Share

CHAPTER IV: MIRACLE

“Mahal ko, hinawakan ni Haya ang mga kamay ni Gaius. Salamat sa Diyos at nagkamalay kana sobra kaming nag-alala sayo,” pahayag ni Haya.

“Haya, mahal ko,” tugon ni Gaius sa mahinang boses.

Ayon kay Dr. Flores ay isang himala na naka recover si Gaius, mula nang magkamalay s’ya ay unti-unting gumaganda ang kulay ng kanyang katawan na senyales na nagiging mabuti na ang kanyang kalagayan.

Habang inaasikaso ang mga kailangan nilang papeles upang makaalis ng bansa para sa pagpapagamot ni Gaius ay nanatili pa rin sila sa ospital para sa pagmonitor ng kanyang kalagayan.

Nagkaroon din ng pagkakataon na umuwi sandail si Haya para makapagpahinga, habang sina Donya Ysabel ang pumapalit sa kanya.

“Anak, Gaius sobrang saya ko na naging mabuti na ang kalagayan mo ngaun anak, naikwento na rin ni Galen sa amin ng papa mo ang tungkol sa pagpapa check-up mo ng hindi pagpapaalam sa amin,” pahayag ni Donya Ysabel.

“Sorry po mom, ayoko na mag-alala kayo ni daddy,” pahayag ni Gaius sa kanya.

“Nasaan si Haya at si Galen mom?” dugtong na pahayag ni Gaius.

“Si Haya pinauwi ko muna para makapagpahinga mula nung nawalan ka ng malay hindi na s’ya umalis sa tabi mo, si Galen naman nasa office ngaun may inaasikaso at ang daddy mo papunta na s’ya maya-maya.”

“Mom, makakarecover pa po ba ako?” tanong ni Gaius sa ina.

“Ou naman anak,” saad ni Donya Ysabel sa anak.

Umaliwalas ang mukha ni Gaius sa pahayag ni Donya Ysabel, “maraming salamat mom palagi kang nasa tabi ko.”

“Syempre anak kita, at mahal na mahal kita, mahal ko kayo ng kambal mo, kaya ‘wag ka na mag-alala magpalakas ka,” ani Donya Ysabel.

Natigil naman ang kanilang pag-uusap nang dumating si Don Samuel na tila masayang masaya dahil sa magandang balita na dala.

“Wow, sakto pala ang pagdating ko gising ka anak,” tuwang pahayag ni Don Samuel.

“Bakit? Anu ba yun?” pang-uusisa ni Donya Ysabel.

“Naayos na ang mga papeles para sa pag punta natin sa ibang bansa para sa pagpapagamot mo,” balita ni Don Samuel.

“Good news nga ‘yan mahal ko,” saad naman ni Donya Ysabel.

“Maraming salamat dad,” ani ni Gaius.

“Wala yun anak, ang mahalaga sa amin ngaun gumaling ka. Kaya bilisan mo ang pagpapagaling mo ha! Excited kami ng mommy mo na makita ang apo namin sa inyo ni Haya,” saad ni Don Samuel na nagbibiro.

“Yes totoo ang sinabi ng dad mo kaya pagaling ka anak ha,” masayang pahayag ni Donya Ysabel.

“Thank you po mom and dad, napakasuwerte ko na kayo ang naging magulang ko. Sorry po kung may mga bagay ako na hindi na sinasabi sa inyo, sana mapatawad n’yo po ako,” naluluhang pahayag ni Gaius.

“Anak, ok lang sa amin ng mommy mo. Normal yun na magkaroon ka ng sarili mong desisyon lalo ngaun na magsisimula kana bumuo ng sarili mong pamilya,” pahayag ni Don Samuel.

Hindi nagtagal ay dumating naman si Haya na kasama si Sister Bea.

“Haya,” umaliwalas ang mukha ni Gaius nang makita niya sila ni Sister Bea.”

“Magandang araw po,” bati ni Sister Bea.

“Sister, Haya maupo kayo,” paanyaya ni Donya Ysabel sa kanila.

