Share

Kabanata 2

last update Terakhir Diperbarui: 2021-04-09 12:05:58

Kabanata 2

"Isabella Vicitacion Orendain?" The man holding the folder looked around. "Isabella Vicitacion Orendain? Nandito na ba 'to?"

Umikot ang mga mata ni Bella sa pag-ulit nito sa kanyang buong pangalan saharap ng iba pang aplikanteng nagbabaka-sakaling matanggap na rin sa wakas ang good news na ilang buwan na nilang hinihintay. Some murmured about her name, some even laughed. Hindi na bago sa kanya iyon sa totoo lang dahil noon pa man ay natutukso na siya dahil sa kanyang pangalan.

Inis niyang pinakawalan ang hangin sa dibdib bago nakasimangot na tinaas ang kanyang kamay nang akmang babanggitin na naman ng lalake ang kanyang pangalan. "Ako po 'yan."

Nagsalubong ang makapal na kilay ng lalakeng may malaking nunal sa ilalim ng baba. "Nandiyan ka mismo sa harapan hindi ka kaagad kumibo. Pambihira ka naman Miss Isabella Vici-"

"Bella." Agad niyang putol habang nayayamot na tinignan ito. "Bella or Vee basta huwag lang buo utang na loob, Sir kinikilabutan ako. Ni-note ko naman ho sa papers ko ang nickname ko."

Ayaw na ayaw kasi niyang naririnig ang buong pangalang nanggaling sa dalawa niyang lolang hindi maganda ang naging dahilan ng pagkamatay na minsan pakiramdam niya ay tinitignan siya tuwing nababanggit ang pangalan niya.

Sumalangit nawa. Bulong niya sa kanyang isip at muntik na namang mapa-sign of the cross nang magsitindigan ang kanyang mga balahibo. Manahimik na ho kayong pareho sa langit dahil kailangan namin ni Tatang ang trabaho kong 'to.

She doesn't want to fail on this one dahil lang iniisip ng recruiter na nasisiraan siya ng ulo kapag kinikilabutan dahil sa pakiramdam niya ay nasa tabi niya ang kanyang mga lola. Paborito siya ng mga ito noon at ngayon, hindi na talaga siya natutuwa dahil sa lahat ng apo, siya lamang itong nakakadama ng mga pagpaparamdam ng dalawa.

Lalong nagsalubong ang kilay ng lalake habang tinitignan ang papel. "Wala naman ah? Anyway, okay na ang papers mo. Proceed ka na sa sunod na kwarto para sa instructions."

Biglang napawi ang kanyang pagkayamot. Totoo ba ang sinabi nito? Ayos na ang papeles niya? Makakaalis na siya ng bansa patungo sa Guam para maging domestic helper? Halos mapatalon siya sa tuwa.

Makakabayad na ako ng sandamakmak na utang!

Iyon kaagad ang pumasok sa kanyang isip. Paano ba naman ay kataku-takot na pakiusap ang ginawa nila ng kanyang Tatang sa may mga kayang kamag-anak para lamang pahiramin siya ng perang panglakad ng papeles at pang-placement fee. Hindi rin naman biro ang nagastos niyang halaga para lang makalipad patungong Guam.

Hindi naman sa pangarap niyang maging katulong sa banyagang bansa. Iyon nga lang, katulong lang din naman siya sa sariling bayan at kung mas kikita siya ng malaki sa Guam, mas pipiliin na lamang niyang malayo sa kanyang Tatang.

She's worried about him and her younger sister, Yra, pero hindi na talaga sumasapat ang maliit niyang sahod sa pinapasukan para matustusan ang pangangailan nila. Magko-kolehiyo na si Yra at ayaw naman niyang matulad ito sa kanyang hindi nakatapos ng pag-aaral dahil nang magkasakit ang ama, hindi na pinayagang pumasok sa construction kaya naman nagtyaga na lang maging tricycle driver gamit ang tricycle ng kanyang tiyahin.

Kung siya ang matahin ng ibang tao ay matatanggap niya pa pero kung si Yra? Hindi niya kaya. Isa pa malaki ang bilib niya sa kapatid na kahit minsan wala siyang mabigay na pambili ng project o pambaon man lang, hindi ito umaagal kung hindi ay gumagawa ng paraan para hindi maging pabigat sa kanya.

"Ate, totoo ba 'to? Lilipad ka na papuntang Guam? Naku baka mamaya hindi ka na magparamdam ah pag nandoon ka na baka mag-asawa ka na roon at kalimutan kami." Maktol ni Yra sa kanya.

