Share

CHAPTER 5

HMH-5

FLASHBACK:

        "Kuya, paano tayong mabubuhay rito? Wala tayong bahay na matutuluyan!" tanong ni Nat sa kapatid habang tinitingnan ang paligid. Maraming sasakyan at tao. Matataas na gusali at may mga pulubi. Takot siyang isipinna magiging isa sila sa mga pulubing iyon.

       "Di ba nga sabi kong ako ang bahala? May tiwala ka naman sa kuya, tama?" 

       Tumango siya habang kagat ang isang daliri, "Pero wala tayong bahay?" 

         "Makakahanap din tayo!" anito. Naglakad pa sila at nakakita sila ng abandonadong bahay. Pansamantala silang nagpalipas doon ng ilang araw habang naghanap si Dindo ng trabaho. Nakapasok itong waiter at nakahanap sila nang paupahang bahay. Pinagpatuloy ng kanyang kuya na pag-aralin siya. 

       Habang nag-aaral ay nakita niya kung paano niya nakayang talunin ang mga batang nagbabalak mambuli sa kanya. Sa mura niyang edad na isa pang babae ay natuto siyang pumatol sa mga lalaki, kahit gaano pa kalaki ang mga katawan nito. Lahat nang nakikita niyang estudyante na binu-bully ay nagawa niyang ipagtanggol hanggang sa mabansagan siyang 'Warrior Angel' nang mga ito. 

        Masaya siya na nagagamit niya ang kaalaman na itinuro sa kanya nang nakilalang ama-amahan. Marunong kasi ito sa martial arts, at tinuruan sila pareho ng kanyang kuya Dindo para maging self defence umano nila kung sakali man na mawala na ito. Noon, hindi niya naisip ang tungkol sa bagay na iyon. Ngunit ngayon nakita na niya ang kahalagahan nito sa kanila. Walang taong nagtangka na bastusin o abusuhin sila kaya namuhay sila nang tahimik. 

         Katatapos lamang niya na maka-graduate sa kolehiyo sa kursong bussiness management nang sabihin ng kuya Dindo niya na lilipat sila, dahil nakahanap na ito nang ibang trabaho. Hindi siya tumutol at muli silang nagsimula. Nakapagtrabaho siya ng sarili niya at nakaipon. Una niyang pinundar ang sariling jewelry shop mula sa kanyang sariling ipon. Isang taon pa lamang ang kanyang shop at maayos itong kumikita kaya nakapagpundar siya ng sariling kotse at condo.

        Isang gabi na pauwi na siya, hindi sinasadyang nakasunod siya sa isang container van. Hindi niya alam ngunit masama ang kutob niya sa sinusundan kaya sinundan niya ito at pumasok ito sa isang pier. Nakita niya ang isang lalaki na in-check ang laman niyon ngunit dahil malayo siya ay hindi niya maaninag ang loob. Nang umalis ang bantay ay mabilis siyang lumapit doon at pasimpleng kinatok. Maswerteng nakarinig siya ng tugon mula sa loob bagaman at mahina. Nang malingat ang bantay sa harapan ay mabilis siyang naghanap ng bagay na maaring pangtanggal niya sa lock. Nakakita siya ng isang kulang tatlong dangkal na maliit na tubo na isinalpak niya sa padlock at hiniklas iyon. Nabuksan niya ang lock at maingat na binuksan. Tumambad ang ilang mga babae na hindi bababa sa disiotso ang edad. Nakatali ang mga kamay at paa at may takip ang bibig. Kaagad na nailabas niya ang mga ito. Napansin sila ng isang parating na bantay ngunit nasapol ito sa noo nang inihagis niyang kutsilyo. Nakakuha siya ng sasakyan na pwedeng sakyan nang mga ito at nakalayo.

