HMH-2
"May nakapasok-" Hindi na nito natapos ang sinasabi matapos na mabilis niyang nahugot mula sa likuran niya ang kanyang baril at napaputukan ang lalaki. Sapol ito sa pagitan ng noo at bumagsak sa sahig. Tiningnan niya ang lalaking bihag at nakitang maayos itong nakakubli. Kaagad na lumingid siya sa pader nang mapansin na nagkagulo ang iba pang kidnaper.
"Hanapin n'yo! Hindi dapat iyan hayaang makalabas ng buhay rito!" galit na utos ng lider nila. "Halughugin ang buong lugar!"
"Yes, Boss!" mabilis na sagot nang mga ito at mabilis na nagpulasan sa iba't ibang direksyon. May isang palapit sa kanyang kinaroroonan.
"Yuhoo!!! Nasaan ka na? Magpakita ka na! Gusto mo ba taguan tayo?" sabi nito habang dahan-dahan palapit sa kanya. Bawat kanto ay hinihintuan nito para tingnan kung naroon siya. Nang mapatapat ito sa kanyang pwesto ay kaagad na binulaga niya ito. Nakatutok ang kanyang baril sa ulo nito.
"Please, please, ayaw ko pang mamatay! May mga anak pa ako! Parang awa mo na! Pangako, hindi ako magsusumbong!" pakiusap nito.
"Hey! huwag kang maawa, that's a trap!" paalala ni Trish sa kabilang linya. Kilala siya nang mga ito na madaling maawa kapag pamilya ang pinag-uusapan, dahil ayaw niyang may pamilyang magdusa kung mawalan nang taong bumubuhay sa mga ito.
Naawa siya matapos sabihin nito na may anak kaya kinuha na lamang niya ang baril nito at pinalayo, subalit…
"Narito siya! Narito ang kalaban!" biglang sigaw nito habang itinuturo siya sa paparating na kasama kaya kaagad niyang pinaputukan.
"See? I've told you!"
Sumubsob ito sa sahig at nakita nang mga kasama kaya mabilis na nagsilapit sa kanyang direksyon.
"Well, sorry siya, binigyan ko na siya ng chance para mabuhay but he choose to die!" sagot niya.
"Be careful, hindi namin sure kung aabot pa kami! Mukhang kulang pa silang lahat sa iyo pa lang!"
Maingat na umikot siya sa kabilang side habang nakikiramdam. Subalit may biglang nagpaputok sa kanya mula sa likuran. Mabuti na lang at tila kulang ito sa practice kaya hindi siya tinamaan at mabilis siyang kumubli.
"Lumabas ka at ipakita mo'ng galing mo! Ano? Naduduwag ka ba?" hamon nito. Mayamaya ay tumahimik, naalala niya ang kanyang dalang keychain, mabilis na dinukot niya iyon sa bulsa. Tinanggal niya ang nakakabit na keychain sa susi niya na isang maliit na salamin. Luminga siya sa paligid niya at maswerteng nakakita ng isang manipis na patpat. Kinuha niya iyon at maingat na inipit ang maliit na salamin saka dahan-dahang ginawang panilip. Nakita niya buhat sa salamin ang dalawang nakakubli magkabila sa pader, habang nagse-senyasan. Salamat at maliit ang salamin kaya hindi agad napansin ng dalawa.
Maingat na kinuha niya muli ang salamin at ibinulsa. Dumampot siya ng isang medyo kalakihang bato at inihagis sa mga ito, kaya nagpaputok nang sunod-sunod ang dalawa. Nang tila mapansin nang mga ito na hindi pa rin siya lumalabas ay tumahimik magpaputok. Sinamantala niya iyon at pahigang umusad siya palabas sa kinukublihan at pinaputukan ang dalawa. Sabay na bumagsak ang mga ito sa sahig. Biglang sumulpot ang isa pang kasama nang mga ito at pinaputukan siya kaya mabilis siyang bumalik sa pinagkublihan. Umikot siya sa kabila at dahan-dahang lumapit sa pwesto nito. Ngayon, nasa likuran na siya ng lalaki.
"Sinong hinahanap mo? Ako ba?" tanong niya nakangisi rito. Kaagad na humarap ito sa kanya na namumutla habang nakatutok ang baril sa kanya. Napatingin ito sa hawak niyang baril na nakababa kaya kaagad na nagpaputok. Subalit mas mabilis pa rin siyang kumilos dahilan para bumulagta ito sa sahig.