Mahina siyang natawa saka ginulo ang buhok ng kapatid. "Ikaw talaga, Yra para namang matitiis ko kayo ni Tatang? Para sa inyo 'to kaya nga kahit mag-isa lang ako ro'n titiisin ko. Basta mag-aaral kang mabuti ah? Mag-enroll ka sa magandang school pangako kukuha ako ng extrang trabaho ro'n para makaya natin ang matrikula."

"Pwede naman sa Community College ate para hindi ka mabigatan. Kailangan mo ring magtabi para sa sarili mo. Lahat na lang ng sahod mo sa amin ni Tatang at sa pang-araw-araw natin napupunta. Tignan mong kahit lipstick hindi ka makabili. Sige ka baka ipagpalit ka ni kuya Echo niyan."

"Huh?" Tumaas ang kilay niya kasabay ng pagtiklop niya ng kanyang mga braso sa tapat ng kanyang mayamang dibdib. "Subukan ng kumag na 'yon. Lagot siya kay Tatang baka itali siya sa tricycle ni Tita Neng. 'Di ba Tang, 'no?"

Naluluhang umiling ang kanyang ama na bagkus suportado ang naging desisyon niyang mangibang bansa, bakas pa rin ang lungkot sa mga mata. "Syempre naman. Walang pwedeng tumarantado sa mg dalaga ni Ponciano." Pilit ang ngiting ani ng kanyang Tatang bago inangat ang tasa ng kape upang itago ang pagpula ng mga mata.

Uminit ang sulok ng mga mata ni Bella dahil sa nakikitang ekspresyon ng ama ngunit agad siyang suminghot upang pigilan ang sariling emosyon. She should look excited or else they will surely be sad for her. Dapat siya ang pinakamatatag. Tatak niya iyon bilang panganay ng kanyang Tatang Ponciano. Walang problemang hindi niya kayang solusyonan. Kung walang solusyon, huwag problemahin. Iyon ang motto niya sa buhay.

"Nasabi mo na ba kay kuya Echo, ate?" Nag-aalalang tanong ni Yra.

Napalunok si Bella. Hindi niya pa nasasabi sa kanyang nobyong aalis na siya. Sa totoo lang, pati ang pagproseso niya ng papeles ay tinago niya rito dahil alam niyang hindi siya papayagang mangibang-bansa. Kahit clerk lang ito sa isang fast food chain, lagi nitong pinipilit na magsama na sila at magsimula ng sariling pamilya pero hindi pa talaga handang iwan ni Bella ang responsibilidad niya sa kanyang Tatang at kapatid.

"ANO? AALIS KA?" Galit na tugon ni Echo sa kanya matapos niyang aminin dito ang kanyang plano.

"Echo, intindihin mo naman ako. Kailangan kong kumita ng mas malaking halaga para sa pamilya ko. Si Yra magko-kolehiyo na tapos si Tatang naman ang mamahal na ng maintenance-"

"Eh paano naman ako, Bella? Ang mga plano natin?" Dumilim lalo ang ekspresyong nakapinta sa mga mata nito. "Teka kasama nga ba ako sa mga plano mo o ako lang itong nagpipilit na bumuo tayo ng pamilya?"

Malungkot niyang hinawakan ang kamay nitong agad ding binawi ni Echo bago tumayo at sinabunutan ang sariling buhok.

"Echo, hindi sa gano'n-"

"Eh ano? Tinago mo sa akin 'to kasi alam mo namang hindi ako papayag. Paano kung may masamang mangyari sayo sa Guam? Milya-milya ang layo ko sayo paano kita matutulungan kung sakali?"

Napabuntong hininga si Bella. Tumayo siya at lumapit kay Echo. "Mag-iipon ako ro'n. Dalawang taon lang naman, Echo pangako pag-uwi ko tatanggapin ko na ang alok mong kasal."

Napailing si Echo habang nakaigting ang panga. "Marami na akong narinig na ganyang linyahan mula sa mga nangingibang bansa. At pagbalik, kung hindi nagsisisi ay may iba nang asawa."

"Hindi naman ako gano'n kilala mo ako, Echo mahal kita."

"Mahal mo ako eh bakit tinago mo sa'kin 'to? Bella, kung talagang mahal mo ko hindi mo itutuloy 'yang lintik mong pag-a-abroad." Matalim siya nitong tinitigan. "Oras na tumuloy ka, maghiwalay na tayo."

