Share

CHAPTER V: PLAN B

“Galen anung plan B ang sinasabi mo?” muling ulit na tanong ni Don Samuel.

“Kung sakaling may mangyaring hindi maganda kay Gaius, idodonate niya ang cornea niya kay Haya,” pagpapatuloy ni Galen.

“Paanong mangyayari iyon?” naguguluhang tanong ni Don Samuel.

Sa puntong iyon ay si Dr. Flores ang nagpaliwanag sa kanila, “three months ago pina-check-up niya ang mga mata ni Haya at naging maganda ang resulta sa pagsusuri na maaari siyang sumailalim sa corneal transplant.”

“Ibig sabihin may ideya si Haya sa plan B ni Gauis?” paglilinaw na tanong ni Don Samuel.

“Wala po Dad, walang alam si Haya sa lahat ng plano ni Gaius, at ayaw niyang ipaalam kahit ang tungkol sa sakit niya,” paglilinaw ni Galen.

“Pero paano kung hindi ako pumayag?” pahayag ni Donya Ysabel.

“Maaari naman po iyon Donya Ysabel kaya lang po may kasulatan si Gaius na iniwan na patunay sa kanyang habilin, pero kung sakali na hindi po kayo pumayag kayo pa rin po ang masusunod,” saad ni Dr. Flores.

“Mommy kilala natin si Gaius alam naman natin na kapag nagdesisyon at nagplano siya kailangan natutupad,” pahayag ni Galen.

Nagkatinginan sina Don Samuel at Donya Ysabel at tuluyan ng napahagulgol si Donya Ysabel lumapit sila kay Gaius habang si Haya ay wala pa rin humpay sa kakaiyak habang yakap-yakap ang labi’ ni Gaius.

“Anak, bakit hindi ka lumaban?” tanong ni Donya Ysabel saka niya niyakap ang labi’ ni Gaius.

“Ysabel tahan na,” pang-aalo ni Don Samuel na pilit tinatatagan ang kanyang loob.

“Haya anak, Ysabel pakawalan na natin si Gaius para hindi na siya mahirapan,” patuloy na pahayag ni Don Samuel.

Ilang sandali pa ang lumipas nang humupa ang taas ng emosyon na nararamdaman nila. Habang abala naman si Galen sa pag-aasikaso sa kanilang mga kailangan at nang sandali rin na iyon ay dumating sina Sister Bea at Sister Lucy.

“Mom, mas makabubuti kung umuwi na kayo ni Dad ako na ang mag-aasikaso ng iba pang kailangan, Haya sumabay kana rin sa kanila,” saad ni Galen.

Hindi tumugon si Haya sa sinabi ni Galen, nanatili siyang walang imik na tila wala sa kanyang sarili.

“Kami na muna ang bahala sa kanya Galen,” pahayag ni Sister Lucy.

“Maraming salamat Sister, sumabay na po kayo kila Daddy sa bahay na po muna kayo habang inaayos ko ang service ni Gaius,” pahayag ni Galen.

“Ayokong umuwi, tutulong ako sa pag-aayos ng service ni Gaius,” pahayag ni Haya.

“Pero mas makabubuti kung sumabay kana kila Mommy,” saad ni Galen.

“Bakit magiging pabigat ba ako sayo kung sasama ko? Dahil ba bulag ako limitado ang pwede kong gawin?” tanong ni Haya na nakikiusap.

“Hindi yun ang ibig kong sabihin Haya, ako na ang bahala sa lahat at tingin ko na iyon din ang gusto ni Gaius.” paliwanag ni Galen.

“Tama si Galen. Tulungan mo na lang ako sa paghahanap ng maisusuot ni Gaius, ok lang ba sayo?” saad ni Donya Ysabel.

Sumang-ayon naman si Haya kay Donya Ysabel. Kaya naman naiwan si Galen sa hospital na kung saan ay abala siya sa pag-aasikaso sa mga kailangan ng kanyang kapatid.

Sa tulong ni Dr. Flores ay naihanda ang mga kailangan para sa corneal transplant na gagawin, ang kapatid niyang si Dr. Mila na isang opthalmologist ang mag-oopera kay Haya. Si Nurse Lyza naman ang inatasan ni Dr. Flores na tumawag kay Haya para ipaalam na mayroon ng donor para sa operasyon sa kanyang mata.

