Share

CHAPTER 1

NATASHA'S POINT OF VIEW

Maaga akong umalis ng bahay para ilako ang mga basahang pinabenta sa akin ni Manang Lina sa mga jeep driver at karinderya. Ito ako ngayon, nagpapahinga sa isang tindahan habang iniinom ang tubig na nabili ko dahil sa pagod. Ako nga pala si Natasha Castillo, 24 years old, nagtapos sa kursong Business Management.

Umeekstra sa gantong trabaho dahil napalayas ako sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko nitong nakaraaang buwan. Pano ba naman kasi sinampal ko pagkatapos akong hipuan nung kumukuha ako ng tubig sa water dispenser, ayun dugo yung bibig nya at ako naman namula yung kamay dahil sa ginawa ko. Hindi manlang ako nakatagal, wala pang isang buwan, tinanggal agad ako. Unfair lang ng buhay dahil hindi manlang ako binigyan ng paliwanag bakit ko ginawa yun, basta sinibak na lang ako bigla.

Sa kalagitnaan ng pagpapahinga ay nakita ko si Mang Nestor na mukhang kakapunta lang sa terminal ng jeep kaya agad ko syang tinawag.

"Mang Nestor!" sigaw ko sa pangalan nya na agad naman nitong kinalingon sa akin. Kinawayan nya ako sabay ngiti sa akin bilang bati. Nilapitan ko sya sabay abot ng anim na basahan.

"Oh Asha?" kinuha nya yung inabot ko sa kanya.

"Gandang umaga!" bati ko rin sa kanya.

"Aga mo naman dito para magbenta ng basahan?" taka nyang tanong sa akin.

"Hindi ako pwede sa tanghali eh kaya ngayon na lang." sagot ko sa kanya sabay kuha ng bayad na iniabot nya sa akin.

"Kelan mo naman balak magtrabaho ulit?" tanong nya pa sa akin.

Kahit kelan talaga tong matandang to, maintriga rin parang babae.

Syempre hindi ko sinabi yun at nagkamot na lamang ng batok sa tanong nya.

"Wala pang tawag eh." sagot ko na lamang sabay nagbaba ng tingin.

"Kailangan mo magsikap, hija. Sayang naman ang ganda mo kung ganyan lang trabaho mo." May panghihinayang sa boses nya.

Wala naman masama sa ginagawa ko, isa pa extra income lang ito dahil may pinapaaral akong kapatid. Napanguso ako sa sinabi nya sabay tango na lamang.

"Oh ayan. May pera pa ako dito at kunin mo muna." Inabot nya sa akin ang 700 sa kanyang bulsa na ikinakunot noo ko naman.

"Ha? Ay nako wag na Mang Nestor baka kailangan mo rin ng pera." nahihiya kong tanggi sa kanya.

"Hindi na at kunin mo na ito. Alam kong gipit rin kayo ngayon ng kapatid mo. " sabi nya pa.

"Hindi na talaga Mang Nestor, nakakahiya at isa pa kaya pa naman namin ni Yuri eh." Pilit ko pa sa kanya.

"Wag ka na makulit, kunin mo na to. Ibalik mo na lang pag nagkatrabaho ka na."

Hindi na ako nakatanggi dahil sa pagpupumilit nya kaya nag thank you na lang ako.

MAGHAPON akong nagtinda at laking pasasalamat ko naman ay naubos ang paninda ko. Bumalik agad ako sa bahay ni Manang Lina at inabot sa kanya ang buong pinagbentahan ng mga basahan.

"Oh? Naubos mo agad yung basahan?" gulat na tanong nya at tinanguan ko naman sya agad sabay ngiti.

"Ang galing mo naman pala magtinda kung ganun."Hangang sabi nya pa.

"Diskarte lang yan Manang hehe." may bahid ng kayabangan sa boses ko.

"Sus. Kala mo naman kung sino nang magaling." Napatingin ako sa nagsalita na walang iba kung hindi si Nancy. Kahit kelan talaga napaka inggitera ng babaeng to. Palihim ko syang inirapan sabay balik tingin muli kay Manang Lina.

"Oh eto ang parte mo." abot nya sa akin ng 300.

"Uyy salamat Manang! Laki neto ah." Dinagdagan nya ako ng 100.

"Dahil ikaw lang ang nakaubos ng paninda ko sa isang araw kaya dinagdagan kita. Hindi nga kaya nila Nancy yan eh." sabi nya pa. Narinig ko pang napapalatak si Nancy sabay alis sa harap namin.

"Salamat ng marami! Mauna na po ako baka dumating na rin yung kapatid ko sa bahay."

"Oh sige Asha. Salamat rin."

Lumabas na ako ng bahay nya at nakita ko si Nancy na nakakibit balikat at masama ang tingin sa akin.

"Kala mo kung sino kang magaling." May bahid na inis na sabi nya sa akin habang salubong ang mga kilay. Tiningnan ko lang sya sabay tawa ng mahina.

