HMH-3
Agad napasalampak sa sahig si Yanna, matapos makitang nanlupaypay ang katawan ng lalaking kanyang binubuno. Kasabay ang lalaking nasa kanyang likuran.
"Akala namin late na kami! Mabuti na lang!" sabi ni Trisha habang iiling-iling. Ito ang bumaril sa lalaking nasa likuran ni Yanna, habang nagawa naman kalabitin ni Yanna ang gatilyo ng kanyang baril na hawak at nasapol ang lalaki sa dibdib nito. Natawa ang tatlong babae at napailing.
"Nasaan ang hostage?" tanong ni Gina.
"Nasa loob, tsek n'yo na lang!" Mabilis na pinuntahan ito ni Gina at Trisha. Wala ng tali ang mga kamay nito paglabas.
"Salamat! Kung hindi dahil sa tulong mo, baka kung ano na ang nangyari sa akin!"
"Wala iyon, karangalan namin ang makatulong, ngunit sa isang kondisyon," aniya.
"Ano 'yon?" tanong ng lalaki.
"Wala kang pagsasabihan kahit na sino sa totoong identity namin, since nakilala mo na kami! Mananatiling tikom ang bibig mo kung sakaling tanungin ka man," ani Trisha.
"Makakaasa kayo! Kung may tulong man akong maibibigay sa inyo kapalit nito, lapitan n'yo lang ako!" nakangiting sabi nito.
Nagkatinginan silang tatlo, "Maaari bang malaman namin kung bakit ka nila dinala?" si Gina.
"Hindi rin malinaw sa akin, ang tanging narinig ko lang ay may taong nasa likod nito. Mukhang miyembro sila ng isang sindikato. Kaya salamat sa tulong n'yo. Ngunit paalala na rin sa inyo na mag-iingat kayo. Baka balikan kayo nang grupo kapag nalaman na nabulilyaso n'yo ang kung anong pakay nila."
"Kaya mahigpit din namin na hinihingi ang kooperasyon mo na walang makaalam na kahit na sino sa totoong identity namin,"
"Tatandaan ko. Hindi lang ako makapaniwala na ang isang owner ng shop ay isa palang vigilante!" napangiti at napa-iling ito at nakipagkamay sa kanilang tatlo.
"So, paano'ng mga ito?" tukoy ni Gina sa mga nagkalat na bangkay.
"Huwag kayong mag-alala, ako na ang haharap sa mga pulis tungkol dito," sagot ng lalaki.
"Pwede ba namin malaman ang pangalan mo, mister?" si Trisha.
"Delmundo De Castro, kung may kailangan kayo sa akin, pwede n'yo lang akong lapitan. Salamat ulit sa pagliligtas."
"O, pa'no, ikaw na ang bahala rito, paparating na ang mga pulis!" ani Gina. Tumango ang lalaki, mabilis naman na umalis ang tatlo bago pa man makarating ang mga pulis.
Habang tumatakbo ang sasakyan ay nanatiling nakabukas ang linya ng grupo.
"Kate, paki-check yung mga tatoo na meron sila kung magagawa mo, para malaman natin kung anong organisasyon kabilang ang mga iyon. I need your report tommorow," ani Yanna.
"Sure, By the way, congratulations to us! Another mission complete."
"Yeh! But, I need to hang-up and rest for a while, Goodbye, guys!"
"Goodbye!"
NAPA-BUNTONGHININGA at napa-iling si Yanna matapos na maputol ang linya habang patuloy sa pagmamaneho pauwi sa sariling condo.
Siya si Natasha Mendez Cordoja, masasabi na isang successful owner ng isang jewelry shop na may iba't ibang branch sa ilang sulok ng Pilipinas. Siya rin ang namamahala sa isang grupo na tinawag nilang 'Hell in Heaven's Angel' kung saan puro mga babae ang kanyang miyembro. Walang-awa silang kumikitil nang mga taong halang ang kaluluwa at mapang-abuso. Kasama na ang ilang malalaking druglords at lider nang iba't-ibang grupo na nagsasamantala sa kahinaan nang iba. Lihim rin siyang nagmay-ari nang ilang mga ilegal na pasugalan at resto-bar, upang magamit niyang lugar sa mga taong kanilang target at dito mapag-aralan ang mga aktibidad nang mga ito. Ang kanyang grupo ay lingid sa iba, nananatili ang sikreto nila sa kanilang mga miyembro. Ngunit itinago niya ang totoong identity bilang si Yanna Mendez, dahil sa isang misyon na kanyang ginagampanan. Sa edad na beinte-otso matagumpay na siyang isang bussiness woman. Simpleng pamumuhay, walang asawa at pamilya. Matapos mawala at mabalitang napatay ang kanyang mga magulang ay napunta siya sa pangangalaga ng ibang tao na itinuring niyang pamilya.