Maingat nilang isinagawa ang plano ni Gaius kung paano nila sasabihin kay Haya ang tungkol sa operasyon na hindi niya malaman kung sino ang magiging donor.

Habang nasa biyahe sila Haya patungo sa bahay ng mga Sebatian ay binasag ng sunud-sunod na tunog ng cellphone ang katahimikan na namamagitan sa kanila at mula iyon sa loob ng bag ni Haya.

“Haya may tumatawag sayo,” saad ni Sister Bea.

“Baka importante ang tawag na iyan, sagutin mo na Haya” saad ni Don Samuel.

Sumunod naman si Haya sa sinabi ni Don Samuel.

“Hello, have a great day this is Nurse Lyza Somera from Eye Care Vision Center. May I want to speak Ma’am Hiraya Del Rosario?” pahayag ng nasa kabilang linya.

“Yes ma’am, speaking,” saad ni Haya sa mahinang tinig. 

“I have a good news: you have a donor for your corneal transplant ma’am,” masayang tinig ni Nurse Lyza mula sa kabilang linya.

“Ah sorry hindi ako pwede ngaun ibigay mo na lang sa iba yan, pasensya na salamat,” maikling pahayag ni Haya at hindi na niya hinintay ang sasabihin pa ng nasa kabilang linya.

“Sino yun?” pag-uusisa ni Sister Lucy.

“From Eye Care Vision Center po Sister may donor na daw po pero tinanggihan ko po,” walang emosyon na pahayag ni Haya.

Nagkatinginan sina Donya Ysabel at Don Samuel at lihim na naiyak si Donya Ysabel nakatitiyak siyang si Gaius ang donor na iyon.

“Haya anak, bakit hindi mo pa e-grab yung chance na ma operahan ka? Sayang naman ang pagkakataon baka matagalan ka ulit maghintay ng donor kung palalagpasin mo pa,” pormal na pahayag ni Don Samuel.

“Hindi ko po kaya, kahit sa huling sandali gusto ko na maihatid si Gaius,” garalgal ang tinig ni Haya habang nagpapaliwanag.

“Mas matutuwa si Gaius kung makakakita ka at kung tatanggapin mo yun donor,” muling pahayag ni Don Samuel.

“Wala na pong saysay na makakita ako kung wala na rin si Gaius ok na po sa akin ang ganitong sitwasyon,” saad ni Haya.

“Be practical Haya, wala na si Gaius kaya mas mabuti kung makakakita ka para makagalaw ka ng normal at tingin ko iyon din ang gusto ni Gaius,” seryosong saad ni Donya Ysabel.

Hindi na sumagot si Haya, mas pinili niyang manahimik na lamang. Kasabay ng pananahimik ni Haya ang pagtunog ng cellphone ni Mang Canor. Narinig nilang lahat kung sino ang nasa kabilang linya dahil naka-loudspeaker.

“Hello!” boses iyon ni Galen.

“Hello Sir Galen, bakit ka po na patawag?” tanong ni Mang Canor.

“Mag-stop over kayo sa susunod na gasoline station, kasunod n’yo rin ako, mabilis na pahayag ni Galen.”

Napatingin sa side mirror si Mang Canor para makita ang kasunod na sasakyan, “ok po Sir.”

“Bakit kaya?” tanong ni Don Samuel.

“Hindi ko rin po alam Don Samuel wala naman s’yang sinabi, pero malapit na rin naman po ang kasunod na gas station,” patuloy na pahayag ni Mang Canor.

Hindi nagtagal at tumigil na sila sa gas station, pumasok si Galen sa loob ng customize van na sinasakyan nila Don Samuel at naupo siya sa katapat na upuan ni Haya

“Haya naka-recieve ako ng tawag sa cellphone ni Gaius mula sa Eye Care Vision Center, sabi ni Nurse Lyza tinanggihan mo yun donor?” tanong ni Galen kay Haya.

“Ou, uunahin ko pa ba ‘yan kaysa kay Gaius? at saka wala na rin namang saysay para makakita ako, sanay na ako sa ganitong sitwasyon kaya ibigay na lang nila yun sa iba,” diretsong pahayag ni Haya.

