Share

CHAPTER 3

NATASHA'S POINT OF VIEW

"Vermouth  daw dun sa table 5 tas scotch ale daw sa table 7, isang case." binigay  ko yung mga order kay Lance. Nandito ako sa dance club ngayon na nasa kabilang kalsada lang. Hindi naman masyadong busy dun di kagaya dito at mas need ng maraming tao dito kesa doon.

Parehas rin pagnamay ari to ni Mr. Kim at dito  muna ako nagpa assign dahil maraming tao dito. Ayaw nya nga sana ako dito ako magtrabaho dahil paguran daw ang mangyayari pag nagkataong maraming customer na nagsidatingan. Nag insist ako na rin ako na dito  ako para hindi rin makabawi sa kanya dahil andami nyang naitulong sakin.

"Grabe wasakan tonight. Sabagay Saturday na bukas." napapailing na sabi ni Lance sabay alis sa harapan ko para kunin ang mga order na binigay ko. "Ako na dito Natasha. Kunin mo na lang yung ibang order sa 2nd floor, VVIP room." napatango ako bilang sagot sabay alis na sa harapan nya. Sinimulan ko maglakad pa 2nd floor, napapa iwas ako sa mga lasing dahil sa pasuray suray nilang lakad. Agad kong pinandirihan ang nasuka sa gilid ng daan at nagmadali sa paglalakad papunta sa vvip room na sinabi ni Lance sa akin. Hindi na ako kumatok sa kadahilanang hindi rin naman nila ako maririnig  dahil  sa sobrang lakas ng music.

"Oh nandito na yung waiter." Biglang salita ng isang lalaki na nakaupo sa couch kasama ang dalawang babae na pinagigitnaan sya.

"Good evening sir. Ano po order nyo?" bati ko sa kanya. Bigla nya akong pinaningkitan.

"Bago ka lang dito? I'm a regular customer here kaya hindi kita namukaan. Usually si Lance o si David ang kumukuha ng order ko eh." mahaba nyang kwento na ikinatango ko na lamang.

"Yes po, nung nakaraan lang rin akong napasok dito."

Tinanggal nya yung pagkaka akbay  sa isang babae sabay  lagay nito sa kanyang baba at pinagmasdan ako na parang isang object. Napalihis agad ako ng paningin dahil sa hiya.

"What's your name by the way?" tanong nya pa na ikinatingin ko sa kanya.

"N-Natasha po sir. Ash na lang para hindi mahaba." sagot ko na lamang.

"Hmm.. Okay. " maikli nyang sabi sabay  ngiti sa akin. Anong ngiti yan amp. "2 whiskey and a case of san mig. Samahan mo na ng sisig at chips."  nilista ko yung mga pinag oorder nya.

"Ayun lang po ba?" tanong ko ng hindi nakatingin sa kanya.

"Yes." maikling sagot nito.

"I'll be back in 20 minutes po." sabay talikod nang magsalita ulit sya.

"I'm Nathan by the way."

---

"Woy." tawag pansin ko kay David sa counter na agad nya naman ikinatingin sa akin.

"Ow?" tanong nya pa. Agad ko lang iniabot sa kanya yung order na nakuha ko sa vvip room.

"Order yan. Tulungan mo na rin ako magdala dun sa taas, may isang case na inorder eh." sagot ko sa kanya. Tiningnan nya yung binigay ko.

"Busy tayo magdamag nito, daming customer na pumapasok eh." napatingin kami parehas sa entrance. Pansin ko nga ring marami ngang customer di kagaya nitong nagdaang araw. Saktuhan lang. Napabuntong hininga na lamang ako dahil nakakaramdam na rin ako ng pagod.

NATHAN'S POINT OF VIEW

Kinuha ko sa bulsa ang cellphone ko sabay tinawagan si Alex. Ilang ring bago nya sagutin ang tawag.

"Asan ka na? Pucha, ilang minuto na ako nandito oh." bungad ko sa kanya.

"On my way. May inasikaso lang ako saglit sa opisina."

"Tsk. Bilisan mo."kunyaring inis kong sabi sa kanya.

"You're not the boss of me Nathan Vargas." asik lang nya sa kabilang linya.

"Whatever Alexander Nishimura." panggagaya ko sa kanya. "By the way, may bebot na waitress ito sa bar ni Kim. Hindi ko alam na pwede na pala babaeng trabahador sa kanya. Maarte pa naman ang isang yun."

"Oh?" tila walang interes na sagot nya sa akin na ikinakunot ng noo ko.

"Anong 'oh' ?" tanong ko sa kanya.

"Gonna end this call now, nasa kanto na ako, Vargas." walang pasabi ay ibinaba nya talaga yung tawag.

"Aba tong---" napatingin ako sa cellphone ko ng may hindi makapaniwalang itsura.

"Let's go outside, babe. Sayang yung kanta, I want to dance." malanding tawag sa akin ni Sheila o Shina whatever  her  name is. Tinanguan ko sya sabay  ngiti ng pagkatamis tamis. Kita ko naman ang kilig sa mga mata nya kahit dim ang ilaw.