Nagsimula siyang tumulong na hindi nalalaman nang ibang tao ang kanyang ginagawa. Malambot ang kanyang puso sa mga taong nakikita niyang api at tinatapaktapakan.
FLASHBACK:
Kadarating niya galing sa pakikipaglaro sa kanyang mga kaibigan isang hapon, nang makita niya ang isang grupo na pilit isinasama ang kanyang mga magulang. Mabilis na tumakbo siya palapit sa mga ito, subalit hindi na niya naabutan.
"Mommy?, Daddy?" malakas na sigaw niya habang nasa gitna ng kalsada at pagod na pagod sa ginawang paghabol sa van na kulay puti. Hilam sa luha ang kanyang mga mata habang walang tigil sa pagsigaw.
Napasalampak siya sa gilid ng kalsada habang pinagtitinginan siya nang mga tao sa kanyang paligid at ang ilan ay nakasaksi sa nangyari.
"Mommy??? Daddy???" walang tigil na pagsigaw niya nang malakas habang kulang na lang ay maglupasay sa daan.
Isang ale ang lumapit sa kanya at pilit siyang inaalo, "Hush!!! Tahan na, Iha!" anito habang hinahagod ang kanyang likuran.
"Sina Mommy at Daddy? Saan sila dadalhin nang mga taong 'yon?" tanong niya na hindi makilala ang mukha ng ale dahil sa luha.
"Hindi ko rin alam, Iha. Pero huwag kang mawalan ng pag-asa at magdasal ka palagi na sana ligtas sila." Pinahid ng ale ang kanyang luha at niyakap siya. Tahimik na umiyak siya sa balikat nito.
"Kinuha nila ang parent's ko! Paano na ako ngayon?" aniya habang umiiyak. Anim na taon pa lamang siya noon at wala pang kakayahan na buhayin ang sarili. Nasanay siya sa marangyang buhay dahil mayaman sila. Ngayon na wala na ang mga magulang at mag-isa na lamang, hindi niya alam kung saan siya pupunta.
"Don't worry, pwede ka munang sumama sa akin para may magbantay sa 'yo. Isa pa, mahirap na baka bumalik ang mga taong iyon at ikaw naman ang kunin."
"Ano pong gagawin ko?" umiiyak na tanong niya.
"Doon ka na muna sa bahay. Isa pa, kakilala ko naman ang mga magulang mo kaya pangako na hindi ka namin pababayaan."
Dahil sa murang edad, napilitan siyang sumama sa ginang. Hindi naman siya nabigo sa mga ito. Itinuring siyang pamilya nang mga taong kumupkop sa kanya. May nag-iisang anak ang mga ito na lalaki na mas matanda sa kanya ng pitong taon na siyang palagi niyang kasama at bantay. Ilang buwan lang mula nang mawala ang mga magulang ay lumabas ang balitang nakita ang mga ito na bangkay na. Halos maglupasay si Yanna sa nalaman. Hindi rin niya nagawang makasama nang maayos ang mga labi nang mga magulang dahil sa payo nang pamilyang kumupkop sa kanya. Marahil may nabanggang tao ang kanyang mga magulang at maari siyang balikan kung makilala siya, kaya parang isang ordinaryong tao na lumapit lamang siya sa mga ito.
Kalaunan ay maayos niyang natanggap sa sarili ang nangyari. Lumaki siyang masaya sa pamumuhay na mayroon ang kanyang bagong pamilya. Hindi man niya muling narasanan ang buhay-mayaman ay naging tahimik naman siya. Ngunit nasa isip niya na hahanapin ang mga taong dahilan nang pagkawala nang mga magulang.
Isang umaga, tinawag siya ng ina-inahan.
"Nat, pumunta ka nga kay Aling Maria at kumuha nang mga gagamitin sa aking lulutuin para may paninda tayo mamaya," ani Aling Dina, habang naglalaga ng dahon ng saging na gagamitin nito na pambalot sa suman na gagawin. Isa ito sa kabuhayan nang taong kumupkop sa kanya. Sa ngayon, labinlimang taong gulang na siya, ngunit patuloy niyang sinasamahan ang ina-inahan sa paglalako ng paninda.
"Sige po, 'Nay!" inabot ang listahan nang mga bibilihin.
Bihira siyang utusan bumili, dahil ang kanyang kuya Dindo ang palagi nilang inuutusan dahil may kalayuan ang tindahan. Wala ang kanyang kuya ng araw na iyon at nagpaalam na pupunta sa kaibigan nito kaya siya ang nautusan.
