Share

CHAPTER 3-PREVENT

Author: Leigh Obrien
last update Huling Na-update: 2024-07-24 22:14:35

Sa sobrang gulat ni Estrella, napaatras siya sa kama at tatawagin sana ang nurse nito pero nakita niyang patuloy pa ring gumagalaw ang kanyang mga daliri.

"N-Nicholas??" Tawag niya at sinundot ang kanyang balikat ngunit hindi ito tumutugon.

Nilapitan niya ulit ito pero natapilok ang kabila niyang paa kaya siya natumba sa ibabaw ng asawa. Narinig niya rin itong napadaing ng mahina.

"Sorry sorry." Mabilis na tumayo si Estrella at inayos ang sarili.

Sinubukan niya itong alalayan para makaupo pero medyo mabigat ang pangangatawan ni Nicholas kaya hinayaan niya nalang ito sa ganoong posisyon.

"K-kamusta ka?" Tanong ni Estrella habang kinakaway ang kaliwang palad malapit sa mukha nito.

Nakatitig lang ng deretso ang mga mata ni Nicholas sa namumula niyang mukha. Naiilang tuloy si Estrella sa paraan ng kanyang pagtitig kaya siya napatingin sa ibang direksyon. Kinikilabutan pa rin siya na bigla itong nagising matapos niya itong kausapin.

Nasabi sa kanya ni Lola Conchita na marami ng taong kumausap sa kanya at hiniling na magising pero wala ni isa sa kanila ang nagtagumpay. Inisip nilang baka patay na at nalingaw na umano ang kaluluwa kaya hindi na magigising pa pero dahil kay Estrella mayroong nangyaring himala. .

Tumingin ulit si Estrella sa gawi ni Nicholas na nag-iba ang ekspresyon ng mukha. Napansin niya na naging malungkot ito at mayroon ding namumuong luha sa kanyang mga mata.

"Ayos ka lang ba?" Ramdam ni Estrella na mayroong itong nais sabihin pero wala pa itong lakas para magsalita.

Nagulantang ulit si Estrella nang tumunog ang kanyang phone na nasa loob ng kanyang sling bag. Kinuha niya ito at nakita ang tawag mula kay Wendy.

"Anong problema?"

[Madame, matapos niyong magpakasal kay Sir Nicholas, nag-aalala ngayon si Nathan dahil isa kang banta sa kanyang posisyon bilang pinuno ng kanilang kompanya. Humihingi siya ngayon ng tulong kay Mr. Tan para makakuha ng simpatya para ipabagsak ka.] Balita ni Wendy sa kabilang linya.

Alam ni Estrella na ang tinutukoy niyang tao ay si Oliver Tan, ang nagmamay-ari ng mga malalaking department store, hotel, at iba pang mga malalaking negosyo sa bansa at nangunguna ito sa industriya dahil sa malaki niyang emperyo ng negosyo.

Si Oliver ay isa ring misteryosong tao na hindi nagpapakita sa publiko at kakaunti lamang ang nakakita sa tunay niyang pagmumukha. Narinig ni Estrella ang mga usap-usapan na siya ay likas na henyo at itinatag ng mag-isa ang imperyo ng negosyo.

Kung sakaling makikipag-ugnayan si Nathaniel kay Oliver, mahihirapan si Estrella na pabagsakin siya kaya gagawa siya ng paraan para hindi iyon matuloy.

"Nalaman mo na ba kung saan sila magkikita?" Tanong niya.

[Opo, Madame. Ngayong alas nuebe ng gabi sa isang private club. Gusto mo ba siyang puntahan?] Sagot ni Wendy.

"Oo."

[Pero papaano po ang asawa ninyo?]

Bumaling ang mga mata ni Estrella kay Nicholas na nakapikit ulit ang mga mata. Mukhang saglit lang itong nagising at bumalik sa dating gawi na parang si sleeping beauty.

"Not a problem." Pagkatapos ng tawag, nanatili muna si Estrella ng ilang minuto sa tabi ni Nicholas.