“Pero sayang naman ang pinaghirapan ninyo ni Gaius kung mababalewala lang yun, alam ko kung gaano kagusto ni Gaius na makakita ka Haya, kaya please nakikiusap ako sayo na tanggapin mo yun,” pagsusumamo ni Galen.

“Paano si Gaius? ito na ang huli kong pagkakataon na maiparamdam ko kung gaano ko s’ya kamahal,” pahayag ni Haya habang umiiyak.

“Naintindihan kita, pero mas kailangan mo yun tanggapin kung hindi. . .” hindi naituloy ni Galen ang huli niyang sasabihin.

“Kung hindi ano? Wala ng donor? Hindi na yun mahalaga sa akin, mas mahalaga sa akin ngaun ang huling sandali ni Gaius at wala akong pakialam kung hindi ako makakakita,” pinaleng pahayag ni Haya.

Natahimik silang lahat sa sinabi ni Haya, at dahil doon ay lumabas si Galen sa sasakyan na tila nauubusan ng pasensya. Ngunit bago siya lumabas ay niyaya niya si Sister Bea sa labas ng sasakyan.

“Haya tama naman ang sinasabi ni Galen, kaya please pag-isipan mong mabuti bago ka magpinale ng desisyon,” paniniguro ni Sister Lucy.

“Kung iniisip mo si Gaius kami na ang bahala sa kanya, wala kang dapat na ikabahala,” saad ni Don Samuel.

Nanatiling tahimik si Haya na tila walang naririnig sa mga sinasabi sa kanya. Habang seryoso naman na nag-uusap sa labas ng sasakyan sina Sister Bea at Galen. Halos isang oras din ang lumipas bago bumalik sa loob ng sasakyan si Sister Bea.

“Alam mo Haya ayokong panghimasukan ang desisyon na gagawin mo ngaun,” bungad na pahayag ni Sister Bea.

“Gusto kong malaman mo na anuman ang maging desisyon mo sa sasabihin ko sayo ay susuportahan kita, susuportahan ka namin lahat,” seryosong pagpapatuloy na saad ni Sister Bea.

“Kung sakaling hindi mo tanggapin ang donor mo ngaun mahihirapan na ulit makahanap sa dami ng nangangailangan, masasayang ang lahat ng pinaghirapan ninyo ni Gaius at never mo ng matutupad ang pangarap ni Gaius para sayo na makakita ka.”

“Kung sakali naman na tanggapin mo iyon malinaw na maipagpapatuloy mo na tuparin ang mga pangarap ni Gaius para sa inyong dalawa at mananatiling buhay ang lahat ng iyon dahil nandyan ka na nagpapatuloy at tiyak namin na mas’ gusto iyon ni Gaius,” paliwanag ni Sister Bea kaya Haya.

Muling naiyak si Haya sa mga binitawan na salita sa kanya ni Sister Bea. Dahil alam niya sa kanyang sarili na kung si Gaius ang tatanungin ay tiyak na ang ipagagawa rin sa kanya ay ang tanggapin din niya ang donor para siya ay makakita.

“Nakapagdesisyon kana ba? tanong ni Galen ng muling pumasok sa loob ng sasakyan.

“Tanggapin mo na Haya ang oportunidad na iyan, mas masaya kami na makakita ka,” pahayag ni Donya Ysabel.

“Napakahirap po para sa akin na hindi ko man lang maibigay ang oras ko sa huling sandali ni Gaius, pero alam ko na mas pipiliin n’ya na sundin ko po kayo,” saad ni Haya na umiiyak.

“Naiintindihan ka namin Haya, kaya please grab the opportunity magiging masaya din si Gaius na matupad ang pangarap n’ya para sayo,” pakiusap ni Donya Ysabel.

“Maraming salamat po sa pag-unawa ninyo,” iyon na lamang ang nasabi ni Haya at ang mga sumunod pa na pangyayari ay sumusunod na lamang siya sa daloy na gustong ipagawa sa kanya ng mga taong nakapalibot sa kanya.

“Excited kami sa pagbabalik mo na makikita mo na kami Haya,” pagpapaalam ni Donya Ysabel.  

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status