Pabalik na siya bitbit ang pinamili, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya kinakabahan. Panay ang lingon niya sa likuran upang tingnan kung may sumusunod sa kanya. Baryo ang kanilang lugar at medyo may kalayuan ang bawat distansya ng bahay. Wala siyang ibang makitang tao maliban sa sarili at ang iba ay mga kilala niya na ngumingiti pa sa kanya at bumabati kapag nasasalubong niya.
Binilisan niya ang paglalakad. Sandaling natigilan siya nang ilang metro na lang ang layo niya sa bahay ay may natanaw siyang sasakyan. Kumunot ang kanyang noo dahil wala naman siyang alam na bisita nila. Itutuloy na sana niya ang paglalakad pauwi nang bigla naman siyang magulat na nakarinig ng putok ng baril.
Nanginig ang buong katawan niya at nataranta na hindi malaman kung anong gagawin. Nakita niya sa kanyang tabi ang makapal at mataas na mga damo kaya doon siya sumuksok sa ilalim.
Hindi niya mapigil ang panginginig ng katawan. Pigil na maiyak na tinakpan niya ang sariling bibig upang walang makarinig sa kanya. Ibinaba niya sa isang suksok ang kanyang dalang plastik at tahimik na yumuko. Nakarinig siya ng boses nang papalapit na tao.
"Sigurado ba kayo na nahalughog na ninyo lahat ang paligid? Baka itinatago lang nila sa kung saan?" Bahagya niyang inangat ang mukha at malaya niyang nakita ang mukha nang nagsasalita. Balbasan ito at malaki ang katawan. Sa itsura pa lang ay mukhang hindi na mapagkakatiwalaan. Hindi niya alam ngunit pinilit niyang kinabisa sa sarili ang mukha nito.
Muntik pa siyang napasigaw nang tumapat sa kanya ang isa na may hawak na baril na nakatutok pa sa kanya. Mariin siyang napapikit habang takip ang sariling bibig at nagdasal. Nang makapag-isip ay muli niyang iminulat ang mata at napansin niya ang pulsuhan nito na may tatoo na kulay pula at hugis pentagon. Hindi niya makita ang mukha nito dahil sa makapal na dahon na tumatakip sa kanya.
"Boss, wala talaga! Baka nakatunog sila at naitago kaagad ang bata. Kahit ang sinasabi na batang lalaki ay wala rin!" sabi ng lumapit.
Nanlaki ang kanyang mga mata, 'Sinong bata?' tanong niya sa sarili at muling pinanlamigan. 'Hindi kaya ako at si kuya ang hinahanap nila? Pero bakit?'
Hinintay niya na makaalis ang mga ito. Hindi rin siya kumibo sa kanyang pinagtataguan kahit ngalay na ngalay siya. Ilang sandali pa at nakita niyang paalis na ang mga ito.
"Hindi tayo maaring magtagal rito baka may makakita at makakilala sa atin. Tara na!" utos ng boss.
WALA na ang mga armadong lalaki ngunit hindi pa rin natitinag sa kanyang pinagtataguan si Yanna. Natakot siya na baka may naiwan na nagmamanman at makita siya. Hindi rin humihinto ang panginginig ng kanyang katawan.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa pinagtataguan ng makaramdam siya muli ng taong paparating. Pinilit niyang sinilip kung sino ito at nanlaki ang mga mata niya nang masino ito.
Sinitsitan niya ito nang tumapat sa kanya kaya napahinto ito at luminga.
"Sstt!" natuon ang pansin nito sa pinagtataguan niya. Nagulat na hinawi nito ang damo.
"Nat? Anong ginagawa mo riyan? Bakit narito ka? Nasaan sila nanay?" sunod-sunod na tanong nito na nagtataka. Inalalayan siya nito palabas sa masukal na damo. Nanginginig na napayakap siya rito at umiyak. "Bakit? May nangyari ba?" Tumango siya at nakita niya itong nabahala. Mabilis na inakay siya nito palapit sa kanilang bahay. Katanghalian na noon, at wala rin ibang tao na maaring maligaw sa kanila na walang sadya.
Nanlaki ang mga mata nila sa inabutan sa bahay. Nakahandusay na magkayakap ang mga magulang nila habang parehong may tama ng baril at naliligo sa sariling dugo. Sa dibdib ang ina-inahan habang sa ulo naman ang ama-amahang si Diego.
