Share

CHAPTER 1

HMH-1

     Mabilis ang mga hakbang ni Yanna palapit sa kanyang nakaparadang sasakyan. Hapon na at naghahanda na sana siyang umuwi nang mapansin niya ang taong kahuli-hulihang pumasok sa shop n'ya na may kumausap na kahina-hinala ang kilos. Kagaya nang dati, hindi maaring magkamali ang kanyang pakiramdam. Mabilis pa sa alas-kwatrong nilabasan n'ya ito upang siguraduhing ayos ito. Ngunit paglabas n'ya sa shop ay nakita niyang sapilitan itong ipinapasok nang ilang lalaki sa isang van. Nakaramdam s'ya ng panganib kaya hindi na nag-isip at sinundan ang mga ito.

     Nanatili siyang nakadistansya rito upang hindi makahalata. Mabilis ang takbo ng sasakyan, ngunit kaya niyang sabayan dahil bihasa siya sa pagmamaneho. Hindi niya ito hinayaan na maalis sa kanyang mga mata. Malayo-layo ang nilakbay nang mga ito ngunit hindi niya nilubayan ang pagsunod. Kinuha n'ya ang phone sa kanyang bag at nag-dial.

     "Hello?"

     "Kate, I'm on the road, may suspected criminal's ako na sinusundan at may hostage sila. Please, track my location and check. Also, magpadala ka na rin ng back-up, just in case," utos niya. Si Kate ang surveilance asset nang grupo niya. Mahusay ito at maasahan. Sa ilang taon nilang magkakasama ay hindi pa siya nito binigo.

     "Got it!" anito at sinimulan ang trabaho. Matapos ay sandaling may kinausap bago muli siyang binalikan sa linya. "You're heading south, sigurado ka ba sa nakita mo?" 

     "Never pang pumalpak ang instink ko. Iba ang kutob ko sa grupong ito. Pilitin mong i-locate ang lugar na malapit sa akin. I'll going straight as of now."

     "Well, mukhang alam ko na kung saan sila patungo. one hundred fifthy meters ahead from you will be an abandon building, mukhang doon nila balak dalahin ang hostage nila. Be careful, on the way na sina Trish diyan."

     "Thank you! Keep the lines open and connect, Trish on me!" 

      "Yes, the're in," sagot nito. 

      Mukhang tama nga ang sinabi ni Kate, dahil ilang sandali lang at pumasok ang sasaktan sa gate nang abandonadong building.

      Maingat na iginarahe niya ang kotse sa isang gilid at pinatay ang ilaw. Mula sa ilalim ng dashboard ng sasakyan ay dinukot niya ang kanyang nakatagong baril. Kahit saan siya pumunta ay palagi siyang may bitbit na baril sa kanyang bag o sa kotse man, bilang proteksyon sa sarili.

     Mula sa kanyang kinaroroonan ay tanaw niya ang paglabas sa sasakyan nang grupo. Hindi lalampas sa sampung katao, kasama ang bihag nang mga ito. Kinaladkad nila ang hostage papasok sa abandonadong gusali na nakapiring ang mga mata at nakatali ang mga kamay.

     Maingat na lumabas siya sa sasakyan. Hindi siya pwedeng dumaan sa harapan ng gate dahil may nakabantay na dalawa. Umikot siya sa bandang likuran at naghanap nang pwedeng daanan papasok. 

     "Be careful!" paalala ni Kate. May nakakabit sa kanyang tainga na isang earphone at malaya niyang naririnig ang mga kasama.

     "We are near to you!" sagot ni Trish.

     "Be careful, too! They are more or less ten person's, I'm not sure, kung may iba pa silang kasama sa loob. I'll going inside to check. May bantay rin sa harapan kaya mabuting sa likuran kayo dumaan. May nakita ako rito na punong pwedeng akyatin. Siguro, pwede na ako rito!" ani Yanna at nagsimulang akyatin ang puno. Tumulay siya sa sangang nakalaylay sa mismong pader ng malaking gusali. Maingat na pinagmasdan muna niya ang paligid kung may ibang tao, ngunit tahimik kaya tumalon siya sa halos kulang dalawang tao na taas ng pader. Para sa kanya, maliit na bagay na lang ang ganitong gawain. Maingat na tinungo niya ang gusali habang pasilip-silip. May napansin siyang dalawa na patungo sa kanyang kinaroroonan kaya mabilis siyang kumubli sa mga halaman. Nakita niyang humiwalay ang kasama nito at dumiretso sa kanya ang isa. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mismong sa pwesto niya ito tumayo at binuksan ang zipper ng pantalon. Balak nitong umihi sa lugar kung saan siya mismo nakakubli.

     'Damn, you man!' gigil na bulong niya sa sarili at mabilis na inilabas ang dalang baril na may nakakabit na silencer. "Sstt!" sitsit niya rito kaya naudlot ito sa gagawin sanang pag-ihi at lumingon sa paligid. "Narito ako, gago!" aniya na tumayo sa harap ng lalaki habang nakatutok dito ang baril. Bago pa man ito makasigaw ay nasapol kaagad niya ito sa ulo. One down!

