LOGINKIARAH'S POV
"Balita ko, single mom daw 'yung pinakasalan ni Sir Lucas? Naku, panigurado ginayuma lang 'yan. Sa dami ng magaganda at mayayamang babae sa high society, bakit sa isang may anak pa siya bumagsak?" Napapikit ako nang mariin habang nakatayo sa harap ng malaking salamin sa powder room ng isang sikat na exclusive restaurant. Kahit saan yata kami magpunta simula nang lumabas ang balita tungkol sa kasal namin ni Lucas, iyan at iyan na lang ang naririnig ko. Gold digger. Oportunista. Malandi. Naging paboritong usap-usapan ng buong bansa ang pagiging misis ko ng isang bilyonaryo. Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili ko. Wag mong pansinin, Kiarah. Alam mo ang totoo. Contract marriage lang ito. Pero bakit ganito kasakit? Bakit parang may pumipiga sa dibdib ko sa tuwing hinuhusgahan nila ang pagkatao ko at ng anak ko? Paglabas ko ng powder room, nakita ko agad si Lucas. Nakatayo siya sa pasilyo, nakapamulsa, at mukhang kanina pa naghihintay. Nang magtama ang paningin namin, agad na nag-iba ang aura niya. Ang kaninang seryoso at malamig na ekspresyon ay napalitan ng pamilyar na lambot. Lumapit siya sa akin at walang pag-aalinlangang hinawakan ang kamay ko. Mahigpit. Mainit. Parang sinasabi niyang nandito lang siya. "Did someone say something to you?" Malalim ang boses niya, nakakunot ang noo habang pinasadahan ng tingin ang mukha ko. Tila nabasa niya ang lungkot sa mga mata ko. Umiling ako at ngumiti nang tipid. "Wala. Let's go home? Hinihintay na tayo ng anak ko." Nang marinig niya ang salitang anak, mas lalong lumambot ang mga mata niya. "I bought him something earlier. I hope he likes it." At hindi nga siya nagbiro. Nang makauwi kami sa mansyon, halos lumuwa ang mata ko sa dami ng paper bags at malalaking kahon na ipinasok ng mga tauhan niya sa sala. May mga mamahaling laruan, limited edition na rubber shoes, at mga damit na alam kong hindi ko mabibili kahit isang buong taon pa akong magtrabaho. "Daddy Lucas!" tumatakbong salubong ng anak ko kay Lucas. Halos matunaw ang puso ko nang makita kong lumuhod ang asawa ko; ang bilyonaryong si Lucas, na kinatatakutan sa business world—upang pantayan ang anak ko at buong-giliw itong yakapin. Pinunasan pa niya ang pawis ng bata bago inabot ang pinakamalaking kahon. "Do you like it, buddy?" nakangiting tanong ni Lucas. "Wow! Robot! Thank you, Daddy! You're the best!" Pinanood ko silang dalawa. Wala sa kontrata namin na kailangan niyang mahalin ang anak ko. Ang usapan lang, magiging asawa niya ako sa papel para matakasan niya ang panggigipit ng pamilya niya, habang ako naman ay mababayaran para mabuhay kami nang maayos ng anak ko. Pero iba ang pinapakita niya. Nararamdaman kong bukal sa puso niya ang bawat ngiti, bawat yakap, at bawat regalong ibinibigay niya sa bata. Hindi lang siya nagpapanggap. Kinabukasan, isang mas malaking gulat ang inihanda niya. Dinalaw namin ang mga magulang ko sa dati naming inuupahang maliit na apartment. Oo, nagkabalikan sina Papa at Mama pagkatapos nilang malaman ang ginawa nina Rafael at Cindy sa akin. Habang nagkakape kami sa masikip naming sala, kaswal na naglabas ng isang brown envelope si Lucas at inilapag ito sa maliit naming mesa. "Ano 'to, iho?" nagtatakang tanong ng Papa ko. "Title of a new house and lot in a secure subdivision, Pa. And the documents for a restaurant franchise," seryosong sagot ni Lucas. "Gusto ko pong lumipat na kayo doon bukas. Ayoko nang nahihirapan kayo dito, lalo na't pamilya ko na rin kayo." Nanlaki ang mga mata ko. Nanlalamig ang mga kamay ko nang mabilis kong hinila si Lucas papunta sa labas ng bahay, sa may makipot na eskinita kung saan walang makakarinig sa amin. "Lucas, ano bang ginagawa mo?! Sobra na 'to!" bulong ko, pilit pinipigilan ang panginginig ng boses ko. "Okay na 'yung binabayaran mo ang medication ng anak ko, pero bahay? Negosyo? Wala na 'to sa usapan natin! Ayokong isipin nila na ginagatasan kita, na totoo ang mga sinasabi ng tao tungkol sa akin!" Bumuntong-hininga si Lucas. Imbes na magalit, humakbang siya palapit sa akin hanggang sa wala na akong maatrasan. Ikinulong niya ako sa pagitan ng mga braso niya, nakasandal ang likod ko sa pader. Ang bango ng pabango niyang humalo sa init ng katawan niya ay nakakapanlambot ng