawag niya sa lalaki pero hindi ito umimik. Nagmamadali itong kinuha ang mga nagkalat niyang damit sa sahig para magbihis.

"Darling, can you please turn on the lights?" Suyo ni Lauren pero hindi ito sumunod kaya siya naguguluhan. Napaupo siya sa kama at sinubukan na abutin ang lampara sa mesa para buksan ang ilaw.

Bago niya pa mabuksan ang ilaw, nakalabas na ang lalaki sa pintuan. Napakamot ng ulo si Lauren kung bakit hindi namamansin ang asawa matapos ang mga ginawa nila kagabi.

Tumayo na siya sa kama para magbihis at magluto ng umagahan sa kusina. Pagbaba niya ng hagdan, nanlaki ang mga mata niya nang matagpuan si Nathan na kadarating lang mula trabaho.

"Darling, I'm so sorry ngayon lang ako dumating." Paumanhin ni Nathan, nilapitan siya nito at hinalikan sa labi.

Nanigas si Lauren sa kanyang kinatatayuan nang mapagtanto na ibang lalaki pala ang nakasama niya kagabi.

Matapos ang dalawang linggo, may napansin siyang mga senyales na buntis siya. Nakumpirma niya rin ito gamit ang limang pregnancy kit na pareho ang mga resulta. Nagdadalawang-isip naman siya kung papaano ito ipapaliwanag sa asawa niyang...baog.

Naglakas loob siya ngayong sabihin ang totoo sa asawa pero nagitla siya nang makita si Nathan na nakatayo na pala sa labas.

"I knew it. You're cheating on me, Lauren." Malamig na sabi ni Nathan.

Namutla si Lauren na makita ang mga matalim nitong tingin. "Huh? A-anong sinasabi mo? I-I didn't cheat on you." Nauutal niyang sabi at ibinulsa ang hawak na pregnancy kit.

"Huwag ka ng magsinungaling. Alam ko na ang lahat ng ginawa mo. Now, I want a divorce and I don't want to see your face anymore!" Sigaw ni Nathan at isinampal sa kanya ang divorce agreement paper.

Nanlumo si Lauren na makita ito at kaagad na napaluhod para magmakaawa. "Nathan, please, maniwala ka! Hindi ko magagawang magtaksil sayo. Hindi ko nga alam kung anong nangyari that night. I-I was drunk and I thought it was you."

"Hindi ko na kailangang marinig ang mga palusot mo! Ang dumi dumi mong babae!" Inalis ni Nathan ang pagkakahawak nito sa kanyang pantalon.

"Please! Pakinggan mo naman ako. Nagsasabi ako ng totoo." Pakiusap niya.

Tinalikuran siya ni Nathan na bumaba ng hagdan at natagpuan niya naman si Janice mula sa sulok, ito ang stepsister niyang nagsiwalat ng kanyang sekreto.

"What's wrong Lauren??" Nagtatakang tanong ni Janice na nagpapanggap na walang kinalaman sa nangyari.

Lumapit si Lauren sa kapatid at bigla itong sinampal ng malakas sa pisnge. "Don't play dumb with me, Janice! You set me up!" Pang-aakusa niya.

"Huh?? B-bakit mo ba ako pinagbibintangan. Ano bang ginawa ko sayo??"

Kumulo ang dugo ni Lauren sa galing nitong umarte. "Naalala ko na lahat ng ginawa mo! May inilagay kang pampahilo sa inumin ko kaya nangyari iyon."

Biglang natawa si Janice dahil nahuli na siya ng kapatid. "Well, you're right! I betrayed you, Lauren. And I have no regrets. All I care is getting what I want, and what I want is your husband."

Sinugod niya rin si Lauren at itinulak ito sa hagdan kaya siya nagpagulong-gulong sa baba. Sumakit ang buo niyang katawan at mas lalo siyang nanghina nang makita ang dugong dumaloy sa kanyang binti.

Natakot si Lauren dahil nasa peligro ang bata sa kanyang sinapupunan. "P-please, d-dalhin mo ako sa ospital." Gustuhin niyang tumayo pero parang nabalian siya ng buto sa likuran.

"I'm sorry, sissy. But you don't deserve my help. Tsaka time naman para ako na ang sumaya, so ipaubaya mo na sa akin si Nathan." Sarkastikong sabi ni Janice habang dahan dahan na naglalakad pababa ng hagdan.

"Bakit mo ba ito ginagawa sa akin?? Tinrato kita bilang kapatid." Unti-unting gumapang si Lauren papunta sa mesa na mayroong telepono para humingi ng tulong.

"You know, Lauren. I'm tired of acting like an innocent step-sister. The truth is, I hate you so much." Hinarangan ni Janice ang dinaraanan ni Lauren at tinapakan ang kamay nito gamit ang matulis niyang heels.