HINDI mapigilan ni Bella ang pag-iyak habang nasa eroplano. Talagang hindi na niya na-contact si Echo bago siya nag-flight patungong Guam. Mukhang tinotoo nga nito ang banta sa kanyang makikipaghiwalay oras na ituloy niya ang plano niya.

Hindi niya ito masisisi. Nag-abroad din kasi ang ina nito noong maliit siya at anim na buwan pa lamang sa Qatar ay hindi na muling nagparamdam. Nang umuwi sa kanila, nakakahon na. Napatay daw ng kinasamang Turko na akala ay mag-aahon dito sa hirap.

The man sitting next to her seemed annoyed already. Nakasuot ito ng itim na mask at ang may kahabaang itim na buhok ay bahagyang tumatabing sa mga matang protektado ng mahabang pilik-mata. Isang beses lamang itong nasulyapan ni Bella ngunit alam na niyang gwapo ang lalake kahit pa sabihing ang misteryosong itim na mga mata lamang nito ang nakikita niya.

She sniffed again. Mayamaya'y nadinig na lamang niya ang pagbuntong hininga ng lalake. Sandali itong gumalaw bago tumikhim na tila kinukuha ang kanyang atensyon. Nang balingan niya ito, inaabot na sa kanya ang asul nitong panyo habang ang mga mata nito ay nakatutok sa ibang direksyon.

"T-Thank you." She simply uttered. Kaamoy nito ang panyo. Mabango at lalakeng-lalake. Kung hindi siya broken-hearted, siguradong nagka-crush kaagad siya rito at kinilig-kilig.

The guy jerked his head up. Hindi ito nagsalita man lamang at nang ituon na nito ang atensyon sa mamahaling cellphone, ibinaling na lamang ni Bella ang kanyang mga mata sa labas ng bintana. Sa isip-isip niya ay mukhang may kaya naman ang lalakeng katabi ngunit sa economy flight pa rin ito sumakay. Mukhang tama ang ilang napanood niyang video kung paano lalong yumayaman ang mga mayayaman na. They save their money and only use it to generate more money.

Nagmental note si Bella. Kailangan niyang tandaan ang lahat ng bagay na pwedeng makatulong sa kanya upang umangat sa buhay. Sisimulan niya sa matindihang pagtitipid.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • HIS DANGEROUS LOVE (TROJAN LINDSTROM)   Epilogue

    MATAMIS na gumuhit sa mga labi ni Bella ang ngiti nang tuluyan nilang naisabit ni Yrah ang wedding portrait nila ni Trojan. Bagong lipat sila sa nabili nitong bahay, katabi ng binili noon ni Trojan para sa kanyang kapatid at ama."Ang ganda mo diyan, ate kahit rushed ang kasal niyo." Kumento ni Yrah.Inakbayan niya ang kanyang kapatid saka siya muling tumingin sa ibang kahon. "Nambola ka pa. Oo na ibibili na kita ng bagong art mats kapag nagpunta akong mall."Mahinang tumawa ang kapatid. "Oo nga pala, ate. Natanggap na pala application ko sa medical school na pinasahan ko.""Congrats. Ibalita natin sa kuya Trojan mo sigurado matutuwa 'yon para sayo. Teka, tatawagan ko.""Bakit, ate nasaan ba si kuya Trojan? Akala ko nasa field pa siya?"Tumikhim si Bella. "Nasa Italy sila ngayon. Ang alam ko dadaan din siya kay Gresso ngayon kaya baka nandoon 'yon ngayon sa kulungan."Napansin niyang bahagyang nanlaki ang mga mata ni Yrah nang madinig

  • HIS DANGEROUS LOVE (TROJAN LINDSTROM)   Kabanata 25

    MARAHANG hinaplos ni Bella ang pisngi ng sanggol sa kanyang bisig. Napaka-amo ng mukha nito habang natutulog, walang alam sa mundong kanilang ginagalawan.She scanned her newly born child with tears forming in her eyes. Napakagandang bata at kamukha rin ng ama. Sigurado siyang kung makikita lamang ni Trojan ang sanggol, masisilayan na naman niya ang tamis sa mga labi nito.Trojan...Tuluyang lumandas ang luha sa kanyang magkabilang pisngi. Nakagat niya ang kanyang pang-ibabang labi nang magbadya ang kanyang hikbi."Patawad, anak. Hindi natulungan ni Mama ang Papa mo..."Bumigat lalo ang kanyang dibdib sa sarili niyang mga salita. Makirot ang kanyang puso at halos hindi siya makahinga nang maayos. Bakit kailangang ganito ang kahantungan nila? Bakit kailangang laging maipagkait sa ama ng mga anak niya ang karapatang makasama ang mga anghel na biyaya sa kanila ng langit?Nanghina ang kanyang mga tuhod sa sobrang sakit na lumulukob sa kanyang si

