LOGINKIARAH'S POV
Hindi ko talaga maintindihan kung anong klaseng tibay ng sikmura meron itong si Tylane. Ilang araw na. Ilang araw na siyang parang linta kung makadikit kay Lucas. Umagang-umaga pa lang, bago pa man kami makapag-almusal nang maayos, nakakatanggap na ng text si Lucas mula sa kanya. Kesyo may emergency daw, kesyo kailangan daw ng tulong sa isang kumpanya, o kaya naman, simpleng good morning na may kasamang pa-cute na emoji. Hindi ko sana papansinin. Sabi ko nga sa sarili ko, Kiarah, asawa ka na. Huwag kang praning! Pero iba ang pakiramdam ko. Iba ang tabas ng dila at tingin ng babaeng 'yun tuwing nagkakaharap kami. Gigil na gigil siya na ako ang pinakasalan ni Lucas. Halata naman. Kaya ngayon, ginagawa niya ang lahat para lang sirain ang araw ko, at para makuha ang atensyon ng asawa ko. Alas-diyes pa lang ng umaga, abala na ako sa kusina. Nagluto ako ng beef caldereta, 'yung paborito ni Lucas. Pinaghirapan ko 'to dahil alam kong naging sobrang busy siya sa opisina lately. Gusto kong iparamdam sa kanya na kahit anong mangyari, may uuwian siyang asawa na nag-aalaga sa kanya. At para na rin siguro ipamukha sa kung sino mang aali-aligid diyan na walang puwang ang ibang babae sa buhay niya. Inilagay ko ang pagkain sa isang magandang bento box. Kasama ko ang anak ko, si Sky, na tuwang-tuwa habang bitbit ang maliit niyang laruang sasakyan. "Punta tayo kay Daddy Lucas, baby?" malambing na tanong ko sa kanya. Ngumiti nang malaki ang anak ko. "Yes, Mommy!" Kahit hindi tunay na anak ni Lucas si Sky, tinanggap niya kami nang buong-buo. At 'yun ang isang bagay na hinding-hindi ko ipagpapalit kahit kanino. Pagdating namin sa building ng opisina ni Lucas, kilala na ako ng mga guards at receptionist. Nginitian nila ako at binati, kaya dumiretso na kami ni Migo sa elevator paakyat sa executive floor. Hawak ko ang kamay ng anak ko sa kaliwa, habang bitbit ko ang paper bag ng lunch ni Lucas sa kanan. Pagbukas ng elevator, agad na kumabog nang mabilis ang dibdib ko. Pamilyar ang pabangong umaalingasaw sa hallway. Matapang, mapang-akit, at nakakasulasok. Nandoon si Tylane. Nakasuot siya ng isang hapit na hapit na red dress, may bitbit na isang mamahaling paper bag mula sa isang sikat na French restaurant, at nakikipagharutan sa secretary ni Lucas sa labas ng p***o nito. Nang marinig niya ang mga yabag namin, lumingon siya. Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi niya at napalitan iyon ng matalim na tingin, na para bang isang halimaw na nakakita ng kaagaw sa teritoryo niya. "Oh. Kiarah. What a surprise," bungad niya, taas ang isang kilay. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, tila sinusuri ang suot kong simpleng pastel na dress. Tapos ay bumaba ang tingin niya kay Sky, at nakita ko ang pandidiri sa mga mata niya. Hindi ko pinahalata na naiinis ako. Inayos ko ang tayo ko at ngumiti nang matamis. "Walang surprise dito, Tylane. Asawa ako, normal lang na dalhan ko ng tanghalian ang asawa ko. Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" Bumuntong-hininga siya na parang naaawa sa akin. "I just brought Lucas some real food. Alam mo na, baka nagsasawa na siya sa mga lutong bahay na... medyo low-class? I bought him steak and truffles. His favorite." Akmang bubuksan na niya ang p***o ng opisina ni Lucas nang saktong bumukas ito mula sa loob. Bumungad si Lucas, lukot ang noo dahil siguro sa dami ng paperwork, pero nang makita niya kami ni Sky, agad na nagliwanag ang mukha niya. "Daddy Lucas!" sigaw ni Sky sabay bitaw sa kamay ko at tumakbo palapit kay Lucas. Lumuhod si Lucas at sinalubong ng yakap ang anak ko. "Hey, buddy! Missed me?" Hinalikan niya si Migo sa pisngi bago tumayo at lumapit sa akin. Hinalikan niya ako nang banayad sa labi. "You didn't tell me you were coming, Kiarah." "Gusto sana kitang i-surprise," sabi ko, sabay angat ng bitbit kong paper bag. "I made caldereta." "Perfect. Sakto at gutom na ako," nakangiting sagot ni Lucas. Kukunin na sana niya ang paper bag ko nang biglang sumingit si Tylane, halos ipagduldulan ang bitbit niyang pagkain sa mukha ni Lucas. "Lucas, I brought lunch from Le Petit. 'Yung paborito mo. Let's eat inside?" malambing na boses ni Tylane, pilit na ginagawang intimate ang sitwasyon kahit nasa harap nila ako. Tiningnan ni Lucas ang paper bag ni Tylane, tapos ay tiningnan ako. Walang pag-aalinlangan, umiling si Lucas. "Thanks, Tylane, but I'm eating what my wife cooked for me. Alam mo namang hindi ko pinagpapalit ang luto ni Kiarah. You can give that to the staff na lang, or take it home." Gusto kong humalakhak sa naging reaksyon ni Tylane. Parang pinagsukluban ng langit at lupa ang mukha niya. Namula siya sa hiya at galit, lalo na nang makita niyang pumasok si Lucas sa opisina dala ang niluto ko at karga-karga si Sky. "Sunod ka sa loob, hon," sabi ni Lucas sa akin sabay kindat. "Sige, susunod ako. Mag-CR lang ako saglit," sagot ko. Pumasok na silang mag-ama. Naiwan kami ni Tylane sa hallway. Akmang tatalikod na ako para magtungo sa banyo nang bigla niyang hawakan nang mahigpit ang braso ko. Ang mga kuko niya ay bumaon sa balat ko. "Ano ba, bitawan mo nga ako!" singhal ko, pilit na binabawi ang braso ko. "Huwag kang masyadong bilib sa sarili mo, Kiarah," madiing bulong niya, nag-uumapaw ang galit sa mga mata niya. "Akala mo ba talaga mahal ka niya? Na-guilty lang 'yan sa'yo. Charity case ka lang, Kiarah! Isang babaeng desperada na kailangan ng kikilan para mabuhay ang anak niyang wala namang kwenta!" Nag-init ang buong katawan ko. Pwede niya akong insultuhin. Pwede niya akong laitin mula ulo hanggang paa. Pero oras na isali niya ang anak ko, ibang usapan na. Hinarap ko siya nang buong tapang. Tinitigan ko siya nang diretso sa mga mata. "Charity case? Kung charity case ako, eh ano ka? Basurera? Namumulot ng atensyon ng taong may asawa na? Mahiya ka nga sa balat mo, Tylane. May asawa na si Lucas, at ako 'yun. Ako ang pinili. Ikaw, kahit araw-araw ka pang magdala ng truffles at steak dito, hanggang labas ka lang ng p***o!" Mas lalong namula si Tylane dahil sa galit. Umigting ang panga niya at halatang hindi niya matanggap na sinasagot ko siya nang ganito. Sanay siyang yumuyuko ang mga tao sa kanya, pero ibahin niya ako. Hindi ako pinalaking duwag, lalo na kapag alam kong nasa tama ako. Saktong lumabas si Sky mula sa opisina ni Lucas, hawak ang laruan niya. "Mommy! Eat na tayo!" masayang tawag ng anak ko. Lumapit siya sa akin at yumakap sa binti ko. Bumaba ang tingin ni Tylane kay Sky, at nakita ko ang purong poot sa mukha niya. Bago ko pa man siya mapigilan, bigla siyang humakbang palapit, yumuko, at hinawakan nang mariin ang maliit na balikat ni Migo. "At itong batang 'to?" nanggigigil na sabi ni Tylane, nakabaon halos ang mga kuko sa damit ng anak ko. "Sino bang ama nito, ha? Bastardo! Wala kang karapatang tumawag ng Daddy kay Lucas dahil