Share

CHAPTER 4

HMH-4

MALAKAS ang kabog ng kanyang dibdib habang nakikiramdam sa paligid. Napasubsob siya sa manibela. Mabuti na lamang at may seatbelt siya kaya hindi tuluyang sumayad ang kanyang mukha. Mabilis na bumaba siya upang i-check ang nangyari. Narinig niya na may nabangga siya at hindi siya sigurado kung ano ito.

       "Diyos ko! Ano bang nangyari sa driver at hindi man lang tingnan ang daan?" sabi ng isang taong nag-uusyoso.

       "Hoy, ayusin mo ang pagmamaneho, makakaperhuwisyo ka pa nang iba!"

       "Kung wala ka sa sarili at gusto mo magpakamatay, huwag kang mandamay!" sigaw pa nang isa, ngunit binalewala niya lahat iyon at hinanap ang nakitang mag-ina kanina. 

        Lumapit siya sa harapan at nakitang bumangga ang bumper ng kanyang kotse sa isang concrete barrier at bahagya iyong natanggal. Mabilis na sinipat niya kung may taong nasagasaan sa ilalim ngunit wala, kaya inilibot niya ang kanyang tingin sa taong nasa paligid niya. Nakita niya ang magkayakap na mag-ina na halatang parehong takot pa. 

       "Oh, thank's God! Hindi mo ako hinayaan na makadisgrasya!" usal niya. Naihilamos niya ang palad sa kanyang mukha sa naramdamang relief.

        Nilapitan niya ang mag-ina na nanginginig. 

       "I'm sorry! Hindi ko intensyong sagasaan kayo! Sana mapatawad n'yo ako!" mapagpakumbaba na hingi niya ng paumanhin dito.

        Nakita niya na may dalang isang malaking bag ang mag-ina at hindi nagsalita. Marahil ay nabigla ang mga ito. Mayamaya ay umimik ang ale.

        "Pasensya na rin! Hindi ko tiningnan kung may paparating na sasakyan sa pagmamadali namin." anito at mabilis na lumingon sa paligid na tila may tinitingnan. 

       "Mama! Tara na po, baka abutan niya tayo!" Nanginginig pang sabi ng bata na mahigpit na nakayakap sa damit ng ina. Kumunot ang kanyang noo sa narinig.

        "Saan ba kayo pupunta?" Hindi sumagot ang babae na tila nalilito. 

        "Mama! Nariyan na siya! Baka abutan tayo!" tarantang sabi ng bata na hinihila ang damit ng ina palayo, "Tara na!"

        Mabilis na sinulyapan ni Yanna ang direksyon na tinitingnan ng takot na bata. Nakita niya ang isang lalaking hindi naman kalakihan ang katawan, at matangkad, palinga-linga ito na tila may hinahanap. Mabilis na nakapag-isip si Yanna at hinawakan ang mag-ina.

        "Pumasok na kayo sa kotse!" utos niya.

        "Pero-" 

        "Sige na! Hindi niya kayo makikita sa loob!" Mabilis na sumunod ang mag-ina. Mayamaya ay lumapit sa direksyon niya ang lalaki at napag-aralan niya ang anyo nito. 

        "Hoy, Ikaw! May nakita ka bang mag-ina na dumaan rito na may dalang malaking bag?" biglang tanong nito sa kanya na dinuro pa siya. 

       Biglang sumulak ang kanyang dugo sa galit sa nakitang kayabangan ng lalaki. Nanliit ang kanyang mga mata bago kaswal niyang hinarap ang lalaki.

       "Bakit sa akin mo itinatanong? Bakit hindi ang sarili mo ang tanungin mo? Siguro naman hindi sila mapapadpad dito kung wala kang ginawa!" banayad na sagot niya na pinipigil na huwag sumabog ang inis rito.

       "Abat! Ang yabang mong sumagot, ah? Bakit, may maipagmamalaki ka ba? Baka hindi mo nakikilala kung sino ang kaharap mo? Hoy, babae! Mag-iingat ka sa isasagot mo, ha? Baka tamaan ka sa akin!" galit na sabi nito na dinuro siya.

       "Hindi na ako magtataka kung gagawin mo 'yon!" matapang niyang sagot, "Mukha naman na gawain mo nga iyon! Bakit? Babae lang ba ang kaya mo? Walang bayag lang ang lalaking papatol sa babae, gago!" singhal niya rito na ikinagalit nito.

       "Aba't sinusubukan mo talaga ang pasensya ko, ha! Baka-" anito saka lumapit sa kanya at dinuro siya. Mabilis na hinablot niya ang daliri nitong nakaturo sa kanya at mabilis na binali iyon. "Ahhh!" hiyaw nito sa sakit. Akmang susuntukin siya nito nang hawakan niya ang buong braso nito at pinilipit iyon dahilan para mamilipit ito sa sakit. Saka lang niya napansin ang tatoo nito sa braso. Red pentagon. Sandali siyang natigilan, subalit agad na nakabawi. Mas lalo tuloy siyang nanggigil sa taong kaharap. "Ahh!!!" namimilipit nitong sigaw habang pigil ang sariling braso. "Puta*ng-*na mo!" sigaw nito.