“Naku, Donya Ysabel maraming salamat, pero hindi po ako magtatagal may pupuntahan pa po ako, inihatid ko lang dito si Haya.

Kumusta kana Gaius?” Patuloy na pahayag ni sister Bea.

“Mas mabuti na po ngaun sister, nandito na ang mahal ko,” malambing na pahayag ni Gaius.

“Masaya akong marinig ‘yan, paano mauuna na po ako sa inyo Don Samuel, Donya Ysabel, Haya tawagan mo na lang ako kapag kailangan mo ako ha,” pahayag ni Sister Bea.

“Ah, eh mas mabuting sumabay na kami sayo sister para naman makapag-usap sila,” mapanuksong pahayag ni Don Samuel.

Nang makaalis sina Don Samuel, Donya Ysabel at Sister Bea sa silid ni Gauis ay niyakap ng mahigpit ni Haya si Gaius.

“Mahal ko, magpalakas ka ha,” ani Haya.

“Maraming salamat mahal ko hindi mo ako iniwan,” saad ni Gaius.

“Hindi kita iiwan, sasamahan kita sa laban na kinakaharap mo ngaun. Wala ako ibang gusto kundi ang paggaling mo.”

“Paano kung hindi na ako gumaling?” tanong Gaius sa seryosong tinig.

“Gagaling ka, hindi pwedeng hindi, dahil hindi ko kakayanin na mawala ka pa sa akin,” naiiyak na pahayag ni Haya.

“Huwag kana umiyak, tinitignan ko lang naman kung malulungkot ka,” saad ni Gaius na tila ng iinis.

“Hindi naman kasi maganda yun tanong mo, kahit hindi kita nakikita nararamdaman ko yun nararamdaman mo.”

Pinipilit ni Gaius na huwag tumulo ang kanyang mga luha habang tinititigan niya si Haya, sa kabila ng puro liwanag ang nakikita ng kanyang mga mata ay hindi iyon naging kabawasan para lumutang ang natural niyang ganda.

“Haya mahal ko, pwede ba akong humiling?”

“Ou naman, anu yun mahal ko?”

“Gusto ko sana na makasama ka, sulitin yung bawat oras habang. . .habang wala tayong mga anak,” pahayag na paglalambing ni Gaius.

Natawa si Haya sa kahilingin sa kanya ni Gaius, “ou naman mahal ko,” saka siya umayos ng pagkakaupo sa gilid ng kama ni Gaius.

“Pwede mo ba akong kantahan mahal ko?” tanong ni Gaius kay Haya.

“Sige anu bang gusto mo na kantahin ko para sayo?”

“Yung team song nating dalawa,” hiling ni Gaius sa kanya.

Inawit ni Haya ang FOREVER by Regine Velasquez, habang kumakanta siya ay taimtim na nakikinig si Gaius. ‘Di nagtagal ay nakatulog si Gaius habang kinakantahan siya ni Haya.

Nang makatulog si Gaius ay kinumutan siya Haya at naupo siya sa sofa na nasa gilid ng kama ni Gaius. Ipinikit niya ang kanyang mga mata dahil nakaramdam siya ng antok.

Matagal siyang nakatulog, pagkagising niya ay nandun na si Galen sa loob ng silid na hindi niya namalayan na dumating.

“Gising kana pala Haya,” bungad ni Galen sa kanya.

“Pasensya kana nakatulog ako, kanina ka pa ba?”

“Ok lang, halos kararating ko lang din,” tugon ni Galen.

“Anung oras na ba? parang ang tagal kong nakatulog.”

“4am.”

“Napasarap ang tulog ko, hindi ko na rin namalayan ang pag-ikot ng nurse,” malungkot na pahayag ni Haya.

“Ok lang yan, saka may naka-assign naman na magbantay kay Gaius.”

“Kumusta si Gaius?” patuloy na pahayag ni Galen.

“Ok naman na siya, kanina humiling na kantahan ko hanggang sa makatulog siya.”