Napaiyak sa sakit si Lauren nang idiin nito ang takong sa kanyang palad. "And by the way, I might as well tell you another piece of news..." Tumigil ito saglit para may ibulong sa kanyang taenga.

"Your father is dead."

Parang gumuho ang mundo ni Lauren at patuloy na umagos ang kanyang mga luha sa mata. "Mga walang hiya kayo!"

Pinagtawanan lang siya ni Janice na inumpog ang kanyang ulo sa sahig. "Pareho lang kayo ng ama mong tanga!! Hindi mo naman masisisi si Mom kung bakit niya pinatay si Don Miguel. Mahal niya pa rin kasi ang nanay mong matagal ng nakabaon sa lupa, that's why pinagsama niya nalang sila sa kabaong. Tell me, if gusto mo rin silang samahan sa hukay."

Nanggagalaiti si Lauren na marinig ang mga sinabi nito. "Binigay ni Dad ang lahat ng gusto niyo pero ito ang igaganti niyo?? Wala kayong mga puso!" SIgaw niya.

Ngumisi si Janice na tiningnan siyang namimilipit sa sakit. "I'm not obligated para tumanaw ng utang na loob sa ama mo. Buti pa sumama ka nalang sa kanila. At sa wakas mapapasakin ang lahat ng inyong ari-arian. S'yempre, akin na rin si Nathan." Humalakhak si Janice na hindi na makapaghintay na maging kanya na ang lahat ng bagay na matagal niya ng gustong makuha.

Lalong nahihirapan si Lauren na gumalaw dahil sumasakit ang kanyang t'yan. Wala siyang ibang mahingan ng tulong dahil tinalikuran siya ng asawa. Nanginig din siya sa takot nang makita na may hawak na martilyo si Janice, nanglilisik ang mga mata nito at walang takot na hinampas si Lauren sa ulo.

Nang mawalan ng kamalayan si Lauren, hinila niya ang mga paa nito papalabas ng mansyon kung saan naghihintay si Nathan na humihithit ng sigarilyo.

"Anong gagawin natin sa katawan nito??" Tanong ni Nathan at binuhat ang katawan ni Lauren at ipinasok sa likuran ng sasakyan.

"Itapon natin sa gitna ng karagatan." Nakangising sagot ni Janice.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

default avatar
michel_bagares
bat dito walang update pa din?
2025-01-02 22:33:36
0
user avatar
Nevaeh Skye
Wow! I love this book talaga. More please!
2024-12-12 17:35:58
0
default avatar
michel_bagares
mag update ka sana ng bongga author tagal din di nakaupdate
2024-12-03 10:43:01
0
default avatar
michel_bagares
author december na beke nemen....
2024-12-03 10:42:41
0
user avatar
Leigh Obrien
Hello readers! Will update this in December. Pasensiya na po!
2024-11-24 08:00:23
0
user avatar
Watermelon
ATE KO BASAHIN NIYO NA KASI YOU'RE MISSING OUT TALAGA. MAPAPAFACE THE WALL KA SAKIN SIGE! 10/10 hindi kayo mag sisisi
2024-11-23 20:55:26
1
user avatar
Athena Beatrice
Yeyyyy, new story!
2024-11-22 14:17:56
1
user avatar
Love Dian
paano ung burahin sa library tpos I add ulit Pero ganun parin
2024-11-20 11:40:05
1
default avatar
kenjie271
author wala pa din po update?
2024-11-14 14:55:12
1
default avatar
chelbagares
hi author wala pa din po update? thanks
2024-11-12 11:14:29
1
default avatar
kenneth.basa
kelan po pwde mabasa yung ongoing chapter? sana maayos agad please author
2024-11-09 11:40:54
1
user avatar
Leigh Obrien
Everyone! Stop po muna kayo sa chapter 78. Huwag niyo po muna buksan chapter 79-87 kasi inaayos pa po ang content. Maraming salamat po!
2024-11-01 19:43:16
0
user avatar
Leigh Obrien
  Hello Dear readers! I wanted to inform that in order to view the latest revisions to this story, please remove it from your library and then add it again. Mababasa niyo po ang mas maayos na chapters nito. I sincerely apologize for disrupting your reading experience! At salamat sa support ninyo...
2024-11-01 19:00:04
0
default avatar
kenjie271
bat ganun mga next episode naging chinese na mga names. kaloka inaabangan ko pa naman to tapos dis appointed ako sa last episode update neto yung mga walang title parang tinamad na ata si author
2024-11-01 04:20:45
1
user avatar
Mary Ann
wla pa update Ganda ...
2024-09-14 21:16:16
1
  • 1
  • 2
87 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status