Nakarinig siya nang palakpak sa kanyang likuran, "Well, well, well, magaling! Anong ginagawa ng isang babaeng kagaya mo sa lugar na ito?" sabi ng lalaking balbasan. Puno ng pagnanasang pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Sa tingin mo, ano pa ba?" sarkastikong sagot ni Yanna. "Ako yata dapat ang magtanong niyan sa 'yo?"
"Hmn... sorry, young lady! Pero mukhang nagkamali ka yata nang binabangga mo?" biglang dumilim ang mukhang sabi nito kasunod ay tumawa. "Anyway, I had an offer kung tatanggapin mo?"
"Wala akong panahon sa offer mo," malamig rin na sagot niya rito.
Humalakhak ito habang pumapalakpak, "Wow! Bilib naman ako sa tapang mo! Sa palagay mo ba, matapos ang ginawa mo sa mga tauhan ko, papayagan kitang makalabas nang buhay rito?" itinaas nito ang hawak na baril at itinutok sa kanya.
Pormal ang mukhang tinitigan lamang niya ito. Nakita niya na tumingin ito sa likuran niya at sumenyas.
"Ibaba mo ang baril kung ayaw mong bumaon ang tingga sa katawan mo!" sabi ng tinig sa kanyang likuran.
"Well?" sabi ng kanyang kaharap at mas lumapit pa sa kanya upang abutin ang kanyang baril. Mabilis na umupo siya at sinipa ang kaharap na lalaki sa paa nito dahilan para bumagsak ito sa sahig. Tila nawala sa kanyang isip ang lalaki sa likuran niya na nakahandang barilin siya. "Ano pang hinihintay mo? Barilin mo na!" galit na utos ng lalaking bumagsak sa sahig, sa kasama nitong nasa likuran ni Yanna. Hindi ito makakilos dahil nasa ibabaw nito si Yanna at hawak ang dalawang kamay nito.
Kasunod nito ay umalingawngaw ang isang putok ng baril.
HMH-87MULA sa kanyang kinatatayuan, tanaw ni Yanna ang kabuuan ng lungsod. Mataas na mga gusali at parke. Para sa kanya napaka-perfect na nang lugar na iyon. Masuyong dumadampi sa kanya ang mahalina, malamig at sariwang hangin. Kasabay na sumasayaw ang mga dahon at puno sa ihip nito ganundin ang mga huni ng mga ibon sa paligid. Tanaw niya ang lagaslas ng tubig na nasa talon sa ibaba at ang malinaw na daloy ng tubig nito. Masasabi niya na kagaya ng paligid niya, nakamtam niya ang kapayapaan at katahimikan na hinahanap niya. Mula sa kanyang harapan, natatanaw rin niya ang nalalapit na paglubog ng araw na kay gandang pagmasdan."Malamig rito, hindi ka pa ba papasok?" tinig ni Xander mula sa kanyang likuran. Lumapit ito sa kanya at mula sa kanyang likuran ay hinapit siya nito palapit sa malapad nitong katawan.Masuyong isinandig ni Yanna ang kanyang ulo sa malapad nitong dibdib at ikinulong sa kanyang palad ang palad nitong nasa kanyang sikmura.Kasalukuyan silang nasa isang isla na pa
HMH-86"I can't believe it. Sa dami ng mga pangit na napagdaanan ko noon, I never imagine, na mabubuo ko pa pala muli ang pamilya ko na akala ko matagal nang wala sa akin," madamdaming ani Yanna. Kasalukuyan silang nakahiga ni Xander. Relax at kampante siyang nakahiga habang nakaunan sa malapad na dibdib ng lalaki. Panay ang himas nito sa kanyang mahaba at malambot na buhok habang dinadampian ng pinong halik at inaamoy."Are you happy now?" anas ni Xander at masuyong hinaplos ang kanyang balikat."I can't measure how happy I am at this moment. Masaya ako na napanagot na ang mga taong may kasalanan sa pagkamatay ng mga kinilala kong mga magulang. Atlast, matatahimik na rin sila kung saan man sila naroroon." "I'm sure nagagalak sila sa magagandang bagay na nangyayari ngayon," "Yeah!" Itinaas niya ang kanyang mukha upang tingnan ang binata, "Thank you!" "Basta para sa 'yo at sa mga anak natin, always akong narito. I love you," anas nito at dinampian ng masuyong halik ang kanyang noo.
