It has been three weeks since Kevin took my innocence, ang ilang taon iningatangan ko para sa gabing sobrang pinaghandaan ko.Na para sana sa araw na ireregalo ko ang sarili ko sa lalaking pakakasalan ako dahil mahal ako at handa akong makasama nito hanggang sa pagtanda.Kevin...Si Kevin, siya ang laman ng pangarap kong iyun. Ang lalaking maghihintay sakin sa dulo ng altar, iiyak, dahil sa wakas mapapakasalan na niya ang babaeng pinapangarap niya rin makasama habang buhay.Ang babaeng nakikita niyang magiging asawa at Ina ng mga magiging anak niya sa hinaharap.Ang babaeng nakikita niya tatanda kasama niya habang pinapanood namin na lumalaki ang mga anak namin at makahanap ng sari-sariling pamilya ang mga ito.Pero sa kasamaang palad, hindi ako ang babaeng iyun.Napaka daya ng mundo. Bakit hinahayaan ng mundo na makilala at magustuhan natin yung isang taong hindi naman ibibigay ng mundo satin ng buo? At ang nakakainis, pangarap ko siya habang ibang babae ang pangarap niyang makasama.
Akala ko sa teleserye lang nagyayari ang mga ganito, maaari din pala itong mangyari sa totoong buhay. Marami akong akala na magiging hanggang akala nalang dahil sa realidad yung taong mahal ko ay hindi talaga ako mahal at kahit kailan ay hindi ako magagawang mahalin dahil iba ako sa babaeng totoong mahal niya.At nasasaktan ako kasi umabot kami sa ganito, ang magkasakitan hanggang kamuhihan ang bawat isa." Iha." Boses mula sa labas ng kwarto kasabay ng marahan katok mula sa labas ang nakapag balik ng diwa ko. Nilingon ko iyun at pinakatitigan, at ni walang salita ang namutawi sa labi ko.Ni hindi ko namalayang natulala at naluluha na naman ako ng hindi ko namamalayan."Rachell? Iha?" Muli ay tinig mula sa labas ng pintong tanging harang upang makita ng matandang katiwala ang bawat sakit at paghihirap sa mukha at mga mata ni Rachell.Agad kong pinunasan ang gilid ng pisnge kong puno ng luha at saka marahan nag lakad papunta sa pinto ng kwarto ko nang muli ay tinawag ng katiwala ang pan
Nanghihina.Yun ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko. At tila para akong nag-buhat ng mabigat na bagay dahilan upang manghina ng husto ang buong katawan ko. Para bang ang nais ko lamang ay ang mahiga pero Hindi ko magawa dahil sa pagikot ng sikmura ko.Hindi ko maintindihan kung bakit at ano ang nangyayari sa akin, sa katawan ko. Bago ang lahat ng ito sakin, naninibago ako at siguro kaya ganito ang nararamdaman ko dahil napapabayaan ko na ang sarili ko. O may iba pa dahilan.Dama ko pa rin ang hilo na tila may humihila sa pagkamalay ko, tila ba kulang ako sa dugo na mabilis mahilo at mandilim ang paningin sa tuwing kikilos mula sa pagbangon. Dama ko parin ang panginginig ng buong katawan ko at panghihina.Anong nangyayari sakin? Sa katawan ko?Nararamdaman ko ang pagbabago sa buong katawan ko, ang pagbabago sa loob mismo ng katawan ko at siguro'y alam ko na kung ano ba ang tunay na nangyayari sa katawan ko pero pilit ko lamang itong
"Why is it so difficult for you to marry me?" muli ay tanong ng tao mula sa likod ko.Muli akong natigilan ng marinig ko ang matikas na boses na iyun ni Kevin, nagtataasan ang mga balahibo ko sa tuwing naririnig ko ang maotoridad na boses nito katulad ng sa akin ama.Pinakalma ko muna ang puso kong labis na naman kung tumibok sa tuwing nasa malapit si Kevin pero kahit anong pag-papakalma ko ay patuloy pa rin sa pag-kabog ng mabilis ang puso ko. Nanginginig man sa hindi ko malaman emotion marahan kong nilingon si Kevin.Nakita ko mula sa pintuan si Kevin seryoso itong naka sandal doon habang mataman akong tinititigan. Ang mga kamay nito ay nasa mag kabilang bulsa ng suot nitong itim na pans.Wala sa sariling napatayo ako mula sa pag kakaupo ko ng makita ko ito dun. Ewan ko pero bigla akong mas nakaramdam ng kaba?Takot? Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Heto ka na naman puso, tumitibok sa maling tao.Hindi ito ang unang beses nang makaramdam ako ng ganito sa tuwing nandyan si
