Chapter: Chapter 74: Oras NaMagsasalita pa sana si Lucas upang ipagtanggol ang kanyang asawa at patigilin ang walang habas na pag-akusa ng kanyang ama, subalit mariin siyang sinaway ni Don Luke."Manahimik ka, Lucas!" maawtoridad at dumadagundong na sigaw ng Don habang itinuturo ang anak. "Hayaan mo siyang magsalita sa sarili niya, no need to defend her! Kahit isang salita!Hayaan mong ang babaeng 'yan ang magpaliwanag sa harap natin!"Nagbabaga ang mga mata ng Don habang nakatitig kay Kiarah. Ang dalaga ay patuloy na lumuluha habang nakatunghay sa mga larawan at iba pang mga dokumentong nakakalat sa ibabaw ng glass table—mga patunay at ulat ng kanyang naging buhay sa probinsya limang taon na ang nakararaan. Ang mga litratong iyon, na pinalabas ni Tylane bilang katibayan ng pagtataksil, ay naglaman ng mga alaala ng kanyang pinakamadilim at pinakamahirap na mga araw.Mariing pinalapit ni Don Luke ang kanyang mukha, ang boses ay punong-puno ng galit at hinala."Explain yourself, Kiarah!" malamig at matigas na utos
Last Updated: 2026-09-19
Chapter: Chapter 73: Ang Galit Ng DonAng bawat tawag mula sa ancestral home ng mga Mondragon ay may katumbas na matinding bigat, subalit ang tawag na natanggap ni Lucas noong hapon na iyon ay ibang-iba. Ang boses ng sekretarya ng kanyang ama ay pormal, mabilis, at may kasamang kakaibang panginginig—isang tahimik na babala na ang matandang Don ay kasalukuyang nasa gitna ng napakatinding galit.Hindi na nag-aksaya ng panahon ang CEO ng Mondragon Group. Kahit na nakapila ang ilang mahahalagang executive meetings at mga kasunduan sa negosyo para sa hapon na iyon, walang alinlangan niyang ipinag-utos sa kanyang personal assistant na ikansela ang lahat."Sir, paano po 'yung kontrata sa mga foreign investors?" tanong ng kanyang assistant habang mabilis na sumusunod sa mga hakbang ni Lucas patungong elevator."Ipagpaliban mo," malamig at maawtoridad na utos ni Lucas habang inilalagay ang kanyang suit jacket. "May mas importanteng bagay na kailangan kong ayusin sa ancestral home."Mabilis na nagmaneho si Lucas patungo sa kanilang
Last Updated: 2026-09-19
Chapter: Chapter 72: Panlilinlang Ni TylaneBago tuluyang lumipad pabalik ng Maynila mula sa lalawigan, hindi pa rin lubos na tanggap ni Tylane ang naging maanghang na pagtanggi ni Dr. Kent. Sa loob ng kanyang pribadong sasakyan habang nakatigil sa gilid ng highway, muli niyang ipinatawag ang kanyang private investigator. Ang galit sa kanyang mga mata ay pinalitan ng isang malamig at determinadong pagnanais na baluktutun ang katotohanan ayon sa kanyang kagustuhan."Makinig kang mabuti," utos ni Tylane sa investigator habang mariing nakahawak sa telepono. "Huwag mong titigilan ang pagsubaybay sa Kent na 'yan. Magsaliksik ka pa! Maghanap ka ng kahit anong anggulo, dokumento, o saksi na mag-uugnay sa kanila ni Kiarah. Kailangan kong mapatunayan sa mundo na ang doktor na 'yan ang tunay na ama ni Sky at walang alam ang tangang si Lucas sa kalokohang ito!"Inipon ni Tylane ang lahat ng mga kinuha ng kanyang investigator—mga lumang larawan at mga dokumento na nagpapatunay na sa loob ng limang taon sa probinsya ay magkasama at madalas
Last Updated: 2026-09-19