"Puno ka talaga ng inggit sa katawan. Hindi mo na lang ayusin yung pinapagawa sayo." tinapunan ko sya ng tingin sabay talikod nang makarinig na naman ako ng salita sa kanya, hindi ko na sya pinansin dahil sure na sure akong tatalakan nya na naman ako kagaya nung nakaraan.

Pagkauwi ko ng bahay ay napansin kong hindi sya nakapadlock kaya binuksan ko na lamang at nagtatakang pinihit yun pero hindi naman mabuksan. Kumatok ako dahil mukhang nasa loob na rin si Yuri.

"Yuri pabukas." utos ko sa kanya. Nagulat na lamang ako ng muntik na akong sumubsob papasok, hinila nya ako paloob at pinaupo sa sahig. "A-aray---" agad nyang tinakpan ang bibig ko.

"Shhh!" pagpapatahimik nya sa akin. Sinamaan ko sya ng tingin. Nakarinig na lamang kami ng kumakalampag sa labas. Kinakatok ang bahay at gustong sirain ang pinto para makapasok.

"HOY NATASHA! LUMABAS KA DYAN! ASAN NA YUNG BAYAD NYO SA RENTA?! ILANG BUWAN NA AKO NAG AANTAY AT WALA PA RIN!" si Aling Bibay!

Yung bayad nga pala sa renta namin. Biglang nanakit ang aking ulo nang maalala ko yung problema ko sa kanya. Nako naman po.

"LUMABAS KAYO DYAN! ALAM KONG NASA LOOB KAYO!" pag eeskandalo nya sa labas. Tinanggal ko yung pagkakatakip ni Yuri sa bibig ko.

"Anong gagawin mo?" mahinang tanong nya sa akin. Tiningnan ko sya na may paninigurong okay lang ako. Tumayo ako sabay dahan dahang binuksan ang pinto.

PAK!

Malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko na ikinapikit ko dahil sa sakit.

"MATAGAL KO NA KAYONG PINAGPAPASENSYAHAN! ASAN NA ANG BAYAD NYO SA RENTA?!" Malakas na sigaw nya sa pagmumukha ko. Napadilat ako at nakita ang mga kapitbahay naming nakatingin sa amin.

"W-wala pa po, Aling bibay." nakayukong sagot ko sa kanya.

"HA?! ANONG WALA?! ILANG BESES KA NA NANGAKO SA AKIN NA MAGBABAYAD KA! ASAN NA?! PAGOD NA PAGOD NA AKONG INTINDIHIN KAYO! SUMOSOBRA NA KAYONG MAGKAPATID! ANONG PETSA NA AH?!" sigaw nya pa rin sa akin. Hindi na ako nakasagot dahil tama naman sya. Ilang buwan na kaming hindi nakakabayad sa kanya.

"A-Aling Bibay... p-pasensya na po at wala pa po talaga. Magbabayad naman ako kung may pera na ako eh..." mahinang sagot ko sa kanya. Nangingilid na ang luha ko dahil sa kahihiyan.

"SO ANO? ANOTHER NEXT WEEK NA NAMAN NATASHA? ABA LUGING LUGI NA AKO SA GINAGAWA NYO AH." napatungo na lamang ako at hindi na nagsalita pa. "LAST NA LINGGO NA ITO! PAG HINDI PA KAYO NAKABAYAD AY AKO MISMO KAKALADKAD SA INYO PALABAS SA BAHAY NA TO. NAIINTINDIHAN MO?" banta nya sa akin na marahan ko namang ikinatango. Tinapunan nya ako ng isang masamang tingin sabay alis sa harap ko. Naramdaman kong hinawakan ako ni Yuri sa balikat sabay alo sa akin.

"A-ate ayos ka lang ba?" tanong ni Yuri sa akin. Napatango na lamang ako upang hindi sya pag isipin pa.

"Oo... okay lang si Ate." sagot ko sa kanya. Napahawak ako sa aking pisngi sabay upo sa silyang malapit sa akin.

"Kailangan na talaga natin makabayad kung hindi aalis na talaga tayo dito."

"P-pero Ate. Wala pa tayong pera. I-isa pa, wala ka ring trabaho ngayon."

"Kailangan ko na talaga magpursigi lalo, sa kalsada tayo pupulutin pag nagkataong mapalayas tayo dito." nanlulumong sabi ko sa kanya.

"A-ano na gagawin natin ngayon?" tanong nya pa sa akin. Wala akong naisagot at nakatulala lamang ako sa sahig. Tsaka ko naalala si Mr. Kim. Biglang nagliwanag ang pag asa ko sa kanya.

"Pupuntahan ko si Mr. Kim." sagot ko sa kanya.

"Mr. Kim?" takang tanong nya sa akin.

"Yung kaibigan ko na may ari ng Bar malapit sa kalayaan." sagot ko ulit. Sya na lang talaga ang pag asa ko, sana pahiramin nya ako ng pera ngayon.

---

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status