hindi ka naman niya tunay na dugo! Basura ka lang din na katulad ng nanay mo!" "Mommy!" umiiyak na boses ni Sky, pilit na lumalayo kay Tylane. Sa puntong 'yun, nawala lahat ng pagpipigil ko. Nagdilim ang paningin ko. Hinawi ko nang ubod ng lakas ang kamay ni Tylane na nakahawak sa anak ko. Sa sobrang lakas ng pagkakahawi ko, napaatras siya. Hinarang ko agad ang katawan ko sa harap ni Sky, ginagawa ang sarili kong kalasag. "Wag na 'wag mong hahawakan ang anak ko!" sigaw ko, nanginginig ang buong katawan ko sa pinaghalong takot at matinding galit. "Kaladkarin mo na ang pangalan ko, murahin mo na ako, laitin mo na ako! Pero subukan mong saktan ang anak ko, sinasabi ko sa'yo, Tylane, makakalimutan kong tao ka! Makakatikim ka talaga sa akin, sinasabi ko sa'yo!" Tiningnan ako ni Tylane, gulat sa naging reaksyon ko, pero imbes na umatras, isang malademonyong ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Tila may nabuo sa utak niya. Tumingin siya sa bandang likuran ko, doon sa nakabukas na p***o ng opisina. Bago ko pa man maintindihan kung anong gagawin niya, bigla siyang umatras nang mabilis, itinukod ang sariling takong, at sadyang ibinalya ang sarili niya patalikod. Lumikha iyon nang malakas na ingay. Tumama ang likod at ulo ni Tylane sa kanto ng isang mabigat na glass table sa waiting area. Nabasag ang isang plorera, at umalingawngaw ang malakas na pagbagsak niya sa sahig. Agad na dumanak ang sariwang dugo mula sa noo niya. "A-Aray ko..." umiiyak na ungol ni Tylane, nakatingin sa akin nang may takot na takot na mga mata, pero ang gilid ng labi niya ay nakangiti. "K-Kiarah... bakit? Bakit mo ako itinulak?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Wala akong ginawa. Wala akong itinulak. "Kiarah?!" Lumingon ako at nakita ko si Lucas na nakatayo sa pintuan, nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa duguang si Tylane, at pagkatapos ay sa akin, na nakatayo sa harap nito, mukhang galit na galit, at animo'y isang kriminal na kakatapos lang manakit. "Lucas... tulungan mo ako..." humihikbing tawag ni Tylane, umaarte na parang mawawalan ng malay. "G-Gusto ko lang namang makapag-closure sa kanya but she hit me." Tumingin sa akin si Lucas, ang mga mata niya ay puno ng pagkalito, gulat, at paniningil. "Anong ginawa mo, Kiarah?" I froze. Hindi ako makapaniwalang ang galing umarte ni Tylane. Nang masulyapan ko ang CCTV camera, unti-unting nawala ang kaba sa dibdib ko.KIARAH'S POV Hindi ko talaga maintindihan kung anong klaseng tibay ng sikmura meron itong si Tylane.Ilang araw na. Ilang araw na siyang parang linta kung makadikit kay Lucas. Umagang-umaga pa lang, bago pa man kami makapag-almusal nang maayos, nakakatanggap na ng text si Lucas mula sa kanya. Kesyo may emergency daw, kesyo kailangan daw ng tulong sa isang kumpanya, o kaya naman, simpleng good morning na may kasamang pa-cute na emoji. Hindi ko sana papansinin.Sabi ko nga sa sarili ko, Kiarah, asawa ka na. Huwag kang praning!Pero iba ang pakiramdam ko. Iba ang tabas ng dila at tingin ng babaeng 'yun tuwing nagkakaharap kami. Gigil na gigil siya na ako ang pinakasalan ni Lucas. Halata naman. Kaya ngayon, ginagawa niya ang lahat para lang sirain ang araw ko, at para makuha ang atensyon ng asawa ko.Alas-diyes pa lang ng umaga, abala na ako sa kusina. Nagluto ako ng beef caldereta, 'yung paborito ni Lucas. Pinaghirapan ko 'to dahil alam kong naging sobrang busy siya sa opisina lately.