         Nagpasalamat sa kanya ang ilan matapos niyang idiretso ang mga ito sa istasyon ng pulis upang makabalik sa kani-kanilang pamilya. Ngunit may limang babae na walang pamilyang uuwian kaya napilitan siyang isama sa sarili niyang bahay. Nalaman niya ang buhay nang mga ito at ang nais na makaganti sa mga taong may atraso sa kanila. Doon siya nagkaroon ng ideya na bumuo ng grupo upang maisakatuparan nila ang kani-kanilang mga plano. Ang 'Hell in Heaven's Angel.' Kalaunan, hindi na para sa kanilang interes ang naging layunin nila. Mas lumawak iyon para sa maliliit na tao na hindi nakakahanap nang sariling hustisya. Naging vigilante ang grupo nila sa pakikinig sa hinain nang iba. Nagsimula siyang pasukin na rin ang ilang illegal na transaksyon upang maisakatuparan nila ang kanilang plano.

        At mahanap rin ang mga taong dapat managot sa nangyari sa kanyang mga mahal sa buhay.

MAAGA kinabukasan dumating si Gina upang ihatid ang mag-ina sa bago nilang tutuluyan.

       "Make sure na safe sila. Isa pa, pasubaybayan mo ang asawa niya. Nakita ko na mayroon din siyang tatoo na kagaya nang ibinigay ko kay Kate kahapon. Mukhang sila ang magiging daan ko para matunton ang mga taong may atraso nang malaki sa akin!" aniya.

       "Kung ganyan na nagkalat sila, hindi rin malayo na malaking grupo ito, Yanna? Nakahanda ka ba para rito?" 

       "Wala akong pakialam malaki man o maliit na grupo sila! Ang sa akin lang, malaman kung sino-sino sila. Hindi ako tumagal nang ilang taon sa pakikipagsapalaran para lamang mapunta sa wala ang lahat. Sisiguraduhin ko na mananagot sila sa ginawa nila sa mga magulang ko! Lintik lang ang walang ganti" buo ang loob na sabi niya at naikuyom ang kamao.

       "Nasa likod mo kami! Sasamahan ka namin kahit saan man iyan umabot!"

        "Salamat! Sige na, lumakad na kayo at baka may makakita pa sa mag-ina!" 

MABILIS siyang naghanda para pumasok sa kanyang shop. Ito ang buhay niya, kilala siya nang tao bilang negosyante hindi vigilante, na gusto niyang manatili para sa katahimikan ng buhay at pagkatao niya habang tinutuklas ang mas malalim na ugat sa pagkawala nang mga mahal niya sa buhay. 

        Kagaya nang dati, abala na naman ang buong araw niya. Marami ang customer na kumukuha sa kanya nang produkto. Halos lahat ng braches ng kanyang negosyo ay palaging patok. Isa sa ipinagpapasalamat niya na nakukuha at nagagawa niya ang anumang gusto niya. Ang kuya Dindo niya ay may sarili na rin condo at bumibisita na lang sa kanya dahil abala sa trabaho nito.

       Bago matapos ang araw ay dumating sa kanyang shop si Aliza. Naging kaibigan niya ito matapos niya itong tulungan minsan na napa-trouble ito na lasing sa bar. Mula noon ay palagi na itong dumadalaw sa shop niya hanggang mapalagay na rin siya at napalapit dito. Subalit, hindi niya binigyan nang pagkakataon na makilala nito ang tunay na siya. Mahirap magtiwala.

       "Anong masamang hangin at napadpad ka yata rito?" biro ni Yanna.

        "Hmn… wala naman! Gusto lang sana kitang ayain kasi gusto kong mag-celebrate kasama ka! Ilang linggo rin kitang na-miss, eh!" 

       "Mukha nga! Ano bang pinagkaabalahan mo, these past few weeks?" tanong muli niya.

      "Wala naman! nagtanggal lang ng stress! By the way, labas naman tayo, oh!" lambing nito sa kanya, at kapag umaarte ito nang ganito ay naiiling na lang siya. 

