Share

CHAPTER 5

NATASHA'S POINT OF VIEW

Kagaya ng pinangako ko kay Yuri ay binilhan ko nga sya ng cellphone. Hawak hawak nya ang braso ko habang naghihila kami ng cart dahil naggrocery na kami. Ilang minuto rin ang ginugol namin para lang matapos sa pagkuha ng mga need namin sa bahay pagkatapos pumila na kami sa counter at pinabilang ang mga binili namin.

Sa bahay naman ay hindi na nagkamayaw si Yuri na pumasok sa kanyang kwarto upang kalikutin ang bago nyang cellphone. Ni hindi manlang ako tinulungan mag unpack, basta basta lang sya dumeretso sa loob.

"Yuri, iniwan mo na ako dito ah." Sigaw ko sa kanya mula sa kusina. Habang nag a unpack ay lumabas naman sya nang hindi tinitingnan ang daan at nakatuon lamang ang paningin sa bagong cellphone.  Bigla nyang nilapag sa lamesa ang pinaglumaan nyang cellphone.

"Hindi ko na tinanggal yung sim card dyan na ginagamit mo. Bumili na ako ng sa akin." Sabi nya na hindi manlang ako nagawang tingnan.

"Oh sige. Bumalik ka na nga doon. " utos ko sa kanya.

"Sisigaw sigaw ka kanina na hindi kita tinulungan ngayong nandito na ako ay pinapaalis mo naman ako." Nakakunot noo nyang sabi. Kinalikot nya ang mga grocery at tiningnan ang mga pinili. Kinuha nya yung isang plastic ng choco choco na pinabili nya sa akin kanina sabay naupo sa harap ko at binuksan ang choco choco sabay lapag nun sa lamesa.

"Hindi mo naman ako tinutulungan eh." Reklamo ko sa kanya ngunit hindi nya naman ako sinagot. Pinagpatuloy nya ang pagpipindot sa kanyang cellphone at hindi ako pinansin.

"Selfie nga tayo ate." Bigla nyang salita sabay nag wacky at pinindot ang camera nang hindi ko nalalaman.

"Hoy siraulo. Hindi pa ako ready." Pinilit nya pa rin kumuha ng litrato at hindi ako pinansin.  Nang matapos sya ay nagpipindot na naman sya sa kanyang cellphone. Napapalatak na lamang ako sa ginawa nya at hindi na sya pinagtuunan ng pansin.

Natapos ako sa pag unpack ng grocery at pinaglalagay yun sa tamang lalagyan sabay naupo sa kanyang harapan. Kinuha ko yung cellphone na pinaglumaan nya at tiningnan ang inbox nito.

"Walang nagtext dito?" Tanong ko na ikinailing lang nya bilang sagot.

"Wala." Padabog kong binaba ang cellphone sabay kuha ng isang choco choco na kinakain nya. Nakaramdam ako ng disappointment dahil ni isa manlang sa inapplyan ko ay walang nagtext para sa trabaho. Puro tatawagan hindi naman pala nangyayari yun.

Sa kalagitnaan ng pag kain namin ni Yuri ay may biglang nagsigawan sa labas na agad na ikinahinto namin ni Yuri.

"Ano yun?" Tanong ko sabay napasilip sa bintana. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang mga malalalaking lalaki na bigla na lamang nanapak ng nakatambay sa tindahan ni Aling Bibay.

"Hoy! Anong ginagawa nyo!" Malakas na sigaw ni Aling Bibay na kakalabas lamang sa kanyang tindahan. Bigla akong kinabahan at dali daling napa lock ng bahay dahil kilala ko ang mga taong yun.

Pano nila kami nasundan?!

"Bumalik ka sa kwarto!" Mahina kong utos sa kapatid ko at dali dali nya naman akong sinunod. Pinanood ko ang kaguluhan sa labas at palinga linga naman ang mga lalaki.

"Mariel! Alam kong nandito kayo ng mga anak mo! Lumabas kayo at bayaran nyo ang utang nyo sa amin!" Malakas na sigaw ng lalaki na nasa unahan. Lahat ng mga nakiusyoso ay hindi nakapagsalita at pinanood lamang ang mga lalaki na may takot sa mata.

"Hinding hindi namin kayo titigilan! Ang laki ng inutang mo sa boss namin tas tatakasan mo lang kami?! Antagal ka namin hinanap, iiistafa mo lang pala kami?!" Puno ng gigil pa na salita nung lalaki kanina.

"S-sinong Mariel ba yung hinahanap nyo? W-walang Mariel dito." Bigla akong napatingin sa isa naming kapit bahay na nagsalita.

"Imposible naman siguro yun? Nagtanong tanong kami at dito ang tinuro ng mga taong pinagtanungan namin." Ani nung lalaki na nasa likuran.

"U-Umalis na kayo! W-Walang Mariel dito!" Si Aling Bibay. Nakita kong naglakad papalapit ang isa pang lalaki sa likuran nung nasa harap sabay tinapakan ang sigarilyo at tiningnan ng masama si Aling Bibay na kitang kita ang takot sa mga mata.

"Ilabas nyo si Mariel." Mariin na banta nung lalaki kay Aling Bibay.

"W-Wala ngang Mariel dito!" Napasigaw na si Aling Bibay upang itago ang kanyang takot.

"Eh yung Natasha? Anak ni Mariel yun. Hindi mo pa rin kilala?" Puno ng pagbabanta na tanong ulit ng lalaki na agad na nakapagpatigil kay Aling Bibay. Hindi nya ito sinagot.

