Share

CHAPTER 6

HMH-6

       Ilang minuto lang matapos mainom ni Yanna ang kanyang alak ay biglang nag-iba ang timpla ng kanyang katawan. Napa-kunotnoo siya, gusto sana niyang tanungin si Aliza kung anong mayroon sa ininom niya subalit nagpaalam ito para pumunta sa restroom. Ang boyfriend naman nito ay may kausap sa hindi kalayuan. 

        Mabilis na umalis siya para magtungo sa restroom, ngunit tila umiikot ang pakiramdam niya at nakakaramdam siya ng bahagyang pag-iinit ng katawan. Bago pa siya makaabot sa restroom ay may nadaanan siyang pasilyo, kaya dumaan siya roon. Puro pinto ang mga naroon at hindi siya sigurado sa kanyang pinasok na kwarto. Nang makaramdam siya ng matinding hilo at halos hindi na siya makahakbang ay napasandal siya sa isang pinto, nabuksan iyon at napunta siya sa loob. Hindi niya alam na may mga matang nakasunod sa kanya. Matapos ay umalis iyon sandali nang makita siya na pumasok sa silid. 

       Masakit ang ulo niya at iba ang pakiramdam sa katawan. 'Hindi pwede ito!' bulong niya sa sarili kailangan niyang labanan ang nararamdaman ngunit parang igugupo na siya sa karimlan kaya namalayan na lamang niya na bumagsak ang katawan niya sa isang malambot na bagay.

ALIZA

      "Sigurado ka ba na pumasok na siya sa silid?" paniniyak niya.

      "Oo," 

      "Magaling! Ngayon tingnan lang natin kung may mukha pa siyang ihaharap kapag nalaman nang lahat ang magyayari sa kanya ngayong gabi!" may naglalarong ngiti sa mag labi nito. Muling bumaling sa kausap, "Sinigurado mo ba na naka-set-up na ang lahat doon?" 

      "Opo!" 

      "Sige, pwede ka nang umalis!" taboy niya rito matapos abutan ito ng sobre na may lamang pera. Binalingan ang boyfriend nito, "Sigurado ka ba na darating ang taong kausap mo?" 

      "Oo naman!" anito at ngumiti. "Dito ka muna at lalabas ako sandali para i-check kung nasa loob na siya." Humalik at yumakap ito sa kasintahan bago umalis. Lingid kay Aliza ay may lihim na pagnanasa ang kanyang boyfriend kay Yanna kaya ito mismo ang may gustong maka-angkin sa dalaga. Tiningnan muna nito kung may tao sa paligid bago ito pumasok sa silid kung saan pumasok si Yanna.

NAPASUBSOB sa kanyang kama si Yanna pagdating sa bahay. Hindi niya sukat akalain na sa isang iglap ay mawawala sa kanya ang puring pinakaiingat-ingatan. Nangako pa naman siya sa sarili na ibibigay lamang niya ito sa lalaking totoong magmamahal sa kanya at magiging kabiyak balang-araw. Ngunit hindi ganun ang nangyari dahil kahit ang itsura nito ay hindi niya alam. 

       Si Aliza, ang kaibigan niya na pinagkatiwalaan niya. Marahil ito ang may plano para mangyari ito. 'Pero anong dahilan para gawin niya iyon?' tanong muli niya sa sarili, mayamaya ay napailing. Siguro, coincidence lang! Isa pa, baka pagtawanan siya nito kapag nalaman nito ang nangyari sa kanya, kaya sasarilinin na lamang muna niya. Anyway, nag-enjoy naman siya kasama ang lalaki dahil hindi lang yata dalawang beses siya nitong dinala sa langit.

      Napahilata siya sa malambot na kama at napapikit. Tila ramdam pa niya ang init ng katawan nito sa kanya. Mabilis na napadilat siya ng mata nang marinig ang pagtunog ng kanyang cellphone.

     "Yes?" 

     "Where have you been last night? Kahapon pa kami tumatawag sa 'yo pero di mo sinasagot!" nag-aalalang tanong ni Kate.

     "I'm sorry! I was out last night at naiwan ang purse ko sa kotse kaya hindi ko nasagot tawag mo."

     "Okay! Lumabas ka ba for a date?" biro nito na ikinasimangot niya. Kung alam lang sana nito baka pagtawanan pa siya. "Anyway, nai-send ko na sa e-mail mo 'yung hinihingi mong report kahapon. Just see it for yourself! Tawagan mo na lang ako kapag may hindi ka naintindihan o katanungan!"