Chapter: Chapter 71: Tylane's StepNapakunot ang noo ni Dr. Kent habang matalim na nakatitig sa babaeng bigla na lamang pumasok sa kanyang silid. Ang bawat salitang binitiwan ng hindi kilalang bisita ay nagdulot ng matinding pagtataka sa kanyang isipan. Sa kabilang banda, napakalapad ng ngiti ni Tylane—isang ngiting punong-puno ng sigurado at arroganteng kumpiyansa. Bago pa man siya yayain ng doktor, kusa nang umupo si Tylane sa tapat na upuan ng mesa, dahan-dahang nagkrus ang kanyang binti, at inayos ang kanyang mamahaling jacket."Diretsuhin na kita, Dr. Borromeo," pormal at may kasamang yabang na panimula ni Tylane habang itinutukod ang kanyang mga siko sa mesa. "Name your price. Maglabas ka ng halagang gusto mo—isang milyon, limang milyon, o higit pa—para lang magsalita ka ng pawang katotohanan. Ang kailangan ko lang ay sagutin mo nang buong tapat at walang pag-aalinlangan ang mga itatanong ko sa 'yo."Mas lalong naguluhan si Kent sa inasal ng dalaga. Hindi siya sanay sa mga taong gumagamit ng pera upang pilitin an
Last Updated: 2026-09-19
Chapter: Chapter 70: NatuklasanIsang napakalakas at punong-puno ng kagalakang halakhak ang umalingawngaw sa loob ng pribadong opisina ni Tylane noong umagang iyon. Ang matinding bigat, galit, at kabiguang naramdaman niya noong mga nakaraang araw matapos siyang sampalin ng katotohanan ng mga salita ni Lucas ay tila mabilis na napawi. Ang kanyang mga mata, na dating balot ng dusa at inggit, ay naglalabas na ngayon ng isang nakatatakot na sigla at tagumpay.Parang nanalo sa pinakamalaking lotto sa buong mundo si Tylane habang hawak ang kanyang telepono sa kabilang linya."Ulitin mo ang lahat ng sinabi mo," mariin, mabilis, at may kasamang pananabik na utos ni Tylane sa kanyang kausap na private investigator."Ma'am Tylane, kumpleto na po ang imbestigasyon ko rito sa probinsya," sagot ng lalaki sa kabilang linya, habang naririnig ang ingay ng hangin sa malayang bayan sa lalawigan. "Nagsaliksik ako sa bayan kung saan nagtago si Kiarah sa nakalipas na limang taon—sa mismong lugar kung saan siya natagpuan ni Mr. Lucas Mon
Last Updated: 2026-09-19
Chapter: Chapter 69: Good Job, Sky!Sa kabila ng matinding pagbabanta ni Lucas at ng nakaraang matapang na pakikipagharap ni Kiarah, hindi pa rin tuluyang sumuko si Rafael Cuevas. Para sa isang lalaking tulad niya na inaalipin ng labis na galit at nasaktang pride, ang bawat balakid ay tila isang hamon lamang na kailangan niyang pagtagumpayan.Nang hapong iyon, muling nagtungo si Rafael sa eksklusibong pribadong paaralan kung saan nag-aaral ang limang taong gulang na batang si Sky. Nakatayo siya sa gilid ng gate, nakatago ang kalahati ng mukha sa ilalim ng sun glass habang hinihintay ang paglabas ng mga mag-aaral mula sa kanilang mga silid-aralan.Nang tumunog ang bell para sa uwian, dahan-dahang lumabas ang grupo ng mga maliliit na bata. Agad na nahanap ng mga mata ni Rafael ang batang si Sky—ang musmos na nagtataglay ng mga katangiang hawig na hawig sa mag-asawang pilit niyang pinapabagsak.Mabilis na humakbang si Rafael patungo sa bata. Isang matamis at maamong ngiti ang ipinukol niya sa mukha, pilit na ibinabalik ang
Last Updated: 2026-09-19
Chapter: Chapter 5Gideon Pov Mabibigat ang mga yabag ko habang tinatahak ang hagdan patungo sa ikalawang palapag. Ang bawat hakbang ko ay parang may dalang galit na matagal nang nakakulong sa dibdib ko. Pagdating ko sa kwarto ni Aurora, nadatnan ko itong nag-aayos ng mga mamahaling bag at sapatos sa maleta niya.Nang maramdaman niya ang presensya ko, lumingon siya sabay irap. "Ano na naman ang kailangan mo, Gideon? Nag-iimpake na ako dahil sa kagaguhan mo—""Lumayas ka sa mansyon na ito," malamig at matigas kong putol sa sinasabi niya. Sapat ang lakas at diing iyon para matigil siya sa ginagawa niya.Natigilan si Aurora. Nanlaki ang mga mata niya bago napatawa nang sarkastiko. "Nagpapatawa ka ba? Ako? Palalayasin mo sa sarili nating bahay? Akin din ang Mansyon na ito, Gideon! Kapatid ng ama mo ang ama ko, at may karapatan ako rito—""Wala ka nang karapatan sa kahit na ano dito magmula sa araw na ito." galit na ang boses ko, hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ng matinding galit sa sistema ko.