     Hinila niya ito at isinandal sa pader. Naramdaman niya na may papalapit kaya mabilis siyang kumubli sa likod ng isang malaking drum. 

      "Hoy, pre, talaga bang ngayon ka pa natulog? Tsk... tsk... pihado na masasabon ka na naman niyan kay Boss. Kung bakit ba kasi masyado kang antukin!" anito na iiling-iling na lumayo.

      "Hoy, Darwin, nasaan na ba si Joe, ha? 'Di ba magkasama kayo kanina?" sabi nang mukhang lider nila na puno ng makapal na bigote at balbas. Sa itsura pa lang ay mukhang hindi na gagawa ng mabuti.

     "Wala tayong magagawa, Boss! Inabot na ng antok, eh!" 

      "Ano? Trabaho n'yo ang bantayan itong isang 'to?" sabay turo sa hostage, "Huwag n'yong sabihin na ako pa ang magbabantay rito?"

     "Hayaan n'yo na lang siya, Boss. Ako na muna ang magbabantay, gigisingin ko na lang s'ya mamaya."

     "Siguraduhin mo lang! Anak ka nga naman ng palos, oh!" naiinis nitong sabi, "Siguraduhin mong mababantayan mo ng maayos 'yan, ha?" 

     "Yes, Boss!" 

     Lumabas ito at naiwan ang tinawag nitong Darwin. Nakita niya ang lalaking naglalakad palabas at may tinawagan.

     "Boss, areglado na! Hawak na namin ngayon ang target, anong gusto mong gawin namin sa kanya?" sandali itong nakinig habang patango-tango. "Sige, Boss, makakaasa ka! Bukas hindi na ito sisikatan ng araw, at makakabalita ka na lang na lumulutang na ang katawan nito sa ilog!" buo ang kumpyansang sagot nito at nakangiting lumabas nang tuluyan. 

     "Yanna... Nasa loob ka na ba?" tinig ni Trish.

     "Yap! Mukhang wala naman silang ibang kasama dito sa loob maliban sa kanila kanina."

     "Mag-iingat ka," paalala nang nasa kabilang linya.

     "Thank you, kayo rin! Hindi sila basta-basta dahil may mga armas sila."

      "Nakita mo na ba ang hostage?"

      "Kasalukuyan papunta na ako sa kanya. Mukhang mani lang naman ito dahil iisa ang nagbabantay. Nasa labas silang lahat!"

     "Kahit na, mag-iingat ka pa rin! Parating na kami!" 

      "Okay!" Kumubli siya sa pader. Tila nakaramdam ang bantay sa hostage at kaagad itong nagsuri sa paligid. Mayamaya ay lumabas ito, mabilis na nakahanap siya nang pagkakataon para lapitan ang hostage. 

Napansin niya na nanlaki ang mga mata ng bihag, tanda na nakita siya nito. Kaagad na nilapitan niya ito para kalagan ng tali. Natanggal na niya ang tali nito sa paa at isusunod na lang ang nasa kamay nito nang biglang manlaki ang mga nito habang nakalingon sa kanyang likuran.

      Napakagat-labi si Yanna, bago sandaling pumikit nang mariin. Alam na niya kung bakit.

     "Sinasabi ko na nga ba at may pusang nakapuslit, eh! Taas ang kamay kung ayaw mong pasabugin ko ngayon din ang bungo mo!" 

     Unti-unti niyang itinaas ang dalawang kamay habang dahan-dahan na tumatayo. Mas lumapit pa ito sa kanya na nakatutok ang baril sa ulo niya. Naramdaman niya ang pagsayad ng dulo ng baril sa kanyang ulo dahilan para muli siyang mapakagat-labi at mapapikit nang mariin. Pinakiramdaman niya ang paligid kung may ibang kasama ito, napansin pa niya na napalunok ang lalaking bihag habang nakatingin sa kanila. Akmang sasalatin na nito ang kanyang baril na nakasukbit sa kanyang bewang nang bigla niyang hablutin ang mga kamay nito na may hawak sa baril, habang nakatalikod at pilipitin iyon, dahilan para mahulog ang baril.

     "Ahhh!!!" ungol nito dahil sa sakit, akmang sisigaw ito nang bigla siyang pumihit sa likuran nito at ipitin ang leeg nito gamit ang kanyang mga braso. Mabilis na sinipa niya ang gamit nitong baril palayo sa lugar na hindi nito maaabot. Sinenyasan niya ang bihag na magtago. Kaagad naman sumunod at tumakbo sa kubling lugar kahit nakatali pa ang mga kamay. Matapos ay kaagad niyang pinilipit ang leeg nang hawak na lalaki. Ngunit bago pa man niya tuluyang naibagsak sa sahig ang katawan ng lalaking hawak ay may biglang dumating na kasama nito at sumigaw saka nagpaputok ng baril.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
MeriDens G. Vierne
bet ko talaga mga Mafia stories, Love this
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status