HMH-85Habang nasa loob ng banyo si Xander, sinamantala ni Yanna ang pagkakataon na tingnan ang paligid ng silid. Nilapitan niya ang mesa na nasa bandang gilid at pinagmasdan ang mga larawan na naroon. Umagaw rin ng oansin sa kanya ang isag maliit ba box na nasa ibabaw. Curious na kinuha niya iyon at binuksan. Napangiti siya nang makita na isa iyong napakaganda at napaka-eleganteng singsing na may pusong bato na diamond.Dala ng kapilyahan, sinubukan niya iyong isuot sa kanyang palasingsingan at nagulat siya na makitang kasya iyon sa daliri niya. Hindi pa siya nakuntento at sinubukan niyang buksan ang ilang drawer na naroon. Matapos ay ang closet naman nito ang kanyang tiningnan. Kunotnoong napaisip siya, dahil mangilan-ngilan lamang ang mga gamit nito na naroon. Natuon ang pansin niya sa drawer nito. Ewan ba at kung anong kapilyahan ang pumasok sa isip niya at na-curious siyang makita kung pati ba ang mga underwear nito ay iilan rin. Binuksan niya iyon at tiningnan. Taliwas sa in
HMH-84"OH MY GOD! What happened to me last night? Why am I here?" Nailibot niya ang kanyang tingin sa kabuuan ng silid na kinaroroonan. Simple ang ayos ng silid at nakahiga siya sa malaki at malambot na kama. Kulay gray ang kulay nito at may malaking chandelier sa pinakagitna ng ceiling. Naroon din ang amoy ng lavander na ginamit na air freshener. Bumangon siya sa kinahihigaan, ngunit gan'on na lang ang gulat niya nang makitang iba ang kanyang damit na suot. Isang malapad at malaking tshirt na kulay asul at halos hanggang sa kalahati ng kanyang hita ang abot ng tabas na ikinalabas ng kanyang mabibilog at mapuputing hita. At ang nakapag pahigit ng kanyang hininga ay nalaman niyang wala siyang suot na bra at ang kanyang pang-ibaba ay 'brief?' "Oh my God! Sino ang nagbihis sa akin? Why I am wearing this?" Shock sa sariling tanong niya at mabilis na tumayo. Akmang palapit na siya sa pinto ng silid para maghanap ng tao nang biglang bumukas iyon at nagulat siya sa taong nasa harapan. Bit
HMH-83"You are preoccupied with something. Care to share?" tanong ng kanyang kaibigan na si Trish na lumapit sa kanya. "I'm just wondering how my kid's say that Xander is their father? I am really surprised!" naguluhan at napaisip si Yanna sa isiping alam niya na anak ito ng kanyang biological father na si Sam. Which means na magkapatid pa rin sila at mali na maging ama ito ng mga anak niya. Kasalukuyan silang nakaupo sa sala habang ang iba ay abala sa hardin at nagpa-party. Pinili niyang mapag-isa muna para makapag isip. Mula kanina, matapos ang mga nangyari, hindi pa rin bumabalik si Xander mula ng umalis ito na tila na nag aapura. "Yeah, even for me it was a surprise." ayon ng kaibigan."Just like the way you all surprised me," pairap na tugon ni Yanna rito.Natawa ito, "Yeah, sorry! Please forgive me. It was just to make sure that you are safe," sagot nito na naiilang."How's that? You all guys act excellently." Naiiling na sagot niya."Oh, We don't have bad intentions, look w