Dumeretso naman siya ngayon sa banyo para magbihis. Nagpalit siya ng kaswal na kasuotan, isang grey na jogging pants at puting t-shirt. Bago siya tuluyang umalis, nagpaalam muna siya kay Lola Conchita na pinayagan siyang umalis dahil napaniwala niya itong pupuntahan niya lang ang anak sa kanilang apartment.

Nagmamaneho ngayon si Estrella papunta sa isang malapit na high-end bar na may private membership. Mabuting mabilis na nakapag-bayad si Wendy para sa kanyang membership card para kaagad siyang makapasok doon.

Hindi nagtagal, nakapasok na si Estrella at mabilis na nakita si Nathan na may kausap na ibang tao. Naghintay siya ng ilang minuto at sa wakas dumating din si Oliver Tan na lumapit sa gawi nila Nathan. Nakipag-inuman ito sa kanila at pinalibutan din ng mga babaeng mayroong maiksing kasuotan.

Palihim lang siyang nagmamasid sa gilid at sinusulyapan ang mukha ni Oliver, napatingin din siya sa larawan na ipinadala ni Wendy para masiguro na hindi siya nagkamali ng nilapitan.

Nakasuot ng itim na suit si Oliver at sobrang lakas ng karisma nito, na kahit sinong babae ay mahuhulog sa isang tingin.

Patuloy itong kinakausap ni Nathan na mayroong malaking ngiti sa labi pero seryoso lamang ang mukha ni Oliver na umiinom ng alak.

Ramdam naman ni Nathaniel na parang hindi siya siniseryoso ni Oliver at naisip niya na baka dahil hindi siya tulad ng kapatid na magaling pagdating sa negosyo, kaya lagi siyang nagpapakumbaba sa mas nakakahigit sa kanya.

Mayamaya pa, nakita ni Estrella na tumayo si Oliver at nakipagkamay kay Nathan. Isip niya na baka nakikipag-tulungan nga ito sa kanya kaya kailangan niyang gumawa ng paraan para hadlangan sila.

Nahagip ng paningin ni Estrella ang isang waiter na dumaan malapit sa counter at may naisip siyang magandang ideya para hindi siya makilala ni Nathan at Oliver. Tumayo siya sa kinauupuan at lumapit sa waiter na inakalang kukuha siya ng inumin.

"Kapalit ng isang libo, hayaan mo akong hiramin ang iyong damit. Isasauli ko lang pagkatapos." Mahinang sabi ni Estrella.

Kumunot ang noo ng waiter na tumingin sa kanya pero dahil naglabas si Estrella ng pera, wala na itong sinabi at kaagad siyang isinama papunta sa lounge. Nagmamadaling nagpalit ng damit si Estrella at inayos niya rin ang buhok. Ipinusod niya ito para magmukhang pormal. Nagsuot din siya ng isang mask para takpan ang ilong at bibig.

Itinuro naman sa kanya ng waiter kung saan nagpunta si Oliver kaya hindi siya nahirapan na sundan ito sa ikatlong palapag. Humabol si Estrella sa pasaradong elevator at pagkapasok niya, nakita niya si Oliver sa loob kasama ang ibang kalalakihan. Nakasandal ito at naka-krus ang mga braso habang nakatingin ng deretso.

Pasimpleng tumabi si Estrella sa gilid habang may hawak na tray na walang laman. Kinakabahan siya kung papaano ito kakausapin pero inalala niya ang advice ng waiter kanina na subukan niya lang lapitan ito at tanungin kung mayroon ba siyang kailangan para mapansin.

Paglabas nila doon sa elavator, dumeretso si Oliver kasama ang ibang lalaki at naupo sa isang malaking mesa. Mukhang mayroon silang seryosong pag-uusapan at hindi na nag-aksaya ng oras si Estrella para kunin ang atensyon nito.

"Hello Sir, mayroon po ba kayong kailangan?" Mahinahon niyang tanong.