"Mukhang kilala mo yung Natasha?" Bago pa makasagot si Aling Bibay ay nagdatingan ang mga tanod.

"Hoy! Anong kaguluhan to?" Tanong ng isang tanod na may dala na b****a. Napaatras naman ang mga lalaki ng dahan dahan at nakipagtitigan pa sa mga tanod.

"Babalik kami dito." Banta nung isa at napatingin pa iyon kay Aling Bibay sabay kumaripas sila ng alis. Nakita ko naman ang panginginig ni Aling Bibay sa takot at bumalik ito sa kanyang tindahan.

Napapasok ako sa kwarto ni Yuri.

"A-Ano ate? Ano nangyari sa labas?" Kabadong tanong nya sa akin.

"Nahanap na naman nila tayo." Nasapo ko ang aking noo dahil sa kaba at takot.

"H-Ha? Akala ko ba okay na?" Tanong nya pa na ikinailing ko lang sabay napapikit ng mariin.

"A-Aalis ulit tayo nito. Papatayin tayo ng mga yun Yuri pag nakita nila tayo."

"A-Ate..."

"Mag impake ka na. Iimpake mo lahat ng gamit mo, aayusin ko na rin yung akin." Utos ko sa kanya sabay iniwan sya sa kanyang kwarto.

Niligpit ko na rin yung akin at nang matapos ay lumabas ako para kausapin si Aling Bibay.

"A-Aling Bibay..." tawag ko sa kanya na ikinatingin nya naman sa akin.

"K-Kayo ba yung hinahanap ng mga yun,Natasha?" Bungad na tanong nya sa akin na ikinatango ko lamang bilang sagot.

"M-Malaki po yung pinagkakautangan ni Mama sa kanila kaya po nung mamatay si Mama n-nagpalipat lipat kami ng tinitirahan ni Yuri para makaiwas kami dun." Puno ng takot na sagot ko sa kanya.

"Jusko po Natasha. Malaking gulo ang napasok ng Mama mo."

"L-Lilipat na lang po ulit kami ng matitirahan." Napayuko ako sa kanya.

"S-Saan kayo titira nyan? Patago tago na lang ba kayo nyan ng kapatid mo nyan?" Nag aalalang tanong nya.

"H-Hindi ko po alam... bahala na po." Sagot ko lamang.

KINAGABIHAN ay nakahanda na ang lahat para sa pag alis namin at pumara kami ng taxi ni Yuri. Isa lang ang naiisip kong puntahan ngayon. Walang iba kung hindi si Kim. Hindi rin ako nakapasok ngayon dahil sa nangyari kanina. Alam kong maiintindihan nya ako.

Nang makarating na kami sa destinasyon namin ay bumaba na kami at pumasok sa loob ng RestoBar. Nahagilap ko agad si Merry na nasa counter lang at saktong konti lang ang customer ngayon.

"Merry." Tawag ko sa kanya na agad nya namang ikinalingon.

"Oh, Ash?" Napatingin sya sa akin dahil sa mga gamit na dala ko. "Ano yan? Naghakot ka ba sa inyo?" Tanong nya pa sa akin.

"Asan si Sir Kim?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa kabila eh. Teka tatawagan ko lang." agad nyang inilabas ang kanyang cellphone at nagdial. Ilang ring bago sya nag hello sa kabilang linya.

"Sir Kim, hinahanap ka ni Ash dito sa RestoBar eh... Sige po." Binaba nya na yung linya. "Papunta na daw sya." Agad akong nagpasalamat kay Merry at napatango sa sinabi nya. Mga ilang minuto rin ang nakalipas nang dumating si Sir Kim sa RestoBar. Bumungad sa amin ang pagtataka nya nang makita ako.

"What happened to you Ash? Why do you have your things?" Tanong nya sa akin.

"Uhm... maupo muna tayo Kim." Mahinang sagot ko sa kanya at agad naman kaming naupo.

"Tell me what happened." Seryosong sabi nya kaya ikinuwento ko sa kanya lahat. Agad syang napabuntong hininga at napatingin sa kapatid ko.

"Give me a juice and a food here." Utos nya kay Desmond na agad naman nitong ikinatango.

"Pano yan san kayo titira ngayon?" Nag aalala nyang tanong sa akin na agad kong ikinayuko.

"H-Hindi ko pa alam." Sagot ko lang sa kanya.

"Gabi na rin. Hindi nyo pa pinagpabukas ang alis." Bakas sa tono nya ang pag aalala pero alam kong pati sya ay walang magagawa sa sitwasyon namin.

Kakapalan ko na siguro ang mukha ko.

"Ahh... Kim. May place ka ba dyan na pwede namin pag stayan? Ngayong gabi lang. Hahanap agad ako ng mauupahan namin bukas na bukas. "Nahihiyang sabi ko sa kanya.

"And then what? Mahahanap pa rin kayo ng mga taong yun kahit saan kayo magpalipat lipat." Nakakunot ang noo nyang sabi sa akin. Hindi na ako nakasagot dahil totoo naman ang sinabi nya. "May condo ako malapit dito. Doon muna kayo pansamantala ng kapatid mo."

Biglang nagliwanag ang mata ko sa sinabi nya.

"Oo. Stay there as long as you want to. Hindi naman dun yung tinitirahan ko ngayon kaya walang tao dun." Sabi nya pa.

"T-Talaga Kim?" Puno ng pag asang tanong ko sa kanya na ikinatango nya naman at ngiti sa akin.

"I can't let you wander alone in the street without having a place to stay. Now that I'm starting to feel uneasy not seeing you around."

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status