Walang tigil na pag-iyak ang nagawa ng dalawang bata. Nang mahimasmasan ay humukay ang kanyang kuya Dindo ng lupa sa likuran ng kanilang bahay, habang siya ay nanatiling tulala sa tabi. Doon nila inilibing ang kanilang mga magulang. Magtatakip-silim na nang matapos sila.
"K-Kuya, paano na tayo?" umiiyak na tanong niya. Kanina pa siya umiiyak pero parang hindi maubos-ubos ang luha sa mga mata niya.
"Huwag kang mag-alala, gagawa ako nang paraan para makapagsimula tayo muli. Hindi kita pababayaan, kagaya ng pangako ko kina Itay, poprotektahan kita palagi." Niyakap siya nito at inalo. "Tahan na!"
Nagdesisyon ang kanyang kuya na lisanin nila ang lugar. Kaya kahit gabi na ay naghanda sila para umalis.
"Saan tayo pupunta, Kuya?"
"Sa Maynila! Doon tayo magsisimula."
"Pero wala tayong pera na pamasahe?"
"Don't worry, may kaunti pa naman akong ipon dito. Kahit paano may magagamit tayo ng ilang araw hanggang sa makahanap ako ng trabaho doon. Pangako, hindi kita pababayaan, hangga't nasa tabi si Kuya, asahan mong walang mangyayari sa 'yo!"
Pumunta sila sa istasyon ng bus at sumakay papuntang Maynila.
"AYYY!!! 'Yung mag-ina masasagasaan!" malakas na sigaw na nakapagpabalik kay Yanna mula sa pagbalik-tanaw sa nakaraan. Saka lang siya tila natauhan na nasa gitna pa siya ng kalsada. May luha rin sa kanyang mga mata. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang patawid na mag-ina sa harapan at tinutumbok ng kanyang sasakyan. Nasa gitna siya ng abalang kalye kung saan nagsalimbayan ang mga tao at sasakyan Masasagasaan niya ang mag-ina. Mabilis na kinabig niya ang manibela at buong sagad na tinapakan ang brake ng kanyang kotse. Malakas at nagngangalit na sagitsit nang mga gulong ang bumulabog sa lahat. Napasubsob siya sa manibela ng sasakyan niya, bago naramdaman ang pagbundol nito sa kung anong bagay.
HMH-87MULA sa kanyang kinatatayuan, tanaw ni Yanna ang kabuuan ng lungsod. Mataas na mga gusali at parke. Para sa kanya napaka-perfect na nang lugar na iyon. Masuyong dumadampi sa kanya ang mahalina, malamig at sariwang hangin. Kasabay na sumasayaw ang mga dahon at puno sa ihip nito ganundin ang mga huni ng mga ibon sa paligid. Tanaw niya ang lagaslas ng tubig na nasa talon sa ibaba at ang malinaw na daloy ng tubig nito. Masasabi niya na kagaya ng paligid niya, nakamtam niya ang kapayapaan at katahimikan na hinahanap niya. Mula sa kanyang harapan, natatanaw rin niya ang nalalapit na paglubog ng araw na kay gandang pagmasdan."Malamig rito, hindi ka pa ba papasok?" tinig ni Xander mula sa kanyang likuran. Lumapit ito sa kanya at mula sa kanyang likuran ay hinapit siya nito palapit sa malapad nitong katawan.Masuyong isinandig ni Yanna ang kanyang ulo sa malapad nitong dibdib at ikinulong sa kanyang palad ang palad nitong nasa kanyang sikmura.Kasalukuyan silang nasa isang isla na pa
HMH-86"I can't believe it. Sa dami ng mga pangit na napagdaanan ko noon, I never imagine, na mabubuo ko pa pala muli ang pamilya ko na akala ko matagal nang wala sa akin," madamdaming ani Yanna. Kasalukuyan silang nakahiga ni Xander. Relax at kampante siyang nakahiga habang nakaunan sa malapad na dibdib ng lalaki. Panay ang himas nito sa kanyang mahaba at malambot na buhok habang dinadampian ng pinong halik at inaamoy."Are you happy now?" anas ni Xander at masuyong hinaplos ang kanyang balikat."I can't measure how happy I am at this moment. Masaya ako na napanagot na ang mga taong may kasalanan sa pagkamatay ng mga kinilala kong mga magulang. Atlast, matatahimik na rin sila kung saan man sila naroroon." "I'm sure nagagalak sila sa magagandang bagay na nangyayari ngayon," "Yeah!" Itinaas niya ang kanyang mukha upang tingnan ang binata, "Thank you!" "Basta para sa 'yo at sa mga anak natin, always akong narito. I love you," anas nito at dinampian ng masuyong halik ang kanyang noo.