Nilingon siya ni Oliver na napatingin sa kanya mula ulo hanggang paa.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
arkrey arkrey
mi kaparehas yung novel name lng ng mga character naiba
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 87-

    Kahit na hindi hinahawakan ni Ji Chengzhou ang mga babae, hindi ibig sabihin na hindi niya naiintindihan ang mga babae. Makikita niya kaagad kung ito ay hindi sinasadyang paglalantad o sinadyang pang-aakit."Alisin mo yan."Nag-pause sandali si Shilan Bai, at pagkatapos ay malumanay na sinabi: "Matagal ko itong inihaw, at nabasa ng langis ang aking mga kamay. Kapatid na Cheng, subukan mo naman."Habang nagsasalita, iniabot niya ang kanyang maputi na kamay sa harap ng kanyang mga mata. May ilang maliit na pulang tuldok nga sa likod ng kanyang kamay.Itinaas ni Ji Chengzhou ang kanyang mga mata, ang kanyang mga mata ay bumagsak sa mukha ni Bai Shilan na may hindi kilalang kahulugan, "Inaakit mo ba ako?"Hindi inaasahan ni Bai Shilan na magiging direkta si Ji Chengzhou. Bahagyang nagulat siya, at pagkatapos ay tumingin sa paligid na parang magnanakaw. Ang lahat ay nag-uusap at nagtatawanan, at walang nakatingin sa kanila.Tanggihan ito, ngunit samantalahin ang pagkakataon.Nag-atubili la

  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 86-

    Sa barbecue, may isa na nakita si Estrella na lumapit at nagmadaling nagsabi, "Anuman ang gusto kainin ni Mrs. Ji, ihahain ko para sa iyo." "Salamat." Ngumiti si Estrella, "Kaya ko naman gawin ito mag-isa." "Ang amoy ng usok dito ay medyo matapang. Sabihin mo na lang ang pangalan ng putahe. Ihahain ko iyon sa sandaling ito at ibibigay ko sa iyo." Nalaman ni Estrella na ang dahilan kung bakit siya sinusuyo ay dahil siya ay asawa ni Nicholas. Nakita niya ito noong nakaraan, at halos lahat ng mga masamang tao ay sumusunod sa yapak nina Nicholas at Li Jinyan. Gayunpaman, siya ay nag-ihaw ng mga skewers para pakunin si Nicholas. Hindi niya ito gagawin sa iba, at hindi ito masyadong hindi tapat. "Talagang hindi ko kailangan, salamat." "Huwag kang magpakitang ikaw-ay, si Mrs. Ji siya at hindi niya naman tayo hinuhusgahan." Sinabi ni Bai Shilan ng may pagkainis. Kumurap ng bahagya si Zhao Wen, na may halong hiya at kaba sa pagkakaroon ng isang tao na nagsabi ng kanyang saloobin, "Eh...

  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 85-

    Tiningnan ni Ji Chengzhou ang mabait na babae sa harap niya at sinabi, "Uminom ka." "Uminom?" Nagulat na tanong ni Estrella. Bahagyang itinaas ni Ji Chengzhou ang kanyang kilay, "Bakit, ayaw mo ba?" "Oo, siyempre ay pumapayag ako." Nagpakumbaba si Estrella, "Ako'y sobrang tuwang-tuwa." Agad na may dinalang dalawang baso ng champagne ang isa. Hawak ni Estrella ang baso ng alak at tinitigan ang seryoso at dignified na lalaki sa wheelchair. Naramdaman niya na talagang hindi maipredikta ang kanyang asal. Bakit nga ba siya pumayag? "Isang baso ng alak, isang baso ng alak..." Nagsimula na naman ang ingay. Yumuko si Estrella at iniabot ang kanyang kamay upang hakbangan ang braso ni Ji Chengzhou. Bigla niyang inilipat ang baso ng alak sa ibang kamay, pinaubaya na lamang niya itong walang laman, at tinitigan siya ni Estrella nang walang kamalayan kung bakit. Ang babae ay nakasuot ng mahabang palda na may V-neck ngayong gabi. Siya'y yumuko at medyo kita ang kanyang dibdib. Mula sa ang

