Share

HIRED To Be His Wife
HIRED To Be His Wife
Author: NamiCloud

PROLOGUE

Isang malakas na tunog ang nalikha sa loob ng opisina ni Alex nang ipagbabalibag nya ang mga dokumento na nasa kanyang harap. Napasipol naman ng malakas at nakapahalukipkip naman si Nathan pagpasok na pagpasok nya pa lamang sa opisina nito. Iritableng itsura agad ang bumungad sa kanya.

"Wew... what's with the face, baby Alex?" Pang aasar na tanong ni Nathan sa kanya. Agad naman syang sinamaan ng tingin ni Alex sabay tampal ng uno dahil sa pagpipigil na wag na sana madagdagan pang muli ang kanyang nararamdaman.

"What are you doing here?" agad na tanong ni Alex sa kanya.

"Just checking you up if you're still alive after being busy these past few days." Sarkastiko namang sagod ni Nathan. Gulat syang napailag dahil binato ni Alex sa kanya ang fountain pen nito.

"The fuck?" hindi nya pa makapaniwalang tanong dito.

"Get lost. You're not helping."

"Edi wow." Napabaling na lang sa kung saang sulok ang mata ni Nathan nang mahagip nya ang mga application form na nasa sahig. Agad nya naman iyong dinampot at pinagtitingnan isa isa. "Oh? Ito ba yung pinagkakaabahalan mo? Tsk tsk. Sa gwapo mong yan hirap ka makahanap ng fake wife mo?"

"They're not good enough."mariing sagot ni Alex.

“Ano bang good sa paningin mo eh puro best nga gusto mo?” Pinaningkitan sya ni Nathan sa kanyang sinabi.

“I want the best. But what I see to them is they’re all just classified as a good one.” Sagot lang sa kanya nito sabay pabagsak na sandal sa kanyang kinauupuan.

"Arte."napabulong na lang si Nathan dahil alam nyang di na sya talaga makakailag pag bala na ang tumama sa kanya. "Tulungan na nga kita." Hawak hawak ang mga papel na nasa kanyang palad ay nilapitan nya si Alex na nakapikit habang hawak ang noo nito.

"Oh eto oh. Sheila De Guzman. 29 years old. From Davao City."

"She's too old for me. I'm only 25."

"Sheesh. Ok next one... Eto naman Danica Alonzo. Hmm... she's beautiful but she's only 19 plus her height is only 4'4 and she's from Pampanga."

"The fuck am I gonna do with her? Babysit?"

Natawa naman bigla si Nathan sa inasal ng kaibigan.

"Yeah. She's too young and the other one is too old for you."napailing na lamang si Nathan. "Joy Santos. Height is 5'6 and she's 21. From Marinduque." Agad na napaayos si Alex ng pagkakaupo dahil nagkaroon sya ng interes pakinggan ang binanggit ng kanyang kabigan."What's her status?"

"Of course she's single bro. But I would not recommend this lady. She's a stripper bro." agad na nilayo ni Nathan ang Application form na hawak nya ngayon ngayon lang. Malakas na napabuntong hininga si Alex at napatingala sa kisame.

"I should stop this. Walang patutunguhan to."bagsak ang balikat na sabi nya pa. Ibinaba ni Nathan ang mga papel na hawak nya sabay naupo sa single couch na malapit kay Alex.

"There's no point of hiring, dre. Kung darating talaga sya, darating talaga. And besides, mas masarap ang magkaasawa na mahal mo talaga hindi yung kinuha mo lang para magpakasal sayo. Hindi mo rin alam baka manggagamit rin yun." Iniringan sya ni Alex at tiningnan sya nito na hindi sang ayon sa sinabi nya.

"What do you know about love, you moron. As if naman may mahal ka na eh ilang babae ba ang naikakama mo lagi?"

"Hoy gago. They're just flings, nothing more and less. I don't like commiting. Psh."

"And so am I. Sa edad kong to dapat nag eenjoy pa ko sa work and other personal stuff ko, kung di lang to kagustuhan ni Máma I wouldn't do this for her."

"Sus. You can just say 'no' if you really don't want to. Ayaw mo lang rin talagang tumandang binata."pang aasar nya kay Alex na agad naman ikinasama ng tingin nito sa kanya lalo.

"Shut the fuck up, retard. Pasalamat ka wala yung baril ko dito sa ilalim. Baka sumabog na yang ulo mo agad."inis na sigaw ni Alex sa kanya na agad namang ikinataas ng kamay nito upang sumuko.