"I want to dance too." si Angelica. Napatingin ako sa gawi nya sabay halik sa kanyang pisngi na ikinahagikgik nya.

"Sure thing, babe. Let's go?" aya ko sa kanilang dalawa. Agad naman silang napakapit sa magkabilang braso ko at sabay kaming lumabas at bumaba sa dance floor.

NATASHA'S POINT OF VIEW

Nakita ko yung Nathan pababa ng second floor kasama yung dalawa nyang babae na kasama kanina. Blangko ko silang tiningnan dahil lahat ng taong madadaanan nila ay mismong nagkukusang gumilid para sa kanilang tatlo.

"Regular customer natin yan. Every Friday night nandito sya, friends rin sya ni sir Kim." napabalinng ako kay Lance na nakatingin rin pala dun sa Nathan.

"Ah talaga?" walang interes na sagot ko lang.

"Ibang babae na naman kasama nya hahaha. Hindi na bago." napapailing pa na sabi nito sa akin. Babaero rin pala. Pumunta sila sa gitna para magsayaw, bigla akong napatitig sa malumanay na sayaw nya ngunit may dating. Humawak sya sa beywang ng isang babae habang kinekembot nito ang balakang nya kasabayan ng isa pang babae na kasama nila. Bigla akong napaiwas ng tingin nang makita ko ang pagsulyap nung Nathan sa akin.

Sheesh....

Gwapo sana, playboy lang. Napabaling ako sa likod ko at sakto namang dumating ang sisig na niluto ni David pati na rin ang chips na  order nung Nathan at nilagay yun sa tray. Inantay ko rin yung mga  drinks na order kaso sabi mauna na daw ako sa taas kaya kinuha ko na lang yung mga pagkain at nauna na nga ako.

Nang makarating sa vvip room ay pahirapan ko pang nabuksan ang pinto dahil sa mga dala ko. Dahan dahan kong nilapag sa glass table ang mga order nang makakita ako ng isang pigura ng isang tao na nakaupo sa single couch at nakadekwatrong pangbabae. Hindi ko makita ang kanyang mukha sa kadahilanang limitado lang ang nakabukas na ilaw sa loob ng kwarto. Kulay blue pa at masakit  sa mata.

Hindi na ako nagsalita pa at tumalikod na nang bigla akong makaramdam ng kamay sa aking braso na agad ko namang ikinalingon at sa gulat ay kamuntikan na akong masubsob sa aking kinatatayuan ngunit nasalo agad ako ng isa pang kamay na nakaalalay na sa aking likuran. Bigla akong napalunok dahil sa kaba. Gusto kong gumalaw ngunit hindi ko magawa dahil sa pagkakahawak sa akin at sa nakakahalinang bango nito.

"Are you okay?" bigla akong nanlamig sa panlalaking boses na yun. Parang nanghina ang aking tuhod at konting galaw na lamang ay mapapaluhod na ako sa harapan ng estranghero ngayon.

"O-ok lang ako..." sinikap kong wag mautal ngunit bigo ako sa parte na yun. Masyado akong nalunod sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maipaliwanag ang kaba at hiya na nararamdaman ko.

Mas lalong nanindig ang aking balahibo na agad kong ikinapikit dahil ramdam ko ang pahinga nya sa bandang tenga ko, ramdam ko rin ang kanyang paghinga ng malalim at sa gulat ay naitulak ko sya papalayo nang may biglang kumatok. Dali dali kong kinuha ang tray at walang hintong nagmartsa palabas. Nasalubong ko ang gulat na gulat na si Nathan ngunit hindi na ako nag atubili pang tumayo lamang sa kanyang harap sa pagmamadali na makalayo.  Ni halos madapa ako sa hagdan sa pagmamadali na bumaba at magpunta sa staff restroom.

NATHAN'S POINT OF VIEW

"What's with the gloomy light? Psh." bigla kong ni switch on ang bukasan ng ilaw sa loob at nakita ko si Alex na pretenteng nakaupo at nakadekwartong pangbabae habang hawak ang parehas na kamay. "Oh nahatid na pala yung pulutan dito." tiningnan ko sya na nakatitig lang sa pagkain na nasa mesa.

"Hoy." tawag pansin ko sa kanya na ikinatingin nya naman sa akin na may pagtatakang  look.

"Ano nangyari sayo at para kang tuod dyan?" tanong ko pa na ikinailing lang nya. Sakto naman ang pagdating ni David dala dala ang mga inorder naming inumin. Agad lang syang nagsalin ng whiskey at diretsong ininom iyon.

"Kumain ka ba muna bago ka nag inom?" kunot noo kong tanong sa kanya ngunit wala akong nasagot ni isa.

*SNAPS FINGER

"Hoy!" tawag pansin ko sa kanya.

"Shut up." inis na salita nya sa akin. "I can hear you."

"Oh then why aren't you answering?" sarkastiko kong tanong sa kanya.

"I'm thinking." simpleng sagot nya lang na ikinataka ko naman.

"Ng ano?" tanong ko pa ngunit tinapunan nya lang ako ng tingin sabay inom ulit ng alak. "Bahala ka." suko ko at kumuha na lang rin ng maiinom.

---

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status