      "Sure! Thank you!" 

      "Welcome!" Mabilis na tiningnan niya ang e-mail nito. Lumabas doon lahat nang na-research

nito tungkol sa pulang pentagon na tatoo na ilang beses na niyang nakita sa mga taong nakasagupa niya sa loob lamang ng dalawang araw.

      "Red Pentagon" walang kinatatakutang grupo. Na-report ang grupong ito sa lahat ng mga ilegal na transakyon sa iba't ibang lugar sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Nananatiling hindi kilala ang founder at pinuno nang grupo na may alyas na 'Lady Queen.' Kasama sa mga actibidad nito ang drug smugling and human trafficking. Kasama rin ang kidnapping, hold-upping, carnapping, salvaging, hijacking at pangre-rape sa mga inosente at minor de edad. Halang ang kaluluwa at salot ng lipunan. 

KASALUKUYAN siyang kumakain nang biglang dumating ang kanyang kuya Dindo na nag-aalala, kaya nagtaka siya.

      "May problema ba, Kuya?" Matagal itong hindi nakaimik at nakatitig lang sa kanya.

        "I want you to help me to find this girl!" sabi ni Xander matapos nitong ipatawag si Dindo. Tiningnan ni Dindo ang larawan na nakapatong sa mesa ng kanyang boss, and he stunned after seeing Yanna's face. Si Xander ang CEO ng isang malaking kumpanya ng gold mining, at iba pang negosyo. Siya rin ang kilalang pinuno ng 'Black Hawk Organization sa Underground world ng mga mafia. Kilala niya kung gaano ito kadelikadong tao kaya hindi niya hahayaan na mapalapit ito kay Yanna na itinuring na niyang kapatid. 'Anong kailangan nito kay Yanna?' tanong nito sa isip. Siya ang isa sa personal na pinagkakatiwalaan nito. Walang alam si Yanna sa trabaho niya, maliban sa alam nitong isa siyang manager sa isang kilalang kompanya. 

       "Pero bakit po, boss? May atraso ba siya sa 'yo?" hindi napigilan na tanong niya sa amo.

     "Sabihin na nating gan'on na nga! Paano, matutulungan mo ba ako?" 

     Napalunok si Dindo, hindi niya hahayaan na magsanga ang landas ng dalawa. Nangako siya sa mga magulang na hangga't buhay siya ay hindi niya hahayaan na malagay ito sa alanganin. Bahagya siyang tumango sa sinabi ng amo. Subalit sa kaibuturan, kahit ikamatay niya ay hindi niya hahayaan na malagay sa kamay nito ang kapatid.

      "Susubukan ko po, boss!" 

     "Huwag mong subukan, gawin mo!" matigas at pormal na sabi nito.

"KUYA?" 

      "Ah, wala naman! Na-miss lang kita kaya napasugod ako rito." biglang natauhan na sagot nito. "Saka gusto ko lang sabihin na masyadong delikado ang panahon ngayon. Kaya sana iwas-iwasan mo rin ang paglabas-labas, mahirap na!" 

       "Kuya, hindi na ako bata! Malaki na ako at kaya ko nang ingatan ang sarili ko. Don't worry about me! Walang masamang mangyayari sa akin dito!" natatawang sagot niya rito.

      "Kahit na! Ipangako mo na kahit sinong lumapit sa 'yo, huwag kang basta-basta sumasama!" 

      "Oo naman, Kuya! Kaya ipanatag mo ang loob mo! Kung kinakailangan na doblehin ko ang pag-iingat, gagawin ko para sa 'yo! Kaya halika na! Sabayan mo na akong kumain para mawala iyang agam-agam mo!" aniyang nakangiti.

       "Mabuti pa nga!" anito at sinabayan siyang kumain. Walang alam ang kanyang kuya sa grupong kanyang binuo. Hindi rin niya binalak sabihin dito dahil hindi siya sigurado sa saloobin nito. Wala rin itong kaalam-alam sa balak niyang paghahanap sa mga taong responsable sa nangyari sa kanilang mga magulang

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Hala boss pala ng kanyang kuya Dindo Ang naka one night stand ni Yanna
goodnovel comment avatar
MeriDens G. Vierne
Hala baka Yun yung nka one night stand ni yanna pinahahanap sya
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status