"Woah woah... Daddy chill." Malanding salita ni Nathan. Napatayo sya bigla nang makitang naghahanap si Alex ng kung anong pwede na mababato sa kanya.

"Get the fuck out,Nath!"

"I will. I will. Just stay calm dude. The fuck?" aligagang pagsuko ni Nathan. Parehas silang natigil sa bangayan nang makarinig na nagriring na cellphone. Agad namang sinagot ni Alex yun.

"Hello Ma... Yes,I'm at the office right now.... No, I'll be home, biglang dumating lang si Nathan ngayon...Yes.... Ok. I'll be home in a few minutes... Bye, I love you."

"Mama's boy tsk..." mahinang bulong ni Nathan na sakto upang hindi marinig ni Alex.

"I'm gonna go now. Palinis mo yang kalat sa sahig." Utos ni Alex na para syang isang boss.

"Kapal mo. Pagkatapos mo ko batuhin dyan, hihingi ka ng pabor?" reklamo ni Nathan ngunit tinapunan lang sya ni Alex ng tingin dahilan para masindak sya dito.

"Sabi ko nga eh. Hahaha." Nagkunyaring nagdial ng numero ng kanilang service para sa aayusin sa loob para hindi na sya kausapin pa ni Alex.

Tagumpay naman sya dahil nilayasan sya agad nito. Agad rin syang lumabas sa opisina at nagtawag ng janitor na nagma mop at inutusang ayusin ang mga kalat sa loob ng opisina ni Alex at pagkatapos nun ay umalis na rin sya agad.

Sa kabilang banda naman ay ang kakauwi lang na si Alex. Nasalubong nya ang kanyang ina na mukhang kakalabas lang ng kusina.

"Mom. What are you doing?" nakakunot noong tanong ni Alex dito. Kita nyang nakasuot ito ng apron at kitchen glove dala dala ang bagong luto palang na pagkain.

"I'm cooking our food tonight." excited na sagot pa nito sa kanya.

"Mom. It's not your job. Anong silbi ng mga maids dito kung ikaw lang rin pala gagawa nyan?""I'm fine, hijo. Besides bagot na bagot na ako dito, puro upo na lang ang ginagawa ko at nood ng TV. Hindi naman ako baldado para humilata lang buong araw."

"It wasn't like that, Mom. Baka mapano ka, did you drink your medicine already?" nag aalalang tanong ni Alex.

"Yes hijo. I would never forget that."

"Good. This will be the last time you'll do that thing. Ayokong napapagod ka Ma. Baka kung ano pang mangyari sayo."

"I said I'm fine hijo. You're overprotective. Bakit di mo na lang kaya ako bigyan ng apo para hindi na ako mabagot dito." Alam na biro lang ito ng kanyang ina but he knows na gusto na talaga ng mama nya na magkaapo ito sa kanya. Natahimik naman si Alex at hindi pinansin ang sinabi nito. Naupo na lamang sya sa upuan at sinabayan kumain ang kanyang ina.

"How's your day anyways?"

"It was fine. A little bit busy but I'm good." sagot lang ni Alex habang nagsasandok ng pagkain."How's the company then? Is everything good?"

"Yes. You have nothing to worry about it dahil nasa tamang kamay naman ang naghahandle nun."

"It's nice to know that, anak." natutuwang sabi ng kanyang ina at tiningnan si Alex na puno ng pagmamalaki at paghanga sa anak. "If your father is here, baka pati sya humanga sayo." Napatigil si Alex sa pag kain nya dahil sa sinabi nito sa kanya.

"We don't need someone like him, Mom. We're both fine without him. After what he did to us?""I know. But I was just imagining about what possibility would happen kung nandito nga sya."malungkot na sabi naman ng kanyang ina.

"Mom hindi ka pa rin pala tapos sa walang kwenta na yun?" this time nakataas na ang tono ni Alex.

"Anak, don't say that. He's still your father."

"He's not after what he did to us. Patay na sya sa isipan ko." Malumanay na sagot nya lamang.

"Anak..."

"Mom. Let's not talk about him again, please?" Pakiusap ni Alex sabay tayo sa kinauupuan.

"I'm done eating, thank you for the meal." nagbow sya dito sabay lakad palayo. Tanging buntong hininga na lamang ang binitawan ng kanyang ina nang mawala na ito sa paningin nya..

---

Hello! Edited Story na to haaha nakailang edit na ako dahil sa tuwing binabasa ko yung gawa ko naccringeyhan ako sa mga tag lines at plot HAHAHHA so ayun happy reading.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status