HMH-82Mabilis at malalaki ang mga hakbang na tinakbo ni Xander ang kinaroroonan ni Nathaniel. Wala siyang pakialam sa mga bantay na nakaharang at nasa kanyang daraanan. Buong lakas na itinulak niya ang mga ito. Sa pagkakataong iyon, hindi niya inisip ang panganib para sa kanyang sarili, kundi ang kagustuhan na masagip sa bingit ng panganib ang bata. Walang nagawa ang dami ng bantay na naroon para harangin ang lalaki. Buong lakas na itinulak niya sa gilid ang bantay sa batang lalaki kaya nawalan ito ng balanse at nalaglag. Dahilan para mas lalo nitong nabitawan ang lubid na nakatali sa katawan ng bata at mas mabilis na bumulusok ito pababa. Tinalon ni Xander ang natitirang pagitan bago pa man tuluyang maubos ang rolyo ng lubid. Maswerte na nahawakan niya ang lubid at makailang beses na ipinulupot iyon sa kanyang kamay upang masiguro na hindi iyon mabibitawan. Pigil ang hininga na napapikit siya. Nagawa niyang mapigil ang sanay pagbagsak ng katawan ni Nathaniel. Ngunit hindi pa man
HMH-81"Ms. Tessa Castro, also known as Lady Queen. Sa ngalan ng pagpapatupad ng batas. Kung nasaan ka man, mangyaring magpakita ka at harapin ang mga reklamo laban sa 'yo. Malaya kang manahimik at kumuha ng sariling tagapagtanggol mo." sabi ng isang officer na may hawak na arrest warrant para sa ginang at may mga kasunod pang mga pulis. "No! Kung inaakala n'yo na mahuhuli n'yo ako, malaking pagkakamali. Sana inisip n'yo muna ang mga mangyayari bago kayo pumunta rito. Ano na, Ms. Mendez? Hindi ba malinaw na kabilin-bilinan ko sa 'yo na walang ibang makaka-alam nang pagpunta mo rito? Alam mo na kung ano ang pwedeng mangyari, hindi ba? Pero sinuway mo pa rin ako! Masama akong magalit at hindi ako marunong magbigay ng chances, alam mo 'yan. Ano at narito ang mga gungong na alagad na 'yan?" galit na tinig nito mula sa speaker."No! Walang may alam na nagpunta ako rito. Hindi ko rin alam kung paano nila nalaman itong lugar na ito. Maawa ka, ibigay mo sa akin ang mga anak ko! Sabihin mo ku
HMH-80"OH MY GOD!" halos pakiramdam ni Yanna ay nanlalaki ang kanyang ulo at nananayo ang kanyang mga balahibo sa buong katawan. Daig pa niya ang namatanda sa kanyang itsura matapos makita ang tinutukoy nang nagsasalita sa speaker."Natalie?" halos hindi niya maikilos ang kanyang katawan. Pakiramdam niya ay namamanhid iyon habang tila para siyang mauupos na kandila. Subalit, bago pa man siya panghinaan ng loob at mawala sa kanyang sariling komposyur ay kaagad niyang kinontrol ang sarili at mabalik sa realidad. Alam niya na wala siyang ibang maaasahan sa pagkakataong iyon. Nag iisa siya nang pumunta doon at walang kahit na sino ang nakakaalam nang kinaroroonan niya maliban sa isa. FLASHBACK:HABANG nakapikit ang mga mata ay gising na gising ang kanyang diwa. Kagaya ng bilin ni Xander ay nanatili siya sa loob ng hospital for her bed rest. Kahit papaano ay nabawasan ang nararamdaman niyang pangamba matapos mangako ni Xander na hahanapin at ibabalik ang kanyang kambal. Hindi rin niya ma
HMH-79Bumungad kay Xander ang may kalakihang silid. Simple ngunit elegante ang ayos ng paligid. May ilan na naroon na mga kalalakihan at mga nakapornal ng kasuotan. Halos mga hindi sa kanya pamilyar ang mga ito. Nagkaroon nang ilang pagpupulong sa pagitan nang mga ito. Matapos ay nag kanya-kanyang alis. Naiwan si Xander at si Mr. Chu. Nilapitan siya ni Mr. Chu na nakapamulsa."I know what are you looking for," basag nito sa katahimikan niya.Hinarap niya ito na nag-iisip. Hindi niya matukoy kung kalaban ba ito o kakampi para sa kanya."Did you have a collaboration with Lady Queen?" diretsong tanong nito na ikinagulat ni Xander."What do you mean?" kunotnoong tanong ng binata."I know you know what I'm saying, Mr. Montero." seryosong sagot nito na bahagyang umiling. "How do you know about Lady Queen?" paniniyak ng binata. "Let say, pareho lang naman siguro tayo ng will against her. What do you think?""Did she annoy you?" "Let's say, mayroon lang naman siyang atraso na dapat hinah