Bakit kailangan gulo palagi ang dala ni Franz at Kevin sa tuwing nagkakatagpo sila?Sumasakit na ang ulo ko sa paulit ulit na pagbabangayan nila dalawa, ni hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangan nila na mag away ng dahil lang sa maliit na bagay.At isa pa may iba pang bagay na nakakagulo sa isip ko yun ay kung bakit kailangan hanggang skuwelahan ay kailangan guluhin ako ni Kevin? Hindi ba pwede na mag pahinga na muna ako sa problema dala niya sa buhay ko? Ni hindi pa nga ako nakaka recover sa nangyari sa ama ko nang dahil sa puro kalokohan itinatanim niya sa utak ng ama ko tapos heto, hanggang skuwelahan papahiyain niya ako."Pwede ba Kevin, kahit dito man lang sa school patahimikin mo naman ako. Pagpahingahin mo naman ang utak ko sa kakaisip ng mga problema dala mo sa buhay ko." Hindi ko napigilan saad nang makita ko ang talim ng tingin nito kay Franz at ang paghigpit lalo ng kapit nito sa pala pulsuhan ko." Wag mo dalhin hanggang dito ang kagaspangan ng ugali mo at isa pa
"Paki abot nga yung gunting" Pakiusap ni Nica na nakapag balik sakin diwa.Nag tatakang tinignan ko ito pati din si Joselyn ay may pag tatakang tingin dito.Wala na pala ito sa likod ko at nasa sofa na ito nakaupo "Ha? Bakit anong gagawin mo sa gunting?" Tanong ni Joselyn kay Nica."Puputulan ko lang ang buhok mo Rachell tapos gagawin kong wig ko. Alam mo na, ipang hahalina ko sa bebe ko para naman mapansin na niya ako." Saad nito habang may kakaibang ngiti sa labi na parang nag i-imagine ito ng mga bagay bagay.Natatawang inilingan ko nalang ito.Agad na binato ito ni Joselyn ng unan sa sofa ng kinauupuan matapos marinig ang sinabi ng kaibigan. "Gaga! asa ka pang magugustuhan at papansinin ka ng fuckboy na yun. Suntok sa buwan yang pangarap mo girl kaya tigilan mo na yan. Ang dapat na ginagawa mo ay mag hintay hanggang sa dumating talaga yung lalaki na para sayo, yung hindi ka iiwan, at sasaktan yun dapat ang hinihintay mo hindi ang fuckboy na yun na walang ibang ginawa kundi gawin
Sana ang buhay ay palagi na lang masaya, yung walang lungkot at pait. Puro saya lang, pero kahit anong gawin ko alam ko hindi pwede ang gusto ko. Kasama ang lungkot, sakit at hinagpis sa buhay, hindi pwede puro saya lang. Dahil paano mo mararamdam buhay ka kung iisang emotion lang ang nararamdaman mo? Paano ka matutoo kung hindi mo mararanasan masaktan?Pero paano ako makaka-survive kung ang puso ko napaka hina pag dating sa bagay na to? Sa sakit at paghihirap na dulot ng taong akala ko, proprotekta sakin.Masayahin pero matapang at walang inuurungan babae ako noon, heto yung mga panahon totoong masaya pa ako, totoong naging masaya ako. Madalas ako laman ng pambubully noon pero kahit kaya ko naman sila labanan, palaging andyan si Kevin para ipagtanggol ako.He was my knight in shining armor.Wala ako pake sa paligid ko, at feeling ko sa tuwing ipinagtatangol ako ni Kevin sa mga nangbubully sakin, para akong lumulutang, ang saya saya ng puso ko kahit pa puro pasa ang buong katawan ko
Panaginip lang ba yun talaga?Ang hirap makatulog pag-ganitong gumugulo sa isip ko Ang senario nangyari kanina.Agad na napalingon ako sa beranda ng kwarto ko ng maramdaman ko ang lamig ng hangin mula don. "Sa beranda siya dumaan?" Pipiling tanong ko sa sarili. Dahil tanging ito lamang ang nag iisang bukas dito sa kwarto ko." Sa biranda kaya siya dumaan? o baka naman nag i-illusion lang ako?" tanong ko sa sarili ko habang nakahiga sa sariling kama ko. Nagbabalik tanaw ang isip ko sa nangyari kanina.Tanging yun lang ang laman ng isip ko dahilan hanggang sa makatulugan ko na ang pagiisip ng ng mga bagay bagay ng araw na yun."Good morning po." Bungad ko kay manang Pasya ng makita ko itong nag hahanda sa kusina para sa almusal."Good morning din iha, mukhang hindi na masama ang pakiramdam mo ngayon. Mabuti nalang at okay ka na iha nang hindi na nag aalala ang asawa mo sayo" Saad nito matapos akong lingunin nito habang nakangiti tapos ay pinag patuloy pa din nito ang ginagawa habang kaus