Share

Kabanata 17

TINANGHALI na ng gising si Bella dahil matapos ang madamdamin nilang pag-uusap ni Trojan, pinainom niya pa ito ng gamot para sa lagnat. Hindi siya sigurado kung tatablan ba ang katawan nito ng gamot dahil sa alak na nasa sistema ngunit nagbaka-sakali na lamang siya.

Kaya pala ito nilalagnat ay dahil sa hindi pa naghihilom na tama ng bala. He stopped taking his antibiotics for a week and it caused him to have fever.

Gusto sanang magtabi ni Bucky at Trojan sa pagtulog ngunit dahil nilalagnat si Trojan, pinakiusapan niya na lang muna ang anak na kapag magaling na lamang ito saka niya papayagan. Good thing the two agreed with what she said. Bumalik si Bucky sa silid habang siya ay binantayan si Trojan hanggang sa makatulog ito.

Last night, she was able to witness the peacefulness in Trojan's face while he was sleeping. Napawi na ang kunot sa noo nito, at habang nilalagyan ni Bella ng bimpo ang noo ni Trojan, hindi niya naiwasang pagmasdan ang maamo nitong mukha.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status