       "Sige na nga!" aniya. Napatalon ito sa tuwa at napayakap sa kanya. Masyadong weird pero binalewala niya.

NAGHANDA siya at in-text naman nito kung saang lugar kaya sumunod na lamang siya para doon na lang sila magkita. Isang cocktail dress na kulay lightgreen ang suot niya. Ipinusod niya sa gitna ang kanyang buhok kaya lantad ang kanyang maputing batok. Tinernuhan niya ng isang two inch high heeled sandal na kulay lightgreen din.

        Maingay ang lugar na pinasok niya. Subalit balewala sa kanya iyon lalo na at kasama ito sa mga ginagawa niya kapag may misyon siya. Inikot niya ang mga mata upang hanapin ang kaibigan na nakita naman niyang kumakaway sa kanya sa bandang gilid. May ilang kaharap ito kasama na ang boyfriend nitong si Carl na isang ex-army.

      "Hi!" bati nito na nakipag-beso sa kanya. "Akala ko hindi ka darating!"

      Ngumiti lang siya at pumuwesto sa bakanteng upuan. Mayamaya ay umikot ang mga mata niya sa paligid. Bahagyang kumunot ang noo niya nang may tila makilala mula sa hindi kalayuan. 

      "Ah, here's your drink! Cheers!" pukaw ni Aliza sa kanya at inabot ang kopita sa kanya. Muli niyang sinulyapan ang direksyon nang taong nakita ngunit wala na ito roon kaya napakibitbalikat na lamang siya. Maaring guniguni lamang niya iyon.

       Nasa kalagitnaan na nang pagsasaya ang lahat nang mapansin ni Yanna ang isang lalaking lasing na pilit kinukulit ang isang babae. Nagtatalo ang mga ito habang pilit hinihila ang babae. Napansin ni Aliza na natuon ang atensyon niya roon kaya napangiti ito. Alam ni Aliza na lalapitan niya ang babae para  tulungan.

       "Excuse me!" ani Yanna. Tumayo siya para lapitan ang dalawang nagtatalo. 

       Mabilis naman na sinamantala ni Aliza ang pagkakataon at dinukot nito mula sa bulsa ang isang bottle at inabot ang inumin ni Yanna saka mabilis na binudburan iyon. Nagkatinginan pa sila ng boyfriend nito na nakangisi habang hinihintay na bumalik sa kanilang mesa si Yanna. 

       Magkaibigan ang dalawa, subalit, malaki ang inis ni Aliza kay Yanna, dahil pakiramdam niya nasasapawan siya ni Yanna. Nakipaglapit siya rito dahil gusto niyang makilala ito, ngunit kahit ilang taon na sila ay wala siyang ibang malaman tungkol dito. Malihim si Yanna pagdating sa personal na buhay nito. Wala naman itong ipinapakitang masama sa kanya kaya lang ay kung bakit kumukulo ang dugo niya lalo na kapag magkasama sila at na kay Yanna ang buong atensyon nang lahat. Naisipan niyang gawan ito ng masamang plano para wala na itong maipagmalaki sa kanya kapag tuluyan nang nasira.

        Hindi nagtagal at bumalik si Yanna sa mesa nila at naupo, saka nito dinampot ang baso ng alak niya. 

       "Hmn… hindi mo na dapat tinulungan ang dalawang iyon. Mukhang personal yata ang away nila." ani Aliza na palihim na napangiti nang makitang dinampot ni Yanna ang baso nito.

      "Kung personal man, hindi na dapat nila dinadala sa mga public place kagaya rito." At mabilis na ininom at inubos ang alak sa baso habang makahulugang nagkatinginan ang magkasintahan na sina Aliza at Carl.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Imelda Caranagan
yare ka jay Yanna
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Hala ka Ang bad mo Aliza
goodnovel comment avatar
MeriDens G. Vierne
bad ka Aliza ,. Anong nilagay mo sa inumin ni Yanna
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status