  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 84-

    Hindi nagsalita o gumalaw si Ling Ruonan, patuloy lamang siyang umiiyak. Tanging si Li Jinyan lamang ang narito, siya siguro ang dahilan. Hindi naglakas-loob si Ling Ruonan na magalit sa kanya, kaya hindi rin siya nagsasalita. Tumayo si Estrella. Hinawakan siya ni Ling Ruonan, "Saan ka pupunta?" "Pag-uusapan ko si Li Jinyan." Mariin na sinabi ni Estrella. Medyo nagulat si Ling Ruonan. Hindi niya inaasahan na isang babae na ilang beses pa lamang niyang nakasama ay magtatanggol kay Li Jinyan para sa kanya. Sa susunod na sandali, naisip niya na mabait si Estrella sa kanya dahil siya ay anak ni Ling Jinghang. Iniibig lang ni Estrella si Wujiwu. Biglang ngumiti si Ling Ruonan. Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha, ngunit ang mga dulo ng kanyang mga labi ay pumihit ng may pang-uuyam, "Ulol na fan." Binuksan ni Estrella ang kanyang bibig upang ipaliwanag, ngunit napagtanto na wala siyang maisasagot. Tumahimik siya ng ilang segundo bago sabihin, "Hindi ko papayagan na apihin ka ng s

  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 83-POOL

    "Miranda, I know you're mad at me pero hindi ko naman ginusto na may mangyaring masama." Pagkaklaro ni Estrella. Ayaw na ayaw niyang sinisisi siya sa mga bagay na hindi niya naman kagagawan. "Oh, really, Estrella?? Pero bakit mo pinagsiksikan ang sarili mo sa loob ng entertainment industry, huh? Wala ka naman dapat doon pero bidabida ka rin, gusto mo rin ng spotlight!" Bulyaw ni Miranda. Naiinis siya kay Estrella simula noong pinili siya ng direktor na maging stunt double niya pero ang hindi niya matanggap ay mas nakakuha pa si Estrella ng mga papuri kaysa sa kanya. Natahimik saglit si Estrella at napabuntonghininga. "Miranda, you're right, I don't belong in the entertainment industry. I admit I got an interest pero pinilit lang din ako that time. It's your friend, Clementine and Director Lopez who keeps on insisting to put me on the scene." Paliwanag niya. Wala talagang balak si Estrella noon na sumali sa pag-arte, nandoroon lamang siya para maging designer ng kanilang mga susu

  • HIDDEN BONDS OF VENGEANCE    CHAPTER 82-SKEPTICAL

    Kinabukasan, nagising si Estrella na nagitla nang matagpuan na nasa sahig pala sila natulog buong gabi. "Bakit tayo natutulog dito sa sahig?" Napakamot sa ulo si Estrella na walang maalala. "Nahulog ka dito dahil sa sobrang likot mong matulog." Sabi ni Nicholas na nakahiga pa rin dahil inaantok pa. Walang maalala si Estrella na itinapis ang kumot sa kanyang dibdib dahil wala siyang suot na pang-itaas. Sinubukan niyang tumayo pero agad siyang natumba dahil naipit pala ang laylayan ng kumot sa mga paa ni Nicholas. Mabuting nasalo siya ng asawa sa mga malapad nitong dibdib. "Lagi ka nalang nahuhulog sa'kin, ah?" Takang tanong ni Nicholas. "Oo naman, matagal na akong nahulog sayo, hindi mo pa rin ba alam?" Panunukso ni Estrella. Umismid si Nicholas sa paglalandi niya ng kay aga. "Tigilan mo'ko. I'm not stupid, Estrella. I know what you're doing." Nababasa ni Nicholas ang mga ikinikilos nito simula pa dati na pinaglalaruan lang ang feelings niya. "Talaga? Pero baka nakakalim

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status