         "Sa susunod, mag-iingat ka sa pagtatanong! Ikaw ang may kailangan kaya dapat matuto kang magtanong nang maayos, ha?" gigil niyang sabi rito. 

        "O-Oo, oo!" anito sabay tango habang nakangiwi. Mabilis na binitawan niya ito nang mapansin ang pulis na palapit sa kanila.

        "Ano'ng nangyayari rito?" bungad ng isang police officer na lumapit. Sinipat pa nito ang bumper ng kanyang sasakyan.

        "Wala naman po, Sir!" ani Yanna na sinulyapan ang lalaki. Mabilis na umalis ang lalaki palayo na walang sabi at galit na muli siyang tiningnan na tila may pagbabanta.

         "Anong nangyari rito?" anito na tiningnan ang kanyang kotse.

         "May asong biglang tumawid at iniwasan ko, Sir kaso nabangga naman ako! Sa susunod, dapat wala nang pakalat-kalat na aso sa daan! Ayan tuloy, ang laking perhuwisyo sa akin!" pormal na sabi niya. Kailangan niyang iiwas kung ano ang totoong nangyari para hindi na rin siya maabala.

        "Naku, pasensya na, Ma'am. Hayaan n'yo at ipaaabot ko sa nakakasakop dito para masolusyunan nila ang problemang ganyan. Para na rin maiwasan ang aksidente," anito.

       "Sige po, mauna na rin po ako!" akmang tatalikod dito.

         "Hindi ka ba pupunta muna sa headquarter para i-report ito?" tanong ng officer.

        "No need! Wala na akong panahon para d'yan. May importante pa akong appointment!" aniya at tuluyang tinalikuran ang kakamot-kamot sa batok na officer.

"SALAMAT!" sabi ng ale na nakasakay sa backseat. "Kung hindi mo kami tinulungan baka naabutan kami ng lalaking iyon!"

        "Wala kang dapat ipagpasalamat. Tungkulin ko ang tumulong kung kailangan. Sino nga pala ang lalaking iyon?" 

        "Asawa ko siya! Kaso malupit siya at palagi kaming binubugbog kaya tumakas kami. Ayaw kong lumaki sa gan'on kalupit na mundo ang anak ko!" Napatango siya at ngumiti.

        "Mabuti ang ginawa n'yo. Hindi deserve nang ganoong lalaki ang pamilya. Saan ba sana kayo pupunta kanina?" 

        "Hindi rin namin alam! Ang gusto lang namin makatakas at makalayo sa kanya, kahit saan kami mapadpad. Salamat sa tulong mo! Mukhang malayo na rin ito, pwede mo na kaming ibaba sa tabi," sabi ng ale.

        "Ganyan na wala kayong siguradong mapupuntahan. Sumama na lang kayo sa akin, kaysa kung saan kayo pumunta. Hindi malayong makita niya kayo muli."

        "Okay lang naman! Mag-iingat na lang kami palagi, nakakahiya na rin kasi sa iyo. Naabala ka pa namin."

        "Narito na kayo kaya responsibilidad ko na rin kayo. May alam akong lugar at bahay na pwede ninyong pansamantalang tirahan. Isa pa, kawawa ang anak mo, ang bata pa naman!" aniya na sinulyapan ang batang babae na tila nasa walong taong gulang pa lamang, "Ano nga palang pangalan mo?" 

        "R-Rebecca, po!" nahihiya nitong sagot.

       "Ako naman si Yanna! Nice to meet you!" at ngumiti siya rito. Nakita niya itong ngumiti rin ng bahagya.

       "Ako naman po si Mila!" pakilala ng ale.

Pansamantala niyang isinama sa kanyang condo ang mag-ina at maaga na lang niya kinabukasan pasasamahan kay Gina kung saan sila muling tutuloy.

       Matagal siyang hindi dinalaw ng antok. Hindi maalis sa kanyang isipan ang nakitang tatoo sa kamay nang sinasabing asawa ng babae. Ganundin ang mga tatoo nang mga lalaking naka-engkwentro nila sa abandonadong building. Sa ilang oras lamang ay nakakita siya nang mga senyales sa kanyang hinahanap. Ito na nga kaya ang panahon na malapit na niyang malaman kung sino ang totoong salarin na pumatay sa kanyang mga magulang at kinilalang magulang? Mariin siyang napapikit. Sa loob ng maraming taon ay hindi siya tumigil sa pagnanais niyang hanapin ang mga pumatay sa mga magulang. Hindi siya titigil hangga't hindi napagbabayad ang mga ito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status