tuhod. "Kiarah, look at me," malambing ngunit pautos na sabi niya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinilit akong salubungin ang mga mata niya. "I don't give a damn about what other people think. Kusa ko 'tong binibigay dahil gusto ko. Dahil asawa kita, at pamilya mo sila. Gusto kong panatag ka. Gusto kong masaya ka. Is it so wrong for a husband to provide for his wife's family?" "P-Pero... contract marriage lang tayo..." Nanginginig ang boses ko. Dumilim ang mga mata niya. Hinaplos ng hinlalaki niya ang ibabang labi ko, isang simpleng galaw na nagpatigil sa pagtibok ng puso ko. "Then maybe... I'm starting to hate that contract, wife." Wala akong nasabi. Naiwan akong tulala habang pinagmamasdan siyang bumalik sa loob ng bahay. Doon ko naramdaman ang mabilis na paghigop ng isang emosyong matagal ko nang iniiwasan. Mahal ko na siya. Shit. Ang bilis, ang hirap pigilan, pero totoo. Mahal ko na ang asawa ko sa papel. Nakita ko kung gaano siya kabuting tao, kung paano niya protektahan at mahalin ang anak ko nang walang halong pag-aalinlangan. Pero nahihiya akong sabihin. Natatakot ako na baka na-misinterpret ko lang ang kabutihan niya. Baka sa huli, obligasyon lang talaga ako. Kaya imbes na magtapat, ginawa ko ang lahat para iparamdam sa kanya kung gaano siya kahalaga sa akin. Sa mga sumunod na araw, ako na mismo ang nag-aasikaso sa kanya. Gumigising ako nang madaling araw para ipagluto siya ng paborito niyang breakfast. Pinaplantsa ko ang mga isusuot niyang suit. Bago siya umalis papuntang opisina, inaayos ko ang necktie niya, at bawat dampi ng mga daliri ko sa balat niya ay may kasamang lihim na pag-asa na sana, nararamdaman niya ang puso ko. Pag-uwi niya nang pagod, sasalubungin ko siya ng mainit na yakap at minamasahe ko ang mga balikat niya. Hindi man ako makapagsalita, sinisigaw naman ng bawat galaw ko na mahal ko siya. At sa tuwing titingin siya sa akin—'yung tingin na puno ng init at lagablab na parang gusto niya akong angkinin nang buong-buo. Umaasa akong pareho kami ng nararamdaman. Naging masaya kami. Naging payapa at perpekto ang maliit na pamilya namin. Hanggang sa dumating ang gabing ito. Nasa loob ng banyo si Lucas at naliligo, habang ako ay nag-aayos ng higaan namin. Biglang umilaw ang cellphone ko na nasa ibabaw ng side table. Isang notification mula sa isang unknown number. Kumunot ang noo ko. Kinuha ko ang cellphone at binuksan ang mensahe. Isang litrato. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ko. Pagkatapos ay may nagpadala ng isang huling text message ang unknown number. Enjoy your borrowed time, Kiarah. The game is just starting. Napasinghap ako, sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa mga mata ko dahil sa matinding kaba at takot. Hindi. Hindi ko hahayaang sirain nila ang pamilya ko. Pero paano? Bago pa ako makapag-isip, biglang bumukas ang p***o ng banyo at lumabas si Lucas na nakatapis lang ng tuwalya, tumutulo pa ang tubig mula sa basa niyang buhok. Nakita niya agad ang pamumutla ko. "Wife? What's wrong?" nag-aalalang tanong niya, mabilis na lumapit at hinawakan niya ang aking mga kamay. Napaigtad ako, napatitig ako sa mukha ni Lucas. I feel safe beside him, including my son, pero tama bang maglihim pa rin ako sa kanya habang-buhay?KIARAH'S POV Hindi ko talaga maintindihan kung anong klaseng tibay ng sikmura meron itong si Tylane.Ilang araw na. Ilang araw na siyang parang linta kung makadikit kay Lucas. Umagang-umaga pa lang, bago pa man kami makapag-almusal nang maayos, nakakatanggap na ng text si Lucas mula sa kanya. Kesyo may emergency daw, kesyo kailangan daw ng tulong sa isang kumpanya, o kaya naman, simpleng good morning na may kasamang pa-cute na emoji. Hindi ko sana papansinin.Sabi ko nga sa sarili ko, Kiarah, asawa ka na. Huwag kang praning!Pero iba ang pakiramdam ko. Iba ang tabas ng dila at tingin ng babaeng 'yun tuwing nagkakaharap kami. Gigil na gigil siya na ako ang pinakasalan ni Lucas. Halata naman. Kaya ngayon, ginagawa niya ang lahat para lang sirain ang araw ko, at para makuha ang atensyon ng asawa ko.Alas-diyes pa lang ng umaga, abala na ako sa kusina. Nagluto ako ng beef caldereta, 'yung paborito ni Lucas. Pinaghirapan ko 'to dahil alam kong naging sobrang busy siya sa opisina lately.