Last Updated: 2026-08-24
Chapter: Chapter 4Gideon Pov Malalim ang naging paghinga ko habang nakatitig sa puting papel na nakalapag sa ibabaw ng mahogany kong mesa. Ang lamig ng aircon sa opisina ay parang walang epekto sa init ng pakiramdam ko ngayon. Kanina pa lumilipad ang isip ko habang hinihintay ang tawag mula kay Doktor Navarro.Ilang sandali pa, bumukas ang pinto at iniluwa nito ang matandang doktor. Pero sa halip na ang pamilyar na kalmado nitong mukha ang sumalubong sa akin, ang nakita ko ay ang pamumutla at ang pamamawis ng noo nito. Parang may mabigat na kasalanang pasan-pasan ang bawat hakbang niya papalapit sa akin."Gideon..." mahina nitong tawag habang inilapag ang isang brown envelope sa ibabaw ng mesa. "Nandito na ang resulta."Nanginginig ang mga daliri ko nang kunin ko ang papel sa loob ng envelope. Agad kong hinanap ang bahagi ng konklusyon. Pero nang makita ko ang nakasulat, parang biglang huminto ang pag-ikot ng mundo ko.Negative.Hindi ko anak ang bata. Ayon sa opisyal na dokumentong hawak ko, walang m
Last Updated: 2026-08-24
Chapter: Chapter 3Gideon Pov Mahigpit kong hinawakan ang lumang locket sa aking palad. Ang metal ay nanatiling malamig, pero ang dibdib ko ay parang pinapaso ng apoy sa halo-halong emosyon na patuloy na sumasalanta sa sistema ko. "Doktor Navarro? Pumunta ka rito sa mansyon ngayon na. May ipapasuri ako," utos ko sa family doctor namin nang tawagan ko siya. Habang pilit kong pinatatag ang panginginig ng boses ko. "Gusto kong madaliin ito. Kailangan ko ang resulta sa lalong madaling panahon." Hindi na ako naghintay pa ng mahabang sagot mula sa aming pamilyang doktor at agad kong pinatay ang tawag. Wala akong sinayang na kahit isang segundo. Ang pag-aalinlangan na kanina ay bumabagabag sa akin ay napalitan ng pagnanais na malaman ang buong katotohanan. Kailangan kong makasigurado. Kung totoo ngang kadugo ko ang batang nasa harapan ko, kailangan ko ring malaman kung paano nangyaring may buhay pang natitira sa gitna ng trahedyang akala ko ay tumupok sa lahat ng meron ako. "Gideon, nababaliw ka na ba
Last Updated: 2026-08-24
Chapter: Chapter 2Gideon Pov Naka-awang pa rin ang bibig ko habang nakaluhod sa malamig na semento. Ang mga salita sa likod ng lukot na papel ay paulit-ulit na umiikot sa utak ko, parang sirang plaka na ayaw tumigil. "Papa... babayaran mo ba ang utang mo sa amin, o itataboy mo rin ako tulad ng ginawa mo noon?’ Napatingin ako nang diretso kay Gab. Kanina, ang nakita ko lang ay isang makulit na batang humarang sa sasakyan ko. Pero ngayong mas tinitigan ko siyang mabuti, parang sinampal ako ng katotohanan. Ang hugis ng mga mata niya, ang bilugang pisngi, at maging ang paraan ng pagkunot ng noo kapag naiinis, si Kimberly. Buhay na buhay na imahe ng pinakamamahal ko ang nakatayo sa harap ko. Paano ko ba nakaligtaan ang pamilyaridad na iyon sa unang tingin ko pa lang? Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong sistema ko. "Gab..." nanginginig kong tawag sa pangalan niya. "Bakit? Hindi ka pa rin ba naniniwala?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay. Mismo ang ekspresyong iyon ay kay Kimb
Last Updated: 2026-08-24
Chapter: Chapter 1Gideon PovPaulit-ulit akong binabangungot. Parang sirang plaka na bumabalik ang gabing iyon—ang gabing kinuha sa akin ang kalahati ng aking kaluluwa.Limang taon na ang lumipas, pero ang linaw-linaw pa rin. Ang tunog ng pagtilapon ng sasakyan, ang basag na salamin, at ang huling sigaw ni Kimberly na hanggang ngayon ay nag-iiwan ng sugat sa dibdib ko. Sa gitna ng dilim at lamig ng kwarto, napabalikwas ako ng bangon. Habol ko ang hininga, basang-basa ng pawis ang likod, at ang mga mata ko ay mainit dahil sa luha na kanina ko pa pinipigilan.Nanginginig ang mga kamay ko nang lumingon ako sa pader. Doon nakasabit ang malaking litrato ni Kimberly. Nakangiti siya rito, ang mga matang puno ng buhay na parang sinasabing.. Kaya mo ‘yan, Gideon.Pero hindi ko kaya. Lalo ko lang na-realize kung gaano ko siya kamahal noong huli na ang lahat. Noong wala na siya sa tabi ko."Kimberly..." boses ko na basag at halos pabulong na pumuno sa tahimik na silid. Paulit-ulit ko itong binigkas habang hinah
Last Updated: 2026-08-24