HMH-85Habang nasa loob ng banyo si Xander, sinamantala ni Yanna ang pagkakataon na tingnan ang paligid ng silid. Nilapitan niya ang mesa na nasa bandang gilid at pinagmasdan ang mga larawan na naroon. Umagaw rin ng oansin sa kanya ang isag maliit ba box na nasa ibabaw. Curious na kinuha niya iyon at binuksan. Napangiti siya nang makita na isa iyong napakaganda at napaka-eleganteng singsing na may pusong bato na diamond.Dala ng kapilyahan, sinubukan niya iyong isuot sa kanyang palasingsingan at nagulat siya na makitang kasya iyon sa daliri niya. Hindi pa siya nakuntento at sinubukan niyang buksan ang ilang drawer na naroon. Matapos ay ang closet naman nito ang kanyang tiningnan. Kunotnoong napaisip siya, dahil mangilan-ngilan lamang ang mga gamit nito na naroon. Natuon ang pansin niya sa drawer nito. Ewan ba at kung anong kapilyahan ang pumasok sa isip niya at na-curious siyang makita kung pati ba ang mga underwear nito ay iilan rin. Binuksan niya iyon at tiningnan. Taliwas sa in
HMH-84"OH MY GOD! What happened to me last night? Why am I here?" Nailibot niya ang kanyang tingin sa kabuuan ng silid na kinaroroonan. Simple ang ayos ng silid at nakahiga siya sa malaki at malambot na kama. Kulay gray ang kulay nito at may malaking chandelier sa pinakagitna ng ceiling. Naroon din ang amoy ng lavander na ginamit na air freshener. Bumangon siya sa kinahihigaan, ngunit gan'on na lang ang gulat niya nang makitang iba ang kanyang damit na suot. Isang malapad at malaking tshirt na kulay asul at halos hanggang sa kalahati ng kanyang hita ang abot ng tabas na ikinalabas ng kanyang mabibilog at mapuputing hita. At ang nakapag pahigit ng kanyang hininga ay nalaman niyang wala siyang suot na bra at ang kanyang pang-ibaba ay 'brief?' "Oh my God! Sino ang nagbihis sa akin? Why I am wearing this?" Shock sa sariling tanong niya at mabilis na tumayo. Akmang palapit na siya sa pinto ng silid para maghanap ng tao nang biglang bumukas iyon at nagulat siya sa taong nasa harapan. Bit
HMH-83"You are preoccupied with something. Care to share?" tanong ng kanyang kaibigan na si Trish na lumapit sa kanya. "I'm just wondering how my kid's say that Xander is their father? I am really surprised!" naguluhan at napaisip si Yanna sa isiping alam niya na anak ito ng kanyang biological father na si Sam. Which means na magkapatid pa rin sila at mali na maging ama ito ng mga anak niya. Kasalukuyan silang nakaupo sa sala habang ang iba ay abala sa hardin at nagpa-party. Pinili niyang mapag-isa muna para makapag isip. Mula kanina, matapos ang mga nangyari, hindi pa rin bumabalik si Xander mula ng umalis ito na tila na nag aapura. "Yeah, even for me it was a surprise." ayon ng kaibigan."Just like the way you all surprised me," pairap na tugon ni Yanna rito.Natawa ito, "Yeah, sorry! Please forgive me. It was just to make sure that you are safe," sagot nito na naiilang."How's that? You all guys act excellently." Naiiling na sagot niya."Oh, We don't have bad intentions, look w
HMH-82Mabilis at malalaki ang mga hakbang na tinakbo ni Xander ang kinaroroonan ni Nathaniel. Wala siyang pakialam sa mga bantay na nakaharang at nasa kanyang daraanan. Buong lakas na itinulak niya ang mga ito. Sa pagkakataong iyon, hindi niya inisip ang panganib para sa kanyang sarili, kundi ang kagustuhan na masagip sa bingit ng panganib ang bata. Walang nagawa ang dami ng bantay na naroon para harangin ang lalaki. Buong lakas na itinulak niya sa gilid ang bantay sa batang lalaki kaya nawalan ito ng balanse at nalaglag. Dahilan para mas lalo nitong nabitawan ang lubid na nakatali sa katawan ng bata at mas mabilis na bumulusok ito pababa. Tinalon ni Xander ang natitirang pagitan bago pa man tuluyang maubos ang rolyo ng lubid. Maswerte na nahawakan niya ang lubid at makailang beses na ipinulupot iyon sa kanyang kamay upang masiguro na hindi iyon mabibitawan. Pigil ang hininga na napapikit siya. Nagawa niyang mapigil ang sanay pagbagsak ng katawan ni Nathaniel. Ngunit hindi pa man