“Mabuti naman para maisagawa na rin ang operasyon sa kanya.”

Nang umaga rin na iyon ay muling dumating din sa ospital sina Donya Ysabel at Don Samuel. Tuwang –tuwa ang pamilya Sebastian na pinakinggan ang kanilang dasal, maging si Haya ay labis ang kanyang pasasalamat.

Ngunit nang umaga rin na iyon ay tila kakaiba ang awra ni Gaius, tila bumalik sa pamumutla ang kulay ng kanyang balat at maging ang kanyang boses ay minamalat na rin na napansin ni Galen.

Hiniling Gaius na makausap niya ang kanyang kakambal, kaya naman nagbigay ng distansya sina Haya, Donya Ysabel at Don Samuel.

Inilapit ni Galen sa kanyang kakambal ang kanyang tenga para marinig niya ang sasabihin ni Gaius.

“Anu bang sasabihin mo bro.? ang confidential naman pinalayo mo pa sila,” saad ni Galen.

“Bro, Galen maraming salamat sa lahat ng tulong at malasakit mo sa akin,” ani Gaius sa mahinang pahayag.

“Anu bang sinasabi mo, normal naman magtulungan tayong dalawa,” ani Galen.

“Nararamdaman ko na hindi ko na kakayanin ang operasyon, nahihirapan na ako, ikaw na ang bahala kay mom and dad, huwag mong hahayaan na mawala ang pinaghirapan nila,” pahina nang pahina ang tinig ni Gaius.

“Please huwag kang magsalita ng ganyan,” saad ni Galen na pinipilit pigilan ang emosyon niya.

“Makinig ka, ipangako mo sa akin na gagawin mo yun plano ko para kay Haya, ‘wag mong sasabihin sa kanya…. mangako ka,” sa hirap na tinig ni Gaius.

“Pangako,” nangako si Galen kahit na mahirap para sa kanya na gawin ang pinapagawa ng kakambal niya.

“Ipangako mo na aalagaan mo si Haya,” patuloy ni Gaius.

Hindi na napigil ni Galen ang pagtulo ng kanyang luha, napansin iyon nila Don Samuel at Donya Ysabel kaya lumapit sila sa kama ni Gaius.

Hiniling ni Gaius na palapitin si Haya sa tabi niya, at nagmamadali naman na lumabas si don Samuel para tumawag ng doctor nang makita na namumutla na ang mukha ni Gaius.

“Mahal ko! salamat sa pagkakataon na maranasan ko ang maikasal sa babaeng pinakamamahal ko, mahal na mahal kita babaunin ko ang alaala nating dalawa. Malaya ka na mahal ko, si Galen na ang bahala,” pahayag ni Gaius na unti unting humihina ang kanyang tinig.

“Hindi! lumaban ka please,” Patuloy na pag-iyak ni Haya.

Hanggang sa dumating ang doctor para e-revive si Gaius ilang beses nilang sinubukan ngunit hindi na nila nahabol.

“Sorry mam, hindi na po namin na revive si Gaius,” malungkot na balita ni Dr. Flores nang lapitan niya ang pamilya n Gaius.

Nang mga sandaling iyon ay tila bangungot ang nangyari sa pamilya Sebastian lalo na kay Haya. Ang akala nila na nagre-recover na si Gaius ay bigla na lamang siyang bumitaw.

Halos gumuho ang mundo ni Haya, nang mga sandaling iyon ay hindi pa rin niya lubos na maisip na wala ng buhay ang pinakamamahal niya. Nilapitan niya ang katawan ni Gaius na wala ng buhay.

Samantala sina Donya Ysabel, Don Samuel ay nanatiling nakatulala sa narinig mula kay dr. Flores.  

“Dr. Flores kailangan mong ihanda ang plan B ni Gaius,” pahayag ni Galen na pilit na tinatatagan ang kanyang tinig.

“Anung plan B?” pahayag na sabay nina Donya Ysabel at Don Samuel na tila nahimasmasan nang marinig nila si Galen.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status