KIARAH'S POV "Balita ko, single mom daw 'yung pinakasalan ni Sir Lucas? Naku, panigurado ginayuma lang 'yan. Sa dami ng magaganda at mayayamang babae sa high society, bakit sa isang may anak pa siya bumagsak?"Napapikit ako nang mariin habang nakatayo sa harap ng malaking salamin sa powder room ng isang sikat na exclusive restaurant. Kahit saan yata kami magpunta simula nang lumabas ang balita tungkol sa kasal namin ni Lucas, iyan at iyan na lang ang naririnig ko.Gold digger. Oportunista. Malandi.Naging paboritong usap-usapan ng buong bansa ang pagiging misis ko ng isang bilyonaryo. Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili ko.Wag mong pansinin, Kiarah. Alam mo ang totoo. Contract marriage lang ito. Pero bakit ganito kasakit? Bakit parang may pumipiga sa dibdib ko sa tuwing hinuhusgahan nila ang pagkatao ko at ng anak ko?Paglabas ko ng powder room, nakita ko agad si Lucas. Nakatayo siya sa pasilyo, nakapamulsa, at mukhang kanina pa naghihintay.Nang magtama ang panin
KIARAH'S POV Malamig ang ihip ng aircon sa loob ng pribadong opisina ni Lucas, pero pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako nang malapot. Nakaupo siya sa swivel chair niya, ang mga siko ay nakapatong sa malapad na mahogany desk, at ang mga matatalim niyang mata ay nakatitig nang diretso sa akin. Wala siyang ni isang kurap. Parang binabasa niya ang buong pagkatao ko, binabalatan ang bawat sikretong pilit kong itinatago.Nakayuko lang ako habang pilit pinapakalma ang panginginig ng mga kamay ko na nakapatong sa aking hita. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.“Akala ko ba... asawa mo ang lalaking kasama mo sa hospital at Funfair?” basag ni Lucas sa nakabibinging katahimikan.Ang boses niya ay malalim, baritono, at may halong di-maipaliwanag na emosyon. Hindi iyon galit, kundi isang masidhing pag-usisa na tila ba nakasalalay doon ang buhay niya.Dahan-dahan kong iniangat ang paningin ko. Sinalubong ko ang nagtatanong niyang mga mata.“Oo. Asawa ko lang si Kent.” Lumunok ako, pakiramdam
KIARAH'S POV Four years later...Narito kami ni Kent sa isang pampublikong ospital. May monthly check-up ang anak kong si Sky dahil sa severe allergies nito. Kaibigan ni Kent ang doktor ng anak ko kaya kay laki ng aking pasasalamat. Kahit mahirap ang aming pinagdaanang mag-ina ay naitataguyod ko naman kahit papaano ang mga pangangailangan ni Sky, lalo na ang mga gamot nito."So, babalik na naman siya rito next month?" tanong sa akin ni Kent nang papalabas na kami ng laboratory room.Ngumiti ako at humarap kay Kent."Oo! At maraming salamat sa walang sawa mong pagsama sa aming mag-ina," masaya kong sagot.Tumawa si Kent at ginulo niya ang aking ulo; ganoon na talaga siya simula pa noon. Close kaming magpinsan, naudlot nga lang noong ipinaampon si Kent ng mga magulang nito sa mag-asawang mayaman. Nalungkot ako noon pero masaya na rin kasi naging isa siyang matagumpay na dentista. Hindi ko rin inaasahan na sa lugar kung saan ako napadpad pagkatapos kong umalis ng bahay ay magkikita kami
KIARAH'S POVMaaga akong umuwi ngayon galing sa opisina. Sinabi ko sa aking boss na special day namin ni Rafael ngayon kaya napaaga ako ng uwi. Gusto ko siyang sorpresahin, mabuti na lang pinayagan ako ng istrikto kong boss. Akala ko kanina ay hindi niya ako papayagan dahil ang tagal niyang sumagot, at tiningnan niya pa ako nang matiim. Lagi na lang akong kinakabahan sa tuwing nagtatama ang aming mga mata."Tomorrow, no more excuses." Iyon ang huling sabi niya sa akin.Masaya na rin ako kahit papaano, dahil bibihira talaga itong pumapayag maliban kung talagang emergency. Mabilis lang akong nakarating sa condo ni Rafael, maykaya ang pamilya niya kaya doon ito nakatira. Dalawang taon na rin kaming magkasintahan at labas-masok na ako sa kanyang condo. Kaya alam ko ang password ng condo niya at tig-isa rin kami ng swipe card. Subalit ang pasorpresa ko sa kanya ay nauwi sa hindi inaasahang pangyayari."Ang sarap mo naman... hindi katulad ni Kiarah, madamot!"Iyon ang narinig ko agad pagpas