  • HIS DANGEROUS LOVE (TROJAN LINDSTROM)   Kabanata 24

    NAGSALUBONG ang mga kilay ni Bella nang makitang iba na ang nakatira sa inuupahan nilang bahay ng kanyang pamilya. Nang tanungin niya ang nakatira, wala raw alam ang mga ito kung sino ang huling umupa kaya hatak-hatak niya ang kanyang anak na nagtungo sa kanyang tiyahin na siyang may-ari ng bahay.Nagtaka siyang lalo nang sabihin ng kanyang tiyahin na nakauwi na pala siya. Parang hindi man lang nag-isip dahil kasama na niya si Bucky samantalang para siyang bula na naglaho nang mawala rin ang anak niya."Subdivision? Bakit nasa subdivision, tiyang?"Nalukot ang noo ng tiyahin niya. "Pinagtitripan mo ba akong bata ka? Hindi ba kayong mag-asawa ang bumili ng bahay ng tatay mo?"Namilog ang kanyang mga mata. "Ho?"Bumuntong hininga ang kanyang tiyahin na himalang napakabait na ng pakikitungo ngayon. "Ay magpahatid ka na nga lang kay Andres. Gamitin niyo iyong kotse nang hindi na magtaxi. Bawal ang tricycle doon kaya ang tatay mo, namimiss ang pagmamane

  • HIS DANGEROUS LOVE (TROJAN LINDSTROM)   Kabanata 23

    KINALAMPAG ni Trojan ang rehas ng selda kung saan siya ikinulong kasama ang kapatid na si Gresso. May pitong lalake ring naroroon ngunit wala nang pakialam si Trojan kung tulog ang mga ito. His family needs him. Hindi siya maaaring makulong. May mga anak siya na nais niyang masubaybayan sa paglaki. May babae siyang nais na pakasalan. May kinabukasan siyang nais itama alang-alang sa mga ito.“Let me out! My family needs me! Let me out!” He banged the steel door again, louder this time. Frustration is hitting him already. Nasabunutan na niya ang kanyang

  • HIS DANGEROUS LOVE (TROJAN LINDSTROM)   Kabanata 22

    MARIING lumapat sa isa't-isa ang mga labi ni Bella nang ikulong ni Trojan ang kanyang mukha sa magkabila nitong palad. Hindi pa man nagsasalita si Trojan, lumulukob na sa kanyang puso ang matinding takot at pangamba."You're leaving?" Her voice almost cracked with just the sight of worry in his eyes.Basag na ngumiti si Trojan. Pumungay ang mga mata nito at iyon ang mas nagdala ng kakaibang pakiramdam kay Bella. She isn't liking those emotions she is seeing, but it's even more scary that he's still trying to hide it from her."I will just need to do something very important. I promise you I will come back, Bella." Dinampian nito ng halik ang kanyang noo. Napapikit siya nang bumigat ang kanyang puso dahil sa takot para sa kaligtasan nito. Whatever he is about to do, she knew it's going to be very dangerous.Naihawak niya sa palapulsuhan ni Trojan ang kanyang kamay. Nang imulat niya ang kanyang mga mata, malinaw nang nakaguhit sa kanyang mukha ang pagsusuma

  • HIS DANGEROUS LOVE (TROJAN LINDSTROM)   Kabanata 21

    MADILIM ang ekspresyong nakaguhit sa mukha ni Gresso nang tuluyang nakapasok si Trojan sa silid nito. Naupo si Trojan sa silyang katapat ng kapatid at pinanood itong magsalin ng paborito nilang alak sa dalawang baso.He suddenly remembered that day it was his brother whose body was swelling and full of bruises and cuts. Nang maging bahagi sila ng Albana, kinailangan silang dumaan sa matinding initiation. The Master ordered the men to hit them 'til they can no longer get up, but Gresso covered him and took all of the beating.Ilang beses niyang sinubukang itulak an

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status