KIARAH'S POV "Balita ko, single mom daw 'yung pinakasalan ni Sir Lucas? Naku, panigurado ginayuma lang 'yan. Sa dami ng magaganda at mayayamang babae sa high society, bakit sa isang may anak pa siya bumagsak?"Napapikit ako nang mariin habang nakatayo sa harap ng malaking salamin sa powder room ng isang sikat na exclusive restaurant. Kahit saan yata kami magpunta simula nang lumabas ang balita tungkol sa kasal namin ni Lucas, iyan at iyan na lang ang naririnig ko.Gold digger. Oportunista. Malandi.Naging paboritong usap-usapan ng buong bansa ang pagiging misis ko ng isang bilyonaryo. Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili ko.Wag mong pansinin, Kiarah. Alam mo ang totoo. Contract marriage lang ito. Pero bakit ganito kasakit? Bakit parang may pumipiga sa dibdib ko sa tuwing hinuhusgahan nila ang pagkatao ko at ng anak ko?Paglabas ko ng powder room, nakita ko agad si Lucas. Nakatayo siya sa pasilyo, nakapamulsa, at mukhang kanina pa naghihintay.Nang magtama ang panin
KIARAH'S POV Malamig ang ihip ng aircon sa loob ng pribadong opisina ni Lucas, pero pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako nang malapot. Nakaupo siya sa swivel chair niya, ang mga siko ay nakapatong sa malapad na mahogany desk, at ang mga matatalim niyang mata ay nakatitig nang diretso sa akin. Wala siyang ni isang kurap. Parang binabasa niya ang buong pagkatao ko, binabalatan ang bawat sikretong pilit kong itinatago.Nakayuko lang ako habang pilit pinapakalma ang panginginig ng mga kamay ko na nakapatong sa aking hita. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.“Akala ko ba... asawa mo ang lalaking kasama mo sa hospital at Funfair?” basag ni Lucas sa nakabibinging katahimikan.Ang boses niya ay malalim, baritono, at may halong di-maipaliwanag na emosyon. Hindi iyon galit, kundi isang masidhing pag-usisa na tila ba nakasalalay doon ang buhay niya.Dahan-dahan kong iniangat ang paningin ko. Sinalubong ko ang nagtatanong niyang mga mata.“Oo. Asawa ko lang si Kent.” Lumunok ako, pakiramdam
KIARAH'S POV Four years later...Narito kami ni Kent sa isang pampublikong ospital. May monthly check-up ang anak kong si Sky dahil sa severe allergies nito. Kaibigan ni Kent ang doktor ng anak ko kaya kay laki ng aking pasasalamat. Kahit mahirap ang aming pinagdaanang mag-ina ay naitataguyod ko naman kahit papaano ang mga pangangailangan ni Sky, lalo na ang mga gamot nito."So, babalik na naman siya rito next month?" tanong sa akin ni Kent nang papalabas na kami ng laboratory room.Ngumiti ako at humarap kay Kent."Oo! At maraming salamat sa walang sawa mong pagsama sa aming mag-ina," masaya kong sagot.Tumawa si Kent at ginulo niya ang aking ulo; ganoon na talaga siya simula pa noon. Close kaming magpinsan, naudlot nga lang noong ipinaampon si Kent ng mga magulang nito sa mag-asawang mayaman. Nalungkot ako noon pero masaya na rin kasi naging isa siyang matagumpay na dentista. Hindi ko rin inaasahan na sa lugar kung saan ako napadpad pagkatapos kong umalis ng bahay ay magkikita kami
KIARAH'S POVMaaga akong umuwi ngayon galing sa opisina. Sinabi ko sa aking boss na special day namin ni Rafael ngayon kaya napaaga ako ng uwi. Gusto ko siyang sorpresahin, mabuti na lang pinayagan ako ng istrikto kong boss. Akala ko kanina ay hindi niya ako papayagan dahil ang tagal niyang sumagot, at tiningnan niya pa ako nang matiim. Lagi na lang akong kinakabahan sa tuwing nagtatama ang aming mga mata."Tomorrow, no more excuses." Iyon ang huling sabi niya sa akin.Masaya na rin ako kahit papaano, dahil bibihira talaga itong pumapayag maliban kung talagang emergency. Mabilis lang akong nakarating sa condo ni Rafael, maykaya ang pamilya niya kaya doon ito nakatira. Dalawang taon na rin kaming magkasintahan at labas-masok na ako sa kanyang condo. Kaya alam ko ang password ng condo niya at tig-isa rin kami ng swipe card. Subalit ang pasorpresa ko sa kanya ay nauwi sa hindi inaasahang pangyayari."Ang sarap mo naman... hindi katulad ni Kiarah, madamot!"Iyon ang narinig ko agad pagpas







